by morning..
nagpa-load na rin sa akin si High School Student..
sa 'Kuya' daw niya yung number na pina-load-an niya eh..
tapos nakalimutan pa niyang magbayad..
haha! natawa na lang ako sa kanya...
para kasing wala sa sarili noon eh..
agree siya nang agree sa mga sinasabi ko, tapos saka niya na-realize na hindi pa pala siya nag-aabot ng bayad noong papalabas na siya ng gate namin..
medyo napahiya yata siya..
pero sinabi ko naman sa kanya na 'okay'lang yun...
tapos..
maging si Half-Brother eh lumalapit na rin sa akin para magpa-load..
pero i believe nautusan lang siya para pa-load-an yung number na yun..
yun kasi yung number na madalas ko nang load-an ngayon - na hindi ko pa nakikita kailanman ang tunay na may-ari eh...
by afternoon..
may birthday-an pala sa bahay nina High School Student..
una kong napagbentahan yung bayaw niya yata yun eh - yung tatay nung kulot na baby na lalaki na 'pare' ng alaga ko..
tapos maya-maya pa, eh si High School Student na yung bumili sa amin..
medyo nakakahiya..
kasi may okasyon pala sa kanila, pero hindi ko na-meet yung demand nila sa yelo..
regular na customer ko pa naman sila..
kaya ayun - i failed them..
dapat kasi nagpasabi sila sa akin nang mas maaga eh...
at isa pa..
3 years na sa akin ang Nokia 2730C ko..
at good news yun para sa akin..
haha! nakaka-apat pa lang ako na unit simula nang mauso ang cellphone sa mundo...
ano pa ba ang magandang raket habang nag-aalaga ako ng sanggol..
yung tipong pwedeng pambahay lang..
at yung walang mairereklamo ang consumer...??
— feeling , wala na - hindi na talaga ako magiging line artist neto...
---o0o---
August 4, 2014...
by noon..
nabati ko na ulit si High School Student sa pagpasok niya...
tapos..
nagpa-load na rin dito sa bahay yung petite na pamangkin na babae nung may-ari ng tindahan sa tapat namin..
cute din pala siya..
medyo tagihawatin nga lang..
mukhang pinatay ng loading raket ko yung loading business ng tindahan nila ah..
hindi kasi ako nagdadagdag ng charge sa kung magkano man yung nire-request sa akin na load ng mga tao hangga't hindi naman kailangan eh..
medyo nakakahiya..
minsan kasi sila na mismo yung nagti-tip sa mga nabili sa kanila na dito na sa bahay magpa-load..
pero sayang rin naman kasi kung hindi ko gagamitin kung anuman yung meron na ako..
lalo na ngayon na babysitter na lang ako..
maraming nasasayang na oras..
kaya kailangang s-um-ideline kahit na papaano..
kailangang mag-ipon ng pambili ng sleeping pills at pang-cremate...
at..
6 years nang hindi dumadaan sa barbero ang buhok ko...
---o0o---
August 6, 2014...
dammit!
i was forced to talk to her.. T,T
dun sa Babaeng Peke Ang Kilay..
nang dahil lang sa loading raket ko..
kaya ako tuloy ang unang bumali sa 'walang-pansinan' rule na ginawa ko...
ang nangyari kasi..
edi kinontrata nga ako ng Stepmom niya para sa pagpapa-load na through text lang..
eh noong araw na 'to eh medyo naging weird o unusual yung mga request ni Ma'am..
kaya minabuti ko na linawin sa kanya yung mga bagay-bagay sa personal..
pumunta kami ng baby na inaalagaan ko sa tapat ng inaayos nilang bahay - nagbabakasakali na makita si Ma'am..
kaso habang nakatigil kami doon sa tapat ng bahay nila..
eh bigla namang nakasulpot areng si Babaeng Peke Ang Kilay mula sa kabilang kalye..
bumili yata siya ng kung anong junkfood doon, o baka nagpa-load din, o kung ano...
medyo nag-panic mode ako noong mai-spot-an ko na siya..
'hala, anong gagawin ko?' kaagad ang tanong ko sa sarili ko..
naisip ko na i have to talk to her Stepmom kahit na anong mangyari, dahil responsibilidad ko yun sa kanya bilang isang service provider..
at naisip ko rin na ayokong isipin ng 'babaeng yun' na nagmamanman ako o may ginagawang kalokohan sa tapat ng bahay nila kaya lang kami nandoon ng alaga ko...
noong papadaan na siya sa harapan ko eh talagang parang dedma lang..
malayo ang tingin..
at parang sinusubukang hindi mamansin..
o siguro hindi niya rin ini-expect na kakausapin ko na ulit siya sa puntong iyon..
pero bigla ko na nga lang siyang kinausap..
wala ng bati-bati..
basta ko na lang tinanong sa kanya na 'andyan ba si Ma'am?'..
yung tila patay niyang senses noong una, eh biglang nabuhay, at pinansin na niya ako..
ewan daw niya, bakit daw ba..?
sinabi ko naman na kakausapin ko lang sana tungkol sa load..
at sumagot naman siya na 'saglit lang at titingnan niya (sa loob ng bahay nila)'..
after that silly encounter, eh si Stepmom na lang niya yung humarap sa akin...
siyempre medyo nakaka-down para sa akin..
ako yung biktima sa naging istorya namin..
tapos parang ako yung naunang nagbaba ng pride sa tagpong ito..
nakakaasar...
sinubukan ko na ring batiin si Ate PKI Nunal ni High School Student habang papauwi na siya galing sa trabaho..
siya yung nanay ni Kulot na 'pare' ng alaga ko eh...
tapos..
by 6:45 PM..
nakita ko naman si Bella na papaalis suot yung green uniform niya..
may mga gabi rin nga pala siyang pasok sa trabaho ah..
ano nga kaya ang trabaho niya..?
pwede kasing naka-sandals eh...
---o0o---
August 8, 2014...
medyo matagal na rin simula noong buksan ko sa publiko yung loading raket ko..
pero wala pa rin akong panibagong ice encounter kina Bella, Ate PKI Bella, at Ate Kinis..
mukhang Ate na rin nga si Miss Kinis, kasi sariling anak niya yata yung batang babae na parati niyang inaalagaan..
ano nga kaya ang nangyari..?
namigay lang naman ako ng mga rambutan sa mga customer ko ah..
huwag mong sabihing na-insecure yung mga boylet nila sa buhay simula noong makita nila kung kanino bumibili ng yelo ang mga asawa nila..?
o baka inisip nila na may malisya yung mga rambutan...?
ay naman!
pero sa totoo lang..
nakaka-miss rin yung may nakikita kang magagandang babae araw-araw..
na parang sila na lang yung medyo nakakapagpasaya sa araw mo...
No comments:
Post a Comment