Friday, March 8, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of March 2019 (Archer's Double Down)

Loveless Story


March 9, 2019...

[Music / Video]


Wish-able pala yun..
ang husay..
malinis...

credit for this video goes to the original owner/uploader...

is feeling , tapos sabayan pa ng sayaw ng Sexbomb NewGen...


>
lampas 1 week na simula nang sumulpot ulit yung alias niya..
pero wala pa ring lumalabas na profile..
bukod dun..
halos parating online yung panibagong number na nag-register sa phone ko...

is feeling , hindi kita imi-meet dahil alam ko naman na hindi ako patatamain ng FATE sa lotto...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 1)


March 2, 2019...

great game UP!
nakatikim na ng talo ang dynasty this season..
naasar nyo dun si Coach Ramil..
at siguradong bugnot ang champion team...

siguradong gugustuhin nilang bumawi sa Round 2 ng Eliminations...

is feeling , nakakatuwa lang malaos yung angas.. ayos, may pag-asa na para madurog ang dynasty...


>

UST versus FEU

labanan ng old rivals...

Set 1, 25-19, activated kaagad si Eya Laure, naka-3 blocks ang FEU, pero lumamang ang UST sa 13 attacks and 5 service aces..
Set 2, 20-25, maganda pa rin ang laro ng UST hanggang sa na-injured dahil sa bad landing si Alessandrini, magmula noon ay naagaw na ng FEU ang set..
Set 3, 19-25, maging si Rondina ay may iniinda rin pala sa kanyang leg mula sa umpisa, napunta na ang momentum sa FEU..
Set 4, 25-27, may nananakit na rin kay Eya Laure, kasali na sa laban si Pacres, naging dikitan ang laban, pero mas nanaig pa rin ang FEU...

3-1, panalo ang FEU...

Player of the Game si Domingo with 17 points from 9 attacks, 6 kill blocks, and 2 service aces..
Guino-o with 14 points, na may 13 attacks, plus 11 receptions and 7 digs..
Ebon with 11 points..
para naman sa UST..
Eya Laure scored 20 points..
Rondina with 16 points, plus 15 digs and 12 excellent receptions..
si Alessandrini naman ay naka-contribute ng 5 points bago siya ma-injure..
bukod dun ay 35 errors ang napakawalan ng UST...

mukhang masisira pa nga ang malakas na lineup ng UST for this season - kung kailan may malalakas na kakampi si Rondina..
that means na mababawasan na ang mga posibleng tumalo sa La Salle...


UP versus DLSU

pagkakataon naman ng UP para subukan ang La Salle..
Estrañero is back..
naka-maskara naman si Luna...

off season champion versus UAAP Dynasty..
ang 4th 5-setter match ng Season 81...

Set 1, 21-25, si Buitre muna para kay Dorog, kaso nagkalat ang UP sa reception sa services ni Alba sa bandang dulo, nakagawa ang La Salle ng 3 kill blocks and 7 service aces..
Set 2, 25-20, naka-overtake ang UP, nagpakawala ng 11 errors ang La Salle..
Set 3, 25-21, na-warning-an si Cheng, si Tiamzon muna kapalit ni Luna, 14 attacks ang nagawa ng UP, naka-10 errors naman ang La Salle..
Set 4, 20-25, ipinasok na si Luna nang walang mask, dinala nina Luna at Dela Cruz ang La Salle, lumamang sa 14 attacks ang DLSU..
Set 5, 15-12, na-activate nang maaga si Gannaban at mas madalas na lamang ang UP...

3-2, panalo ang UP...

Player of the Game si Caloy with 19 pure attack points..
may plus 17 digs and 18 excellent receptions pa siya..
Molde with 20 points, na may 17 attacks..
ang na-activate na si Layug, Middle Blocker, scored 11 points..
Estrañero with 38 excellent sets, plus 4 points..
para naman sa La Salle..
Dela Cruz with 19 points, na may 14 attacks..
Ogunsanya with 13 points..
Cheng and Luna both with 12 points..
partida pa na sa 4th Set lang nagsimulang maglaro nang maayos si Luna..
pero nakagawa sila ng 37 errors for this match...

is feeling , thank you sa pagtalo sa La Salle, UP.. hindi maganda na nai-injure yung mga key players, kasi hindi nakikita yung totoong kahihinatnan dapat ng balanseng digmaan...

---o0o---


March 3, 2019...

ADMU versus UE

Set 1, 25-15, nakagawa ng 11 attacks at tumanggap ng 10 opponent errors ang Ateneo..
Set 2, 25-21, humabol ang UE, kaso nakontra yung 15 attacks nila ng 8 errors, lumamang pa sa 3 service aces ang Ateneo..
Set 3, 25-16, nagkaroon ng time si Gandler...

3-0, panalo ang Ateneo...

Player of the Game si Madayag with 11 points from 8 attacks and 3 kill blocks..
Tolentino scored 13 points from 8 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
since quick match lang 'to, BDL with 8 pure attack points..
Samonte with 8 points, plus 12 excellent receptions and 6 digs..
Para naman sa UE..
Abil scored 14 points, plus 18 excellent receptions..
Mendrez with 9 points..
nagpakawala ang UE ng 24 errors in just 3 sets...


NU versus AdU

laglag na si Coach Padda bilang head coach ng Adamson..
7 Wins - 24 Losses pala ang record niya para sa UAAP..
hindi naman daw tanggal, pero wala siya kanina..
sina Roque at Uy pala ang mga eligible pa na nawala na sa team...

Set 1, 15-25, si Igao ang first choice ni Coach Onyok bilang Setter, strong start para sa Adamson..
Set 2, 19-25, may oras para kina Yandoc, Genesis, at Perez, lumamang ang Adamson sa 7 blocks nila..
Set 3, 22-25...

3-0, panalo ang Adamson..
to think na yung NU na nagpahirap sa La Salle ang nakaranas ng mas mataas na efficiency nila...

Player of the Game si Flora with 15 points from 13 attacks and 2 kill blocks..
Soyud with 12 points from 8 attacks and 4 kill blocks..
Dacoron with 10 points..
para naman sa NU..
Robles with 12 points, plus 7 excellent receptions and 5 digs..
Lacsina, Paran, and Luceño contributed 7 points each..
kaso nagpakawala ang NU ng 27 errors within 3 sets...

wala naman ngang masyadong nagbago sa sistema ng Adamson, assistant coach naman pala ang pumalit eh..
mas tamang timing lang para sa substitution ng mga players..
and for some reason eh nalimitahan nila this time yung matagal na nilang kalaban na sarili nilang errors..
siguro takot rin ngang masabon...

is feeling , mabilisan lang ang mga laro ngayong araw.. naman, Lady Falcons, sana last year nyo pa binawasan ang mga errors...

---o0o---


March 6, 2019...

tama, mas matatanda nga pala ang mga Rookie ngayon dahil sa epekto ng K to 12...


FEU versus UE

Domingo versus UE..
most improved attacker si Guino-o in terms of attack variation..
para naman sa UE..
power-type na si Alcayde, so mas dumadami pa ang reliable attackers nila...

ang 5th 5-setter match para sa Season 81...

Set 1, 25-15, naka-off ang reception ng UE, nabigyan ng oras maglaro si Agudo ng FEU..
Set 2, 24-26, off ang laro sa gitna ni Gabarda kaya nagkaroon ng time si Baliton, naka-7 blocks ang FEU pero 16 ang pinakawalan na attacks ng UE..
Set 3, 25-22, nakagawa ng 10 errors ang UE..
Set 4, 20-25, naagaw pa ng UE yung set from 20-17, nagpakawala ng 11 errors ang FEU..
Set 5, 15-9, nagkaroon ng time si Carandang, at pinasan na ni Ebon ang buong FEU, nakalayo sila sa UE sa bandang dulo...

3-2, panalo ang FEU...

Player of the Game si Ebon with 21 points from 17 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
panibagong UAAP career-high for Ebon..
Domingo scored 17 points from 9 attacks, 6 kill blocks, and 2 service aces..
Villareal with 10 points..
bukod dun, nakapagpakawala din ang FEU ng 12 service aces laban sa UE..
para naman sa UE..
Mendrez with 21 points from 18 attacks and 3 service aces..
Abil with 10 points, na may 9 attacks..
pero may plus 28 digs and 24 excellent receptions din siya..
Bendong with 35 excellent sets..
Arado with 28 digs...


UST versus DLSU

pagkakataon naman ng UST, kaso wala na si Alessandrini..
Pacres-mode na ulit...

Set 1, 25-20, lumamang sa kanilang 13 attacks ang UST..
Set 2, 25-22, Nomil muna kapalit ni Saga, kinailangang i-tape ang paa ni Eya Laure, mas madalas na lamang ang UST..
Set 3, 25-17, at iniwan na ng UST ang La Salle...

3-0, panalo ang UST..
at 2 magkasunod na ang talo ng La Salle..
hindi pa rin nga bumibitiw ang isa pang team na kandidato for championship..
ang mga pag-asa para masira ang Dynasty...

Player of the Game si Eya Laure with 15 points from 13 attacks, 1 kill block, and 1 service ace..
may plus 17 digs din siya..
Rondina scored 19 points from 17 attacks and 2 kill blocks, plus 14 excellent receptions..
Pacres with 8 points, plus 13 digs..
nakagawa ang UST ng 41 attacks laban sa defending champion..
para naman sa La Salle, walang player na umabot sa double digit..
Ogunsanya, Dela Cruz, and Ipac with 8 points each..
Cheng with only 7 points..
nagpakawala din sila ng 23 errors within only 3 sets...

is feeling , great game, UST! na-miss kong mapanood na nagpa-panic ang La Salle (Baldo era pa yung huli).. at nilapa nga ng Tiger ang Archer...

-----o0o-----


March 5, 2019...

[Business]

grocery day..
andun na ulit si Emoji Girl...

nahahati yung desisyon ko kung ano ba ang dapat kong i-prioritize..
yung extra income ba sa pamamagitan nang pagbili ng mga naka-promo na items..?
o yung istrikto na pagsunod sa listahan ko, para naba-budget nang husto ang pag-earn ko ng points...?

is feeling , pero humina talaga ang paglalabas ko ng puhunan matapos na sumulpot yung tindahan...

---o0o---


March 6, 2019...

[Piracy]

disappointed..
for a few weeks, sinusubukan kong maalala kung saan ko ba nakita yung alias ng isang user na sumusuporta sa piracy...

kanina, nakita ko na yung ka-match niya..
medyo kilala siyang 3D artist din, non-commercial ang linya niya, at nag-e-specialize sa mga portraits..
supposedly isang French...

nakakalungkot lang isipin na sa kabila ng kalibre niya eh nakiki-comment pa siya doon sa piracy website..
na d-in-ownload niya lahat ng gawa ko mula sa 1st store, kung saan kami magkasama, at ipinamahagi niya rin yun dun sa iba pang supporters ng piracy...

is feeling , walang magandang nangyayari para sa akin...

---o0o---


March 7, 2019...

madalas, isa sa nawawalang ugali ng taong umaangat sa buhay ay ang kakayahan na umunawa... :(

kapag manghihiram ka lang ng mobile phone mula sa isang taong umaasa lang sa patingi-tingi na prepaid load, dahil sa na-battery empty na yung sa'yo..
huwag kang manlalait at magagalit kapag walang sapat na balanse yung phone para makagawa ng tawag..
hindi naman yan company phone na madalas na naka-postpaid, na anytime eh magagamit basta't may battery pa...

is feeling , huwag kang magmamaalam sa mga bagay na hindi naman ikaw ang nagbabayad...


No comments:

Post a Comment