Loveless Story
March 30, 2019...
59th (57th) retirement ng isang baguhan yata..
medyo nakakatawa lang kasi may katukayo siya...
is feeling , hindi naman mahalaga...
---o0o---
April 1, 2019...
April na..
pero idinikta ng kapalaran na wala ng treat... :(
nabawasan na naman nga ang mga nano raket ko..
wala na akong hawak na prepaid loading raket ngayon..
ini-extract ko na lang yung huling pondo na naipasok ko sa GCash sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga kliyente...
bale 3 sideline na lang ang natitira sa akin...
nakapag-produce lang yung 2 loading raket ng nasa Php 7,000 plus..
saan ko naman pwedeng ilipat yung ganun lang na halaga...?
hindi muna makakaarangkada ulit sa paggawa ng project..
mag-aasikaso na muna ng mga quarterly na obligasyon...
is 💀 feeling , mapu-frustrate.. pero hindi kaagad matatapos ang existence...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 2)
March 30, 2019...
FEU versus UE
ang 10th 5-setter match para sa Season 81..
5th na para sa FEU..
3rd naman para sa UE..
pero gaya ng nangyari sa FEU laban sa Adamson, eh padalawang beses na ring nakaharap ng FEU ang UE sa isang 5-setter...
Set 1, 25-15, nagkaroon ng oras si Agudo, nakalayo ang FEU sa UE sa tulong ng kanilang 11 attacks, 2 blocks, plus 11 opponent errors..
Set 2, 16-25, nakaagwat ang UE sa FEU, nabuhay na ang kanilang coverage, parang nabaliktad ang resulta ng Set 1 dahil sa kanilang 11 attacks, 3 service aces, plus 10 opponent errors..
Set 3, 12-25, pinalaro na si Villareal, nabuhay na rin ang blocking ng UE, lumamang sila sa lahat ng stats..
Set 4, 25-22, madalas na lamang ang FEU, nakontra ng UE ang 16 attacks nila ng 13 errors..
Set 5, 17-15, na-extend pa ang 5th Set, pero nanaig pa rin ang FEU...
3-2, panalo ang FEU..
upset loss para sa UE na umabante pa ng 2-1 set sa game..
at hindi na rin nga sila nakabawi laban sa FEU...
Player of the Game si Agudo with 12 points from 11 attacks and 1 service ace..
Malabanan with 11 points, plus 17 digs..
Domingo and Guino-o also with 11 points each..
para naman sa UE..
Mendrez scored 22 points na may 21 attacks..
Abil with 16 points, plus 20 excellent receptions and 16 digs..
Olarve with 12 points na may 4 service aces..
Baliton with 11 points..
Bendong with 42 excellent sets..
Arado with 32 digs and 20 excellent receptions..
pero kinapos lang talaga ang UE...
UP versus ADMU
Battle of Katipunan Round 2..
titingnan kung makakabawi na ba ang UP laban sa Ateneo...
Set 1, 23-25, dikitan kaagad ang laban, inilamang ng Ateneo ang kanilang 4 blocks..
Set 2, 16-25, na-injure si Molde, nagkaroon tuloy ng oras si Gandler, nag-experiment sa substitutions ang UP, lumamang ang Ateneo dahil sa kanilang 10 attacks, 3 service aces, and 10 opponent errors..
Set 3, 23-25, muling naging dikitan ang laban, pero nanaig pa rin ang Ateneo...
3-0, panalo ang Ateneo..
minalas nga ang UP at hindi na nakabawi pa sa kanila...
Player of the Game si Wong with 24 excellent sets, may plus points and digs pa siya..
Tolentino with 15 points from 11 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
Madayag with 10 points..
BDL with 9 points..
Samonte with 8 points..
para naman sa UP..
nalimitahan lang si Caloy sa 8 points..
Dorog and Buitre with 6 points each...
not good for the league..
ang 4th injury na involved ang isang key player..
nawala na si Cagande ng NU..
nawala si Alessandrini ng UST..
nawala si Ebon ng FEU..
at ngayon naman eh si Molde ng UP, knee at ankle daw..
to think na 3 ng teams na lumalaban pa para sa Final 4 ang nawalan ng mga key attackers nila..
nakakalungkot na hindi na maipapakita ng Season 81 ang buong potensyal nito...
dahil sa nangyari..
ang pag-asa na lang ng UP para makapasok sa Final 4 ay ang mapalaglag nila at ng iba pang teams ang FEU..
or mas maige kung ang La Salle na mismo ang matatanggal kaagad, para mabasag na kaagad ang 4-peat attempt..
but then, mananatiling problema ng UP ang pagkabawas sa mga attackers nila...
is feeling , wala na yata 'to para sa UP.. nasayang na lahat ng mga pinaghirapan nila.. hindi matutumbasan ng iisang puntos ang kalusugan ng mga players...
---o0o---
March 31, 2019...
AdU versus NU
mukhang ginawang Middle Blocker ang laro ni Lacsina at si Luceño ang mas sinasanay na sa Outside..
bale 3 pala sila nina Paran na in-adjust ang mga role...
Set 1, 26-28, madalas na lamang ang Adamson, pero nakuha ng NU ang set dahil sa kanilang 15 attacks and 6 service aces sa kabila ng kanilang 12 errors..
Set 2, 32-30, madalas ulit na ahead ang Adamson, inilamang nila ang kanilang 4 service aces plus 14 opponent errors..
Set 3, 21-25, nakaagwat ang NU dahil sa kanilang 2 blocks and 4 service aces plus 11 opponent errors..
Set 4, 22-25, madalas nang lamang ang NU...
3-1, panalo ang NU..
at nagawa nga nilang makabawi sa Adamson...
Player of the Game si Doria with 18 points from 12 attacks, 1 kill block, and 5 service aces..
Lacsina with 15 points..
Robles with 14 points, plus 15 digs and 11 excellent receptions..
Paran with 11 points..
Nierva with 44 digs and 33 excellent receptions..
nagpakawala ang NU ng sobrang laking 44 errors, pero medyo nabawi naman nila yun sa kanilang 15 service aces..
para naman sa Adamson..
Flora with 16 points, plus 21 digs..
Permentilla with 14 points..
Soyud with 12 points..
Dacoron with 10 points..
activated naman yung mga key attackers nila ngayon, kaso eh hindi sapat laban sa NU...
Setter ang isa sa mga kahinaan ng Adamson this season..
meron silang 2, pero compared sa Setters ng ibang teams, eh sobrang dalas na matawagan ng double contact sina Igao at Yandoc..
wala na, hindi na matutulungan nina Dacoron at Soyud ang team na makapasok sa Final 4...
UST versus DLSU
magagawa rin kaya ng UST laban sa La Salle ang nagawa ng UP...?
Set 1, 25-21, maganda ang start ng UST at madalas silang lamang, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 10 attacks and 4 service aces plus 10 opponent errors..
Set 2, 23-25, umangas na ang La Salle, nakadikit naman ang UST, kaso off na ang attacks ni Laure, lumamang ang La Salle sa kanilang 4 blocks plus 13 opponent errors..
Set 3, 19-25, gumanda pa ang coverage ng La Salle, inilamang nila ang kanilang 3 service aces plus 13 opponent errors na naman..
Set 4, 24-26, naka-check na si Rondina, at kinapos na nga ang UST...
3-1, panalo ang La Salle..
at nabawian nga nila ang UST...
Player of the Game si Cheng with 20 points from 14 attacks, 3 kill blocks, and 3 service aces..
Ogunsanya with 12 points na may 4 kill blocks..
pinahirapan rin nila ang UST dahil sa kanilang 12 kill blocks..
para naman sa UST..
Laure with 20 points from 16 attacks and 4 service aces..
Rondina with 19 points na may 18 attacks, plus 13 digs and 7 excellent receptions..
kaso, bukod sa 2 lang ulit natuon ang opensa nila, eh mababa rin ang accuracy ni Laure kahit na marami naman ang nakuha niyang puntos..
minalas ang UST dahil sa kanilang 44 errors...
is feeling , bitin na laro pa rin para kina Permentilla.. hindi rin maganda ang resulta para sa UST.. Ateneo na lang ang sunod na maaasahan para basagin pa ang pride ng La Salle...
---o0o---
April 3, 2019
UP versus UE
ang 11th 5-setter match para sa Season 81..
2nd time din para sa harapang UP at UE..
at 4th 5-setter match na rin para sa parehong team...
Set 1, 25-23, naagaw pa ng UP yung set, lumamang sila sa kanilang 13 attacks and 3 blocks..
Set 2, 20-25, na-check na ang opensa ni Abil, pero nakalayo pa rin naman sa bandang dulo ang UE, inilamang nila ang kanilang 10 attacks and 4 service aces plus 9 opponent errors..
Set 3, 25-23, si Rosier muna para kay Dorog, nakuha ng UP ang set dahil sa kanilang 17 attacks and 2 service aces kontra sa sarili nilang 10 errors..
Set 4, 24-26, nakadikit sa bandang dulo ang UP pero nanaig pa rin ang UE, natalo ang UP ng sarili nilang 6 errors..
Set 5, 15-11, nakaagwat na ang UP...
3-2, panalo ang UP..
at hindi na nila pinabawi pa ang UE...
Player of the Game si Buitre with 19 points from 16 attacks and 3 kill blocks..
may plus 17 digs din siya..
Caloy with 16 points na may 13 attacks, plus 24 digs and 24 excellent receptions..
Layug with 15 points..
Estrañero with 34 excellent sets..
para naman sa UE..
Mendrez with 23 points na may 20 attacks..
Abil with 22 points, plus 29 digs and 19 excellent receptions..
Baliton with 10 points..
Bendong with 39 excellent sets..
Arado with 35 digs and 31 excellent receptions...
ADMU versus FEU
Set 1, 25-21, madalas na lamang ang Ateneo, hindi masyadong mabigyan ng bola si Domingo, nagpakawala ng 12 errors ang FEU..
Set 2, 25-10, in-overkill ng Ateneo, nakuha nila lahat ng stats..
Set 3, 25-18, nagkaroon ng Ravena at Gandler time, pero kinapos pa rin ang FEU...
3-0, panalo ang Ateneo..
at hindi na sila napahirapan ng FEU this time...
Player of the Game si Wong with 4 points and 30 excellent sets, plus 12 digs..
Tolentino and Gaston scored 11 points each..
may plus 10 excellent receptions pa si Gaston..
para naman sa FEU..
Malabanan with 8 points..
Guino-o with 7 points..
kaso nagpakawala ang team nila ng 27 errors in just 3 sets...
is feeling , okay na game para sa UP.. mukhang si Maraguinot talaga ang naging weakness ng Ateneo noong panahon niya...
-----o0o-----
March 30, 2019...
[Online Marketing]
kahit papaano..
secured naman na yung May ko..
umaarangkada yung 2nd store sa kung anong dahilan..
sapat para tamaan ang quota doon...
is feeling , kailangan ko pa ng ipapalit sa loading nano raket ko...
---o0o---
April 2, 2019...
[Business]
tumaas na naman kaagad ang presyo ng Breeze..
nakakailang buwan pa lang mula noong nag-increase siya ng Php 0.25..
tapos ngayon eh nasa Php 10.50 na pala siya, from Php 10.25...
ako na naman ang sasalo ng nababawas sa kita... :(
is feeling , tapos sasabihin ng mga blood relatives ko na mas mahalaga ang mga clan reunion..?? wala kayong alam tungkol sa kahirapan...
---o0o---
April 3, 2019...
yung nginangatngat na nung baby yung power cord ng electric fan habang nakasaksak iyon sa outlet..
pero naka-relax lang yung magulang at hindi man lamang pisikal na pinipigilan yung bata...
is feeling , sayang kung yung seemingly normal na bata ang mamamatay nang dahil sa kapabayaan...
---o0o---
April 4, 2019...
yung iisang quarter ang binayaran ko sa SSS..
pero 3 PRN (Payment Reference Number) yung na-assign sa akin...?
saan ka naman nakakita ng payment system kung saan papalit-palit ang reference data sa bill...??
huwag lang akong magkakaproblema sa record ko, kung hindi...
is feeling , hindi pwedeng parating nasa experimental stage lang ang sistema...
---o0o---
April 5, 2019...
may schedule na nga ng brownout sa Sunday..
pero may sumabog pang transformer sa malapit kanina...
is feeling , maramihang abala...
No comments:
Post a Comment