Friday, March 22, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of March 2019 (Tattletale)

Loveless Story


March 17, 2019...

"magbabakasakali lang po sana ako... posible po kayang may kilala kayo sa mga taong 'to na nasa picture..?"...

tang ina!
kapani-panira ba ang tanong na ganyan para sa kanila..?
mukha bang pamamahiya ang intensyon ng nagtatanong kapag ganyan lang ang mga sinabi..?
eh ni hindi naman scandalous yung photo na tinutukoy ko..
pero automatic ang violent reaction...??

is feeling , yung background ninyo, ginagawang automatic na madumi ang takbo ng mga pag-iisip ninyo...


>
for the 2nd time, may na-trigger na naman ako..
nagpadala lang ako ng inquiry sa 4 na tao..
and then may pumasok ulit na message request..
the user is claiming na siya yung babaeng hinahanap ko..
pero sa punto na 'to, mahirap magtiwala sa mga taong gumagamit ng kung anu-anong pangalan...

ang suspek ko bilang nagsumbong ay yung taong naka-view sa mensahe ko, at nag-block kaagad sa akin..
kaso pinag-aralan ko na nang pinag-aralan yung network nila, pero wala pa rin akong makitang direct na connection...

ayun..
nairita sa akin yung nagpadala nung mensahe...

sa ngayon, nasa 2 independent na directions na yung focus ng paghahanap ko...

is feeling , magtatanong lang, sa sumbungero pa...

---o0o---


March 18, 2019...

done with all the renders..
yung makakaya kong gawin ng 2 days, pinaabot ko pa ng 3 days...

wrong timing talaga yung source na yun..
kailangan ko munang tumigil sa paghahanap..
kailangan ko munang tapusin ang latest project ko...

is feeling , pera muna.. masakit mamatay kapag walang pera...


>
nabasa na niya yung explanation ko..
ilang beses na niya akong sinusubukang tawagan sa social media..
hinihingi niya rin yung number ko para makapag-usap kami nang maayos...

pero hindi pwede sa ganung paraan..
kailangan niya ngayong mag-decide kung tutulungan ba niya ako o hindi...

is feeling , tapusin mo na ang pagiging distracted ko...


>
antok na antok na ang katawan ko..
pero ayaw rin namang matulog ng isipan ko...

tinatamaan na rin ng fatigue ang mga mata ko, pero dahil sa maling dahilan...

is feeling , until i find that item...

---o0o---


March 19, 2019...

wala na ulit ang profile niya..
mukhang nakagulo ako sa diskarte niya sa buhay...

i already talked to her last night..
kinausap ko na siya dahil may mga nabanggit siyang patunay na siya nga yung taong hinahanap ko..
nagpa-panic na rin siya dahil nalaman niya yung ginagawa kong pagtatanong-tanong, gawa ng isang dakilang sumbungero..
so kinailangan ko siyang i-assure na safe naman yung ginawa kong paghahanap..
c-in-onfirm rin naman niya sa akin na wala nga akong nagawang mali...

so ayun nga..
pinabayaan na naman ng FATE na ma-check ako nang hindi ko pa nakukuha yung final goal ko...

is feeling , walang kahit na anong nakatakda para sa akin.. maliban sa mga kamalasan...

---o0o---


March 21, 2019...

nahuli ko na yung sumbungera...

tama nga yung hinala ko..
it was the one who blocked me..
nahanap ko ang isang uncontrolled account niya..
iba pa nga ang pangalan kaya nasurpresa ako na siya rin pala iyon..
nagulat din ako na bahagi din pala ng grupo yung ganung tipo na madami parating mga marka sa mukha..
probably just a background personnel...

bakit ganun..?
gumagana naman yung manual facial recognition ko para sa iba..
pero hindi ko pa rin mahanap-hanap yung mismong hinahanap ko...

is feeling , network na niya ngayon ang target...

---o0o---


March 22, 2019...

naalala ko lang..
umakyat na pala sa 42 yung sources ko...

ang babaeng yun..
ang sama niyang mag-isip..
3 tao yung nasa picture tapos naisip niya kaagad na yung babae lang ang hinahanap ko..
at naisip pa niya na yung raket ang dahilan kung bakit ko hinahanap yun... :(

is feeling , corrupted...

-----o0o-----


[V-League]


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 1)


March 16, 2019...

ADMU versus NU

Set 1, 23-25, dikitan ang laban, naka-13 errors ang Ateneo..
Set 2, 25-17, nakaagwat ng malaki ang Ateneo, nakagawa sila ng 12 attacks at natulungan pa ng 12 opponent errors..
Set 3, 25-23, nakadikit ang NU, pero nakontra ang 16 attacks nila ng sarili nilang 7 errors..
Set 4, 25-17, nakaagwat ang Ateneo...

3-1, panalo ang Ateneo...

Player of the Game si Madayag with 17 points from 10 attacks, 3 kill blocks, and 4 service aces..
BDL scored 13 points na may 4 kill blocks..
Tolentino and Gaston with 10 points each..
Wong with 29 excellent sets, plus 20 digs..
para naman sa NU..
Robles with 18 points na may 15 attacks, plus 21 excellent receptions..
Lacsina with 11 points..
Nierva with 30 excellent receptions and 29 digs..
pero 39 errors ang kumontra sa effort nila sa paglaban sa Ateneo...


FEU versus DLSU

hindi pa rin starter si Cheng..

Set 1, 15-25, lumamang sa kanilang 15 attacks ang La Salle..
Set 2, 19-25, Clemente-mode para sa La Salle, ipinasok pa si Cheng bilang confidence booster, lumamang sila sa kanilang 5 service aces at nakakuha pa ng bonus mula sa 8 errors ng FEU..
Set 3, 24-26, nakahabol naman ang FEU pero kinapos pa rin sila...

3-0, panalo ang La Salle...

Player of the Game si Tiamzon with 13 points from 9 attacks, 1 kill block, and 3 service aces..
Luna with 10 points..
Dela Cruz with 9 points..
Clemente with 8 points..
para naman sa FEU..
Ebon with 10 points..
Malabanan with 9 points..
Domingo with 7 points..
pero 28 errors ang pinakawalan ng FEU in just 3 sets...

ang difference ng La Salle kumpara sa ibang teams..??
hindi basta-basta napupuntusan ang La Salle gamit ang mga average na palo, dahil sa ganda ng coverage nila after ng blocking..
at lahat ng attackers nila ay kayang pumalo ng maalin sa power-type o speed-type...

is feeling , good fight ulit para sa NU, magandang experience na naman for them.. hindi na masama para sa FEU dahil nanalo naman sina Guino-o ng Php 40,000 kanina sa Boom ng Eat Bulaga...

---o0o---


March 17, 2019...

last day para sa Round 1 ng Eliminations...


UST versus UE

Set 1, 25-18, nakaagwat ang UST, lumamang sila sa kanilang 17 attacks, 3 service aces, sa kabila ng kanilang 9 errors..
Set 2, 25-14, hindi nakatulong sa UE ang kanilang 11 errors..
Set 3, 25-20, mas nakalapit naman ang UE...

3-0, panalo ang UST...

Player of the Game si Eya Laure with 15 points from 11 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces...
Rondina with 17 points na may 16 attacks, plus 10 excellent receptions and 7 digs..
Pacres, Galdones, and Viray with 8 points each..
para naman sa UE..
si Abil lang ang umabot sa double digits with 15 points, plus 14 excellent receptions and 7 digs..
nalimitahan naman si Arado sa 12 receptions and 11 digs, at talagang pinahirapan ni Rondina...


UP versus AdU

makikita kung anong magiging response ng UP dahil sa 2 magkasunod nilang pagkatalo...

Set 1, 25-27, sina Igao at Macaslang ang kasama sa starters, naagaw pa ng Adamson ang set dahil sa kanilang 5 blocks sa kabila ng 7 errors nila..
Set 2, 25-14, nakakuha ng oras sina Genesis, Yandoc, at Perez, gumanda naman ang coverage ng UP at lumamang sila sa lahat ng stats..
Set 3, 25-12, off na ang attack ng Adamson at nagpakawala pa sila ng 14 errors..
Set 4, 25-21, mas nakatulong na ulit sina Permentilla at Perez sa Adamson, kaso ay kinapos na sila...

3-1, panalo ang UP...

Player of the Game si EstraƱero with 4 points and 28 excellent sets, plus 11 digs..
Molde scored 14 points from 11 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Caloy also with 14 points, plus 26 digs..
Layug with 11 points..
para naman sa Adamson..
Dacoron with 15 points..
Soyud with 10 points...

is feeling , kailangan lang ituluy-tuloy ng UST yung kalibre ng laro nila.. ang UP naman eh kailangan pang mas maging consistent sa Round 2...

---o0o---


UAAP Season 81 Women's Volleyball - Eliminations (Round 2)


March 20, 2019...

NU versus UE

Set 1, 16-25, nakadistansya ang UE, off naman ang reception ng NU, lumamang ang UE sa lahat ng stats..
Set 2, 18-25, nakagawa pa ng late chase ang NU, lumamang ang UE sa kanilang 16 attacks na nadagdagan pa ng 8 opponent errors..
Set 3, 26-24, ang lakas ng coverage ng UE, pero muling nakagawa ng late chase ang NU at nagtagumpay na, inilamang nila ang kanilang 16 attacks sa kabila ng kanilang 11 errors..
Set 4, 16-25, muling naiwanan ng UE ang NU, at kinapos na ang NU this time...

3-1, panalo ang UE..
at nabawian naman nila ang NU..
madalas na naiiwanan ang NU paglagpas sa 10th point mark...

Player of the Game si Bendong with 7 points na may 6 service aces and 38 excellent sets...
Mendrez scored 19 points na may 18 attacks..
Abil with 13 points na may 12 attacks, plus 21 excellent receptions and 29 digs..
Rodriguez with 12 points na may 5 kill blocks..
para naman sa NU..
Robles with 13 pure attack points, plus 21 excellent receptions..
Lacsina with 11 points, plus 19 digs..
Doria also with 11 points..
Nierva with 28 excellent receptions and 30 digs..
bukod dun ay nagpakawala naman ang NU ng 39 errors...


UST versus ADMU

titingnan kung makakabawi na ang UST sa Ateneo gamit ang bago nilang lineup..
current #1 spiking team (UST) versus current #1 blocking team (Ateneo)...

ang 8th 5-setter match ng Season 81...

Set 1, 25-19, nagkaroon ng early lead ang UST, pero na-activate na rin ang blocking ng Ateneo, nanaig ang UST dahil sa kanilang 12 attacks..
Set 2, 25-22, naka-early lead na naman ang UST pero maaga nang nakahabol ang Ateneo, 14 attacks ng UST plus 6 opponent errors laban sa 7 blocks ng Ateneo..
Set 3, 25-27, Gandler time, nauna nang nakalamang ang Ateneo kaso nakarami sila ng error sa bandang dulo, pero nanaig pa rin naman sila, nasayang ang 16 attacks ng UST kontra sa sarili nilang 9 errors, at naka-6 blocks din ang Ateneo..
Set 4, 22-25, check pa rin ni Madayag si Pacres, habol nang habol ang Ateneo, naka-focus na lang kina Rondina at Laure ang opensa ng UST, lumamang sa kanilang 8 blocks ang Ateneo..
Set 5, 11-15, nakalayo ang UST pero nakahabol ang Ateneo, at nagkalat pa ang UST sa bandang dulo...

3-2, panalo ang Ateneo..
upset loss para sa UST, at hindi rin nga nila nagawang bawian ang Ateneo sa Elimination Round..
at hindi pa rin nga sila nananalo laban sa Ateneo sa loob ng 15 matches sa UAAP..
padalawang beses na rin 'to na binaliktad ng Ateneo ang resulta ng isang 5-setter, yung una ay laban sa FEU..
at mas nanaig nga ang pagkakaroon ng maraming attackers ng Ateneo...

Player of the Game si Madayag with 23 points from 11 attacks, huge 11 kill blocks, and 1 service ace..
Tolentino with 20 points from 16 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
BDL with 11 points na may 6 kill blocks..
Gaston with 10 points, plus 23 excellent receptions..
Wong with 38 excellent sets, plus 3 points..
Ravena with 20 digs..
at nakagawa ang buong team ng Ateneo ng 24 kill blocks..
para naman sa UST..
Rondina scored a massive 35 points from 30 attacks, 3 kill blocks, and 2 service aces..
may plus 25 digs din siya..
Eya Laure with 21 points..
nalimitahan naman si Pacres sa 9 points lang..
Galanza with 28 excellent sets...

is feeling , not a good game for NU.. nabuking rin ang weakness ng UST.. titingnan kung makakaya na rin ng Ateneo ang La Salle sa susunod...

-----o0o-----


March 18, 2019...

7th anniversary ng pagkawala ng Lotus ko..
simula noon hindi na natapos ang pagbagsak nang pagbagsak ng lahat ng pinu-pursue ko sa existence na 'to...

is feeling , hanggang pagbabasa na lang ba talaga ng manga ang pwede kong gawin...??

---o0o---


March 19, 2019...

[Business]

bukod sa mga powedered juice at tea na nauna na ngang tumaas ulit ng tig-Php 1.00...

yung Milo 22 grams, mula sa Php 6.75 ay tumaas na rin ulit..
Php 6.85 na siya ngayon, so nasa Php 0.10 yung iminahal niya..
bukod pa yung kapansin-pansin na pagdalang ng promo na kayang isagawa nung kompanya as compared to previous years mula noong 2014..
ang Great Taste White ay ganun din..
mula naman sa Php 9.25 eh tumaas na ulit siya hanggang Php 9.40..
so Php 0.15 yung panibagong iminahal niya...

again, hindi ko alam kung anong direktang nakaapekto sa kanila..
pero maalin lang yun sa panggagatas at sa nabubulok na ekonomiya (domino effect)...

is feeling , at ang kita ko na naman ang mababawasan...


>
in relation sa pagtaas ng rate ng gatasan na kesyo para kuno yung iba sa mga projects...

yung almost Php 20 Million na road project dito sa area namin..
wala pang 1 kilometer yung haba..
ni hindi both sides ng kalsada ang ni-repair..
sinementuhan maging yung karamihan sa mga dating sadyang butas ng drainage system..
hindi rin nalagyan ng espalto ang lahat..
ilang buwan tumagal yung project..
at sumobra pa nga yung contractor sa target date nila...

nakakita na ako ng mga extension na isang bahay na ang katumbas, pero nasa Php 200,000 lang ang worth..
kaya i highly doubt na nasa Php 20 Million talaga yung ganung klase ng project..
at ganun ang ipinagmamalaki nila na development...??

is feeling , sayang lang ang nakokolektang gatas sa mga kamay nila...

---o0o---


March 20, 2019...

hindi ninyo kailangang maintindihan ang trabaho ko..
yung responsibilidad ninyo bilang mga taga-gawa ng bata ang kailangang mas maintindihan ninyo...

is feeling , hindi lang existence ng pamilya ninyo ang mahalaga.. hindi ko gusto yung sa akin, pero hindi ibig sabihin na mas gusto ko na brutal na magkasakit ng kung anu-ano...

---o0o---


March 22, 2019...

small goal ko sana na mapaabot man lamang sa 6 digits yung savings ko, bago iyon mabawasan nang mabawasan...

kaso dumaan nga ang sakit ko noong January..
tapos kinailangan na ulit maglabas nitong March..
sa April eh may ilalabas na ulit na malaking halaga...

is feeling , kailan kaya...??


No comments:

Post a Comment