Loveless Story
January 28, 2019...
hindi ko tuloy maiwasang isipin...
na sana kagaya pa rin ng dati dito sa bahay, yung walang biological father, yung ako lang mag-isa (o pwede ring may biological mother) sa buong maghapon..
yung walang mga bata..
at yung walang Autism...
na ano kaya ang nangyari kung as early as 2010 o kahit 2013 (noong bumigay na yung old generation kong computer) eh kinapalan ko na yung mukha ko para subukang humingi ng tulong sa ibang tao...?
na sana naging kasing stable ng 2017 yung career ko..
yung okay ang sales, hindi sobrang laki, pero hindi rin naman wala..
at lalong yung walang nakabantay at naghahabol sa mga projects ko na mga online pirates...
na sanang walang mga abnormalities sa ginagamit kong katawan...
tapos ibalik mo pa sa early 90's yung purchasing power ng piso...
parang masaya yung ganun...
is feeling , dire-diretso lang ang laro ng buhay hanggang sa oras mo na para maging pataba sa lupa.. nature of death na lang ang magiging labanan...
---o0o---
January 30, 2019...
wala ng profile si YAM...
is feeling , wala na rin yung best...
>
umakyat na sa 37+2+1 ang sources ko..
37 members, 2 background personnel..
gamit yung mga rogue accounts, eh nagawa ko ngang makahanap ng mga panibagong links..
3 yung unnamed, pero verified ko naman na yung connections nila, though hindi ko lang sila mai-connect sa mga pangalan...
but still, hindi ko pa rin siya mahanap.. :(
pero sinubukan ko na rin ngang magtanong dun sa 2 bagong sources...
bukod dun..
i have 8 names na walang mga mukha..
at 8 faces, na wala namang mga pangalan..
mahihirapan na akong mahanap yung 8 pangalan, dahil mukha lang talaga yung ginagamit kong clue sa paghahanap...
is feeling , isa sa pinaka-okay na source - eh yung mga pabayang tao...
>
hindi ko na rin nga napigilan..
sacrificed 2 drones for contact..
sinubukan ko na ring humingi ng tulong sa 4 kong reserve...
pero one down na kaagad..
hinarang kaagad ako ni Miss H..
ni walang 'ha' o 'ho'...
is feeling , lagot ako kapag naging ganun din ang reaksyon nila kapag oras na para makipag-ayos ako...
---o0o---
February 1, 2019...
bad news din para sa ginagawa kong paghahanap... :(
na-check na ng system yung kakayahan ng ginagamit kong god's Eye..
bale, wala nang bisa ngayon yung mutual effect..
hindi na ako makakagamit ng mga links para palawakin yung automated search..
hindi rin naman nun napawalan ng silbi yung ginagamit kong sistema..
though parang bumalik sa mano-mano ang pagha-hunt... :(
is feeling , talagang pinipigilan nyo ako sa paghahanap ko sa kanya.. sinabi ko na, wala akong pakialam kung masasaktan lang ulit ako o hindi.. gusto ko lang ng tuldok sa istorya niya, at ang maalala ang itsura niya habambuhay...
-----o0o-----
January 27, 2019...
another grocery day..
kailangang punan kaagad lahat ng mga nawala dahil sa pagkakasakit ko..
8 points na yung nasasayang sa akin dahil wala pa rin akong membership card... :(
wala na rin yata talaga yung cute sa eco bag counter... :(
is feeling , babawi muna sa mga promo items...
>
[Public Interest]
medyo tuso na ulit 'tong ginagawa ng Globe sa GCash..
nagpo-provide ng rebate nang walang final computation ng balance...
kailangan pa parating mag-compute, dahil posibleng mapitikan ng pera...
is feeling , simpleng computation lang ng balance, pero tinipid pa nila...
---o0o---
January 31, 2019...
ano na namang nangyari sa [Name of City]..?
naubusan na naman ng rasyon ng masculine wash..?? :(
mga babae na lang ba ang may karapatan na maghugas...???
anyway..
babawi muna sa Milo..
halos buong year 2018 din nawalan ng promo ang Milo, bukod pa sa nagmahal yung produkto...
Php 8.80 din na savings yun..
masarap sanang bumili ng 100 packs kaagad..
Php 7,220 na puhunan, kapalit ng Php 880 na solid na dagdag kita..
kaso wala namang mapaglalagyan ng sobrang daming stocks...
is feeling , 11 points na ang nasasayang ko...
---o0o---
February 1, 2019...
[Business]
always start with the bad...
May 2015 noong huling beses akong naka-experience ng 2-digit na commission mula sa micro-remittance na pa-raket sa akin...
tapos heto..
after 8 years sa ganung sideline..
lumagpak ako sa worst performance nung raket..
2-digit ulit, at mas mababa pa kesa sa record ko noong 2015... :(
is feeling , alam ko.. hindi ako pwedeng makatakas sa kahirapan na kinaroroonan ko - hangga't nananatili akong patas...
>
[Online Marketing]
guaranteed na na may matatanggap akong pera for February...
is feeling , but still.. salamat pa rin sa mga supporters ng comics ko...
>
kung nalaman ko lang noon na eventually maiisip ng Facebook yung tungkol sa options na:
- Snooze for 30 Days
- Unfollow
edi sana hindi ko na pinagki-kick yung mga dati kong contacts..
ni-request ko na lang sana sa kanila na i-Unfollow ako...
is feeling , too late...
---o0o---
February 2, 2019...
[Lottery]
so heto pala yung nangyari sa Lottery nitong nakaraang buwan ng January..
may 3 draws ang bawat 6-number games per week..
so typically, may at least 12 draws ang bawat laro per month..
at for 11 years na pinag-aaralan ko yung laro, eh ngayon lang ako nakakita ng sunud-sunod na pagtama sa loob lamang ng iisang buwan...
heto yung naging trend sa bawat game within the past 12 draws:
58 - 2 times
55 - 1 time (huge amount)
49 - 3 times
45 - 1 time (huge amount)
42 - 2 times
is feeling , hmmm...?
No comments:
Post a Comment