Saturday, September 27, 2014

The Story of Anne - Fourth Week of September 2014 (Pag-Iwas)

September 20, 2014...

out by 6:55 AM on a Saturday..
sobrang busy niya at parating wala dito..
sino nga kaya yung boyfriend niya..?
bakit ganun na lang makatingin sa akin yung angkas na lalaki ni Long Hair na medyo maitim..?
pati tuloy si High School Student eh hindi ko na mabati dahil hindi ko na alam kung ano bang tingin na nila sa akin ngayon...


single ladies - OUT OF STOCK T,T 
— feeling , kailan kaya magre-restock...?

---o0o---


September 21, 2014...

Sunday..
mukhang may okasyon kina Azel..
kaya pala ang dami niyang kabuntot na mga dayong taga-PKI noong umaga pa lang..
kina Ate PKI Puti naman eh nagpakabit na ng mas matibay na gate, dahil siguro may tricycle na sila..
Amar yata yung pangalan nung asawa ni Azel at kuya ni Anne, tapos sa 'P' siguro nagsisimula yung apelyido nila..
ni hindi ko man lamang nai-spot-an si Anne noong araw na iyon...

noong gabi naman..
wala na..
si Long Hair na yung bumili sa akin ng mga yelo by 6:30 PM..
siguro nga iniiwasan na nila ako..
si Ate Kinis na yung nauna sa hindi ko malamang dahilan..
at ngayon naman pati sina Anne at Azel..
baka nga pati si High School Student eh pagbawalan na rin nila sa paglapit sa akin eh...?

---o0o---


September 22, 2014...

by 11:21 NN..
halos kagagaling lang namin ng alaga ko sa kabilang bahay, at andito pa si Anne..
nagsauli yata ng bote ng softdrink sa tindahan sa may tapat namin..
bago yun eh sinubukan ko pa siyang tingnan, at tumingin rin naman siya sa akin..
kaya naman pinakitaan ko na lang siya ng pilit na ngiti..
yung pagkatingin naman niya sa akin eh parang 'okay' lang..
ayun..
looking at someone who can never be mine...

tapos ayun..
nagtraydor na sa akin..
bumili ng juice at yelo doon sa pesteng tindahan na yun..
sad, at medyo masakit..
hindi ko sigurado kung ano yung dahilan..
siguro nahiya siya doon sa tindahan dahil sa paghiram nila ng bote ng softdrink kaya doon na rin siya bumili..?
o baka naman nahiya siyang abalahin ako dahil nag-aalaga ako ng baby (though i doubt na ito nga yung dahilan, dahil sanay na siya na inaabala ako noon kahit na may bitbit pa akong sanggol sa tuwing bibili siya sa amin)..?
ewan ko..
nalulungkot akong isipin na iiwas na nga sila sa akin ng dahil lang sa mga nasabi ko sa kanya..
i mean, ganoon ba talaga ako nakakadiri sa paningin ng mga kababaihan...?

taenang tindahan yan sa tapat!
inagaw nila ang isang taong mahalaga para sa akin..
gagantihan ko sila!
kokompetensiyahin ko na sila at pababagsakin!!!
hindi na nila dapat kinuha sa akin si Anne...


the chicken principle..
no choice na, ganito na lang yung susundin kong prinsipyo sa buhay..
note - 'chicken' is the term used to denote domesticated fowl, so kapag sinabing chicken eh automatic na alagain..
basta ang sabi sa ganitong prinsipyo eh 'palay na ang nalapit sa manok'..
kaya naman maghihintay na lang ako ng palay na matutuka..
at kapag walang lumapit - edi patay ako...
 
feeling , kahit ang Desiderata eh hindi ako makukumbinsi na maganda ang buhay...

---o0o---


September 23, 2014...

by 6:07 PM..
so nightshift na pala si Anne ngayon..
at dumaan na naman siya doon sa buwiset na tindahan na yun..
para sa cellphone load kaya..?
parang wala rin tuloy akong binalikan dito sa subdivision na ito..
mga bugok na itlog lang, at babaeng may mahal ng iba...

paulit-ulit na lang talaga..
tapos ano..?
mukhang nasira ko na naman yung natural na takbo ng mga bagay-bagay..
bakit..?
tinanong ko lang naman kung may boyfriend na siya ah..
sinabi ko lang naman na interesado sana akong makipagkilala sa kanya ah..
tapos iiwasan na nila kaagad ako kapalit nun..?
ganun ba talaga ako nakakadiri...?

— feeling , think like a chicken...

---o0o---


September 24, 2014...

by 2:33 PM..
nakatambay kami ng alaga ko doon sa tricycle doon sa dati naming suking tindahan..
i was actually wondering if she'll come out..
and she did..
bumili siya ng kung ano doon sa malapit sa kanilang tindahan, na katabi ng basketball court, nang naka-tapis ang kanyang lower half..
naka-short shorts siguro siya noon...

---o0o---


September 26, 2014...

out by 6:51 PM..
saktong kagagaling ko lang noon sa kabilang bahay..
ewan..
pero parang bahagya pa siyang lumingon noon sa nakabukas na gate ng pinanggalingan kong bahay..
yun siguro yung mas accurate na oras ng pagpasok niya kapag nightshift siya..
still no encounter sa mag-hipag...

---o0o---


September 27, 2014...

out by 6:54 PM..
at sala na naman ang oras ng paglabas ko ng kalye..
parang may kausap din siya sa phone noon eh..
hmmm..
parang mas maikli nga yung buhok niya since yesterday...

tapos..
a little later after that missed encounter with Anne..
eh nagkaroon naman na ulit ako ng ice encounter with High School Student..
kaso nga lang, eh as usual - andun na naman yung asungot para mahadlangan kami mula sa pag-uusap..
well, at least alam ko na ngayon na hindi naman pala siya na-ban pa sa pagbili dito sa bahay...

alam ko..
natatandaan ko..
bago pa ako sumabak sa gulong 'to, eh sinabi ko sa sarili ko na landi-landi lang ang gagawin ko..
para maiwasan ko ngang masaktan ulit ako..
pero ewan ko ba..
noong nakausap ko na mismo si Anne..
biglang bumigat yung loob ko nang malaman ko na yung totoong status niya eh...


No comments:

Post a Comment