Friday, March 29, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of March 2019 (False Hope II)

Loveless Story


2nd time na na ginamit ko yung title..
almost 6 years na rin noong huli kong ginamit iyon..
pero this time, pera ang dahilan kung bakit pinabayaan akong kumapit sa false hope... :(

---o0o---


March 25, 2019...

akala ko makakakuha na ulit ako ng panibagong clue kahapon..
isa na namang may edad na babae ang sinubukan kong lapitan..
basically kasi common acquaintance siya ng maraming members..
at gaya ng ibang kaedaran niya, mahilig rin siyang makipag-usap...

mukha daw pamilyar sa kanya yung babaeng hinahanap ko..
tapos nagbigay siya ng pangalan, i-check ko na lang daw..
unfortunately, isang ka-groupmate lang pala yung tinutukoy niya...

bakit ba niya naisip na magkahawig sila..?
sobrang layo naman ng itsura nung dalawa..
sa kutis pa lang eh katalo na...

is feeling , nice try...


>
pasama na nang pasama yung development nung istorya... :(

nasabihan pa ako ng masama ng isang former groupmate niya..
ang sakit magsalita..
pero hindi ko naman pwedeng ikalat sa network niya yung profile niya..
dahil babae ang kinakampihan parati ng batas...

yun namang taong hinahanap ko..
matapos niyang makuha yung assurance na kailangan niya..
ni hindi man lamang siya nakinig sa pakiusap ko...

gulung-gulo na ako..
sa pagkakaalam ko eh kasal nga siya sa simbahan..
tapos naging separada..
at maraming sumubok na mapalapit sa kanya sa loob ng industriya..
pero ngayon eh parang lumalabas na hindi naman talaga siya naging single mom..
parang ginagamit lang niyang dahilan na mag-aasawa na siya, para hindi ko malaman yung totoong backgroung niya...

is feeling , ano bang klase ng isinumpang tadhana 'to...?

---o0o---


March 26, 2019...

hindi naman sa emotionally masakit...

pero nakakapagod..
nakaka-drain ng lakas yung impact na for almost 3 years eh naghahanap ka ng taong inaakala mong available pa..
tapos biglang lalabas na hindi na pala - ever since...

nakakalungkot rin..
nakakalungkot na ma-realize na merong ganung kakomplikadong script na ginagamit para lang magpaikot ng mga tao at ng pera...

pero hindi pa ako tapos..
marami na akong naipuhunan na oras para lang mahanap ang taong yun..
sayang naman kung hindi ko tatapusin yung goal..
tutal eh wala rin naman akong patutunguhan kundi kamatayan na lang..
the least na pwede kong makuha ay ang pangalan niya at ang bagay na yun..
alam ko na ang itsura ng mga kapatid niya, so sa kanila na lang ako dadaan para mahanap siya...

is feeling , no more to single mom.. bilang preference...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 2)


March 24, 2019...

mukhang si Madayag na ang strongest Middle Blocker for this season, for both attack and net defense..
nalagpasan na niya yung offensive level ni BDL noong panahon ni Morado...


FEU versus AdU

ang 9th 5-setter match ng Season 81..
4th na para sa FEU..
3rd para sa Adamson..
at padalawang beses na nilang magharap sa isang 5-setter match...

Set 1, 30-32, sabay na ipinasok sina Guino-o at Malabanan, Macaslang naman para sa Adamson, nagkalat muna ang Adamson bago sila naghabol, lumamang sila sa kanilang 5 blocks na sinamahan pa ng 7 opponent errors..
something unusual, frustrated na kaagad si Coach Pascua sa umpisa pa lang..
na-injure din si Villareal nang dahil lang sa pagse-celebrate..
Set 2, 25-20, inilabas na si Malabanan, Genesis muna para kay Permentilla, nakalayo sa bandang dulo ang FEU, nasayang ang 11 attacks at 2 blocks ng Adamson dahil sa kanilang 15 errors..
Set 3, 23-25, Perez muna para kay Macaslang, gumawa ng late chase ang FEU, pero inilamang ng Adamson ang kanilang 4 service aces..
Set 4, 25-20, ibinalik na rin si Malabanan, nakahabol ang FEU at gumanda na ang laro nila, lumamang sa kanilang 12 attacks and 4 service aces ang FEU..
Set 5, 15-13, na-injure si Ebon, na-activate naman si Agudo, gumawa ng late chase ang Adamson pero nanaig pa rin ang FEU..
3rd key player down para sa Season 81...

3-2, panalo ang FEU..
upset loss para sa Adamson na maaga namang lumamang noong Set 4..
at hindi nga nakabawi ang Adamson laban sa FEU...

Player of the Game si Ebon kahit na nawala siya..
Ebon scored 19 points from 16 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
Guino-o with 14 points..
Negrito with 23 excellent sets and 9 points..
para naman sa Adamson..
Soyud with 17 points..
Permentilla and Dacoron with 15 points each..
Flora with 11 points...


UP versus DLSU

makikita kung mananatili bang malakas ang UP laban sa La Salle...

Set 1, 25-16, hindi nag-start pero ipinasok na rin nang maaga si Cheng, off ang services ng La Salle, maagang nakalayo ang UP, lumamang ang UP sa kanilang 10 attacks and 3 service aces plus 10 opponent errors..
Set 2, 26-24, Alba muna for Cobb, madalas na lamang ang La Salle pero naagaw pa ng UP ang set, nagsayang ang La Salle dahil sa kanilang 14 errors..
Set 3, 25-19, dikitan ang laban pero nakawala ang UP sa later part...

3-0, panalo ang UP..
at hindi na nga nakabawi sa kanila ang La Salle..
sobrang wrong timing para ma-off ang services ng La Salle...

Player of the Game si Caloy with 13 pure attack points..
may plus 11 digs and 5 excellent receptions din siya..
Molde with 11 points..
para naman sa La Salle..
si Cheng lang ang umabot sa double digits with 11 points..
gaya ng sinasabi, nagsayang ang La Salle ng 37 errors, with 17 coming from the service line...

is feeling , naman, injury na ulit.. UP ang Dynasty Destroyer.. kaso bakit kayo nagpapatalo sa ibang teams...?

---o0o---


March 27, 2019...

UST versus AdU

Set 1, 25-15, Pacres-mode ang opensa ng UST, nakalayo ang UST dahil sa kanilang 17 attacks and 3 blocks sa kabila ng kanilang 7 errors..
Set 2, 25-12, inilabas na sina Soyud, Macaslang, at Igao, lumamang ang UST sa lahat ng stats..
Set 3, 25-16, panay substitutions na ang Adamson, pero wala na silang nagawa laban sa UST...

3-0, panalo ang UST..
hindi rin talaga factor ang mga Rookies ng Adamson na sina Genesis at Ave...

Player of the Game ang naging emotional na si Viray with 14 points from 9 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
Laure scored 17 points na may 15 attacks..
Pacres with 12 points na may 10 attacks..
Rondina with 10 points, plus 14 digs and 3 excellent receptions..
wala namang umabot sa double digits para sa Adamson..
at ibinangko pa nga si Soyud...


DLSU versus NU

makikita kung muli bang matatakot ng NU ang La Salle, o kung mananaig na sila this time...

Set 1, 25-20, madalas na lamang ang La Salle, inilamang nila ang kanilang 2 blocks and 3 service aces plus 8 opponent errors..
Set 2, 25-18, madalas ulit na nasa La Salle ang kalamangan, nakuha naman nila ang lahat ng stats..
Set 3, 25-10, in-overkill na ng La Salle ang NU...

3-0, panalo ang La Salle..
nadomina na nila ang NU this time...

Player of the Game si Cheng with 17 points from 14 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Tiamzon with 11 points from 7 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Clemente with 9 points na may 5 kill blocks..
Cobb with 21 excellent sets..
para naman sa NU..
si Doria lang ang umabot sa double digits, with 11 points..
nalimitahan naman si Robles sa 8 points lang..
at nagpakawala pa ang NU ng 24 errors in just 3 sets...

is feeling , wala.. mabilisan lang ang mga laban today...

-----o0o-----


March 25, 2019...

[Business]

haaay..
pakiramdam ko talaga na inuunti-unti ng pagkakataon lahat ng mga raket ko... :(

so heto..
lilimitahan na sa Php 50 lang yung monthly na posibleng makuhang rebate sa paglo-load gamit ang GGash...

well, wala naman akong alam sa ginagamit nilang financial system para sa paglo-load..
pero ano bang kaibahan namin sa naglo-load gamit ang Autoload Max..?
hindi ba kumikita pa rin yung kompanya, habang nag-a-award ng rebate gaya ng sa sistema ng Autoload Max..?
hindi ba kumikita rin sila habang nasa kanila physically yung pera na katumbas ng electronic money ng mga users...??

is feeling , alam kong nasa kanila lang ang desisyon.. nakakalungkot lang na may ganitong pagbabago sa pahanon ng kahirapan...

---o0o---


March 27, 2019...

done with the 10th project..
took me 48 + 7 days..
editing na lang ng mga promotional items...

kahit papaano may 3 projects na akong pwedeng i-release this year...

is feeling , kailangan ko lang ng sapat na market share para malabanan ang Piracy...


>
[Business]

ayun..
nagkalokohan na... :(

matapos na mag-announce ang Globe na babaguhin na nila ang sistema ng rebate sa GCash starting April 1..
ngayong hapon eh napansin ko na nagpalit na naman sila ng format ng confirmation messages nila para sa mga transactions..
unfortunately, walang pumasok sa akin na rebate matapos kong mag-load...

kaya ayun..
parang nagpapalit lang ako sa kliyente ko ng electronic money into cash..
free of charge..
sayang yung Php 80...

is feeling , kaya OC ako sa pagche-check ng mga sistema eh.. dahil alam kong pumapalpak sila...

---o0o---


March 28, 2019...

[Business]

kailangan nang magpaalam sa loading nano raket ko...

wala na..
medyo matagal na palang nagkaroon ng announcement..
mawawalan na nga ng rebate sa paglo-load gamit ang *143#, as in wala na pala..
libre nga na naman kasi yun kaya walang mapapalang kapalit yung kompanya..
samantalang sa app at Messenger eh may kung anong kita na associated sa downloads..
bukod dun eh dagdag kita rin yung paggamit ng internet o data connection...

kailangan ko nang tumigil kasi:
- wala pa rin akong tri-cut SIM hanggang ngayon
- wala akong smartphone na may high-compatibility na Android
- at dependent sa network connection ang latest na sistema

ano pa yung sunod na kukunin ninyo sa akin...??

is feeling , hanggang Php 5,000 plus lang...

---o0o---


March 29, 2019...

[Movie]

Warcraft

so much computer graphics...

life-consuming Fel magic...

Orc Horde..
half-breed discrimination..
portal...

Humans lang muna versus Orcs..
7 races..
Dwarven technology..
boomstick...

Orc Warlock..
Human Guardian na wizard...

Orc tradition...

reformation of the alliance...

is feeling , so Fel magic ang dapat sisihin sa lahat..? labase na ang mga Undead...


No comments:

Post a Comment