Friday, January 25, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Fourth Week of January 2019 (Enough with the Fantasy)

Loveless Story


January 21, 2019...

[Strange Dream]

napanaginipan ko na ulit siya...

let's see..
ang feeling doon sa setting ay parang sa school na pinasukan ko noong high school..
yung lumang building, pero 2 storey version..
tapos gabi na that time...

naroon daw ako for some reason..
and then nakita ko si Miss C..
naka-dress siya at naka-heels..
nagbatian naman daw kaming 2..
kaso may imi-meet pala siyang middle aged na lalaki sa lugar na iyon..
ewan, hindi ko rin naman masyadong initsurahan na yung lalaki..
basta sinalubong daw siya nung mokong eh...

ako naman eh hindi daw umalis sa lugar na iyon..
inikot ko daw nang inikot yung paligid nung building hoping na makikita ko ulit siya..
sa ganun na rin lang natapos yung panaginip ko...

miss na miss ko na talaga siya...

is feeling , kaso wala eh.. kamatayan lang ang tanging bagay na nakatadhana para sa akin.. at kailangan ko pang iwasan yung masasakit na paraan...

---o0o---


January 23, 2019...

nakakalungkot, na nakaka-frustrate na... :(

kagabi i managed to recontact Miss J..
recontact, kasi natanong ko na siya noon about the same thing, through a different medium..
pero this time, bilang anonymous person na...

she told me na wala daw siyang alam..
na hindi naman kasi sila magkakilala sa personal nung hinahanap kong babae..
pero nakakaasar lang yung sinabi niya na tigilan ko na daw ang pagpapantasya ko..
na kesyo may kani-kanila daw silang personal na buhay..
tapos sabay block sa akin..
bakit ganun, wala daw siyang alam, pero kung makapagsalita siya eh parang definite na yung suggestion niya...??

marami na akong nasaksihan na istorya..
there are times na totoong single mom ang babae at iniwan na ng nakabuntis sa kanya..
there are times na totoo namang dalaga ang isang babae..
there are also times na not in a relationship kuno, pero ang totoo ay iniiputan na nila ang kanilang mga karelasyon..
alam ko rin na in most cases eh hindi talaga umuubra yung relationship sa pagitan ng mga taong nagkakilala sa loob ng industriya..
pero hindi ako para mag-assume lang ng mga bagay-bagay...

hindi ako nagpapantasya na posibleng mahalin niya ako..
sa ganda niyang iyon, mas mataas talaga yung probability na may karelasyon na siya sa ngayon..
pero nakahanda naman ako eh..
wala akong pakialam kung mauuwi lang sa wala lahat ng ginagawa kong paghahanap..
wala akong pakialam kung may kumirot man ulit sa loob ko..
sanay na ako..
alam kong walang nakatadhana para sa akin kundi puros kapalpakan..
alam kong wala akong ibang tadhana kundi ang maging pataba lang sa lupa...

pero kahit na ganun..
gusto ko pa rin ng katapusan sa istorya na 'to..
hindi ako pwedeng tumigil lang sa mga what if..
gusto ko pa ring makarinig ng YES or NO..
pero bakit ako patuloy na pinipigilan ng mga tao at ng kapalaran...??

is feeling , dahil alam ko na saka lang ako titigil kapag nakuha ko na yung mga sagot sa tanong ko...


>
i'm not sure..
pero posibleng may makatulong pa sa akin..
yung mga taong ibinilin niya noon na huwag na huwag ko daw tatanungin tungkol sa kanya..
kaso..
sila rin yung kaparehong grupo kung kanino ako may mabigat na kasalanan... :(

yun na siguro yung best chance ko para makakuha ng clue tungkol sa kanya..
ang subukan na harapin sila sa personal..
mag-sorry..
at humingi na rin ng tulong..
kaso..
nasa milyon ang requirement para malinis ko ang naging kalat ko na yun...

is feeling , panay ang sagabal sa mga dinadaanan ko...

---o0o---


January 24, 2019...

ngayon na lang ulit nakapag-grocery...

unfortunately, wala na yung cute na nasa counter ng mga eco bags..
baka natapos na ang kontrata..
sayang, hindi ko na nasimpat yung pangalan niya...

pero kahit papaano eh nakabalik naman na si Emoji Girl..
nakapag-apply na rin ako sa kanya ng membership card, kaso 2 to 3 weeks pa pala bago makuha at magamit..
so dahil marami akong absent nitong January, ayun, wala na talaga akong mapapakinabangan sa mga napamili ko para sa buwan na 'to...

is feeling , dobleng sayang naman...


>
hindi masama na magkaroon ng outlet ng mga emosyon..
kahit papaano nakakatulong yun na mapahupa yung active na negative mood..
nandun yung pakiramdam na medyo okay na, dahil nailabas mo na yung iniisip mo sa kasalukuyan...

drama ang tawag dun ng iba..
na kesyo hindi na daw dapat pang i-express..
na akala mo naman na nakahahawang sakit ang freedom of expression..
kasi likas lang na mapanghusga sila..
kasi hindi sila nakaka-relate..
kasi mas matino yung katatayuan nila sa buhay kumpara dun sa hinuhusgahan nila..
pero kasalanan mo ba na realidad mo yung tinatawag lang nila na drama...?

walang tao na gustong ma-trap sa kahirapan..
walang tao na naghahangad ng mga hadlang sa pagkita ng pera..
walang tao na nangangarap na magkasakit na lang parati..
walang tao na naghahabol na lang parati sa kalungkutan, kumpara sa kaligayahan..
pero madalas hindi yun nare-realize ng ibang tao, hanggang sa maranasan na nila yung sarili nilang bad karma...

minsan delikado yung walang outlet..
yung iba nauuwi sa nervous breakdown..
yung iba humahantong sa murder..
yung iba umaabot pa hanggang suicide...

is feeling , walang masama sa kalayaan hangga't hindi mo natatapakan ang karapatan ng iba...

-----o0o-----


January 19, 2019...

officially started working on project #10..
tutal eh kaya namang makakilos nang maayos ng mga kamay ko eh...

hindi pa rin magandang buwan ang January..
ang dami ng kailangang i-reschedule..
by next week, kaya ko na sigurong ituloy yung na-delay na SSS at PhilHealth..
tapos hihintayin ko lang na mas magsara pa yung surgical wound ko bago ako mag-restock ng mga pangbenta at mag-reload, at para makakuha na rin ako ng membership card...

is feeling , kailangan ko talaga ng magandang mangyayari sa buhay ko...

---o0o---


January 21, 2019...

[Public Interest]

wala..
sobrang dali talagang maloko ng mga biologicals ko... :(

nagpapasok ng tao sa bahay na taga-DTI daw..
suggest ako nang suggest na mag-request muna na magpakita ng ID, pero binalewala ako..
kaagad na nadala sa sales talk..
noong una, nag-lecture lang muna tungkol sa tangke ng gasul..
tapos ay tungkol sa regulator..
hanggang sa nagbenta na sa bandang huli ng LPG hose...

kung matalino ang isang consumer, sa tamang bilihan siya bibili ng mga gamit..
at yung may resibo..
pero nagulat ako noong mag-decide na sa DTI kuno bumili nung LPG hose..
walang packaging..
walang mga certification..
Php 950 daw kapag ordinary..
pero Php 750 na lang kapag nakapag-present ng Senior Citizen ID..
at gaya nga ng inaasahan ko, walang resibo..
DTI daw, pero walang resibo...??

nasa Php 750 yung binili na halos 1 meter lang na LPG hose na parang simpleng goma lang naman, ni walang kasamang clamp..
pero base sa mga online shops, yung kaparehong klase ng hose ay nasa Php 250 lang ang maximum rate per meter...

is feeling , ang masama nito..? baka itong gomang hose pa na ito ang sumunog sa bahay namin...

---o0o---


January 22, 2019...

nakatapos din sa SSS at PhilHealth...

yung alis ko ng 7:30 AM sa bahay eh ang aabutan na palang numero eh nasa 30 plus...

is feeling , 30 plus = 1 hour...


>
[Lottery]

madalas na may tumatama ngayon sa mga laro ah..
mukhang may nagpapakilos ng mga pera...

is feeling , panahon ng gastusan...


>
[Business]

umabot na sa wakas sa Php 5,000 yung kinikita nung Globe ko..
that's for 5 years..
medyo lumagpas lang ng konti sa 2018..
achievement na yun since maliitan lang naman ang pasok ng pera sa sistemang pure rebate lang ang gamit..
so parang nakapagbenta na rin ako ng less than Php 100,000 worth of load..
less than, kasi may mga panahon naman noon na mahigit sa 5% ang rebate...

ang natutunan ko..?
hindi puwerket ginagawa mo yung patas eh magiging patas na rin sa'yo ang mga tao..
alam ko na yun, dahil kahit walang patong yung serbisyo ko eh may mga tao pa rin na pinili na hindi magbayad ng mga utang nila sa akin..
hindi rin puwerket gumagawa ka ng patas eh magiging katumbas na yun ng good karma...

is feeling , walang patas sa mundo na 'to.. kapag hindi ka gusto ng mga nasa itaas, eh wala ng solusyon...

---o0o---


January 24, 2019...

anak ng [Internet Service Provider]..
kabago-bago ninyo dito sa [Name of City]..
pero naninira na kaagad kayo ng cable ng kuryente... :(

is feeling , gamite naman ang mga utak sa pagtatrabaho.. gumawa lang kung maggagawa, huwag magsira ng ibang bagay...


>
hindi ko naisip noon na ganito pala kahirap makipaglaban sa Autism...
na para ka na rin ngang may kasamang kriminal sa bahay..
parang kagaya na rin nung mga nababalita sa TV na mga kaso ng may problema sa pag-iisip na pumapatay ng sarili nilang mga kapamilya...

noong isang araw, saglit lang na hindi nabantayan yung Autistic, pero mabilis lang niyang nagawang ibuhos ang 1.5 na litro ng mantika sa isang kawali at maging sa gas stove..
tapos ngayong araw eh gusto na ring makigamit nga ng gas stove..
gustong buksan yung bakanteng burner, at naghihintay lang na malingat yung bantay niya..
sa mahal na ng bigas ngayon, pati iyon ay gusto na rin niyang paglaruan lang, para maglutu-lutuan..
nakikialam na rin siya sa ref namin, at nakikikuha ng itlog na gusto niyang lutuin..
lahat nung 3 bagay na yun, ngayon niya lang naisipan na gawin..
pero matagal na pala siyang nag-oobserba kung paano ginagawa ang mga bagay-bagay, at kung saan-saan makukuha yung mga items..
bukod pa yung nakikigaya yung mukhang normal naman niyang kapatid sa lahat ng mga ginagawa niya na mapanganib..
pero ang totoong nakakatakot sa level niya ng Autism, ay iyong alam niya kung kailan siya kikilos - kung kailan walang nakatingin sa kanya...

at tungkol sa kapatid niya..
halos araw-araw na niyang itinutulak yung baby..
lahat ng mga bagay na nakakalibang dun sa bata, eh itinatapon o itinatago niya..
yung torotot eh ipinapalo niya dun sa bunso (siguro naiinggit dahil marunong mag-blow yung nakababata, samantalang hindi siya marunong)..
na para bang ayaw niyang nakikitang masaya yung kapatid niya..
at kapag magkalapit sila nung baby, eh pasimple niya parating binabali yung paa nung bata...

hindi na pera yung problema eh..
yung therapy baka pwede nang isuko tutal eh mukhang hindi naman umuubra..
yung schooling baka pwede nang isuko dahil puros luho lang naman ang natututunan..
baka pwede nang isuko ang career..
baka pwede nang isuko ang pagkita ng mas maraming pera..
ang mas kailangan nung bata eh 24/7 na magbabantay sa kanya para maawat siya sa tuwing gumagawa siya ng mga delikadong bagay...

bakit hindi yung mga magulang nila ang nakararanas ng mga ganitong bagay...?

is feeling , mas mahalaga ba talaga yung buhay ng pamilya nila kesa sa sarili naming mga buhay...??

---o0o---


January 25, 2019...

[TV Series]

The General's Daughter

okay yung development nung story at yung paraan ng narration niya..
matalino na sa kalagitnaan ng timeline nagsimula yung mismong narration...

like most recent TV series, gumagamit siya ng combination of plots and twists..
hindi na original yung base plot (yung pag-train sa anak para ihanda ito sa pagpatay sa sarili nitong magulang)..
i'm not sure kung ilang istorya na ang nakagamit ng ganung plot, pero Wanted yung huling magandang movie na natatandaan ko na may ganung idea...

bukod sa okay yung paraan niya ng narration na parang sabay na dinadaanan ang past at present..
nakatutulong rin yun sa industriya (gaya ng madalas ng estilo ng ABS-CBN) dahil mas marami yung mga artista na nabibigyan nila ng trabaho...

is feeling , hindi na masama...


>
[Cuties / Video]

hala!
nag-Tagalog siya...




nasa bansa na sa wakas si Yeonwoo... <3

credit for the video goes to the original creator(s) and uploader...

is feeling , ang yaman ng Momoland, biyahe nang biyahe sa bansa kahit wala pang concert...

---o0o---


January 26, 2019...

[Video 18+]

action po 'to..
walang malisya... XD



credit for the video goes to the original creator(s) and uploader...

is feeling , aksidente lang naman.. hindi sinasadya... XD


>
[Medical Condition]

nagsisimula nang maglangib yung surgical wound ko..
kaso hindi maganda dahil ilang millimeters pa yung lalim at yung pagkakabuka niya..
kapag nagkataon eh magiging ukab yung hita ko..
undesirable pa rin...

is feeling , hindi ko alam kung makakatulong kung pipigilan ko yung paglalangib...


No comments:

Post a Comment