so base nga sa pinakahuli kong update noon..
eh naka-5 itlog pa pala ulit sina Yellow-Girl at Yellow-Brown..
hinintay at inobserbahan ko ang mga ito 23 days after lumabas yung kauna-unahang itlog para sa 4th clutch nila...
by September 18, 2014..
si Yellow-Brown kasama ang kanilang 4th clutch..
with 5 eggs..
at may pagka-kulay balut na yung 3 itlog sa right side...
by September 20, 2014..
isa sa mga itlog ang na-kick out na mula sa nest box..
ito rin ang kauna-unahang beses kong nakakita ng itlog na inalis sa pugad ng kanyang mga magulang (na may solid evidence)..
bukod sa pagiging kulay balut, napansin ko rin na mukhang may mga konti ng crack sa itlog na ito..
heto nga yung unang itlog na na-kick out..
may diagonal crack..
at sa kabilang side naman ay may vertical crack..
at heto yung resulta noong binuksan ko na yung itlog..
mukhang may konti na siyang nabuong laman (embryo) na parang black in color at may red blood-like substance..
yung fluid naman sa palibot niya eh mabahong brownish-green..
by that time, naisip ko na mukhang yung mga budgie na mismo yung nag-che-check kung may laman nga ba yung mga itlog nila o wala..
na sila yung kusang bumabasag dito (naglalagay nung crack), at kapag nakita nila na undeveloped yung laman nito ay inaalis na nila ito sa loob ng nest box...
by September 22, 2014..
isa pang itlog na na-thrown out...
at, by September 25, 2014..
nag-decide ako na i-pull na lahat nung mga itlog mula sa 4th clutch..
1 dito yung bago pa ang kulay at itsura, at 2 yung kulay balut na..
sa halip na isali pa sila doon sa koleksyon ko ng mga itlog, eh minabuti kong buksan na lang silang lahat, since may crack na ang bawat isa sa kanila..
yung mukhang bago pang itlog ay may sariwa pa at dilaw na yolk..
yung 2 namang kulay balut na itlog eh puros moss green na fluid yung laman...
ayun..
bale 17 eggs na lahat yung napo-produce nila..
at wala man lamang ni isa sa mga iyon ang tuluyang naging inakay..
mga bugok talaga!
No comments:
Post a Comment