Loveless Story
March 9, 2019...
may c-um-ontact pala sa akin last Monday, pero kanina ko lang napansin..
babae yung pangalan..
and coincidentally na naman, yung variation ng common name na iyon na naman ang gamit..
malinis yung account eh, walang kalaman-laman..
pero i'm assuming na ginawa lang yun for that purpose - ang subukang magbenta ng information sa akin..
kung hindi yun random scammer, malamang na galing yun dun sa grupo...
is feeling , iche-check ko pa kung ano ba talaga siya...
---o0o---
March 12, 2019...
nag-reply na ulit yung taong nagke-claim na kilala niya yung babaeng hinahahap ko...
medyo tugma naman yung version nila tungkol sa pagkakaroon ng mga kapatid..
pero ibang-iba yung pangalan na sinabi niya..
at mas malayo rin yung location na binanggit niya...
kapag nagkataon..
lalabas na peke lahat ng kuwento niya... :(
is feeling , counter checking...
>
papalapit na ako nang papalapit sa kasagutang hinahanap ko..
mukhang totoo nga yung sinasabi nung source..
nailigaw ako ng location..
all this time, sa maling province ako nangangalap ng connections...
so i managed to get a new nickname..
some photos of her..
alam ko na rin ang itsura ng mga kapatid niya..
hipag at pamangkin...
hopefully eh hindi ko na kailanganin pa yung karagdagang tulong nung source...
is feeling , konting tiyaga pa...
---o0o---
March 13, 2019...
noong nakita ko yung unang picture niya, nagduda pa ako kung siya nga ba yun..
but then noong ipinadala nung source yung ikalawang picture, bumilis yung tibok ng puso ko dahil alam kong siya na nga iyon...
pero no deal..
gusto nung source na pera muna bago niya ilabas yung information..
at hindi naman ako para magtiwala sa ganung setup...
may clue ako kung anong itsura ng account ng kapatid niya, though i doubt na magtatagal yun nang ganun..
pero sa tantsa ko, may luma siyang account gaya ng sa iba..
wala ng kontrol yun, unless sadyang i-report..
so yun yung pag-asa ko para mahanap pa siya...
is feeling , lilipat na ng probinsiya...
---o0o---
March 15, 2019...
so may nakilala akong matandang babae..
tipong tita ng generation ko...
at naka-relate siya sa ginagawa kong paghahanap..
willing daw siyang tumulong kahit walang kapalit na pera..
gusto pa nga niyang gamitin yung mga pictures sa pagtatanong-tanong sa kanyang mga kakilala..
pero tumanggi ako..
hindi KMJS-able ang loveless story na pinu-pursue ko..
posible kong masaktan yung babaeng hinahanap ko kapag nagkamali ako ng pinagtanungan..
kaya naman hindi ko pwedeng ipagkatiwala sa iba ang ginagawa kong paghahanap...
is feeling , saan na ba ang tamang direksyon...?
---o0o---
March 16, 2019...
more than 2 weeks na pero wala pa rin namang sumusulpot na profile...
patapos na sana ako sa latest project ko..
pero heto at masyado na naman akong nadi-distract nung source na yun..
labis-labis na ngayon yung nauubos kong oras sa paghahanap... :(
i'm searching within the chin area..
kaso, nadiskubre ko naman sa pag-iimbestiga ko na madami rin pala sa members nila ang doon nag-originate..
so kailangan kong isa-isahin ulit ang mga taong yun...
pakiramdam ko na sobrang lapit ko na sa 50% ng katahimikan sa buhay na hinahangad ko.,
kaso hindi ko na alam kung sa anong direksyon ba ako dapat mag-hunt...
is feeling , 2 profiles.. 0 result, so far...
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 1)
March 9, 2019...
bukod sa Year of the Rookies ang season na 'to..
mukhang ito rin yung may pinakabalanseng lineup of teams, in terms of having multiple reliable attackers, at least since Season 75...
DLSU versus UE
pagkakataon naman ng UE para masubukan ang La Salle...
Set 1, 25-18, bench si Cheng dahil sa shoulder injury, lamang sa lahat ng stats ang La Salle..
Set 2, 25-20, wala pa si Luna, nagkaroon ng early big lead ang UE pero nabaligtad pa rin ng La Salle ang laban, lumamang sa 5 blocks and 3 service aces ang DLSU, lamang naman sa 11 attacks nila ang UE kaso eh nakontra lang ng 10 errors nila..
Set 3, 25-18, ipinasok na si Luna kapalit ni Alba late in the set at mabilis na napakinabangan ang 3 service aces niya, madami pa rin ang nagawang errors ng UE...
3-0, panalo ang La Salle..
may laban naman ang mga attackers ng UE, kaso tinabla sila ng sarili nilang mga errors...
Player of the Game si Tiamzon with 10 points from 9 attacks and 1 kill block..
Dela Cruz with 14 points from 9 attacks, 2 kill blocks, and 3 service aces..
may plus 10 digs din siya..
para naman sa UE..
Abil with 8 points, plus 13 digs and 18 excellent receptions..
Mendrez and Olarve also with 8 points each...
UST versus NU
Eya Laure versus NU's Champion Rookies..
battle of handicapped teams...
Set 1, 26-24, extended set, pero nagtagumpay ang UST sa comeback nila, nakagawa rin ng 10 errors ang NU..
Set 2, 25-17, off na ang attack ni Lacsina, Rondina-mode para sa UST, lumamang sila sa kanilang 14 attacks and 3 kill blocks..
Set 3, 23-25, nakagawa ng early lead ang NU, nakadikit pa ang UST pero hindi na sila hinayaan ng NU, lamang sa lahat ng stats ang NU pati sa 9 errors nila..
Set 4, 25-17, nakaagwat ang UST kaya kinapos na ang NU...
3-1, panalo ang UST...
Player of the Game si Eya Laure with 20 points from 19 attacks and 1 service ace..
Rondina scored 16 points na may 14 attacks, plus 10 excellent receptions..
Pacres with 12 points plus 15 digs..
para naman sa NU..
Robles and Lacsina scored 14 points each..
note na maraming naging outside na attack si Lacsina simula sa 2nd set..
Paran with 10 points..
pero nagpakawala sila ng 38 errors...
is feeling , nice try, UE.. nice game, NU and UST...
---o0o---
March 10, 2019...
FEU versus AdU
ang 6th 5-setter match ng Season 81..
3rd na para sa FEU...
Set 1, 25-18, Yandoc-mode ang Setter ng Adamson, maagang nakalamang ang FEU, nakagawa sila ng 17 attacks sa kabila ng kanilang 9 errors..
Set 2, 17-25, Perez time para sa Middle Blocker ng Adamson, mas madalas na lamang ang Lady Falcons, nakagawa sila ng 12 attacks and 3 blocks..
Set 3, 25-14, nakaagwat ang FEU, lumamang sila sa kanilang 13 attacks, 3 blocks, and 3 service aces..
Set 4, 22-25, Adamson naman ang nakaagwat, halos patas ang stats pero natalo lang ang FEU dahil sa kanilang 9 errors..
Set 5, 15-8, maagang nakalayo ang FEU kaya nahirapan nang dumikit ang Adamson...
3-2, panalo ang FEU..
2nd win nila sa 5-setter match, pero kontra lang yun sa 2 bottom teams...
Player of the Game si Duremdes with 9 excellent receptions and a massive 44 digs..
Guino-o scored 20 points from 17 attacks and 3 service aces..
may plus 13 digs and 10 excellent receptions din siya..
Ebon with 17 points na may 15 attacks..
Domingo with 14 points na may 4 kill blocks..
Negrito with 32 excellent sets plus 5 points..
para naman sa Adamson..
Soyud with 14 points na may 12 attacks..
Dacoron with 13 points..
Flora with 11 points..
Permentilla with only 9 points, pero plus 13 excellent receptions...
hindi pa rin talaga consistent si Permentilla kaya nagkakaroon pa ng oras si Genesis...
UP versus ADMU
Battle of Katipunan..
kailangang matalo ng UP ang Ateneo...
nagkaroon pa ng issue sa menstruation niya si Dorog bago yung match nila..
nahimatay daw dahil sa menstrual cramps (first time kong makarinig ng menstrual problem sa V-League, sa tinagal-tagal nang pagsuporta ko sa sports na 'to)...
Set 1, 21-25, off ang laro ni Molde ngayon, palitan ng kalamangan ang 2 team, kaso yung 10 attacks ng UP ay nakontra ng sarili nilang 11 errors..
Set 2, 15-25, medyo na-injure yung Libero ng UP, lumamang sa lahat ng stats ang Ateneo..
Set 3, 26-28, ibinalik na sa laro ang na-injure na Libero ng UP, naghabol sila, kaso sa bandang dulo pa nag-commit ng mga errors ang UP...
3-0, panalo ang Ateneo..
at dahil dun, Ateneo na ngayon ang nag-iisang #1 sa ranking...
Player of the Game si Madayag with 14 points from 8 attacks and 6 kill blocks
Tolentino with 12 points na may 10 attacks, plus 14 digs..
Gaston with 10 points na may 9 attacks, plus 10 excellent receptions..
Samonte with 8 points..
para naman sa UP..
si Caloy lang ang umabot sa double-digits, with 10 points..
Gannaban with 7 points..
at hindi nakatulong sa UP ang 26 errors nila within only 3 sets...
basta hindi ako fan ng angas ng kasalukuyang Lady Eagles..
reminds me of La Salle mula sa era ni Gumabao..
mas gusto ko pa rin yung masaya lang ang celebration, parang si Sato...
is feeling , talagang laban pa sa Ateneo kayo nagkalat, UP..? magaling sana kung kaya ng Ateneo na talunin ang La Salle eh...
---o0o---
March 13, 2019...
ADMU versus AdU
Set 1, 25-8, sina Yandoc, Genesis, at Macaslang ang first choice ng Coach ng Adamson, overkill ng Ateneo, lamang sila sa lahat ng stats bukod pa sa 11 errors na pinakawalan ng Adamson..
Set 2, 22-25, ipinasok na si Perez, ipinasok rin si Gandler para sa Ateneo gaya ng iba pa, 15 attacks ang nagawa ng Adamson sa kabila ng kanilang 11 errors ulit..
Set 3, 25-16, nakagawa ng early lead ang Ateneo, lumamang sila sa lahat ng stats..
Set 4, 25-10, dumami na ang substitutions para sa Adamson, pero in-overkill na sila ulit ng Ateneo...
3-1, panalo ang Ateneo..
balik ang Adamson sa dati..
kung hindi marami ang errors, eh off ang laro ng mga key players nila...
Player of the Game si BDL with 14 points from 6 attacks, 4 kill blocks, and 4 service aces..
Gaston scored 16 points from 10 attacks and 6 service aces..
Tolentino with 15 points from 10 attacks, 4 kill blocks, and 1 service ace..
Wong with 4 points and 29 excellent sets, plus 18 digs..
para naman sa Adamson..
si Soyud lang ang umabot sa double-digits with 13 points..
Dacoron and Permentilla with 9 points each..
nagpakawala ang Adamson ng napakarami na naman na 35 errors...
UP versus NU
Off-Season Champions versus High School 4-peat Champions..
birthday din ni Dorog...
ang 7th 5-setter match ng Season 81..
3rd na para sa UP..
first time lang naman ng NU...
Set 1, 17-25, nakagawa ng early lead ang NU, lumamang sila sa kanilang 9 service aces..
Set 2, 25-14, ibinalik na ang mga key players ng UP, nagpakawala ng 11 errors ang NU..
Set 3, 25-17, na-activate na si Molde, nakagawa ang UP ng 18 attacks..
Set 4, 23-25, nakagawa ng early lead ang NU at hindi na nila iyon pinakawalan..
Set 5, 15-17, nakaagwat ang UP pero na-extend ng NU ang set at naagaw pa talaga nila ang game...
3-2, panalo ang NU..
upset loss para sa UP na nakailang match point bago nahabol ng NU..
at magkasunod pa ang naging talo nila...
Player of the Game si Nierva with 29 excellent receptions and 26 digs..
Robles scored 17 points from 10 attacks and 7 service aces, plus 21 excellent receptions..
Lacsina with 16 points from 12 attacks and 4 kill blocks..
Paran and Doria with 12 points each..
nakaligtas ang NU sa kabila ng napakawalan nilang 42 errors..
para naman sa UP..
Caloy and Dorog scored 15 points each..
Molde with 13 points...
is feeling , lagot naman sa UP.. 3 na ang talo, sinira pa ang birthday ni Dorog.. mukhang UST na lang ang pag-asa this season...
-----o0o-----
March 10, 2019...
[Anime]
One Punch Man
akala ko dati isa lang siyang anime na simple lang ang drawing at walang masyadong lalim yung istorya..
pero bukod sa sobrang nakakatawa yung pagiging invincible nung payak na bida..
tinatalakay niya rin pala ang tungkol sa paghahanap ng purpose sa buhay, ang tungkol sa sistema, ang isyu ng diskriminasyon, mga sakripisyo, at ang pulitika sa sarili nilang organisasyon...
is feeling , ang pampatawa ko tuwing weekend...
---o0o---
March 12, 2019...
reschedule..
wala daw kuryente (NGCP ang dahilan) sa maghapon ng March 14..
kaya saka na lang ako mag-go-grocery...
konti na lang..
last page, 1 profile, at cover..
tapos render..
then makakadiretso na ulit ako sa editing...
is feeling , 3 projects and a bundle.. kailangan mong umubra, dahil nawawalan na ako ng laban sa buhay...
---o0o---
March 13, 2019...
[Medical Condition]
nakadalawa na yung natanggal ko na non-flesh mass sa surgical wound ko..
i'm not sure kung ano sila, pero parang langib..
namuo sila sa magkabilang dulo nung hiwa, at siguro na-stuck dahil sa recovery, dahil malalim yung sugat..
nagdugo yung isang dulo at nagbukas ulit ng sugat, yung isa naman eh parang may naiwan na mass sa loob...
is feeling , tumigil ka na...
---o0o---
March 15, 2019...
[Business]
hindi ko alam kung direktang epekto ng bumubulusok na train o kung domino effect dahil sa ibang product..
pero tumaas na pala ulit ng Php 1.00 ang bawat litro ng powdered juice and tea..
yung mga tea eh tumaas na dati ng Php 0.50 bago pa natapos ang 2018..
at parehas na nga ulit na tumaas nang tig- Php 1.00 yung dalawang item sa simula ng 2019...
is feeling , greed...
>
2nd anniversary na ni Unit 02..
sobrang bilis ng paglipas ng panahon..
sobrang bilis rin na masira ng mga plano ko...
is feeling , 3 years left para sa kontrata...
>
[Movie]
"Whatever it takes....."
credit for this particular video goes to its original creator(s) and uploader...
is feeling , anak ng, may pa-uniform...
---o0o---
March 16, 2019...
malas na naman..
hindi pa nga ako nakakaarangkada sa Patreon..
hindi ko pa nga nakukubra yung pera ko doon dahil hindi ko maabot yung quota..
sa May pa nga sana mag-uumpisa yung mismong test ko..
tapos ngayon ay may violation na daw ako...??
anong ibig nilang sabihin..?
na bawal sa mundo ang Mythology..?
na bawal sa mundo ang mga fairy tale na gaya ng Snow White and the Seven Dwarfs..?
na bawal sa mundo ultimo ang mga taong may dwarfism...??
anak kayo ng mahihilig sa diskriminasyon... :(
is feeling , ano na naman ba 'to...??
No comments:
Post a Comment