double transaction with Ate PKI Bella..
noong una eh bumili siya ng yelo kasama yung anak niya yata yun na batang lalaki...
tapos noong pagabi na eh naging kliyente ko na rin siya sa load, Talk N Text o Smart yata siya eh..
umuulan pa naman noon..
nakakahiya nga eh, kasi nag-alis pa siya ng tsinelas niya noong pinapasok ko na siya sa terrace namin..
eh basa rin naman yung sahig ng terrace namin...
eh si Bella kaya mismo, kailan ko kaya siya magiging kliyente...?
* Ate - ang term na ginagamit ko para sa mga kababaihan na may anak na, subalit wala pa sa estado ng pagiging Ma'am (40's)
---o0o---
August 19, 2014...
naman!
mukhang na-evict na mula sa bahay na may tindahan sa tapat namin yung petite na Iglesia ah..?
tsk!
pinaalis na nga nung may-ari yung Category A niyang anak, tapos ngayon naman eh pinaalis na rin yung pamangkin niya yata yun..
pero noong narinig ko silang nag-uusap-usap noong isang araw, eh nabanggit niya na babalik daw siya dahil hindi naman niya gusto doon sa San Juan..
nabawasan tuloy ako ng isang kliyente...
by PM (hindi ako nakapag-log ng oras eh, pero medyo maliwanag pa noon sa labas)..
makalipas ang halos isang taon, more specifically - more than 11 months..
at heto yung post ko noon sa Facebook:
after a very a long time..
nagkaroon na ulit ng lakas ng loob yung Babaeng Peke Ang Kilay na sumugal at lumapit sa akin..
isang ice encounter..
tapos binabasa pa niya yung karatula ko sa gate.. >,<
tss!
hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya kung bakit nagawa na niya yun..
o siguro nabigyan ko rin siya ng maling impression na kesyo 'okay' na kami dahil sa kapalpakang nagawa ko sa nakaraang encounter namin noong August 6 - kung saan kinausap ko siya...
— feeling , ibig bang sabihin na mas mararamdaman ko na ulit yung presence niya...?
---o0o---
August 20, 2014...
by 11:20 NN..
nakapagba-bye na ulit kami ng alaga kong baby kay High School Student habang papasok siya sa school kasama ang isa pang babaeng estudyante..
siya yung naunang bumati sa alaga ko eh..
kaya yun, nagkaroon kami ng pagkakataon para batiin rin siya..
ang ganda niya talagang ngumiti - something na wala kay Bella.. ^_^
ilang taon na nga kaya siya..?
at tsaka medyo na-verify ko na pala, mga Ilongga nga sila at hindi Ilokana..
gaano naman kaya katotoo na malalambing ang mga Ilongga...?
---o0o---
August 21, 2014...
before 8:00 AM..
we get to hangout with High School Student for a while..
weekday, pero holiday noon dahil kay Ninoy Aquino eh..
nasa may playground na katabi ng basketball court kami ng alaga ko..
tapos nakita kong papauwi sa bahay nila sina High School Student at yung si Kulot na pamangkin niya yata yun na baby..
edi ayun, binati namin yung alaga niya na pare naman ng alaga ko..
akala pa nga ni High School Student noong una na may sinasabi ako sa kanya eh..
tapos lumapit sila sa amin ng alaga ko..
ayun, kuwentuhan ng konti tungkol sa mga baby - kalbo na kasi yung si Kulot ngayon at dumami na yung ngipin niya (at 1 year old)..
kaso mas ginustong maglakad nung alaga ko, bumaba siya mula sa pagkakakarga at hindi na pinansin si Kulot..
kaya ayun, nagba-bye na sa amin sina High School Student at ang pamangkin niya..
salamat sa mga bata - dahil sa kanila nakakalapit ako sa mga taong gusto ko...
by 10:30 AM..
finally!
isang ice encounter with Bella..
mukhang kasama pala niya noon yung anak ni Ate PKI Bella..
mas makinis yung mukha niya this time..
tapos habang nasa loob pa ako ng bahay, eh nakita kong binabasa rin niya yung karatula ko sa may gate..
sana next time eh sa akin na rin siya magpa-load... :)
isa na lang talaga ang hindi bumabalik sa akin na regular kong customer simula noong bumagyo..
si Ate Kinis..
pero bakit naman kaya...?
malungkot..
a customer claimed that loading him via GCash (2882) triggered alerts from (2364?), basta yung 4-digit number na assigned for ringback tones..
at kinakain lang nun ang mga load na pumapasok sa kanya...
— feeling , tanga ba yung SIM niya o talagang bagong scheme yun ng Globe...?
a customer claimed that loading him via GCash (2882) triggered alerts from (2364?), basta yung 4-digit number na assigned for ringback tones..
at kinakain lang nun ang mga load na pumapasok sa kanya...
— feeling , tanga ba yung SIM niya o talagang bagong scheme yun ng Globe...?
No comments:
Post a Comment