(additional entry for that day...)
by 5:00 PM..
ice encounter with High School Student, tas kasama pa niya yung anak (yata) ni Ate Kinis na si Kyat-Kyat..
kaso tinakot na naman sila nung manyakis na matanda sa pamamagitan nang pag-i-invite sa kanila na pumasok sa aming bakuran..
edi ayun..
hindi ko na naman tuloy nakuha yung name niya...
---o0o---
September 7, 2014...
naka-book na sa barko at hotel... :)
at..
naman!
after approximately 5 years..
umabot na rin sa Php 10,000 ang gross income ng ice micro-business ko... T,T
— feeling , T,T - Tears of Joy...
---o0o---
September 8, 2014...
by 6:50 AM umalis si Bella nitong Monday..
yun eh habang nasa kalye kami nung alaga kong baby..
ibig sabihin, hindi ko na naman siya makikita buong araw..
ang napansin ko..?
may puwet pala siya..
at ang seksi ng balakang (basta hips) niya habang naglalakad, lalo na kapag naka-jeans siya...
haaay..
yung pakiramdam na - natutuwa kang makita yung mga paborito mong tao..
na parang kulang yung araw mo kapag hindi mo man lamang sila nasilayan...
— feeling , kelan ba tayo ulit magkikita...?
by 7:00 PM naman..
load encounter with the Babaeng Peke Ang Kilay..
successful naman this time..
not for her own number though..
katapang ng pabango eh, pabirong pinansin pa nga nung biological demon sperm donor ko..
ang hindi ko maintindihan - kung ilag nga sa akin si Sir..?
eh bakit at paano niya nagagawa na yung anak pa niyang yun mismo ang pinapalapit niya sa akin..?
pang-asar eh...
---o0o---
September 9, 2014...
hala!
saan ba nakakabili ng Welah Oghayon na iyan..?
baka naman pwedeng magpa-clear copy ng isa niya...
— feeling , sana maka-meet naman ako ng kagaya niya...
---o0o---
September 10, 2014...
short dream (not sure kung noong 9 or 10 na)..
katabi ko daw yung Babaeng Peke Ang Kilay sa kama..
parang tulog daw siya noong una eh..
tapos papalit-palit yung posisyon niya sa pagkakahiga habang nabibigyan ng emphasis yung dibdib niya..
lilinawin ko lang - walang cleavage, o sideboob, o underboob exposure yun..
naka-tee shirt siya noon at shorts..
talagang medyo nabibigyan lang ng emphasis yung korte..
pinagmamasdan ko daw siya nang maige..
at nang maisipan kong kunan siya ng picture gamit ang cellphone ko..
eh nagising daw siya at sinuway ako sa pamamagitan nung usual na gesture ng daliri (hintuturo)..
pero kinunan ko pa rin daw siya ng picture sa kabila noon, medyo malabo at magalaw lang daw yung kuha..
at nagtapos yung panaginip sa pagtunog nung shutter sound effect...
napaisip tuloy ako..
epekto siguro yun nung Rueliza 'Welah' Oghayon Labadan video na yun...?
by morning..
mukhang napasok na ulit sa PKI si Ate PKI Bella..
naka-blue uniform na siya ngayon, yung traditional, at hindi yung may shade of green..
si Bella naman eh 6:47 AM pumasok..
na-miss namin siya ng alaga ko at hindi nakita sa malapitan dahil nasa may playground pa kami noong mga oras na iyon..
at natanaw na nga lang namin ang kanyang pag-alis...
Bella,
parati ka na lang umaalis at iniiwan akong mag-isa dine sa subdivision..
kailan ga tayo pwedeng magkakilala..?
ni hindi ko pa nga alam kung may nobyo ka na eh..
si tandang manyakis kasi eh, laging epal kapag bumibili kayo dine sa bahay..
at dahil diyan - eh tatambangan na lang kita tuwing 6:50 ng umaga...
ang nakakatakot lang..
eh paano kung magkagusto ako sa'yo..?
napaka-reglahin pa naman ninyong mga babae..
at nakakapagod na rin naman na masaktan...
— feeling , gusto na kitang parating nakikita...
nag-hit na rin ang pang-load ko sa Globe at TM ng Php 1,000 net income..
mula Php 629 lang yun by the start of August..
mabilis siya..
pero nakakabigat sa loob..
kasi wala ngang additional charge yung benta ko sa load..
pero karamihan naman pala sa mga kliyente ko eh nakakainan ng load..
edi balewala lang yung perang natitipid nila..
sa halip na makatulong ako sa mga tao, eh parang inuudyok ko pa sila na magsayang ng pera para sa Globe...
hindi ko lang talaga ma-gets kung bakit kami dito sa bahay eh hindi naman nakakainan ng load..
pero marami sa mga kliyente ko ang nananakawan..
ano bang pinagkaiba ng paraan ng paggamit namin ng cellphone sa kanila...?
mukhang hindi rin pala magandang sideline 'tong paglo-load...
— feeling , hihintayin ko na lang magpa-load sa akin si Bella bago ako tumigil...
by 8:00 PM..
ice encounter with High School Student, at nagamit na niya yung huling sukli niya..
kaso..
kahit wala ng asungot noong panahon na iyon..
eh tumiklop naman ako sa pagtatanong ng pangalan niya..
nasayang na naman tuloy yung pagkakataon...
---o0o---
September 11, 2014...
missed Bella..
6:42 AM kasi siya umalis eh, mas maaga ng 3 minutes kumpara sa estimate ko..
naiwan na naman niya tuloy kami habang nasa may tapat pa lang kami ng playground...
---o0o---
September 12, 2014...
religious holiday dito sa lungsod..
by morning eh nakita ko naman siya sa may kanila..
kaso nagliligalig na noon yung alaga ko, kaya napilitan na kaming umuwi ng bahay..
medyo sinisipon kasi at may sinat yata...
pangarap kong magkaroon ng patay na biological demon sperm donor..
pero mukhang mas mauuna pa akong mamatay kesa sa kanya..
baka nga hindi na ako umabot sa B Project eh..
at dahil dun - sigurado na akong wala namang diyos na maawain..
kung meron mang mga diyos - mga diyos na mapaglaro lang sila...
naaksidente siya ngayong araw..
nagdala daw kasi ng tricycle..
at kami ang sinisisi dahil sa pagpapapansin niya..
ang bad news - hindi siya patay..
at ang mas bad news - may mga bayarin na naman dahil sa kalokohan niya..
problema na naman 'to sa pera...
— feeling , gusto ko lang naman ng tahimik at payapang buhay kung saan wala siya at yung anak niya eh...
totally bad day..
medyo naaksidente nga yung biological demon sperm donor ko dahil sa pagpasada ng tricycle..
nagsimula yun ng kaguluhan sa buong bahay..
nagkasakitan kami nung mas matanda sa akin na biological brother ko..
napahamak yung mga gamit ko..
hanggang sa napilitan na akong umalis ng bahay na dala ang lahat ng mga gamit ko..
at inakala ko pa naman na pagkakataon na iyong holiday na yun para muling makita si Bella...
wala ba talaga akong kaibigan na may access sa sleeping pills..?
kailangan ko lang ng mabibilhan nang walang reseta..
pagod na ako..
sa problema..
at sa takot na makitang mawala ang mga bagay na mahalaga para sa akin...
gusto ko na ng katahimikan sa isip ko..
gusto ko nang maabot ang final goal ko...
— feeling , nagkampihan na ang mga demonyo't mga bobo...
kung meron mang magandang nangyari sa araw na ito..
yun eh dahil na-confirm ko na yung pangalan ni Bella - Anne nga siya (pero hindi ko pa alam yung exact spelling)..
ang nangyari kasi eh..
yung Tatay nung Babaeng Peke Ang Kilay ang isa sa mga umawat sa amin (naman! at nakita nang harapan nung Babaeng Peke Ang Kilay at nung Half-Sister niya ang bayolenteng side ko)..
nahiya rin ako sa Tatay niya, kaya kaagad din akong kumalma..
sinabihan niya ako na magpalamig muna ako ng ulo sa may basketball court..
noong nainip ako doon, eh doon naman ako tumambay sa dati naming suking tindahan na nagsara na..
doon, nakakuwentuhan ko yung may-ari nung dating tindahan at ang isa niyang kaibigan..
sobrang haba nung mga napagkuwentuhan namin..
at dahil sa kaiisip ko nga na kailangan ko nang lumayo sa lugar na iyon..
at na baka hindi ko na nga makita pang muli si Anne..
eh naisip ko na itanong na lang dun sa mga kakuwentuhan ko kung kakilala ba nila siya..
noon ko nga na-confirm yung name niya..
tapos natanong ko na rin kung sa pagkakaalam ba nila eh may nobyo na siya..
sabi sa akin nung may-ari nung dating tindahan na parang meron nga daw nagpupunta sa bahay ng mga yun dati (na parang nobyo-material)..
pero at least na-confirm ko na na hindi naman niya nobyo yung long hair na kasama yata nila sa bahay..
at na wala pa naman siyang asawa..
kaso eh bihira na nga lang daw silang magkita nung babaeng yun, dahil madalas daw ay pang-gabi ito sa trabaho..
tapos ayun..
sinabi ko dun sa dalawa kong kakuwentuhan na i-sikreto na lang yung mga itinanong ko about Anne..
though hindi ko yata na-emphasize na kailangan nilang i-sikreto iyon mula sa biological mother ko...
---o0o---
September 13, 2014...
matapos akong hindi makatulog ng buong gabi..
andami kasing pumasok sa isip ko:
- na paano na yung mga naiwan kong kliyente na natutuwa sa serbisyo ko
- paano ko pa makikitang mapisa yung mga itlog ng budgies ko
- paano pa ako makakasama sa B Project kung gagamitin ko yung savings ko to start a new life
- na paano ko pa makikita si Anne
- na nakakahiya sa mga taong makakasama ko ang ugali ko na sobrang metikoloso sa personal kong mga gamit
- na paano kung hindi ako magtagumpay kaagad sa paghahanap ng trabaho - na magiging pabigat lang talaga ako sa tutuluyan ko
- na hindi tama na nandamay pa ako ng mga kaibigan ko nang dahil sa problema ko sa buhay
iyak lang ako nang iyak sa bawat tanong na pumapasok sa isip ko noon..
at kinaumagahan nga ng araw na ito, naisip kong kausapin silang lahat na nasa bahay nang paisa-isa..
sila na rin kasi yung naunang nag-text sa akin na mag-usap muna daw kami eh..
at sa parehong araw ding iyon, bumalik kami ng mga gamit ko sa bahay at sa medyo inayos ko ng kuwarto..
para masiguro na mas makakaiwas na kami mula sa mga gulo at digmaan sa susunod...
---o0o---
September 14, 2014...
matapos maatake ang mga gamit ko..
siyempre galit na galit ako noong una..
tapos takot na takot..
hanggang na-realize ko sa sarili ko na - pagod na akong makipag-away..
na hindi na dapat danasin pa ng mga gamit ko yung ganung pangyayari ulit..
kaya mananahimik na lang ako para maprotektahan ko sila...
naglayas ako ng bahay kasama ang lahat ng mga gamit for almost 24 hours..
pasensya na sa lahat ng naabala..
pasensya na at nasaksihan nyo rin ang pagiging metikoloso ko...
next time na magagalit ako..
uunahin ko nang isipin ang mga kliyente ko at lahat ng mga posible kong maiwan..
siguro sa kanila na lang ako huhugot ng lakas para manatiling kalmado parati...
pero heto yung importante sa istorya na 'to ngayon..
lagot ako..
dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari noong September 12..
natakot ako na baka hindi na ako makabalik pa dito sa bahay..
kaya naman i-t-in-ext ko tuloy yung hipag ni Anne gamit yung record sa akin ng number niya kapag nagpapa-load siya..
i asked her to tell Anne na interesado sana akong makilala siya..
na hindi ko lang alam kung pwede pa nga ba (referring sa possibility na may boyfriend na nga siya)..
at na baka imposible na rin yun dahil baka hindi na kami ulit magkita pa..
morning ng September 13, nag-reply sa akin si Ate PKI Bella telling me na hindi siya kaagad nakapag-reply dahil wala siyang load noong gabi at na sasabihin nga daw niya kay Anne yung mga pinapasabi ko..
hindi ko naman naisip na babalik din ako (kaagad) sa amin..
wala na tuloy akong mukhang maihaharap pa sa kanya..
siguro iiwasan na niya ako simula ngayon...?
— feeling , magpapakabait na ako simula ngayon...
No comments:
Post a Comment