Friday, September 5, 2014

A Laptop Sideline - First Week of September 2014 (Load Encounter)

August 29, 2014...

sa wakas!
after more than 2 years..
umabot din ng Php 1,000.00 ang income ng VMobile ko.. XD
iba talaga pag micro-business..
ano kayang franchise ang mabili sa susunod...?
 
feeling , accomplished - haha!

---o0o---


September 1, 2014...

mga 11:30..
first load encounter with the Babaeng Peke Ang Kilay..
nasa likod-bahay ako noong dumating siya eh..
akala ko eh kung sinong binibiro nung biological demon sperm donor ko..
tapos nung nakita ko na eh yun ngang Babaeng Peke Ang Kilay pala na nakapayong dahil medyo maulan noon..
kaso - isa yung failed encounter, i mean transaction..
nagka-problema kasi noon yung pang-load ko sa Smart, at nagkataon pa na below 30 na lang yung nasa load wallet ko..
t-in-ext at tinawagan rin ako noon ni Stepmom eh..
sino naman kaya yung nag-utos sa kanya na lumapit na naman sa akin...?


end of August..
pero ni hindi ko pa rin naging kliyente si Bella (naman!)...

at heto yung stats:

currently, meron ng 3,600 Php sa B-Fund..
1,300 pa ang pending..
bale 4,900 pa lang yun..
basically mukhang hindi ako aabot sa deadline, so mabuti pa siguro kung mag-quit na lang ako..
besides, parang nakakahinayang nang gastusin yung mga perang (barya) pinaghirapan ko lately...

for Globe & TM:
- umabot ng 3,885 load ang total sales
- at may gross na net income na rin na Php 301.30

para naman sa OTHER networks:
- 2,800 ang total sales sa load
- Php 120.79 ang gross income
- 43 pesos ang naging gastos sa paglo-load
- at 43 transactions naman ang na-save by the internet
 
 — feeling , ano kaya ang magandang i-franchise..? kung strip club kaya..??


yung pakiramdam na 28 y/o ka na pero binibigyan ka pa rin ng nag-iisa mong Ninong sa buhay ng pera..
bukod pa dun yung lahat ng inalok niyang trabahong pang-gobyerno na tinanggihan ko lang..
pinaka-last yung pagiging isang bombero..
sobra na akong nagiging pabigat sa kanila..
mas nag-aalala pa sila tungkol sa future ko kesa sa akin..
alam kong sobrang bait nila..
pero ang hirap sabihin sa kanila na ang tanging gusto kong future eh - yung future kung saan pataba na lang ako sa lupa...
 

— feeling , kaya nga ba ayaw kong maging Ninong kahit na para kanino eh - dahil kamatayan na lang naman ang naghihintay para sa akin...

---o0o---


September 2, 2014...

after such a long time..
in-accept na rin nung Babaeng Peke Ang Kilay yung request ko sa isa pang website..
ni hindi ko na nga yun inasahan eh..
ayun..
still no sign of the Luckiest Guy on Earth..
pero may isang caption dun na "missin' my labs" eh..
so mukhang 'labs' nga yung tawag niya dun sa boylet niya...

---o0o---


September 3, 2014...

mukhang 7:00 PM na ang labas nina High School Student sa school nila ah..
hindi ko pa ulit siya nababati eh..
puros sablay kasi yung dalawa kong huling close encounter with her..
tapos wala pa kaming ice encounter lately...

---o0o---


September 4, 2014...

mukhang ilag nga sa akin yung Tatay nung Babaeng Peke Ang Kilay..
pati construction worker na nag-aayos ng bahay nila eh inuutusan na niya sa pagpapa-load sa akin eh..
siguro may kinalaman nga siya sa naging papalit-palit na binitiwang mga salita noon nung anak niya..
buwisit na buwisit siguro yun sa akin matapos niyang malaman dati na nagkagusto ako sa anak niyang dalaga..
kaya siguro hinding-hindi niya magawang lumapit sa akin...

---o0o---


September 6, 2014...

by morning..
naman..
pati yung Kuya nung Babaeng Peke Ang Kilay na hindi naman taga-dito sa subdivision eh sa akin na rin nagpa-load ng TM niya..
at sino naman ang nagrekomenda dun na sa akin lumapit para sa load...?


No comments:

Post a Comment