Loveless Story
February 23, 2019...
tama nga yung sinabi niya..
na walang obligasyon ang kahit na sino sa kanila sa akin..
pera ang nagpapatakbo sa bawat deal, at applicable lang yun hanggang sa matapos yung oras...
pero ibig sabihin rin nun na wala akong obligasyon sa kanila..
hindi ko kailangang magprotekta ng mga lihim..
hindi ko kailangang magprotekta ng mga pangalan..
hindi ko kailangang magprotekta ng mga pamilya nila..
at pwede kong gawin kung anuman ang gusto ko, as long as hindi yun ilegal...
tapos didiktahan niya ako..?
nasaan ang karapatan mo ngayon...??
is feeling , tutal wala namang bugok na rule na nagsasabi na bawal akong makipagkilala sa labas ng industriya...
---o0o---
February 24, 2019...
12,000 weak...
is feeling , gaano ka pa katagal Oda...?
---o0o---
February 25, 2019...
Part 1
madaming beses na akong nakabasa ng mga post tungkol sa mga ganung klase ng paninirang puri..
pero first time ko lang na personally maka-experience...
may kakilala kasi ako, pero silent type siya..
so nung time na nagpalit yung intro ng social media account niya matapos ang ilang araw ng pagiging deactivated, eh nagulat ako na parang masyado namang lantaran yung term na ginamit niya..
yung tipong hindi niya basta-basta gagawin..
pero hindi ko na lang siya kinausap tungkol dun..
hindi na lang kako ako makikialam sa gusto niya, kahit na babae pa siya...
kaso kahapon, eh mas lantaran pa yung p-in-ost nung account, kasi may isinama nang pangalan..
so nagduda na ako, kasi bakit naman kako kailangan na lagyan pa niya ng pangalan yung post..?
nag-search ako, and since familiar na ako sa mga photos niya, eh nakita ko nga yung real account niya..
kaya naalarma ako, bakit naman kako niya sisirain nang ganun yung sarili niyang pangalan..?
bukod dun eh nag-aalok na rin yung tao ng nude photos through stories kapalit ng Php 500...
minabuti kong kausapin yung kakilala ko through her mobile number..
at noon ko nga nalaman na na-hack na pala yung account niya kaya ganun..
noon niya rin nalaman na may naninira na pala sa kanya..
ang suspek niya eh ex-boyfriend niya..
at medyo nakakalungkot na ako pa pala talaga yung nakadiskubre nun para sa kanya..
mabigat sa pakiramdam na kailangan mong i-warn ang isang babae na may naninira na sa puri niya, pero wala ka naman talagang magagawa to immediately stop it...
sa tantsa ko, mahirap ring mapigilan yung taong nang-hack sa account niya, in case na totoo ngang magkakilala sila nang husto..
posibleng mapa-suspend yung account, pero hindi yun guarantee na hindi na kakalat yung paninira through other media..
kaya the best suggestion na nasabi ko sa kanya eh humingi na siya ng tulong sa awtoridad in case na lumala na nga yung paninira...
>
Part 2
what was more surprising for me eh noong nakita ko yung real account niya...
the first time we met, nagduda ako nung sinabi niya sa akin yung name niya..
naisip ko lang noon na, yun na namang common name na yun..
tapos noong nakita ko na nga yung account niya kagabi, eh nagulat ako na halos kagayang-kagaya yung name niya nung sa alias nung babaeng hinahanap ko..
as in isang letra na lang ang difference para maging magkatunog na magkatunog yung mga pangalan nila..
and it seems legitimate, kasi ganun nga ang tawag sa kanya nung mga relatives niya...
natawa lang ako sa FATE..
to think na may makikilala talaga ako na halos ganun na ganun ang totoong pangalan..
parang medyo pinaglalaruan ako ng pagkakataon...
is feeling , naman.. bakit kapag ibang tao, eh nahahanap ko.. pero kapag siya, eh hindi pwede...??
---o0o---
February 27, 2019...
parusa ng pagka-inutil..
parusa ng luho..
parusa ng kawalan ng pagkakapantay-pantay..
parusa ng abnormalidad...
is feeling , all in one place...
---o0o---
February 28, 2019...
nakalista na ulit ang pangalan niya doon sa website...
ewan..
hindi ko pa sigurado..
hindi ko mako-confirm hangga't hindi naglalabas ng profile...
kasabay nun, may bago ring number na nag-register sa messaging app ko...
pero hindi na pwede..
useless kung doon ko pa rin siya kakausapin..
nasubukan ko na noon, at wala namang nangyari concrete..
hindi niya ibibigay yung alaala na hinihiling ko..
kaya this time, sa totoong mundo lang talaga ako pwedeng dumaan...
is feeling , bakit ka ba bumabalik...??
>
2 new discoveries...
so wala naman talagang masyadong bago sa lineup nila..
yung akala ko noon na isa lang background personnel, eh kagaya rin pala nung iba, at least eh lately..
ewan ko lang kung maitanggi pa niya ngayon na hindi niya kakilala yung taong hinahanap ko...
yung isa naman eh nagpalit lang ng pangalan..
siguro may bad record yung dati..
pinabayaan na naman siya ng nobyo niya na sumuong dun - nang kasama sila..
to think na magkasama ngayon dun yung current na karelasyon at yung dating inanakan lang...
is feeling , recycling...
---o0o---
March 1, 2019...
[Strange Dream]
nakita ko na ulit siya sa panaginip ko kagabi..
siguro dahil sa muling paglabas ng pangalan niya...
maikli lang yung eksena..
ang setting ay sa campus na pinasukan ko noong high school..
yung lumang building..
parang kadarating ko lang daw noon..
dumiretso ako sa classroom namin noong 2nd Year..
tapos nandun daw siya..
maluwag yung setup nung classroom, at mag-isa lang siya sa bandang gitna...
hindi ko na maalala nang husto kung nag-usap ba kami o hindi..
pero ang natatandaan ko ay mahaba na ulit ang kanyang buhok...
is feeling , gaano pa katagal...??
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 1)
February 23, 2019...
NU versus UE
ang kauna-unahang 3-setter match ng Season 81..
at ang nawalan pa talaga ng kaisa-isang Setter na NU ang nakagawa nun..
first time ni Chavez (dating Libero) na maglaro bilang Setter..
possible naman daw na hindi na makapaglaro this season si Cagande...
Set 1, 25-19, asa sa basic setting ang NU, at lumamang din sila dahil sa kanilang 5 kill blocks at 3 service aces..
Set 2, 25-23, dikitan ang laban, pero dinala nina Lacsina at Robles ang NU lalo na sa bandang dulo..
Set 3, 25-19, nadomina na ng NU ang laban, at na-activate pa ang laro sa gitna ni Doria...
3-0, panalo ang NU..
13th straight loss na daw ng UE laban sa NU...
Player of the Game si Lacsina with 18 points from 14 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
great first game as a Setter para kay Chavez..
Robles scored 9 points, 7 from attacks..
Doria with 12 points, na may 5 kill blocks..
Paran with 10 points..
Chavez with 14 excellent sets..
para naman sa UE..
Abil with 10 points, plus 10 excellent receptions..
Mendrez with 8 points, plus 7 digs..
medyo na-activate rin naman nila yung Middle Blocker nila na si Gabarda...
AdU versus DLSU
Soyud and Permentilla versus La Salle...
Set 1, 16-25, na-check ng depensa si Permentilla, nag-commit din ng 14 huge errors ang Adamson..
Set 2, 21-25, may Genesis time, si Igao rin muna ang nag-Setter, gumawa ng late chase ang Adamson matapos na ma-warning-an si Flora..
Set 3, 20-25, on and off sa paghabol ang Adamson...
3-0 rin, panalo ang La Salle...
Player of the Game si Cobb with 3 points and 25 excellent sets..
Dela Cruz with 10 pure attack points, plus 18 digs..
Cheng and Ogunsanya scored 9 points each..
Luna with 8 points..
Ipac with 6 points..
naka-score sa 43 attacks ang La Salle..
para naman sa Adamson..
Flora and Dacoron with 9 points each..
nalimitahan naman sina Soyud at Permentilla sa 6 points each lang..
tapos nagpakawala pa ang Lady Falcons ng 29 errors sa loob lamang ng 3 sets...
marami pa ring mali sa decision making ni Coach Padda hanggang sa ngayon..
gaya ng pagpapalit-palit niya ng Setter habang mainit pa yung laro nung isa..
dapat habang maganda ang koneksyon ng Setter sa mga attackers niya, eh ibabad lang siya sa court..
kapag patay naman ang blocking ni Macaslang, eh pwedeng ipasok na lang si Perez..
walang atake si Macaslang bukod sa easy over, samantalang kayang mag-quick ni Perez, bukod pa sa kaya niya ring mag-block..
okay rin naman si Ave sa likod for both defense and offense, kaya pwedeng hindi na gamitin ang dating Libero na si Infante...
is feeling , wala pa ring mantsa ang DLSU.. tapos brownout pa bukas, hagip ang first match...
---o0o---
February 24, 2019...
UP versus UST
rematch pala ng PSL Collegiate Grand Slam Championship...
Set 1, 25-21..
Set 2, 22-25..
Set 3, 16-25..
Set 4, 20-25...
3-1, panalo ang UST..
hindi ko napanood kung ano ang naging kahinaan ng UP laban kina Rondina..
mukhang dahil sa pagkawala ni EstraƱero dahil daw sa food poisoning..
very bad timing...
Alessandrini scored 22 points from 19 attacks and 3 kill blocks..
may 15 digs at 10 excellent receptions pa siya..
mukhang siya ang ikinalamang ng UST this time..
Eya Laure with 18 points..
Rondina with 17 points, na may 15 attacks..
para naman sa UP..
yung Rookie na si Sotomil ang nag-Setter..
Caloy scored 20 points, with 18 attacks..
Molde with 13 points..
Dorog naman with 10 points, at nasaktan pa ang tuhod niya sa 4th Set...
ADMU versus FEU
ang 3rd 5-setter match ng Season 81...
Set 1, 14-25, activated si Domingo, 11 attacks at 5 service aces ang inilamang nila..
Set 2, 19-25, malaki ulit ang naging kalamangan ng FEU, gumawa sila ng 15 points laban sa sarili nilang 11 errors..
Set 3, 25-21, nag-init pa sina Tolentino at ang Ateneo, Ateneo versus Guino-o ang naging labanan, lumamang na sila sa attacks with 16 minus 9 errors..
Set 4, 25-18, nakagawa ng early lead ang Ateneo, nabuhay ang floor defense at dumami pa nga ang active attackers nila..
Set 5, 15-12, dikitan ang laban, pero nagkalat ng errors ang FEU sa bandang dulo...
3-2, panalo ang Ateneo..
upset loss para sa FEU na lumamang pa ng 2-0 sets..
hindi naman sa humina ang laro ng FEU, pero talagang nabuhayan lang ang Ateneo at na-activate ang mga attackers...
Player of the Game si Tolentino with 19 points from 17 attacks and 2 kill blocks..
at sa Set 3 pa talaga siya nagsimulang uminit nun..
Madayag scored 14 points, 12 from attacks..
Wong with 8 points and 26 excellent sets..
Gaston with 9 points, pero may 16 digs and 18 excellent receptions siya..
Samonte with 7 points, pero may 17 digs and 12 excellent receptions siya..
so yung 2 na yun ang explanation kung bakit lumakas nga ang floor defense ng Ateneo since Set 3, na na-convert into attack points..
para naman sa FEU..
Guino-o scored 16 points, 14 from attacks..
may 9 excellent receptions din siya..
Domingo and Malabanan scored 13 points each..
hindi naman masyadong naging factor this time si Ebon..
nagtapon ng 38 errors ang FEU, at 7 dun ang napakawalan pa nila sa 5th Set...
madaming beses nang nagagawa ng Ateneo generation na 'to yung mga ganung comeback nila, since last PVL..
pero hindi uubra yung mga ganun laban sa mga team na kasing consistent ng La Salle...
is feeling , lagot naman sa UP, nagpa-mantsa na rin ng record nila...
---o0o---
February 27, 2019...
NU versus DLSU
DLSU versus young 4-peat champions...
Set 1, 10-25, in-overkill ng La Salle ang NU, sobrang activated si Ogunsanya..
Set 2, 25-20, pero lumaban ang mga rookies, 15 attacks ang nagawa nila laban sa sarili nilang 11 errors..
Set 3, 25-27, dumaan sa early block check ang NU, pero muli silang nanlaban, kaso nakontra naman yung 14 attacks nila ng 10 errors..
Set 4, 22-25, na-activate na si Cheng...
3-1, panalo ang La Salle..
hindi na masama for NU..
considering na sariling errors ang madalas nilang kalaban, at na deactivated pa ang isa nilang attacker na si Doria...
Player of the Game si Clemente na uminit lang noong Set 3..
may 5 points siya from 4 attacks and 1 service ace..
mahirap siyang i-block dahil matangkad siya, mataas tumalon, at mahaba ang reach..
Luna with 14 points, 13 from attacks..
Ogunsanya with 13 points from 8 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
Cheng with 12 pure attack points, plus 11 excellent receptions and 12 digs..
Dela Cruz also with 12 points, plus 16 digs..
para naman sa NU..
Super Rookie Robles with 18 points, na may 17 attacks..
may plus 18 excellent receptions din siya..
Lacsina with 16 points, plus 18 digs..
and Paran with 11 points...
AdU versus UE
ito ang sukatan kung malakas pa rin ba ang natitirang mga Lady Falcons..
kung kaya ba nila ang UE nang wala si Galanza..?
kaso, may injury pala si Mendrez..
at naglalaro naman nang may lagnat si Arado..
labanan ng floor defense dahil sa mga Libero nila...
Set 1, 25-20, may Perez time na, may oras rin ang iba pang key players, 10 ang errors ng UE at pinupuwersa na si Mendrez..
Set 2, 26-28, extended set, si Dacoron pala ang wala, naka-6 blocks ang Adamson, gumawa naman ang UE ng 17 attacks kontra sa 11 errors nila..
Set 3, 23-25, ipinasok na si Dacoron, lumamang sa 16 attacks ang UE..
Set 4, 22-25, nagkalat ng errors sa bandang dulo ang Adamson...
3-1, panalo ang UE..
kawawa ulit ang Adamson, nagkamali na naman na hindi kaagad pinalaro si Dacoron sa Set 2..
at may partida pa nga ang UE na hindi 100% ang 2 sa kanilang key players...
Player of the Game si Abil with 22 pure attack points..
may plus 20 digs and 21 excellent receptions din siya..
Mendrez with 14 pure attack points..
Olarve also with 14 points..
Rodriguez with 12 points, 4 from kill blocks..
Bendong with 32 excellent sets..
para naman sa Adamson..
Soyud scored 20 points from 14 attacks, 4 kill blocks, and 2 service aces..
Flora with 15 points..
Macaslang with 9 points...
is feeling , nice game NU, napag-panic nyo dun si Coach Ramil...
-----o0o-----
February 24, 2019...
huwag kang magde-demand ng respeto na base lang sa source ng sperm cell...
kahit pa sabihin na matanda ka na, hindi ka dapat magalit kung wala namang ginagawang masama sa'yo..
palibhasa kasi sa sobrang sama mong tao, pakiramdam mo parati na nasisita ang mga kasamaan mo eh...
nilinaw ko lang sa anak mo na hindi kailangan ng computer para mag-photocopy gamit yung scanner..
paalis yung mga tao, at hindi maganda kung maaabala sila..
tapos magpapasusot ka na akala mo eh pinagdadamutan ka..
at anong ginawa mo nung sinubukang mag-explain sa'yo nang maayos ng tungkol sa technology ng scanner..?
nagalit ka at nanigaw na...
tapos magtataka kang basura ka kung bakit ka minura at tinawag na bobo..
hindi ko sinasabing kabobohan ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa technology..
pero ang kabobohan ay ang pagre-react ng masama o galit sa tuwing nagpapaliwanag kami sa'yo nang maayos...
is feeling , the reason kung bakit marami akong sirang araw sa buhay ko.. hindi nga kaya ikaw ang malas para sa bahay na 'to...??
---o0o---
February 27, 2019...
alamin ko daw ang lahat-lahat ng tungkol sa Momo Challenge..
para daw dun sa Autistic...
paano naman maiintindihan yun nung Autistic..?
eh hindi nga marunong sumunod sa huwag kang tumae doon sa..
huwag kang magkalat sa..
huwag kang maglaro ng..
huwag kang manira ng..
huwag kang manakit...
pero ang best solution..?
huwag pagamitin ang mga bata ng smartphone para lang mapagaan ang responsibilidad ng mga magulang..
kung gustong papanoorin, edi umasa na lang sa TV, at hindi sa tutukan na blue light...
is feeling , sa akin na naman ang pasa...??
---o0o---
March 1, 2019...
[Lottery]
ito naman yung statistics last February:
58 - 1 win
45 - 2 wins
42 - 3 wins
nasimulan siya ng 4 na magkakadikit na mga panalo sa unang bahagi ng buwan..
tapos may humabol na 2 nang patapos na ang February...
is feeling , hmmm...??
---o0o---
March 2, 2019...
[Online Marketing]
aabutin pa ng April yung isa kong source ng pondo..
kinapos pa kasi ng USD 1.48 eh...
is feeling , tadtad ang schedule ko para sa April.. may kasabay pang permanent ID...
No comments:
Post a Comment