Monday..
out by 6:54 AM..
naka-jacket at payong si Anne, maulan kasi eh..
pakiramdam ko ayaw na niyang lumingon sa direksyon ng bahay namin..
ano nga kaya..?
nasabi na nga kaya sa kanya ng hipag niya yung tungkol sa message ko...?
nakauwi siya by 5:45 PM..
nandoon kami noon nung alaga ko doon sa dati naming suking tindahan na nagsara na eh..
dumaan pa muna siya doon sa tindahan sa may tapat namin..
hmmm.. teka, nagpa-load ba siya doon..?
tapos pagdaan niya doon sa tapat nung bahay nung mga kakilala niyang Ilongga, eh binati pa siya nina Ate Kinis..
don't tell me na alam na nilang lahat na mga Ilongga yung tungkol sa message ko..?
paano pa ako makikipagkilala sa kanya kung maiilang na siya sa akin...?
---o0o---
September 16, 2014...
out by 6:51 AM..
tinambangan na lang namin si Anne doon sa tindahan sa tapat..
hindi ko pa ulit siya mabati eh..
hindi ko pa kasi nako-confirm sa hipag niya kung nasabi nga ba nito kay Anne yung mensahe ko..
hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip niya..
parang dedma lang siya sa akin at maging doon sa alaga ko pagkadaan niya sa tapat namin eh..
ambango ng buhok niya yata yun...
konting tungkol naman sa mga budgies ko..
well, naka-5 itlog rin naman pala sina Yellow-Girl at Yellow-Brown..
hindi ko lang alam kung kailan lumabas yung 5th egg..
3 dun ay kulay balut na, yung parang may laman nga sa loob..
kaya i really hope na magtagumpay na ako sa pagbi-breed this time...
---o0o---
September 17, 2014...
by past 6:44 AM..
in-ambush na namin si Anne sa may tapat namin..
pagkakita ko pa lang sa kanya eh kinarga ko na kaagad yung alaga ko..
bumili pa siya muna doon sa tindahan sa tapat namin bago siya tuluyang umalis eh..
after that eh sinabayan na nga namin siya papalabas ng subdivision..
hindi pa niya ako marinig noong una kaya makailang beses kong tinawag yung pangalan niya..
tapos nung napansin na niya ako, eh sabay tingin kaagad sa relo niya at sinabing male-late na siya sa trabaho..
kaya sinabi kong sasabayan na lang namin siya..
sa Furukawa daw siya nagta-trabaho, siguro yung nasa may Lima lang...
tinanong ko siya kung may nabanggit ba sa kanya yung hipag niya..
wala naman daw..
sabi ko may t-in-ext kasi ako para sa kanya..
ano ba daw yun..?
sabi ko naman kalimutan na lang niya since hindi naman pala nasabi sa kanya nung hipag niyang si Azel..
pero dahil nandun na rin lang ako sa sitwasyon na yun at kasabay na siya, eh naisip kong i-open na rin nga sa kanya yung mga tanong sa isip ko..
tinanong ko siya kung may boyfriend na ba siya..
diresta naman niya akong sinagot na 'OO' at na matagal na daw 'sila' (isa na namang Luckiest Guy on Earth)..
natanong niya tuloy ako kung yun ba daw yung t-in-ext ko kay Azel, sabi ko naman na hindi yun..
medyo nagpaliwanag pa ako..
sinabi ko na interesado sana kasi akong makipagkilala sa kanya, pero since ganun na yung status niya eh di hindi na lang..
tapos natanong naman niya ako kung anak ko ba daw yung inaalagaan ko baby..
sumagot ako na hindi, tapos dinugtungan niya yung tanong niya na kung pamangkin ko ba daw, at sinabi ko na 'oo, pamangkin ko lang'..
(naman! at napagkamalan pa pala niya akong tatay na..?)
ayun..
the usual me..
bigo na naman sa babae.. T,T
wala eh..
medyo mabigat na naman sa loob ko..
malas talaga sa mga kababaihan eh..
nakalimutan ko na ngang magpakilala kay Anne sa sobrang lungkot ko eh..
sa bagay, hindi naman mahalaga na yung pangalan ko since hindi na rin naman kami magkakakilala..
masaya akong nakikita siya araw-araw - at hanggang doon na lang yun..
halos kasisimula pa lang nung istorya niya, pero natapos na rin yun...
by 6:42 PM..
ice encounter na ulit with High School Student..
kaso yung epal na naman na matanda yung unang humarap sa kanya..
ang totoo pagkakita pa lang niya na si High School Student yung nabili, eh kaagad na niyang pinuntahan sa labas ng bahay at chinika..
ayun..
hindi ko na naman tuloy nakuha yung pangalan niya..
parang gusto ko kasi siyang maging ka-close..
para magkaroon naman kami ng common friend ni Anne...
---o0o---
September 18, 2014...
hindi ko na inabangan si Anne noong umaga..
parang hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin matapos yung nangyari...
---o0o---
September 19, 2014...
may bagyo..
kaya inabangan ko siya sa may terrace namin, para lang ma-check ko kung papasok ba siya o hindi..
lumarga siya by 6:52 AM, kahit na malakas ang buhos ng ulan..
pero naka-payong at jacket naman siya...
ano na nga kaya..?
iiwasan na niya kaya ako ng dahil sa mga katanungan ko..?
pati ba si Azel eh iiwas na sa akin sa pag-aakala na ginagamit ko lang siya at yung cellphone number niya nang dahil lang kay Anne..?
sana naman hindi..
sana naman manatili pa rin silang mga kliyente ko kahit na papaano..
parang katulad nung Babaeng Peke Ang Kilay na feeling parati eh okay na kami..
makita ko lang si Anne araw-araw - okay na siguro yun para sa akin...
No comments:
Post a Comment