after 2 years, at tsaka a year and a half..
binuksan ko na rin sa publiko yung cellphone loading raket ko..
sayang din kasi yung additional na kita eh..
magiging yayo na nga ako ng bata for what, 6 years..?
wala na akong magagawa bilang line artist..
kaya naman, kailangan kong mag-improvise sa source of income ko...
para na rin makabingwit naman ako ng numero ng mga chicks... ^_^
may isang bagay akong hindi maintindihan tungkol sa raket ng paglo-load..
hindi ko kasi maunawaan kung bakit may additional na 2-Peso charge sa mga tindahan eh..
ano yun..? may bayad ba yung pagte-text nila..
takang-taka tuloy ang mga tao sa tuwing nagpapa-load sila sa akin..
kasi hindi ko na pinapatungan kung anuman yung amount na pina-load nila (unless kailangan talaga)..
para sa akin sapat na kung anuman yung rebate o discount na nakukuha ko mula sa paglo-load..
hindi ko na kailangang lokohin pa at pagsamantalahan yung ibang tao..
i mean, tama lang naman siguro na ang bayaran ng mga customer eh kung magkano man yung actual na load na magagamit nila - kasi nga may natatanggap na naman akong rebate o discount doon sa proseso eh..
masaya na ako na nakakatulong ako sa iba, habang mina-maximize ko kung anuman yung mga raket na meron na ako...
---o0o---
July 24, 2014...
mga 4:00 PM..
nakita namin si Bella na nagpunta doon sa may tindahan sa tabi ng basketball court habang naglilikot yung alaga ko doon sa katapat lang nito na nagsarado ng tindahan...
at..
hindi ko pa rin maibigay yung mga rambutan na para kay Ate PKI Bella...
---o0o---
July 28, 2014...
by 11:15 NN..
first time kong binati si High School Student habang papasok na siya sa school..
nakita ko kasi siya noong papalabas na ako sa kabilang bahay eh..
yung tipo ng pagbati na tinginan lang na may pagtaas pa ng kilay..
at binati niya rin naman ako nang nakangiti...
---o0o---
July 29, 2014...
by 8:15 AM..
nilakasan ko na yung loob ko para lapitan si Bella..
bago yun, nakagala na rin kami ng alaga ko doon sa tapat nung lugar nila eh..
pinansin pa nga nila nung pamangkin niya yata yun na batang lalaki yung kasama kong baby habang papunta sila sa looban ng subdivision...
ayun nga, by 8:15 AM eh wala na akong kasamang baby noon, dahil iniuwi ko na siya matapos na may magpausok malapit sa bastketball court..
pagbalik nila galing sa looban, eh in-approach ko na siya..
wala naman, siniguro ko lang na kasama nga niya sa bahay yung si Ate PKI Bella - na customer ko na hindi ko pa nabibigyan ng mga rambutan..
d-in-escribe ko lang sa kanya yung itsura nung hinahanap kong babae eh..
tapos noong medyo masiguro ko na na kilala nga niya yung tinutukoy ko, eh pinahintay ko siya saglit sa labas ng bahay nila para maibigay ko sa kanila yung mga rambutan na itinabi ko talaga para sa kanila...
Azel o Aizel yata yung name nung hipag ni Bella eh..
asawa daw yun ng 'Kuya' niya...
ang napansin ko..
hindi talaga siya perpektong kandidata eh..
may mga bagay naman na tama tungkol sa kanya..
pero meron ring hindi:
- hindi makinis ang mukha
- madilaw ang ngipin (madilaw pa kesa sa akin XD)
- may mga pagitan yung ngipin, lalo na sa bandang harapan
- at hindi makinis ang legs - may mga peklat
kung pagsasamahin ko yung good qualities nilang dalawa ni High School Student, siguro makakabuo ako ng perpektong modelo..
hay..
kailangan ko talaga ng mas balanseng babae...
---o0o---
July 30, 2014...
dahil sa muling paghihingalo ng tindahan sa harapan namin..
eh mukhang napuwersa na si Stepmom na lumapit sa akin para sa pagpapa-load ng cellphone..
medyo kadiyahe pa nga..
kasi naman first time niya, tapos nag-lag naman yung system na ginagamit ko.. XD
pero naayos pa rin naman...
---o0o---
July 31, 2014...
AM..
nagpa-practice ulit kami nung alaga kong baby na maglakad..
failed to greet High School Student, eh kasi naman long range eh (nasa magkabilang side kami ng kalye, tas may kalayuan pa mula sa isa't isa)..
pero tumingin pa rin siya sa akin...
nakita ko rin noon si Bella..
nagpunta sa tindahan sa tabi ng court..
nakatapis ng tuwalya sa bandang ibaba eh..
maliligo na siguro para pumasok sa trabaho...
by PM..
medyo nakabawi naman ako kay High School Student..
eh kasi bumili na ulit siya sa amin ng yelo..
hindi naman kami nagkakakuwentuhan pa nun..
pero tuwing may sukli kasi siya, eh understood na naming dalawa na saka na lang niya yun gagamitin sa susunod niyang pagbili sa amin..
kaya ayun, napangiti na lang siya noong sinabi ko na 'next time na lang ulit'...
11 days na simula noong binuksan ko yung loading raket ko..
pero hindi pa bumabalik sa akin ang mga regular na customer ko..
simula pa yun noong bumagyo eh..
wala si Bella, si Ate PKI Bella, si Kinis, si Ate PKI Nunal..
si High School Student pa lang ang bumabalik sa amin simula noong araw na yun...
---o0o---
August 1, 2014...
bandang hapon..
napatingin na naman ako doon sa Babaeng Peke Ang Kilay..
nakatambay kasi kami noon nung baby doon sa harapan ng bahay ng mga friends niyang aso eh..
nang dumaan yung isa, pumunta sa tindahan sa may tabi ng court..
pero dinedma ko na lang siya noong pabalik na siya...
---o0o---
August 2, 2014...
hala..
kinontrata na ako ni Stepmom tungkol sa pagpapaload through text..
in case daw na wala siya dito sa lugar namin at kailanganin niya ng load..
saka daw ang bayad pagkauwi niya...
No comments:
Post a Comment