Loveless Story
January 17, 2019...
writing means freedom..
freedom of self-expression..
walang mali hangga't hindi ka nagsusulat ng hindi totoo laban sa kung kaninong totoong tao o institusyon...
kaya bakit maraming nagbabawal na magsulat tungkol sa mga negative na bagay..? :(
ano sila, mga Dictator's Loyalist na gusto na ring ipagkait ang kalayaan sa iba..?
so kapag positive eh pwede..?
kapag negative eh hindi..?
eh parehas lang naman na bahagi ng realidad ang dalawang yun eh...
kalayaan rin ang pagpili..
walang pumipilit sa bawat isang tao na basahin ang hindi niya gustong mabasa..
at hindi rin requirement na i-absorb yung mood nung babasahin...
is feeling , bawat isa may kanya-kanyang paraan nang pagpapakawala at pagtatapon ng mga basura.. hindi lang yung positive ang standard...
---o0o---
January 19, 2019...
19 na ang nakukuhanan ko ng response..
good or bad man..
pero wala pa rin akong makuhang matinong sagot o lead...
is feeling , hindi mo talaga ako hahayaan na mahanap siya, ano...?
-----o0o-----
January 15, 2019...
[Medical Condition]
ambilis na talaga ng daloy ng panahon kapag nasa survival level ka na..
52 weeks na nga lang in a year, tapos ganun lang kabilis na lilipas yung 1...
tapos na ako sa oral medication..
pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nagagawang tingnan yung naging surgical wound ko..
lalagpas pa sa 1 week bago tuluyang maghilom iyon..
tapos kailangan na ulit bukas bumisita sa ospital..
maglalabas na naman ng pera... :(
is feeling , hunting for endorphins...
---o0o---
January 16, 2019...
[Medical Condition]
ayokong inooperahan ako kapag napunta ako sa ospital..
pero ayoko rin naman yung mag-uusap lang kayo ng doktor for 5 to 10 minutes, tapos eh Php 500 na kaagad.. :(
last na yun...
after more than a week, nakita ko na yung surgical wound ko..
at malalim pa siya, meaning sobrang lalim niya after nung naging surgery..
ako na lang ang bahala sa recovery..
inalis ko na rin ang mga buhok sa paligid nung sugat, para iwas sa further infection...
more than Php 1,200 in a single day..
kasama na ang mga bagong supply sa paggagamot..
sana naman eh hindi na kapusin..
nasa Php 1,909 na lahat-lahat ng nagagastos ko para sa mga panggamot..
sayang rin yung Php 88 na nai-save ko sana sa pagbili ng 10 grams compared sa 5 grams lamang na Mupirocin...
bale pumalo na ako sa mahigit na Php 10,000..
bukod pa yung naitulong ng PhilHealth..
is feeling , 3 times since 2015...
---o0o---
January 17, 2019...
[Business]
paubos na yung pang-load ko...
ilang araw ng walang supply ng yelo...
unti-unti na ring nauubos ang mga pangbenta ko..
at sumakto pa talaga sa event sa [Name of City]...
hindi na rin nakahanap ng magandang investment...
nakakapanghinayang ang January..
pero wala namang magagawa eh...
is feeling , less pain ang habol ko...
---o0o---
January 19, 2019...
matapos sirain yung magandang klase ng kama na bigay ng tito niya...
ayun..
pagbubukas na ng gas stove ang pinag-aaralan nung Autistic..
hindi pa naman nakatago yung gasul nun...
wala eh..
kesyo hayaan daw matuto eh...
parang noong tinuruan ng baking sa school..
pabayaan lang daw, kahit na sobrang magastos..
at ngayon eh parati nang nilalagyan ng sarili niyang laway at dahak yung mga ginagawa niyang kunwaring pagkain... :(
is feeling , mukhang sunog ang tatapos sa bahay na 'to...
No comments:
Post a Comment