Friday, January 11, 2019

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of January 2019 (Operating Room)

Loveless Story


January 5, 2019...

so hindi natuloy ang planong retirement ni Miss Al..
gaya ng ginawa nila noon, ini-hide lang muna nila siya...

pero may 57th (55th) retirement na nga talaga..
si Miss S..
2 years after ng matagal na niyang plano na retirement, eh nakakalas na rin nga siya...

bukod sa kanya..
parang may 2 pa na naghahanda na ring umalis sa grupo...

is feeling , ibig sabihin, pwede ko na siyang tanungin...

---o0o---


January 11, 2019...

[Emo]

wala na talaga yata akong patutunguhan..
ito lang yata talaga yung disenyo ng Fate ko..
isang vicious cycle hanggang sa araw na matupad ko yung final goal ko...

ang hirap nung pakiramdam na sinusubukan mong maging average man lang..
magtatrabaho ka, habang ginugulo ka pa ng ibang tao at pinapalitan ng masasamang chemicals ang endorphins mo..
kikita ka ng below sa 20-days worth na minimum ng mga nasa average..
minsan may mga buwan pa na walang papasok na kita..
at ipapaatake ka pa ng kapalaran sa mga pirata..
tapos bigla ka na lang dadagukan ng tadhana ng malakihang gastos..
na para bang sinasabi niya na, "uy, nakaipon ka pala ng pantakas? bawasan at sayangin ulit natin yan ha, hanggang miserable stage ka lang dapat, doon ka naka-assign"...

ito na nga ba yung sinasabi ko eh..
kapag ipinapasa sa'yo ng mga basurang tao yung paninisi tungkol sa mga responsibilidad na hindi naman ikaw ang gumawa..
malulungkot ka..
mapopoot..
mawawalan ng happy hormones..
bababa ang immunity..
at bigla na lang magkakasakit ng delikado...

is feeling , yung karma ko, puros negative lang.. hindi na ako pwedeng umasa na may darating pa na maganda...


>
[Medical Condition]


Operating Room (Part I)

noong 2017 nang mabutas ang cyst ko, yun na siguro yung clue na dapat ipinatanggal ko na siya..
siguro warning siya sa mas malalang paparating..
siguro palugit para gawin ko yung tamang desisyon..
yun na siguro yung best timing, dahil nga nag-o-overproduce na ng substance yung capsule..
pero dahil bago pa lang akong nagsisimula sa trabaho ko noon, eh binalewala ko yun..
at naging countdown nga yung muling pagsasara nung butas...

ang hirap rin sa pakiramdam na yung taong napilit mong isama sa ospital eh ilang araw nang walang tulog dahil sa pag-aalaga sa maliligalig na mga bata..
imagine, senior citizen pero walang pahinga...

sa itinagal-tagal ng buhay ko sa mundo, first time ko lang ma-experience ang OR..
kahit na kasi nakailang punta na rin ako sa mga ospital, eh usually eh hanggang sa outpatient clinic lang ako o sa mga laboratory exam..
kahit noong tinulian ako, eh hindi naman sa ospital ginawa kundi sa bahay lang na parang clinic..
kaya naman natatanga ako kapag ako ang tinatanong kung ano bang gusto kong piliin na option...

inumpisahang butasin ng doktor ang balat ko nang walang anesthesia..
hindi na daw kasi gagana sa akin nang maayos ang anesthesia dahil nga namaga na yung paligid ng cyst ko..
ramdam na ramdam ko yung sakit na tusukin at hiwain..
at hanggang balat pa lang yung level na iyon..
at bumalik nga sa akin yung takot ko na physically masaktan - nang matindi, nang matagalan..
sinubukan ng doktor ang anesthesia, at nabawasan naman nga ang sakit, though ramdam ko pa rin yung mga nangyayari...

the entire time, hinding-hindi ako tumitingin sa hita ko..
nakahiga ako nang pa-side, sa kanan ko..
nakaharang ang mga braso ko para hindi ko makita ang mga nangyayari sa ibaba..
at nakapikit lang ako madalas...

hanggang sa kinayod-kayod na yung laman ko..
at may inaalis na mula sa loob ko..
yun na siguro yung pinakamatinding sensation na direkta sa laman na na-experience ko..
muling nag-apply ng anesthesia ang doktor..
nawala naman yung sensation ng pain, at pressure na lang yung nase-sense ko...

is feeling , end of Part I...


Operating Room (Part II)

ang pakunswelo ko na lang sa nangyari sa akin ay may cute na nurse na nag-assist sa surgery ko..
well, hindi ko talaga sigurado kung cute nga ba siya o ano..
i mean, base sa experiences ko, mahirap na talagang mag-assume ng itsura ng babae nang base lang sa facial parts..
pero sa tantsa ko eh cute nga siya..
she was always wearing a bouffant cap and a surgical mask..
pero before and after the surgery eh nakita ko siya na nakababa yung mask, kaso eh nakatakip pa rin ang bibig..
maganda yung mga mata niya at matangos ang ilong..
at kabilang nga siya sa OR staff...

although expected dapat sa mga nurse na maging maalaga..
siya yung napansin ko during the operation kasi siya yung lumilipat-lipat pa talaga sa may tapat ng upper body ko..
parati niya akong kinukumusta, kung nasasaktan ba daw ako o ano..
na nakakatulong naman para makapag-decide yung doktor kung gagamitan ba ako ng anesthesia o hindi muna..
siya rin yung nagpaalam sa akin na tapos na yung surgery, at nakita ko nga na natakpan na yung ginawa nila sa akin..
tapos may konti pa siyang interview portion, kesyo ano daw ang trabaho ko...

during the surgery nga pala..
nagkukuwentuhan kasi sila, kaya naririnig ko..
at may nabanggit sila na certain [Nurse's Name] na bigla na lang china-chat sa social media ng naging pasyente nila...

pero what was surprising eh noong nagpi-fill-up na ako ng form ko after the operation..
ina-assist ako ng isang babaeng nurse..
tapos bigla niyang naitanong sa akin kung kakilala ko ba daw yung [Name and Surname]..?
so ibinalik ko muna sa kanya yung tanong..
ano ba kako siya, nurse ba..?
at oo daw..
apparently, yung nurse na china-chat ng pasyente ang tinutukoy niya..
at na-gets ko kaagad na siya rin yung cute na nurse, dahil 2 lang silang babaeng nurse na nag-assist sa surgery ko..
so naisip ko naman na, paano naman ako magkakaroon ng kakilala na cute na nurse..?
the name maybe common, at totoong may mga kakilala ako na ganun ang pangalan..
pero hindi pamilyar sa akin ang facial features niya..
hindi ko pa rin na-encounter noon yung surname niya..
kaya sinagot ko yung tanong nung nurse na kesyo hindi ko siya kakilala eh, at hindi na ako nagdugsong pa ng katanungan..
pero ang huling bilin sa akin nung nurse ay kay [Nurse's Name] ko daw iabot yung professional fee ng doktor...

at yun rin nga yung last time na nakausap ko siya..
noong inabot ko na yung fee nung doktor...

mabilis ko rin namang na-confirm yung mga data..
kasi habang nasa OR pa ako, at naghihintay na ma-settle yung mga bayarin ko (na wala naman talaga, salamat sa PhilHealth)..
eh nag-ayos ng organization chart yung mga nurse..
doon ko nga nakuha yung full name niya..
she also has a picture, and she seems cute nga mula sa malayo..
pero i didn't dare to look closer, kasi baka mahuli pa nila ako...

is feeling , yun nga lang.. naka-invisible siya sa social media.. high-level privacy...

-----o0o-----


January 6, 2019...

[Medical Condition]

iba na ang sitwasyon ngayon ng cyst ko..
mas maliit pa yung size niya kumpara sa dati, pero mas ramdam ko na nasisiksik yung laman ko sa loob..
dahil dun, may sakit na rin siyang idinudulot kapag gumagalaw ako...

is feeling , pwede na kaya ang PhilHealth...?

---o0o---


January 7, 2019...

[Medical Condition]

pagkakataon nga naman..
saktong sumakit yung muscle sa palibot ng cyst ko sa araw kung kailan naka-schedule akong mag-general cleaning..
at tumuloy pa rin nga ako sa paggawa ng medyo mabibigat na gawain...

hindi ko na alam kung anong nangyayari sa loob ng katawan ko..
ewan ko kung pumutok na yung cyst sa loob..
pero namaga na yung mga kalamnan sa palibot nun..
at for almost 12 years, ngayon ko lang naramdaman yung pananakit ng hita ko sa tuwing naitutuon sa sahig ang paa ko...

surprisingly, parating January nangyayari yung mga pagbabago sa lagay niya..
January 2017 noong nagawa niyang mabutas ang balat ko..
January 2018 naman noong nagsimula na siyang maghilom makalipas ang 1 taon nang pananatiling butas..
at ngayon ngang January 2019 eh medyo malaki na ulit siya, nananakit, at namamaga na...

nakakaasar..
andami ko pa namang gustong simulan nitong January..
natapos ko na yung general cleaning..
today nga eh nag-release ako ng 4th project dun sa 3rd platform..
SSS..
permanent ID nga sana (na ini-reschedule ko na sa ibang buwan)..
PhilHealth..
grocery dahil paubos na yung mga stock ko from late 2018..
membership card sa supermart..
at panibago ngang project..
kaso wala eh...

sobrang malas talaga..
mukhang masasayang pa lahat ng mga napag-ipunan ko..
mapupunta pa yata sa hita ko lang..
at wala na akong matatanggap na sahod simula January...

bukod dun..
problema ko pa na wala akong makakasama sa ospital..
panay busy sila sa mga bata na puros may sakit rin ngayon..
hindi pa naman ako pwedeng mag-undergo ng surgery nang walang kasama..
ang hirap talaga ng walang pamilya..
sa mga ganitong pagkakataon nga rin pala nagagamit yung mga nobya..
pero wala eh..
kailangan ko pang maghanap ng for rent na bantay...

is feeling pained.


>
[Medical Condition]

wala na..
parang nilalagnat na rin ako..
sira na ang lahat for 2019..
masasakripisyo na ang lakad ko sa April...

is feeling , walang pagkakataon para makatakas sa mga kamalasan...


No comments:

Post a Comment