at masasabi mo na hindi talaga totoo ang kanilang mga paniniwala, dahil wala silang pakialam kahit na mga ka-relihiyon na nila yung nadadamay sa pinaggagagawa nilang kasamaan..
marumi ang tingin nila sa baboy - pero di hamak na mas marumi sila kesa sa hayop na yun..
siguro napasok na talaga ng demonyo yung relihiyon nila (o sekta ng relihiyon, o kung anuman yung classification nun para sa kanila)..
pero mabuti na lang at mukhang mas marami pa naman yung mga kaparehas nila ang relihiyon na hindi naniniwala sa kabuluhan ng terorismo at ng mga pagpatay...
at sa isa namang panig..?
andun naman yung mga taong sumasamba sa kapwa nila tao..
ganun ba talaga kagaling para sa kanila yung taong marunong magmura sa publiko..?
ganun ba talaga kagaling para sa kanila yung taong kakantutin lang ang tingin sa mga kababaihan..?
ganun ba talaga kagaling para sa kanila yung taong sinasabi nila na "at least totoong tao siya"..?
so para sa kanila astig yung sasabihan yung mga terorista at iba pang mga kalaban ng gobyerno na kaya niya/nila silang pagpapatayin at ipaubos - pero hindi naman talaga magawa...?
mas okay pa sana kung ginawa na lang nila ng tahimik yun..
palihim na pinagpapatay ang mga terorista, sa tulong na rin ng totoo sanang intel..
iniharap ang mga ulo nila sa publiko, at saka na lang sana ipinagyabang na "heto inubos na namin sila sa ngalan ng kapayapaan"..
hindi yung nauuna ang yabang at mga salita, kesa sa aksyon...
tapos sasabihin ninyo na may intel nga na posibleng atakehin yung bayan na yun..
pero ano..?
mas ginusto ninyo na saka na lang kumilos kapag nangyari na nga yung pag-atake...?
---o0o---
update ulit (93 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- ang pagpapalibing sa bangkay ng isang Diktador sa isang makabuluhang national cemetery
- yung pagbibigay ng permiso sa isang Imperyalistang nasyon (na lantarang nang-aagaw at nang-aangkin ng mga teritoryo) ng kalayaan para mag-explore sa teritoryo na posibleng mapagkunan sana ng mahahalagang resources ng bansa
- yung kagustuhan na kontrolin kung sinu-sino ang mga mamumuno sa mga Barangay hanggang 2020
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad:
- yung mga lalaking itinumba kahit na naka-posas na sa likod
- yung 4 year old daw na bata na nadamay sa pagpatay ng mga pulis sa tatay niya
- yung army reservist na pumatay ng lalaking naka-bike matapos ang road rage at matapos nilang magsuntukan sa kalye, tapos may nadamay pang isang sibilyan sa pamamaril niya
- yung OFW na dinakip sa checkpoint at naging biktima ng torture at pagpatay
- yung mga taga-Quezon na hinuli sa parang raid, pero wala palang record ang mga pulis ng naging operasyon na yun laban sa kanila, at may natagpuan na lang na mga sunog na bangkay na pinaghihinalaan na sa mga taong yun na pinagdadakip nga
- yung kaso nung Australian, kung saan hindi nag-match yung statements ng mga arresting officers kumpara sa naging kuha ng CCTV, at may alegasyon pa ng tangkang pangingikil (this happened sometime before the current administration)
- yung kaso involving Makati Police, kung saan inaresto ang isang OFW gamit ang gawa-gawa lang naman DAW na dahilan, at tinakot DAW na gagawing related sa ilegal na droga kung hindi magbibigay ang pamilya niya ng Php 500,000
- yung kaso ng pagpatay sa Regional Chairperson ng Citizens Crime Watch sa Oriental Mindoro, kung saan Police Senior Inspector at Inspector (police awardee pa yung isa) yung nahuling mga suspect, at may mga kagamitan talaga sila na pang-riding-in-tandem
- yung Mayor sa Mindanao at ang mga kasama niya na hinihinalang pinatay sa rubout
- yung pagkamatay ni Mayor Espinosa; nakakulong na, hinainan daw ng search warrant kahit na madaling araw na, nawawala ang kuha ng CCTV, at nakapanlaban daw
- yung mabilis na pagre-reinstate dun sa Marcos (pulis ng Region 8 na sangkot sa kasalukuyang kaso/istorya ng mga Espinosa) at tila pagiging 'maluwag' ng mga kinauukulan sa iba pang pulis na involved
- yung patuloy na pagkampi sa mga pulis ng Region 8, matapos ang findings na murder nga DAW yung ginawa nila laban kay Mayor Espinosa, hindi pa man sila napaparusahan pero may nakapangako na kaagad na absolute pardon para sa kanila
- yung kidnapping ng isang civilian last October daw na nakunan ng CCTV, na ang sangkot ay mga pulis na hindi naka-uniform
- yung kaso sa Lemery, Batangas kung saan may claim na nauna (higit na mas maaga) daw hinuli yung mga drug suspects nang mga naka-civilian na pulis na wala namang dalang warrant, pero hapon na noong kuhanan ng mga pictures at inventory na may kasama ng mga ebidensiya laban sa kanila
- yung pagpatay ng isang pulis sa lalaking nanlaban DAW matapos mag-amok sa isang bangko sa Laguna na nakunan naman ng CCTV camera
- yung pamamaril ng isang lasing na pulis sa Misamis Oriental na ikinasugat ng 4 na katao
- yung nakainom na pulis sa Negros Occidental na namaril din at nakapatay
- yung ginawang pananampal at panggugulpi ng isang sundalo sa isang bar sa Isabela, supposedly eh naka-duty daw siya, at nanggulo DAW doon dahil gusto ng nude dance/show
- sa Sorsogon, yung pangho-holdap ng isang sundalo sa isang remittance center, na supposedly eh naka-duty rin siya during that time
- yung pulis na nambugbog ng makulit na matandang lasing, at inilagay pa niya sa paso ang batas
- sa Negros Oriental, yung pulis na nakunan ng video habang pinatapat ang tenga ng isang sibilyan sa muffler habang pinapaandar yung motorsiklo
- yung pulis sa Sta. Mesa na namaril ng sibilyan na binu-bully DAW nito parati at sinaktan pa bago yung insidente, matapos na rumesbak yung biktima na may dalang bato at itak
- yung buy-bust operation DAW sa Caloocan, na ginawa ng mga naka-sibilyan na naka-hood at mga naka-maskara at hindi na mga pulis, na natunugan DAW, kung saan 2 magbiyenan na drug-related suspects ang napatay sa loob ng kanilang pamamahay
- yung napatay na 17 y/o sa Caloocan City na hindi naman target pero nadamay daw sa ginawang buy-bust operation, nakita daw siya na may baril kaya pinatay na
- sa Maguindanao, yung 2 bata na edad 6 at 10 daw na nadamay at napatay sa ginawang anti-illegal drugs operation sa kanila, kung saan nasugatan rin daw yung 2 pa nilang mga bata rin na mga kapatid
- yung pulis na namaril ng kapwa pulis sa Lipa City
- sa Pasay City, yung miyembro ng army na nakainom, nagwala, at nakipagbarilan pa sa mga pulis
- yung pulis na ng rape ng sibilyan sa Calamba City, na ginamit DAW yung pagka-pulis niya para kunwari ay magpapatulong lang dun sa biktima
- yung pulis na binaril yung menor de edad na isinasama lang DAW niya
- yung pulis Mandaluyong na aksidenteng nakabaril sa Nasugbu, Batangas dahil DAW ipinagmamalaki niya yung baril na na-issue sa kanya
- yung SAF na nambugbog ng traffic enforcer sa Bacolod matapos siyang masita na nagawa niyang traffic violation
- sa Dumaguete, yung 5 pulis (hindi naman naka-uniporme o naka-duty) na nambugbog DAW dahil sa isang basketball game
- yung nakunan ng CCTV na pulis (na naka-sibilyan) na nanggulpi ng lalaki na sinubukan na DAW humingi ng tulong sa mga pulis sa isang presinto ng QCPD, ikinulong pa nila yung lalaki at ipinaako DAW sa kanya lahat ng pagkakamali, at dahil yun sa away-trapiko pa rin
- sa Manila, yung naka-AWOL na pulis na nagpaputok daw ng baril at nakatama ng 2 menor de edad, at nanapak pa daw
- sa Antipolo City daw, yung jeepney driver na pinatay daw ng isang pulis Maynila dahil lang sa away-trapiko
- sa Cabanatuan, yung 2 pulis na naka-droga na namaril at pumatay ng 2 katao, na ikinasugat ng 1 pa
- yung CCTV footage na ibinigay kay Senator Lacson, na nagpapakita kung paanong tinaniman ng mga pulis DAW ng ebidensya ang isang opisina, tapos ay saka ni-raid yung lugar
- yung na-hulidap na Korean, na nahingan na nga ng ransom yung pamilya, pero pinatay pa rin talaga yung biktima sa loob pa mismo ng kampo ng mga pulis
- yung mga South Korean na na-hulidap sa Pampanga, na nakunan ng CCTV, na hinuli gamit ang alibi na sangkot sila sa illegal online gambling, na ilang oras ikinulong sa police station at pinakawalan lang matapos magbigay ng pera
- sa Quezon City, yung 4 na pulis na nahuli dahil sa kaso ng kidnapping at extortion, isang lalaki at yung kasintahan niya ang naging mga biktima
- yung nangyaring saksakan at patayan ng mga high profile inmates sa loob ng Bilibid kahit na pinataas na DAW yung seguridad doon at mga SAF pa ang nagbabantay
- yung panibagong kaso DAW ng VIP treatment para sa mga high profile inmates na lumabas sa balita nitong February 2017
- yung maramihang pagsibak sa mga pulis sa Parañaque dahil DAW sa mga kaso ng pangongotong
- sa Ilocos Norte, yung 2 pasaway na pulis, na naka-off na daw sa duty, pero nahuli namang nag-iinuman sa kanilang presinto
- ang patuloy at malaking bilang ng mga pulis na lumalabas na positibo sa paggamit ng ilegal na droga through drug test (ang isa sa butas ng laban kontra sa ilegal na droga)
- sa Las Piñas, yung opisyales na pulis na related sa PNP Crime Laboratory na nahuling gumagamit ng ilegal na droga sa isang drug den
- yung PO1 na sangkot daw sa ilegal na droga at miyembro rin daw ng sindikato
- yung 3 sundalo DAW na nahulihan ng mga drug paraphernalia sa Cebu City
- sa Catanduanes, yung nagbitiw na pulis na umamin na totoo DAW ang pagtatanim ng mga ebidensya at extrajudicial killings
- sa Bacolor, Pampanga, yung government employee na biktima ng tanim-droga ng mga pulis at mga miyembro ng PDEA, yung hindi nagtugma yung written report sa kuha ng CCTV
- sa Manila, yung 4 na senior citizen na naging biktima rin DAW ng tanim-droga at tanim-bala ng mga pulis, may kuha ng CCTV tungkol sa kuwestiyonableng operasyon nung mga pulis eh, namatay pa yung isang matanda sa loob ng kulungan
- yung babaeng biktima daw ng tanim-droga teknik ng 11 Pulis Malabon
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama:
- yung honor student na choir member na ginamitan ng karatula
- yung 5 year old daw na bata na nadamay sa tangkang pagpatay ng mga hindi kilalang tao sa lolo niya
- yung 5 year old na taga-Pasay na napatay habang natutulog dahil nadamay sa pagpatay sa tatay niya na siya daw target nung hindi nakilalang tao
- yung pagkamatay ng bagong binyag na bata (na tinamaan ng ligaw na bala) sa Bulacan dahil nadamay sa pagpatay sa kanyang ninong na involved DAW sa droga
- yung pagkadamay at pagkapatay sa isang manliligaw sa Quezon City dahil involved daw yung nililigawan niyang babae sa ilegal na droga
- yung kaso sa NCR kung saan nadamay at natamaan ng bala ang isang sibilyan dahil sa paghahabulan ng mga pulis at ng isang suspek
- yung 2 sibilyan sa Laguna na nagsisimbang-gabi lang sana, na nadamay (napatay yung batang babae) sa pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek sa isang barangay tanod na related din daw sa ilegal na droga
- yung tila 2 grupo ng tao na napatay sa Caloocan City, na either drug related daw yung isang grupo kung kaya't nadamay sa tumbahan yung mga miyembro daw ng frat, o dulot ng frat war na ang nadamay naman eh yung ilang drug related personalities
- sa Caloocan, yung mag-live in partner na pinatay daw ng mga taong nagpakilala na mga pulis
- yung 14 y/o na dalagita na nadamay sa pamamaril ng mga taga-tumba sa target nilang drug-related personality daw, sa Caloocan yata yun
- sa Caloocan, yung 5 y/o na bata na nadaplisan ng bala dahil sa nangyaring tumbahan sa isang hinihinalang drug den, kung saan may mga napatay rin
- hindi ko nakuha yung lugar, pero yung kaso kung saan may 1 napatay at 6 na nadamay sa pamamaril daw sa isang dating nagbebenta ng shabu
- sa Tondo, yung 14 y/o na dalagita na natamaan sa mata at napatay ng ligaw na bala mula sa pamamaril ng riding-in-tandem, namaril DAW para takutin yung may pagkakautang sa kanila sa ilegal na droga eh
- sa Makati, yung mga lalaking naka-uniporme daw ng pang-pulis na nakuhanan ng video habang nananakit DAW ng isang babae, may tutukan pa DAW ng baril na nangyari
- yung Japanese na negosyante na mukhang planadong itinumba habang nasa bansa
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas at patakaran sa bansa:
- sa Pasay, yung target ng buy-bust operation na nakapatay at nakasugat ng mga pulis, grupo sila eh, at yung main target daw ay marami ng record ng krimen pero talagang nakakalaya pa rin
- sa Siquijor, yung 2 babaeng estudyante na napatay sa pananaksak ng isang lalaki ng naka-droga at lasing din daw noon, according sa istorya ay may iba sana siyang papatayin dahil natakot siya na isuplong siya tungkol sa paggamit niya ng ilegal na droga, kaso ay ibang mga inosenteng tao yung napaglabasan niya ng kanyang kasamaan
- regarding sa pag-determine ng edad na pasok sa criminal liability, yung pulis sa Dipolog na ginulpi ng mga kabataan at untik nang mapatay matapos niyang umawat lang sa rambulan ng mga ito
- sa Tondo, yung nakunan sa CCTV na rambulan ng mga kabataan sa gabi, kung saan makikita na nagpapaputok ng baril yung isa at nanuntok pa yung isa ng umaawat lang daw sa kanila, butas pa rin ito sa sistema ng pag-regulate sa mga baril at sa pag-determine ng edad kung kailan may pananagutan na ang mga mamamayan sa batas
- regarding sa batas trapiko, yung 2 lola na parehong namatay matapos mabangga ng humaharurot na tricycle habang tumatawid sila sa pedestrian lane
- dahil pa rin sa kawalan ng kontrol sa mga armas, sa Cavite, yung lalaki na hinuli at dinala sa isang motel at balak i-hulidap ng mga lalaking nagpanggap na miyembro ng PDEA at PNP
- yung lalaking binaril ng isang motorcycle rider na posibleng dahil lang DAW sa naharangan niya ito sa kalsada
- ang naging pag-atake sa Resorts World Manila
- sa Dasmariñas, Cavite, yung ikinulong nang dahil sa sakla, na pinatay ng mga nakasama nitong preso habang nakaposas siya
- sa Lanao del Norte, yung bilanggo na pinatay sa loob ng kulungan ng mga kakosa niya
- yung sikretong kulungan na nadiskubre ng CHR sa isang station ng MPD
- yung kagustuhan ng kasalukuyang DTI na ibigay na sa mga negosyante at/o mga kompanya ang kakayahan na i-regulate ang suggested retail price (SRP) para sa mga produkto nila
- yung pagkampi ng Supreme Court sa photobomber
- yung pagkabasura ng Commission on Appointments sa pagtatalaga kay Lopez bilang secretary ng DENR na obvious naman na iginapang
- yung sapilitang pangunguha ng mga miyembro DAW ng Kadamay ng mga housing projects sa iba't ibang lugar, at ang pagkunsinti sa kanila ng gobyerno
- ang kakayahan ng mga miyembro ng mga teroristang grupo na mapakawalan o makatakas pa sa kamay ng batas
- yung naging pagsabog sa Quiapo na nakasugat ng nasa 14 na katao daw, at nangyari yun kung kailan supposedly eh mataas ang seguridad sa bansa lalo na sa NCR
- yung kuwestiyonableng naging kahinaan ng seguridad sa Marawi sa kabila nang patuloy na pagkilos ng mga terorista sa Mindanao, sa kabila ng patuloy na mga bantaan mula sa magkabilang panig, at sa kabila ng pagkakaroon ng malaking halaga ng intelligence fund
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung pagkamatay ng isang 9 year old na bata, na pinaghihinalaang pinatay ng mga menor de edad; na natagpuan yung bangkay na nakagapos ang mga kamay, na binugbog daw, pinutulan ng mga daliri, at may hiwa pa sa tiyan
- yung pagsu-suicide daw ng isang Director Villa ng ERC dahil sa katiwalian sa trabaho nila
- isama na rin yung pagkalat ng mga fake news at paid trolls sa social media
- yung Oplan Cyber Tokhang
- yung mga sundalo sa Marawi na napatay sa sarili nilang air strike na laban sana sa mga terorista
---o0o---
May 27, 2017...
yun!
gaganahan na tuloy magtrabaho niyan ang mga sundalo!
baka hindi na sila maging pabaya sa pagbabantay..
baka magamit na nga yung fund para sa intel...
alam nyo na mga panatiko ha..
pabukakain nyo na ang mga kapatid, pinsan, ina, tiya at anak ninyong mga babae sa mga lugar na may Batas-Militar..
isali nyo na rin ang mga sarili ninyo kung babae kayo..
sagot na ng diyos-diyosan ang pagpapagahasa sa inyo..
pwede pa hanggang 3 daw..
siguradong magiging proud rin naman kayo dahil siya ang may sabi nito eh...
halatang-halata tuloy kung ano lang madalas ang laman ng utak..
kakantutin na mga nilalang lang ang turing ng isang 'to sa mga kababaihan in general..
okay lang yan sa mga biktima ng terorismo, matatawa sila diyan..
sobrang kwela eh, di ga..?
sorry ladies, pwede na ang rape jokes sa panahon ngayon...
akala ko pa naman sapat na yung joke tungkol dun sa kawawang namatay na dayuhan na babaeng misyonaryo..
akala ko pa naman tapos na yung mga pamboboso sa Vice President...
isipin muna ulit kung anong mararamdaman nyo kung kayo yung naging laman nung joke, bago kayo dumepensa..
pero sa bagay, wala naman ng utak ang mga zombie eh...
— feeling , putang ina! hindi na ako makahinga sa kakatawa sa joke na 'to...
---o0o---
May 31, 2017...
sus, tama na ang paliwanag!
huli ka na, manyakis..
kaya nga laging lumalabas yung mga kabastusan sa bibig mo eh; Viagra, rape, bosohan..
natagalan ka pa bago mag-isip ng palusot..
kaya ka rin may anak sa ibang babae..
kasi kakantutin lang ang tingin mo sa kanila...
sa lahat naman ng maiisip mong pwedeng ipang-motivate sa mga sundalo mo, talagang yung rape pa, na isang kasalanan...
kapag ba yang si Hello Kitty eh nagahasa at napagpasasaan ng kung sinu-sinong lalaki, sa tingin mo makakatawa kang bugok ka..??
diyan ka magaling, ang gawing katatawanan ang ibang tao...
tang ina ka!
tapos mag-aalok ka ng negosasyon sa mga demonyong ayaw na may nabubuhay na mga Kristiyano sa mundong ginagalawan nila..?
para ano, para makagawa ulit sila ng recruitment at ng mga pag-atake sa hinaharap...?
was feeling , tutut at yabang kasi ang lagi mong inuuna...
---o0o---
June 1, 2017...
kawawa naman si Rosales..
nadale ng fake news...
seriously, sa baba ng level ng utak ng maraming mamamayan..
dapat bitay na kaagad ang katapat ng mga nagpapakalat ng mga pekeng balita..
para rin silang mga terorista eh..
hindi nga siguro namamatay yung mga biktima nila, pero nagdudulot pa rin sila ng pagkakawatak-watak para sa sambayanan...
was feeling , tapos gusto niyo pa ring palawakin ang sakop ng libreng internet...?
>
eh yung babaeng nabiktima ng pekeng abugado..
ang masama pa dun, mukhang tao ng DOJ daw yung nag-refer nung pekeng abugado para dun sa biktima..
at ginamit pang koneksyon nung scammer ang namayapang si Defensor-Santiago...
ano ba yan..?
ang dami na nga ng fake news..
tapos sasamahan pa ng mga fake na tagapagtanggol ng hustisya...??
was feeling , dapat nag-name drop eh...
>
naman!?
nasa 10 sundalo ang napatay sa friendly fire mula sa air strike...??
ang gagaling na nga ng mga snipers ng kalaban..
tapos binomba pa ang mga kasapi...?
yan ba talaga yung pinagmamalaki na paraan..?
yan na ba yung tanging solusyon..?
pasensya na, pero parang kulang talaga sa kahandaan at skills ang gobyerno...
parang biglang nagkaroon tuloy ng sense yung fake news regarding Rosales - particularly pagdating sa kakayahan ng mga sundalo na gumamit ng ganung klase ng opensiba... :(
was feeling , sinong mananagot para sa kanila...?
>
at talagang ie-endorse niyo pa yang bulok na Martial Law ninyo..?
shield pa talaga..?
mga ulol!
sayang ang ipinapasuweldo sa inyo ng taong-bayan..
at huwag ninyong sasabihin na binayaran niyo ang pesteng gumawa ng ads na yun, mga demonyo kayo sa loob ng gobyerno...?
dahil kung talagang reliable ang mga taong gobyerno, dapat hinigpitan na nila ang depensa ng mga siyudad bago pa man nangyari yung pananakop..
hindi naman kailangan ng Martial Law para lang umigting ang security..
matagal na nilang alam na may mga terorista..
pero hindi na nga gumana yung intelligence fund kuno, tapos eh nagyabang pa nang nagyabang yung isa na kesyo papatayin silang lahat...
tapos ngayon nga eh ito na ang kinalabasan ng digmaan..
sila-sila na ang nagkapatayan (baka naman miyembro ng terorista yung piloto o bomber..?)..
at hindi rin nila mapatay ang mga dapat patayin dahil daw sa mga hostage...
was feeling , tang ina! imbestigahan dapat kung may nagastos sa kalokohan na yun...
---o0o---
June 2, 2017...
nabasag na naman ang depensa sa NCR... :(
Resorts World naman ang inatake..
pero kahit papaano eh masuwerte naman yung mga nakasaksi sa pangyayari dahil hindi naman sila pinagbabaril nung suspek..
kaya mukhang hindi talaga religious terrorist yung taong yun..
malas lang dahil namatay yung suspek, kaya hindi na 100% na malilinaw ang pangyayari na 'to...
pero ang masama sa insidente na 'to..?
- yung kahinaan ng security doon sa lugar, babae daw yung inabutan nung suspek eh (kailangan na nilang magpalit ng security agency in that case)
- yung claim na walang kuha ng CCTV considering na high-end casino-hotel yung lugar
- yung mga official statements ng mga pulis na kesyo clear na daw yung lugar, tapos eh bigla namang may lumalabas pa na mga lumilikas mula doon sa gusali (pausap na ha, huwag nyo na 'tong tawagin na bias sa panig ng media, dahil sa bibig talaga ng mga awtoridad nanggagaling yung statements eh, kung hindi sila sigurado sa intel, dapat manahimik na lang muna sila)
- yung claim ng ibang mga saksi na mahigit sa isa yung mga nakamaskarang suspek
- at saka saan na naman nakakuha ng baril dito sa bansa yung taong yun (kung foreigner nga siya) at bakit nakakagala siya na dala yun
paano niyan makakasigurado si Grande na magiging secure nga ang concert niya kung saka-sakali...?
walandyo..
hindi pa naka-killer-mode yung isang yun..
pero andami pa rin ng namatay dahil sa naging kaguluhan at sunog..
eh paano pa kaya kung totoong terorista yung gumawa nun..?
tapos sasabihin ng gobyerno na huwag mag-alala dahil hindi naman yun konektado sa terorismo..?
eh kailan ulit mag-aalala, kapag may nasakop na ulit na lungsod...?
was feeling , hindi maganda 'to, dahil nakikita ng international community, lalo na ng mga kalaban, na marami ngang butas ang seguridad dito sa bansa...
No comments:
Post a Comment