Friday, January 25, 2019

Endangered Nation

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...


masyadong nilalabanan ng mga tao ang kamatayan, kaya mas malaki tuloy ang nawawala sa mundo at sa inang kalikasan... :(

-----o0o-----


lumampas na sa 500 ang bilang eh, kaya mag-i-start na lang ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html

update ulit (503 + 203 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung nagluklok ng tao sa isang mahalagang branch, sa kabila ng kawalan ng kakayahan ng tao na iyon na sumunod sa sarili nilang mga patakaran
  • yung nagtuturo ng iba, maging yung hindi nila maidawit dun sa kaso, habang ipinagtatanggol naman yung ibang nalusutan DAW ng supply ng ilegal na droga
  • yung idolo noon si Hitler, pero noong nagpunta sa Israel eh ginamit pa yung alaala ng Holocaust para magkunwari na mabuti sila
  • yung inuna pa ang mga armas kesa sa isipin ang tungkol sa isyu ng kahirapan sa bayan
  • yung gustong bawiin yung amnesty na ibinigay noon sa isang taong lumaban sa tiwaling gobyerno, na ang sinisilip na butas ay yung pinagdaanan na proseso
  • yung umamin siya na meron nga at kasalanan niya ang pagkakaroon ng extrajudicial killings
  • yung nagagawa pa nilang magbakasyon sa ibang bansa sa gitna ng bagsak na ekonomiya ng bayan at sa kabila ng pagtanggi nila na tumulong sa pamamagitan ng pagpapagaan muna sa bagong sistema ng pagbubuwis
  • yung tutol kuno sa political dynasty pero kinukunsinti ang political dynasty ng sariling angkan
  • yung gustong ipaaresto yung witness sa pagpapasok ng mga ilegal na droga sa BOC
  • yung wala namang naparurusahan at papalit-palit lang naman ng katungkulan yung mga pinuno na nadadawit sa mga malalaking kaso ng kapabayaan
  • yung kagustuhan niya na ituring na rin siyang isang santo
  • yung mula sa lahi ng mga Bestfriend na suspected bilang drug-related personality, na itinanggi na may koneksyon sa pamahalaan, pero napatunayan na may papel nga sa pamahalaan
  • yung sobrang dali siyang makumbinsi pagdating sa ibang intel kuno at mga listahan, pero in denial pa noong una sa isyu ng magnetic lifters
  • yung balak pala tayong ipahamak dahil sa pangungutang niya sa Bestfriend Empire na malaki kung magpatubo kumpara sa ibang mga nasyon
  • yung gusto ngayon ng ROTC, pero siya mismo eh umamin na tinakasan niya ang ROTC noong kapanahunan niya
  • yung sinabi noon na dapat daw sundin ang seniority rule, pero hindi naman niya sinunod para sa 2nd reward
  • yung pagbanat sa isang taong simbahan nang wala namang ebidensya na ipini-present; kesyo nagbubulsa daw ng pera at baka drug-related din daw
  • yung seryoso daw sila sa kampanya laban sa ilegal na droga, pero siya mismo eh ginagawa lang biro ang tungkol sa pagdodroga
  • yung gusto nang ipapatay ang mga obispo, at ang pagtira sa bibliya
  • yung iniutos na ayaw makakita ng mga pari sa event na may kinalaman sa simbahan
  • yung pati bintang tungkol sa pagpapatumba ng tao eh joke lang
  • yung sexual attack sa kanilang kasambahay noong teenager pa siya base sa kanyang kuwento

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan:
  • yung 3 PNPA cadets na inirereklamo dahil sa sexual harassment laban sa 2 lower classmen sa loob mismo ng academy nila
  • yung pulis na inirereklamo ng panggagahasa laban sa isang 15 y/o na dalagita kapalit ng paglilinis sa pangalan ng ama nito na idinadawit naman sa ilegal na droga
  • yung 2 pulis Novaliches na inirereklamo ng dahil daw sa panggagahasa sa isang babaeng nahuli ng dahil sa pagsusugal sa loob ng police mobile
  • sa Marcos, Ilocos Norte, yung Barangay Chairman na tinangkang halikan ang isang singer habang ito'y nagpe-perform
  • yung mga police escort na namalo ng side mirror ng isang taxi habang naka-off-duty at nag-e-escort sa isang private individual
  • sa Pandacan, Maynila, yung pulis na motorcycle rider na nakabangga ng isang tumatawid na senior citizen
  • sa isang kampo sa Tagaytay, yung nakunan ng video na pamamalo ng isang Superintendent sa mga junior police gamit ang isang baseball bat
  • sa Moriones, Tondo, Manila, yung mga pulis na inirereklamo ng pananakit sa mga hinuli nila at paggalaw sa mga CCTV camera
  • sa Navotas, yung pulis at ang kasama niyang naka-AWOL na pulis, na inireklamo dahil sa pananakit
  • sa Guimbal, Iloilo, yung mag-amang Representative at Mayor na inireklamo ng pang-aabuso laban sa isang pulis
  • sa Santa Cruz, Manila, yung nagtatagong Kapitan at ang mga Kagawad niya na nanggulpi sa isang binatilyo kesyo hindi daw siya nakilala bilang kapitan nung biktima
  • sa Quezon City, yung dating Barangay Tanod at isang naka-AWOL na pulis na nahuli sa magkahiwalay na anti-illegal drugs operation
  • sa Bacoor, Cavite, yung dating Barangay Tanod na sangkot sa ilegal na droga, na ginagamit pa ang sarili niyang 12 y/o lamang na anak bilang courier
  • sa Bacoor, Cavite, yung number 1 na SK Kagawad na nakunan ng video at hinuli dahil sa pagbebenta ng ilegal na droga
  • sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Chairman na nahuli na gumagamit at nagbebenta ng ilegal na droga, at nahulihan din ng hindi lisensyadong baril
  • yung senior officer na tauhan ng Bureau of Fire Protection na nahuli sa anti-illegal drugs operation
  • sa Naic, Cavite, yung dating pulis at ang karelasyon niya na active jail guard na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Laguna, yung retiradong pulis na target at napatay daw sa anti-illegal drugs operation
  • sa Parañaque City, yung nahuling dating army officer na dawit sa kaso ng milyon daw na halaga ng ilegal na droga na naipasok sa parking lot ng isang mall
  • sa isang bar sa Taguig, yung pulis na naki-Halloween party habang naka-full alert ang kapulisan, na nahuli pa na gumagamit ng cocaine
  • yung 4 na pulis ang suspek ng PDEA, na posible daw na nakipagsabwatan para maipuslit yung nawawalang nasa Php 6.8 Billion na ilegal na droga na isinilid sa mga magnetic lifters
  • sa Fairview, Quezon City, yung 10 na naaresto sa buy-bust operation, na dating Quezon City police ang itinuro bilang source nila
  • yung naka-AWOL na pulis na nahuli ng mga Sampaloc police dahil sa pagdadala daw ng ilegal na droga
  • sa Lemery, Batangas, yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril
  • sa Balete, Batangas, yung dating Konsehal ng bayan ng Balete na nahulihan ng hindi lisensyadong baril
  • sa Mabini, Batangas, yung Barangay Chairman na inaresto dahil sa pagtatago ng hindi lisensyadong M16 at mga bala
  • nitong katapusan ng 2018, yung 7 pulis na nasangkot daw sa indiscriminate firing nitong nakaraang holidays, bukod pa yung mga opisyales at sundalo na gumawa rin ng kaparehong offense
  • sa Davao Oriental, yung sundalo na nagpaputok ng baril at yung kasama niya na nambugbog sa 2 nakaupo sa may harapan ng tindahan
  • sa Iloilo City, yung Barangay Captain na naaresto dahil sa pamamaril sa convenience store
  • sa Pangasinan, yung Barangay Kagawad na namaril ng bahay
  • sa Marilao, Bulacan, yung dating Vice Mayor na aarestuhin sana dahil sa kasong qualified theft, pero may granada at baril pala at nag-resist
  • yung pulis Makati na nagpaputok ng baril sa kalagitnaan ng pista
  • sa Cavite, yung Traffic Enforcer na nahulihan ng 2 baril habang naka-duty, na dati na rin daw nasangkot sa insidente nang pamamaril
  • yung dating kaso sa Cebu, yung lumabas sa imbestigasyon ng NBI na baril nga ng pulis yung nakatama dun sa bata na nadamay lang sa anti-illegal drugs operation
  • sa Pangasinan, yung 17 y/o na binatilyo na player ng DOTA na sasali lang daw sa tournament sa Baguio na napatay DAW ng mga pulis sa engkwentro
  • yung findings ng Public Attorney's Office na mukhang t-in-orture yung Santillan at posibleng staged yung pagkapatay sa kanya
  • sa Capas, Tarlac, yung nangyaring barilan ng mga pulis na nag-ugat sa road rage, na ikinamatay ng 2 pulis, 1 tanod, at 1 trabahador
  • sa Bocaue, Bulacan, yung babaeng teacher na pinatay sa pamamaril ng karelasyon niya na sundalo na nagbaril din sa sarili matapos yung krimen
  • sa Calamba City, yung may 1 patay at 2 sugatan matapos ang pamamaril at pananaksak ng retired na pulis at ng kanyang anak
  • sa Bocaue, Bulacan, yung hepe ng mga pulis na hinuli dahil sa pangingikil daw at sa paggamit ng mga sasakyan ng mga nahuhuli nilang mga drug suspect
  • sa Taguig City, yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw para mapababa ang kaso nito
  • yung pulis na miyembro ng HPG na hinuli dahil sa pangingikil laban sa mga service vehicle ng isang call center company
  • yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver
  • yung MMDA Enforcer na nagpapanggap na pulis para makapangikil laban sa mga service vehicle ng isang offshore gaming company
  • sa Quezon City, yung MMDA enforcer na nahuli sa isang kainan na tumatanggap ng lagay mula sa hinuli nilang motorcycle rider
  • sa San Jose del Monte, Bulacan, yung kawani ng barangay na naaktuhan na nangingikil sa isang piggery, na baboy at pera ang hinihingi
  • sa Muntinlipa City, yung pulis na hinuli dahil sa pag-o-operate ng tupada
  • sa Tondo, Manila, yung 2 pulis na naaktuhan ng mga counterintelligence na pulis na nasa tupada
  • sa Quezon City, yung may 3 nahuli mula doon sa grupo na responsable daw sa serye ng mga panghoholdap sa mga e-games at bingo establishments, isa sa mga nahuli ay kasalukuyang Barangay Kagawad ng Maynila, tapos ay dating pulis daw ang leader nung grupo
  • sa Las Piñas City, yung grupo ng mga pulis na nasangkot sa kidnapping
  • yung BIR supervisor at examiner na inireklamo dahil sa pangingikil, na nahuli sa Batangas
  • sa Tagaytay City, yung 5 naaresto dahil sa pagbebenta ng ekta-ektaryang lupa na may mga pekeng titulo, na ang lider ay dating empleyado ng DENR
  • yung dating empleyado ng Maritime Industry Authority na hinuli sa entrapment operation dahil sa pagbebenta ng pekeng certificate of proficiency, na dati na ring nahuli dahil sa pagbebenta ng mga sagot sa exam, pero pinayagan na magpiyansa noon
  • sa isang mall sa Makati City, yung trainee para sa pagiging LGU Traffic Enforcer na nagnakaw ng motor
  • yung airport security screener, yung hinalungkat ang bag at pinagnakawan ang isang pasaherong Taiwanese
  • yung mga ghost employee daw sa Makati na tao ng Konsehal

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
  • dahil hindi tiyak kung paano nagkaroon ng access sa VIP na plaka, sa Angeles City, Pampanga, yung sakay ng SUV na may plakang 8 na nanakit ng kapwa niya motorista

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung mga batas na pro-pets and pro-pet owners na mga asal peste naman
  • yung pati mga nagkalat na domesticated animals eh panira sa mga mamahaling proyekto ng pamahalaan
  • yung paglaganap ng mga batang palaboy na lantarang umaatake ng mga pasahero sa mga pampublikong jeepney
  • sa Makati City, yung lider ng Ipit-Bus Gang na ilang beses nang nakukulong pero parati rin namang pinakakawalan
  • sa Caloocan City, yung kaso nung anak na napatay ang sarili niyang ina noong 2017 at ang sarili naman niyang ama nitong simula ng 2019 
  • yung aprubado na yung 25% na increase sa opisyal na pamasahe sa jeep
  • yung nagtaas na rin ang pamasahe para sa mga pampasaherong bus sa kabila ng sunud-sunod na pagbaba naman kahit papaano ng presyo ng petrolyo
  • yung sa halip na tulungan muna ang mga mananakay na mapababa ulit ang halaga ng pamasahe kasunod ng paulit-ulit na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo, eh mas gustong unahin ng mga economic advisers na pataasin na ulit ang rate ng taxation para sa mga produktong petrolyo
  • yung hanggang sa Php 9.00 lang daw pwedeng ibalik ang base fare sa mga jeep
  • yung kagustuhan na i-ban na ang mga provincial buses sa NCR
  • yung may mga piling provincial buses na pwede pa ring pumasok sa NCR hanggang sa Parañaque area 
  • yung dagdag travel time at dagdag pamasahe nga ang idinudulot ngayon ng PITX
  • yung nasa 9,000 na motorcycle riders na kumuha ng exam sa road safety daw, pero 7 lang ang nakapasa
  • yung 2 MMDA Enforcer na magkaangkas sa motor na nasita ng ordinaryong motorista, yung blinker ang ginagamit na ilaw at hindi pa nakasuot ng tamang helmet
  • sa Manila, yung MTPB Enforcer na nahuli dahil hindi nakasuot ng helmet, pero nakipagsagutan pa rin sa taga-HPG yata yun
  • sa Cavite, yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis, pero nasibak naman na pala sa serbisyo
  • sa Tagaytay City, yung firing range sa kampo daw ng Cavite Police kung saan may mga umaabot na slug ng bala sa isang subdivision sa hindi kalayuan
  • yung panibagong surprise inspection na isinagawa ng NCRPO, kung saan may mga nahuli na naman na nakainom at natutulog na pulis habang nasa duty
  • sa Anilao, sa Iloilo daw, yung mga pulis na naabutan na natutulog sa mismong presinto
  • sa Davao City, yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar
  • yung palpak pala yung mga police escort nung mga PDEA agent and company na natambangan sa Lanao del Sur
  • ang kahinaan ng seguridad sa kabubukas lang na Boracay
  • sa iba't ibang lugar, yung mga construction contractors na hina-hire ng iba't ibang level ng gobyerno, na hindi muna pinag-aaralan kung may masisira bang linya ng patubig o linya ng kuryente sa dadaanan ng project nila bago sila magsimula
  • yung nasasayang na pondo ng TRAIN dahil sa mga contractors na hindi marunong magplano nang maayos ng kanilang mga dapat gawin
  • sa Amoranto Street sa Quezon City, yung 22-wheeler truck na lumubog ang mga gulong sa bagong gawa lang daw na kalsada
  • sa Pakil, Laguna, yung gumuho yung ginagawang extension ng tulay, na blacklisted pa pala yung nagtipid na contractor
  • yung may nag-collapse na sa hindi pa man natatapos at matagal nang itinatayong mamahalin na Ifugao General Hospital
  • yung kagustuhan na magdagdag pa ng mga dam kahit na alam na nila ang negatibong naidudulot ng mga yun dahil nga sa na-enhance ng mga simpleng ulan at bagyo
  • yung planong paglilinis ng Manila Bay na sa reclamation rin naman pala hahantong
  • yung balak daw magsira ng mga historical structures kapalit ng pagtatayo ng mamahalin na Bestfriend Imperial Bridge
  • yung maanumalya yung Imperial contractor na gagawa sa mga bagong tulay sa NCR, at naka-ban na sa World Bank
  • yung worth Php 10 Million daw na Stairway to Heaven project ng MMDA na hindi naman pala totoong kailangan dahil may alternative naman palang daanan
  • yung project sa [Name of City] na mga poste na may pangalan ng mga street na madali lang nasira dahil mahuna yung ginamit na metal na materyales
  • sa DFA, yung natangay daw ng dating contractor yung mga data ng mga passport holders
  • yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno na may kinalaman sa travel at sa sistema na rin sa printing
  • yung Representative na hindi sumunod sa security procedure sa NAIA
  • yung babaeng Representative na inirereklamo dahil DAW sa pagpapasagawa ng Gluta-drip session sa mismong opisina niya
  • yung pati naman mga bagay na hindi na dapat pinakikialaman pa dahil sa historical value eh talagang gusto pang pag-aksayahan ng panahon para lang masabi na nagtatrabaho sila
  • yung gustong sirain ng Bureau of Customs yung nasa Php 12,000,000 worth daw ng smuggled na mga sibuyas na nasabat nila sa halip na mapakinabangan ng mga mamamayan
  • yung nasa Php 120 Million daw na halaga ng nasabat na smuggled na bigas na nasa poder na ng BOC sa Zamboanga, pero talagang nawala pa
  • yung tila protektadong-protektado yung isyu tungkol sa mga magnetic lifters
  • yung mas nagmahalan pa ang presyo ng mga bigas sa lugar namin noong ipinatupad na yung panibagong naming system, kahit na kaparehas lang naman sa dati ang mga klase ng bigas na ibinibenta
  • yung madadamay pala sa pagtataas ang presyo ng mga karneng de lata sa oras na ipatupad na ang rice tariffication bill
  • yung may shortage na rin daw sa supply ng siling labuyo
  • sa Laguna, yung tone-toneladang mga kamatis na nasayang lang dahil hindi maibenta
  • sa Albay, yung oversupply ng sitaw sa kabila ng kakulangan ng supply sa ibang mga rehiyon
  • sa Candaba, Pampanga, yung oversupply ng Melon
  • sa Benguet, yung naging oversupply ng mga gulay
  • yung hindi rin naman napababa ang presyuhan ng kamatis sa kabila ng labis-labis na supply nito dahil sa manipulasyon ng ibang supplier
  • yung mas pinagbabawalan na ang mga magsasaka na magbilad ng kanilang naaning mga palay sa kalsada, samantalang wala pa namang konkretong plano na nagagawa ang pamunuan para makapag-provide ng accessible na facility para matulungan sila
  • yung reklamo na ipinarating sa Ombudsman, yung ipinambayad pala ng NFA sa utang yung pondo na nakalaan para sa pagbili ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka
  • yung walang sumasagot sa mga tawag sa isang opisina ng SSS kahit na office hours pa naman
  • yung kagustuhan ng SSS na damay-damay ang mga miyembro sa pagsalo ng mga magiging dagdag na gastusin dulot ng pagpapalawig sa Maternity Leave and Benefits
  • ang kagustuhan ng SSS na gawin ng 15% ang porsyento nila sa kita ng mga tao para daw masalo ang kakulangan sa pondo ng ahensya nila
  • yung gustong taasan ng PhilHealth ang contribution ng mga members para lang masalo ang Universal Health Care Bill, 50% na pagtataas ang gusto nila para sa pinakamababang rate ng contribution
  • yung patataasin rin ng pinahintulutang taas-singil ng mga supplier ng tubig sa NCR area ang VAT na kailangang bayaran ng mga consumers
  • yung babaeng mastermind daw sa ibang kaso, na c-in-laim kaagad nila na may kinalaman daw sa mga rebelde, tapos eh binawi rin yung paratang, kesyo wala daw pala silang sapat na ebidensya
  • yung mga pulis na nagpapaapekto sa isang fictional na TV program sa kabila ng pagkakaroon naman talaga ng katiwalian sa totoong buhay
  • yung naging pagkilos ng PNP at DILG laban sa isang TV program
  • yung planong bumuo ng Death Squad laban DAW sa mga rebelde
  • yung dagsa kaagad sa Senado yung mga tuta at bobong mga pulis na sabik na mang-aresto ng Senador kahit na wala namang warrant
  • yung profiling na ginagawa ng mga pulis sa mga miyembro ng ACT
  • yung may pruweba naman na posible ngang may nagmamasid sa bahay ng isang Senador, pero kini-claim na kaagad ng mga nasa itaas na kesyo paranoid lang yung tao kahit na wala naman silang ginagawang imbestigasyon
  • yung namamanipula ang mga records o documents sa mga base
  • yung napatunayan na peke lang ang ibang bintang laban sa Senador na dating nasangkot sa mutiny
  • yung parang wala namang silbi ang mga desisyon sa mababang level na nagpapatupad ng hustisya, dahil hindi naman final ang desisyon hangga't hindi yun umaabot sa tuktok, pero ayaw naman nilang buwagin yung mga level sa ibaba kahit na ganun na nga yung setup
  • yung applicable yung seniority rule kahit na para sa mga taong gumagawa ng mali at hindi patas
  • yung inabsuwelto na ng Supreme Court ang asawa ng Diktador, sa kabila ng presence ng nakaw na yaman
  • yung pwede palang magpiyansa kapag ang nahatulan mong kaso ay kaugnay ng panggagago sa buong bayan
  • yung parang lumalabas sa naging desisyon ng korte na may mga opisyales na hindi namo-monitor kung saan napupunta yung malalaking budget na dumadaan sa kanila
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung hindi pala tinanggap bilang mga ebidensya iyong findings ng Anti-Money Laundering Council na nasa Php 80 Million plus daw na pinaikot na pera ng mga suspek within just 30 days
  • yung tila daw may pinaboran na contractor at area ang Budget Secretary
  • yung Motor Vehicle Users’ Charge na ipinapaipit pala ng palasyo sa Budget Secretary
  • yung nasa bilyong piso na tinatawag na Congressional insertions na napunta sa teritoryo ng head Representative
  • yung nasa bilyong piso rin na budget allotment para sa iba pang mga Representatives
  • yung inamin ng pinuno na ang Solicitor General ang trumabaho sa kaso ng Senador na dating nasangkot sa mutiny, pero iisang tao lang ang kanilang pinuntirya
  • yung hindi naman hinahabol ng Solicitor General yung mga sundalo at miyembro ng Philippine Constabulary na umabuso sa panahon ng Martial Law
  • yung premature campaigning na gumagamit ng term na "gusto namin ang boses mo sa ....."
  • yung Representative na nagbanta na hindi magri-release ng PRC license sa mga hindi nakakakilala sa kaibigan niyang premature campaigner
  • yung 2 nasa katungkulan na pinagtatakpan ang medical condition ng pinuno ng bansa, tapos saka nila sasabihin na hindi nila alam ang totoong nangyari kapag lumabas na ang totoo
  • yung hindi na alam ng Spokesperson ang pinaggagagawa ng pinaglilingkuran niya at may mga pagkakataon na mali-mali na ang kanyang mga pinagsasasabi sa publiko
  • yung pinagtakpan na naman yung istorya ng pinuno ng bayan tungkol sa sexual abuse laban sa kanilang kasambahay, na kesyo gawa-gawa lang daw iyon
  • yung presidential appointee sa board para sa mga State University, na pabirong nag-uudyok ng karahasan sa social media regarding collegiate basketball
  • yung kaalyado ng mga nasa posisyon na, pero ang plataporma kuno para sa panahon ng kampanyahan ay salungat sa mga patakaran na ipinatutupad na ng kanilang alyansa
  • yung miyembro ng Dictator's Youth na nakakuha ng posisyon, na ginagamit ngayon ang kapangyarihan para i-suppress naman ang mga aktibistang kabataan
  • yung tutol sila sa mga patakaran laban sa pagmumura sa mga piling lugar puwerket hilig gawin iyon ng pinuno ng bansa
  • yung may kalayaan yung isang government official na mag-post sa kanyang fake blog kahit na during office hours
  • yung binastos na rin ng isang government official at ng kanyang kaibigan ang mga PWD para lang i-promote ang gusto nilang anyo ng pamahalaan
  • yung ang balak na i-represent na partido ay sangkot sa anumalya ng NGO Queen
  • yung pinuri pa ng gobyerno yung university na nagkulang sa pagha-handle sa kaso ng bullying

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • sa Bacoor, Cavite, yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga for research daw
  • yung mga taong ang kakapal ng mukha na magsabi ng "i feel you" patungkol sa krisis na hinaharap ngayon ng bayan, pero patuloy naman ang pagsuporta sa mga palpak at tiwaling mga pinuno
  • yung pagiging bias ng maraming tao sa pagsagot sa mga survey lalo na yung mga taga-Southern Island
  • yung hindi rin tugma ang survey tungkol sa pagsuporta sa pinuno at pagtutol sa pananakop ng Imperyo
  • yung mga taong nagpapasalamat pa sa mga promotor, na kesyo hindi muna paaandarin ang kasunod na train, na para bang nasolusyunan yung problema na sila rin naman ang gumawa
  • yung tuwang-tuwa yung mga hindi nag-aambag dahil sa Universal Health Care Bill
  • yung adjustment na ginagawa ng mga ospital sa bill na ipapasa sa PhilHealth
  • yung mga iresponsableng mamamayan na nakakasira o naninira kaagad ng mga mamahalin na goverment projects
  • yung gustong gawin na Php 10 ang minimum na pamasahe sa jeep, at hindi na pasok dito yung kapritsosong modernization plan
  • yung gusto nang paabutin ng ibang transport group sa Php 12 ang minimum na pamasahe sa jeep
  • yung mga masasamang jeepney driver na Php 9.00 ang iginiit na 20%-discounted rate na pamasahe, samantalang Php 8.00 lang dapat iyon
  • yung ginawang pag-atake ng mga netizens sa ipinakalat na maling address nung Prestigious Bully
  • yung ina-assume na kaagad ng mga mamamayan na maraming mapaparusahan na mga kabataan kapag naibaba na ang age for criminal liability
  • yung maging mga batang kababaihan sa panahon ngayon eh nanggugulpi na rin sa kalye habang kumukuha pa ng video ng karahasan nila
  • yung may gang war na rin sa [Name of City], malapit pa sa mismong munisipyo
  • sa Caloocan, yung tila tino-tolerate na ng maraming tao ang patayan, at talagang may mga tao pa na nagchi-cheer para mangyari ito
  • yung tila statistical defense na ginagamit ng ibang mga tao para bigyan ng katuwiran ang nangyayari ngayon sa ekonomiya ng bayan, sa kabila nang presensya ng mga totoong ebidensya
  • yung maraming mamamayan na nagse-celebrate sa mga pampublikong parke, pero nag-iiwan naman ng napakaraming nakakalat lang na mga basura 
  • yung negative impact ng Climate Change sa agrikultura ng buong bansa
  • yung endangered na pala ang species ng Tawilis, pero mababa pa rin ang pagpapahalaga sa mga ito ng mga mamamayan ng bansa
  • yung pakikipag-agawan ng maraming non-mass transport vehicle sa supply ng limitadong petroleum products
  • yung isyu ng sexual harassment sa Miss Earth pageant
  • yung pinakamataas daw ang bilang ng mga insidente ng rape sa Safest City
  • yung parati na lang kini-claim ng pamahalaan na kesyo nahahaluan ng mga rebelde ang mga protesta laban sa palpak na pamumuno nila
  • yung pagiging balimbing ni MRT Man, na kaalyado na ngayon ng kaalyado ng mga dating magnanakaw at abusado sa katungkulan
  • yung inilaglag na kaagad ni MRT Man ang mahalay na halik ng kanyang dating amo nang mawala na siya sa katungkulan
  • yung may mga artista na gumagamit ng pangalan nila para sa demolisyon, para sa kapakanan ng kaalyado nila sa pulitika
  • yung basta-basta na lang nagpapakalat ng hindi verified na listahan ang anak ng pinuno ng bansa sa social media
  • yung may bagong version na naman ng Dictator's Law history yung balimbing na tuta ng dating Diktador
  • yung sinasamantala ng Dictator Clan ang kakulangan sa recording technology at ang kawalan ng mga record noong panahon ng paghahari nila para palabasin na gawa-gawa lang ang mga pang-aabuso sa panahon ng Dictator's Law
  • yung mang-aagaw na nga ng mga teritoryo ang Bestfriend Empire, tapos eh mang-aagaw pa ng mga trabaho yung mga mamamayan nila
  • yung sinisilip dito sa bansa ang pagkakaroon ng maraming mga taga-Bestfriend Empire na ilegal na nagtatrabaho, samantalang ang dami na ng mga Filipino na bumastos sa patakaran ng iba't ibang mga bansa nang dahil din sa paghahabol sa hanapbuhay
  • ang lantarang paninigarilyo ng mga mamamayan ng Imperyo sa mga NO SMOKING area sa kanilang probinsiya
-----o0o-----


January 20, 2019...

[Sports]

Broner, galinge naman..
kahit yung kasing-tuso lang ng laro ni Horn..
ilagay sa dapat kalagyan ang Fighting Jonin..
knockout ang pinaka-convincing na resulta...

nasaan ba kasi si Crawford..?
nang maturuan ng leksyon ang hati-hati ang atensyon...

is feeling , bawas-bawase ang mga panggulo lang sa sistema at taga-pabor lang...


>
[Sports]



noong sinabi sa report na hindi nagseseryoso si Broner sa mga training niya..
eh parang luto na rin nga yung laban...

is feeling , nakaka-miss talaga si Marquez...


>
ang weird nung mga kaalyado na ang plataporma kuno ay yung taliwas sa patakaran na isinusulong at ipinapatupad ng mga kakampi nila...

ano yun..?
sinadya nilang gumawa ng mga problema, para palabasin na sila rin ang makalulutas sa mga yun sa panahon ng pagpapakitang-gilas...??

is feeling , halata tuloy na gimik lang yung plataporma para makabili ng suporta...

---o0o---


January 21, 2019...

kung hindi naman mag-aasal kriminal ang mga bata..
eh walang dapat ikabahala ang mga matatanda...

katulad rin yan nung mga experimental na batas trapiko eh..
advance ang reklamo ng mga driver..
samantalang wala namang mahuhuli (nang patas) kung walang lalabag..
pero tutol na sila kaagad, kasi alam nila sa mga sarili nila na hindi sila disiplinado...

siguro kung meron mang pwedeng maging suggestion..
yun ay dapat matibay parati ang ebidensya na gagamitin laban sa mga kriminal na kabataan..
kung maaari eh dapat required parati na video ang evidence..
at hindi pwedeng kuwento-kuwento lang...

is feeling , para naman makontra rin ang negatibong epekto ng frame-up, na totoo rin namang nangyayari...


>
yung mga katiwalian daw sa APO printing ng gobyerno..
may kinalaman sa travel..
at tsaka sa sistema na rin sa printing...

is feeling , sige lang.. bunyag lang nang bunyag...


>
sa Taguig City..
yung 2 pulis na nangingikil laban sa pamilya ng drug suspect daw..
para daw mapababa ang kaso nito...

is feeling , gamite naman ang mga utak sa pagtatrabaho.. gumawa lang kung maggagawa, huwag magsira ng ibang bagay...

---o0o---


January 24, 2019...

sa Lemery, Batangas..
yung Traffic Enforcer na hinuli dahil sa ilegal na pag-iingat ng mga bala, mga magazine, at mga holster ng baril...

is feeling , bentador yata...


>
sa Cavite..
yung nasita sa checkpoint na nagpakilala bilang isang pulis..
na dati nga sadyang pulis, pero nasibak naman pala sa serbisyo...

is feeling , walang natutunan sa dati niyang trabaho...


>
sa Davao City..
yung 3 pulis na sinibak DAW dahil nahuli at na-video-han na nag-iinom sa pampublikong lugar...

is feeling , iimbestigahan pa rin...?

---o0o---


January 25, 2019...

yung Pulis Makati na hinuli dahil sa pangongotong sa mga habal-habal driver..
nasa Php 15,000 daw yung hinihingi nila na membership fee para makapamasada yung mga habal-habal driver..
tapos may sinasabi pa na Php 150 na daily sinisingil...

is feeling , hindi pa ba sila masuwerte sa almost Php 30,000 or up per month...??


>
sa Bacoor, Cavite..
yung itiniwalag na pari na nahuli na gumagamit ng ilegal na droga..
for research daw eh, learning through experience...

is feeling , baka dahil wala sa listahan ng mga utos na huwag kang magbibisyo...?


>
so ang totoong pakay sa Manila Bay ay yung reclamation project at hindi yung restoration nito...?

parang masasayang lang yung budget ng bayan na gagamitin sa restoration kung ganun lang naman pala ang mangyayari..
parang gagawa lang sila ng palusot para mag-provide ng clean up services para sa mga negosyante..
kung tutuusin eh pwede na nilang ipaubaya yung paglilinis dun sa mga magre-reclaim eh...

tapos siyempre, nandun rin yung negative effects ng reclamation, kaya hindi na dapat yun tino-tolerate..
pero likas talaga na mga abusado ang mga tao...

is feeling , akala ko pa naman eh maganda na yung intensyon.. magsasayang lang pala ng gatas at effort...


>
[Ecosystem]

kawawa naman yung Tawilis..
endangered na, pero ang mga tao eh Php 60 to 80 lang per kilo ang turing sa species nila...

is  feeling , kaya naniniwala talaga ako sa prinsipyo ni Thanos para sa Earth eh.. pero hindi dapat random na damay pati ang mga inosente...


No comments:

Post a Comment