bad news pa din...
distracted na naman ako sa trabaho.. :(
ngayon pang puno ng konsepto yung utak ko...
pinagde-design na naman ako ng logo ng jersey eh...
hay.....
ang masama kasi sa mga utang na loob na in terms of money, eh dahil fixed yung value nila..
mas madali siyang tandaan kapag ganun..
aalalahanin mo lang ang ilang numero, at may maisusumbat ka na...
ang hirap nung pakiramdam na kahit na anong gawin ko eh parang wala akong nababayaran sa mga utang na loob ko..
ilang art projects na ba yung nagawa ko..?
ilang computer units na ba yung na-repair ko...?
pero sa kabila ng mga yun eh parang hinding-hindi ako nakakawala sa mga utang na loob ko..
kung tutuusin nga eh hindi naman ako dapat ang nagbabayad sa mga yun eh...
para kasing kapag labor yung ginawa mo para sa kanila, eh parang wala ring halaga..
parang pinabili ka lang ng suka sa tindahan..
walang exact value, walang turing, kaya hindi madaling tandaan para sa kanila...
kaya nga ba mas gusto kong yumaman in an instant eh..
para pera na lang ang ipambabayad ko sa mga utang na loob ko..
that way, wala nang makakapanumbat sa akin na kesyo ganitong halaga ang nagastos ko para sa'yo noon..
pagkasampal ko sa kanila ng pera - edi kwits na..
gusto kong tapatan yung halaga ng mga nagastos nila para sa akin, para mabawi ko na ulit ang buhay ko sa mas measurable na paraan...
ayokong maging utusan ng kahit na sino..
at ayoko rin na inaagaw ang mga nalalabi kong oras sa mundo... :(
according sa record..
no charity included..
nasa Php 342,500 yung mga kailangan kong bayaran para kwits na ako sa lahat... :(
was feeling , yung pakiramdam na parang gugugulin mo lang yung buhay mo para sa pagbabayad ng mga utang...
>
[Online Marketing]
good news naman, para maiba...
mukhang naghabol rin talaga ng sale yung mga foreigner..
bumulusok yung benta ko..
at kung susundin ko yung monthly budget, eh nasalo na rin nga dun yung kailangan kong budget for October..
sa tantsa ko kasi eh magiging matamlay ang October kapag nawala na yung promo...
pero the same problem..
dahil sa kabobohan nung app, eh wala pa rin akong paraan para mailabas yung pera ko..
nakain rin nung business ng biological aunt ko yung pera na ipambubukas ko sana ng bank account..
kaya halos stuck pa rin ako..
back to zero yung pag-iipon ko ng Php 10,000 na pambukas ng account...
hay.....
kung may mate-test lang sana akong at least Nougat na Android phone, na pwedeng mag-switch ng SIM Card..
para ma-confirm ko lang kung gagana nga yung app..
mapapadali rin nun yung pag-produce ko nung Php 10,000 in case na hindi pa masyadong reliable yung app...
was feeling , konti pa.. este marami pa pala...
---o0o---
September 25, 2017...
nasa sa inyo naman yan eh...
aminado kayo sa mga sarili ninyo na hindi ninyo kaya yung 2 bata..
yung isa eh hindi nga normal ang behavior..
yung isa naman eh alagain rin at maligalig..
pero nagpapanggap kayo sa harapan ng pamilya nila na kaya ninyo..
tapos saka panay ang reklamo ninyo kapag nakatalikod na sila...
kagaya niyan..
kaarawan mo, pero ano..?
ni hindi ka makapagsimba..
libreng sine pa ang gustong unahin nung asawa mo..
tapos hati pa ang atensyon mo kung paano mo aalagaan yung 2 bata (may sakit pa yung isa), kung paano mo huhugasan yung mga pinagkainan nila noong umaga, kung paano ka mamamalengke ng mga order nila, at kung paano mo sila ipagluluto ng espesyal na pananghalian...
saan ka naman nakakita na kapag gusto nang mag-kalat-mode nung bata, eh biglang ililipat sa bahay namin...?
was feeling , hindi lang puros pera ang mahalaga sa pagpapamilya...
>
one year na ang nakalipas simula noong bumalik siya mula sa retirement..
pero hindi pa ulit siya nagiging active mula sa bakasyon..
ilang buwan na rin yun..
at nagiging mas kakaba-kaba ang bawat araw na lumilipas...
wala akong lead na nakukuha tungkol sa kanya..
puros mga kagrupo niya lang yung nata-track ko...
was feeling , kumusta na kaya yung babaysot na yun...?
---o0o---
September 26, 2017...
busy Tuesday...
pero buti na lang at si Emoji-Girl ang supervisor today..
akala ko eh buong September na niyang hindi pagagandahin ang mga Tuesdays ko eh...
was feeling , sideline-mode...
---o0o---
September 27, 2017...
sira na naman ang schedule ng trabaho...
makikipagbasag-ulo sa opisina..
tapos dito dadalhin ang kalbaryo sa bahay... :(
kagaya kagabi..
nasa 6 hours na nga lang ang tulog ko sa gabi..
tapos ang gusto pa eh hintayin kong matapos yung pagpasok ng mga e-mail..
eh lumabis na nga sa 1 GB yung pagkonsumo nung optimum bandwidth eh...
tapos ngayong araw naman..
hindi na nga ako nakapag-reset ng IP para sa trabaho..
tapos napakaaga pa na pumalo sa 850 MB yung paggamit sa optimum bandwidth...
tapos buong linggo ko na namang kailangan na ma-experience 'to...?
was feeling , huwag dalhin ang trabahong pang-opisina sa bahay...
---o0o---
September 28, 2017...
tapos na sa clinic, sa office, sa hallway, at sa kalye..
nasa last setting na ako..
yung pinakamahirap sa lahat..
yung maraming characters ang gumagalaw...
at sira pa rin yung Microsoft Store ko hanggang sa ngayon..
for the 3rd time... :(
was feeling , party time...
>
patay na si boss Hugh Hefner..
hindi na umabot sa 100 y/o...
titingnan kung may o ano ang magiging mga pagbabago sa industriya...
was feeling , salamat po sa magazine...
---o0o---
September 29, 2017...
[Public Interest]
madaling araw pa lang eh may damage na kaagad yung araw ko.. :(
excerpt na lang mula doon sa complaint yung ila-log ko para maiwasan ang quick search..
yung mga (.....) ay deleted paragraphs...
hindi na rin ako magpi-filter ng pangalan..
ayaw nilang umaksyon eh...
Issue: Globe Changing the Time of Expiration of Prepaid Load
.....
for many years hindi ako nakaranas ng malalang problema sa paggamit ng Globe Prepaid, sa tulong na rin ng 211..
okay naman kasi yung sistema niya na hindi nag-e-expire yung mga lumang load kapag nag-load ng panibagong amount bago pa yung scheduled na expiration..
bale naiipon yung mga hindi nagagamit na load at naa-adjust yung expiration date base dun sa pinaka-latest na date nang paglo-load..
base sa experiences ko nitong mga nakaraang taon eh ang oras o Time ng expiration ay halos kalapit lang naman parati ng oras ng paglo-load..
in addition, okay rin yung sistema kung saan nagse-send ang Globe ng warning na malapit nang ma-expire yung load a few hours bago pa 'to mangyari...
so para ma-maximize yung sistema..
ang ginagawa ko ay nagse-set ako ng monthly reminder..
tuwing kada-tapos kong mag-load ay kaagad akong nagba-Balance Inquiry para makita ko kung kailan ba ang bagong scheduled na expiration ng load ko..
base dun ay nagse-set naman ako ng reminder (para mag-load) na at least ay 2 hours ahead bago yung mismong oras ng expiration..
sa ganung paraan ay nagagamit ko naman nang husto yung haba ng buhay nung load..
dahil rin dun ay naging kampante ako sa sistema sa pangangalaga ng Globe sa mga prepaid load sa loob ng maraming taon...
pero may kakaibang nangyari nitong madaling araw ng September 29, 2017..
naka-schedule dapat ako na mag-load ng 4:00 PM, same date..
bale supposedly ay nasa bandang 6:00 PM pa yung expiration ng load ko..
kaso by 2:44 AM ay nag-send sa akin ng warning ang Globe na by September 29, 2017, 12:00 AM daw mae-expire ang load ko..
bale ilang oras nang huli yung warning ninyo kung ang pagbabasehan ay yung binagong expiration schedule, so nawalan na rin yun ng silbi..
nagulat ako na naging 12:00 AM na yung oras ng expiration dahil hindi naman ako naglo-load ng ganung kaalanganin na oras..
technically, pinaikli nila ng more or less 18 hours yung buhay nung load ko..
dahil dun ay kaagad akong nag-Balance Inquiry, at nadiskubre ko nga na yung Php 575 worth of load ko ay naging 0 na...
nawala po ang lahat ng load ko dahil hindi ko alam na napalitan na pala ang expiration schedule nito..
at hindi rin nagawa ng Globe na bigyan ako ng warning bago man lamang nila ipinatupad yung expiration...
ito po ang mga punto at tanong ko:
1) bakit po pinalitan ng Globe yung original na oras ng expiration ng load ko nang wala man lamang babala tungkol dun..?
2) kung may karapatan man po ang Globe na palitan yung Date/Time ng expiration, eh bakit naman po late yung pagse-send ng warning tungkol sa expiration..?
3) bakit po ang date doon sa warning ng Globe at doon sa pinaka-latest kong Balance Inquiry ay September 30, 2017 na, samantalang September 29 pa lang ngayong araw..?
salamat po sa matagal na panahon na naging efficient kayo, pero sana po ay panatilihinin na lang ninyo na maayos yung sistema..
sana po ay maging patas naman kayo, dahil hindi naman biro yung nawalang halaga sa akin..
regular naman po akong naglo-load monthly eh..
hindi po ako makapag-provide ng screenshots dahil lumang Nokia phone ang gamit ko at hindi rin naman malinaw na makuhanan ng mga smartphone yung screen nung Nokia..
pero siguro naman po ay mache-check ninyo yung history ng paggamit ko ng prepaid load, pati na rin yung history ng system messages na pumapasok sa number ko..
sa ngayon po ay hindi na muna ako naglo-load dahil baka may kababalaghan na naman na mangyari...
sana po ay matulungan nyo ako sa problema na ito, para maibalik yung nawala sa akin na load..
.....
kung sakaling pagkakamali ko na hindi ako nakagawa ng reminder kung kailan ulit ako maglo-load, eh matatanggap ko na nawalan ako ng malaking halaga eh..
pero yung ipapakain sa sistema yung load ko sa pamamagitan ng pagmo-modify sa schedule ng expiration at sa sobrang late na pagpapadala ng notification tungkol sa expiration - eh parang pasimpleng pagnanakaw na yun..
and to think na may labis na bayad pa kami regarding naman sa broandband ang ayaw nilang ibalik dahil kumupas na yung resibo mula sa payment center... :(
was feeling , tang ina! text messages na galing sa FUTURE...?
>
[Public Interest]
bullshit!
so yun na pala ang bagong technique ng Globe..
kaparehas ng sa iba..
yung wala ng e-mail address para mawalan ng kakayahan ang mga customer na ma-track yung mga complaints...?
tang ina!
nag-e-mail ako kanina pero wala man lamang automatic reply kung natanggap ba nila yung e-mail ko..
tapos dumaan na rin nga ako sa Facebook, pero puros automatic naman yung reply at walang taga-chat..
after that, tumawag naman ako sa 171, pero muli naman akong pinadaan sa e-mail para daw mai-attach yung mga proof ko..
pero ayaw naman nilang magbigay ng exact e-mail address...
tang ina!
ganitong-ganito rin yung nangyari noon sa labis na bayad namin sa Globe din eh..
pinaikot lang nang pinaikot yung mga reklamo hanggang sa mabura na yung mga ebidensya...
was feeling , bakit ba sobrang corrupt ng lipunan natin...?
>
[Public Interest]
nakakapagod makipaglaban sa kasamaan... :(
bakit ba kasi parang hindi pwede sa maraming tao yung maging patas at gawin na lang kung ano ang tama...?
kagaya nun..
technically speaking, makikita naman sa sistema nung kompanya kung ano ngang mga nangyari dun sa account..
alam ko, dahil twice na akong nakapagpa-check noon ng mga minor issues..
kaya bakit kailangan nila ng malinaw na proof mula sa biktima..?
so kasalanan ko pa ngayon na hindi smartphone ang phone ko kaya walang screenshot..?
nag-provide ako ng pictures gamit ang ibang phone pero iginigiit nila na kailangan pa nila ng mas malinaw...?
at tsaka yung tungkol sa payment..
sila mismo ay may kopya nung Statement of Account na naging negative..
may paraan rin sila para i-check kung anu-ano yung mga pumapasok na bayad sa kanila, kaya nga sila nakakapag-update ng SOA eh..
pero bakit nila hahanapan pa ng kopya ng kumukupas na resibo mula sa payment center yung biktima...?
dahil ang totoo ay gumagawa lang sila ng paraan para hindi ka makapag-claim..
lahat ng pumapasok at nananakaw nila eh income na para sa kanila, kaya wala silang balak na pakawalan ang mga yun..
unless may kakayahan ka ngang makipaglaban sa kanila gamit ang oras, pera, at effort..
pero basically, niloloko ka lang talaga nila hanggang sa sukuan mo na yung kaso...
nakakatakot lang kasi na may kakayahan pala sila na mag-modify ng expiration date..
biruin mo, kahit na alam at tandaan mo pa kung kailan ka dapat mag-load, eh hindi ka pa rin secure..
paano kung parating madaling araw na lang nila gawin yung mga pag-atake nila..?
se-send-an ka ng expiration notice sa madaling araw, na almost 3 hours na AFTER nilang pa-expire-in ang load mo...?
ang mahirap kasi kapag involved na yung contact number, eh posible nung i-reveal yung iba pang mga maseselan na details tungkol sa'yo at sa iba mo pang mga accounts eh..
kaya hindi madaling magreklamo gamit yung mga ganung bagay...
ang una, panggagago tungkol sa broadband na mahigit 8 years naming ginamit..
tapos ngayon naman, sa mobile number na mahigit 9 years ko nang ginagamit..
wala ba talagang halaga para sa kanila yung mga ipinapasok naming pera sa kanilang kompanya..?
kinakabahan tuloy ako ngayon para sa GCash ko... :(
was feeling , silent thief...
---o0o---
September 30, 2017...
yung 3 beses mo nang na-send sa PM yung number mo..
pero talagang hihingin pa ulit sa'yo, para daw ma-check na nila..
delaying tactics..
putang ina, bakit ba may mga kompanya na ganito kabobobo ang empleyado...?
magaling sila, kumikita sila ng pera sa pagtatanga-tangahan..
samantalang yung mga consumer na naaabala nila, eh marami ang nawawala sa buhay...
wala akong pera..
wala akong oras..
wala akong impluwensiya..
pero putang ina, bibigyan ko kayo ng isa pang buhos ng effort..
after that, at hindi umaksyon ang NTC at [Name of TV Network] - eh ibig sabihin lang na pare-parehas lang sila...
is feeling , isa pang laban sa kasamaan...
No comments:
Post a Comment