Wednesday, August 27, 2014

Budgies Update: August 2014 - 4th Clutch


by August 18, 2014 (24 days na yun after lumabas nung egg #5 para sa 2nd clutch, bale sobra na talaga yun sa allowance na ibinibigay para sa haba ng araw ng incubation)..
so nag-decide akong i-pull out na yung 5 itlog mula sa 2nd clutch, at saraduhan na muna yung nestbox para mabigyan naman si Yellow-Brown ng panahon para makaiwas sa pangingitlog at makapag-recover ng calcium..
pero sa kaparehong araw na iyon, napansin kong nadagdagan na pala ulit ng 1 itlog yung dating 5 lamang..
so in-assume ko na magsisimula na si Yellow-Brown noon na mangitlog para sa 3rd clutch nila..
at dahil sa takot na baka madagdagan na naman ng at least 4 eggs yung 5 mula sa 2nd clutch dahilan para hindi sila malimliman nang husto ng kanilang inahin, eh nag-decide ako na alisin na nga yung mga lumang itlog at ibalik na lang yung bagong labas...


ayun nga, inilabas ko lahat yung mga itlog..
tapos nagsagawa ako ng candling test para ma-check kung anong itlog yung bagong labas lang, at para matingnan na rin yung mga naging development doon sa mga itlog mula sa 2nd clutch..
1 sa mga iyon ang mukhang bagong-bago pa lang (kaya in-assume ko na iyon yung egg #1 para sa 3rd clutch)..
at may 1 ring itlog na tila nagkaroon naman ng laman dahil malaki ang area nito na dark na dark yung kulay base sa candling test..
kaya sa bandang huli eh nagdesisyon ako na 2 yung ibalik na itlog sa nestbox - iyong 1 bago at iyong 1 mukhang may laman (sa pag-asa na mapipisa pa nga ito)...

sa kaparehong araw, nakita ko rin na muling nag-mate sina Yellow-Girl at Yellow-Brown...

heto naman ang kuha ng cellphone camera habang nagme-mate sina Yellow-Girl at Yellow-Brown noong August 19, 2014 (pasensya na sa low quality picture, mahirap na at baka maistorbo pa yung dalawang ibon eh XD)...

by August 20, 2014 naman..
napansin kong nagsimulang maglabas-masok sa nestbox nila si Yellow-Girl..
isang behavior na bihira kong makita sa kanya bilang isang cock..
bale nakita ko na yung ganoong ugali noon kay Blue, pero iyon ay sa tuwing gagalawin ko lang yung kulungan nila ni White..
at this time nga, eh nagtaka na ako sa ginagawang iyon ng lalaki kong budgie..
so nag-decide ako na silipin kung ano ba yung nangyayari sa loob ng nestbox nila, at laking gulat ko na lang nang madiskubre ko na nawala na yung 2 itlog na ibinalik ko sa loob nun, at maging iyong mga ipot at balahibo ni Yellow-Brown na nakakalat noon na parang ginawang bedding eh nalinis na rin ng mga budgie ko...

saka ko na lang na-realize na mukhang totoo nga pala iyong sinabi sa akin ng pinsan ko na nag-aalaga rin ng mga budgies na kusang tinatanggal ng mga ganitong klase ng ibon iyong mga itlog na hindi napisa..
ang tanong ko eh, bakit idinamay nila pati yung bago nilang itlog..?
na-badtrip ba sila dahil nagalaw ko iyon??
at tsaka saan ba napunta iyong mga nawalang itlog at pati na rin iyong mga balahibo at ipot sa loob ng nestbox nila, kasi hindi ko rin makita ang mga iyon sa may lupa na direktang nasa ilalim lang ng kulungan nila eh..?
ano yun, kinain nila iyong mga itlog na hindi napisa???


by August 24, 2014..
nadiskubre ko na lang na may bago na ulit itlog sa loob ng nestbox si Yellow-Brown..
ika-count ko na lang siya as egg #1 ng 4th clutch since medyo malayo na yung agwat nito sa naudlot na 3rd clutch...

by August 25, 2014 naman ng umaga..
eh nahuli ko na ulit na nagme-mate sina Yellow-Girl at Yellow-Brown...
hopefully magawa na nga nila ito nang tama this time, habang mukhang malusog pa at hindi kinukulang sa calcium si Yellow-Brown...

by August 26, 2014 naman ng hapon..
lumabas na rin yung egg #2 para sa 4th clutch..
so tama nga yung assumption ko na August 24 lumabas yung egg #1..
mas madalas ko na silang makitang nagme-mate lately at medyo naiba na rin yung paraan o estilo ni Yellow-Girl sa pagpapakain kay Yellow-Brown through regurgitation (mukhang sinasamahan na niya ng maraming tubig, dahilan kung bakit marami parating nabalatan ng bird seeds ang naiiwan doon sa lalagyan nila ng tubig)...


No comments:

Post a Comment