Friday, August 15, 2014

Cigarette Smoking is Dangerous to Your Health!

bago yung patungkol sa sigarilyo..
eh are muna ang ilang comment ko regarding dun sa loading system na ginagamit ko para sa mga cellphone...


may factor pala na hindi ko na-consider..
paano nga kung dahil sa medyo kakaiba yung loading system at syntax na ginagamit ko, eh ako yung sisihin ng mga user sa mga nananakaw sa kanilang load..?

feeling , hala naman!


patay naman sa bagong price list ng loading system na ginagamit ko..
dammit, Smart!
super gahaman ka!
'SMART' talaga yang kompanya ninyo!
mula sa load discount(s) na nagre-range from 3+ to 6+ percent, eh ngayon eh ibinaba na lang nila sa 1+ to 4+ percent..
parang balak na talaga nila kaming alisin sa sistema ah..?
eh load rin naman nila yung ibinibenta namin - so basically, nakakatulong rin kami sa sales kanila...
— feeling , magpapalit na naman ng singilan nare...

---o0o---


Cigarette Smoking is Dangerous to Your Health!

TO ALL CIGARETTE SMOKERS,

sa puntong ito naniningil na yung bisyo nung demonyong yun..
mas hirap na siyang huminga kaya lalo na siyang nawalan ng silbi dito sa bahay..
halos buong buhay niya eh naninigarilyo na siya..
siguro mga 48 years na..
ultimo sa pagtae niya, eh nag-mind set na siya na hindi siya matatae kung wala siyang hihithitin na yosi..
at sa pagtulog niya eh hindi siya makakahinga nang ayos kung hindi siya tututukan ng electric fan..
ang pinakamalala sa bisyo niya na 'to eh naninigarilyo siya nang indoor, kahit may kasama siyang ibang tao...

matagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to..
pero hindi sa ganitong paraan..
sobrang nakakapanghinayang lahat ng perang nasayang sa walang kabuluhan na sigarilyo, at pati yung perang pinambabayad sa kuryenteng pang-life support niya..
kung magpapakamatay ka lang naman - eh dapat isang diretso na..
hindi yung maninira ka pa ng baga ng ibang nilalang, at dadagdag ka pa sa pagkasira ng mundo - nag-iisa lang ang mundo in case nakakalimutan yun ng mga tao...

kung meron man akong pino-problema sa ngayon..
yun eh kung saan kami kukuha ng pampalibing niya..
sa ngayon eh baon pa rin kami sa mga utang..
at mas malaking problema kapag naisipan pa niyang magpa-ospital o mag-gamot..
sa sobrang walang kuwenta niyang tao, eh ni hindi niya pinaghandaan yung sarili niyang kamatayan..
bukod dun, iniisip ko rin kung gaano na niya nasira yung mga baga naming mga secondhand smokers sa paligid niya..
ayoko kasing isipin na dadanasin rin namin yung nararanasan niyang pagkasira ng katawan, na makakadagdag pa sa mga gastusin...
 
feeling , silly humans...


No comments:

Post a Comment