[V-League]
PVL - Semifinals
hala!
hindi natupad yung wish ko..
pinagtapat kaagad sina Galanza at Bualee..
kasalanan ng Power Smashers eh, ginulo yung standings pagpasok ng reinforcements...
was feeling , laglag na kaagad ang isa...
>
oo nga 'no..
kung every 2 months ang bilis ng production ko..
at sa 50-50 na hatian..
ibig sabihin, kailangan ko ngang makabenta ng 100 copies in 2 months...
was feeling , we'll see...
---o0o---
June 5, 2017...
[Emo]
eh yung isasama pa yung pagsisira sa ibang lugar sa mga gastusin...?
wow!
Php 1,200 sa materyales, Php 600 sa labor..
pambili na sana ng bigas yung Php 1,800 na yun..
pero dahil likas kang kapritsoso..
pati pagsisira mo sa ibang lugar eh talagang sagot pa ng nanay mo...
eh paano pa kaya kapag nagte-training ka na..?
baka makasunog ka ng kompanya, tapos nanay mo na naman ang magbabayad...
was feeling , Php 2,800 na yung nababawas sa monthly budget, kulang pa ba yun sa'yo...?
>
[Sports]
mukhang malapit nang makakuha ng championship si DeoDurant ah... XD
was feeling , pero siyempre, mas masaya pa rin kung yung mas malakas yung matatalo...
---o0o---
June 6, 2017...
okay naman ang araw na 'to..
nakapag-grocery naman nang hindi nauulanan...
meron pa namang nabili na mantika..
yun nga lang, parang hirap talaga sila sa stocks..
pero kahit papaano eh naka-stick pa rin naman sa Php 205 yung presyo...
mabuti rin at nandun naman si Emoji-Girl ngayong araw...
was feeling , basta huwag lang matutuloy yung Php 10 na minimum na pamasahe dahil sa kademonyohan ng gobyerno...
>
nahanap ko na rin sa wakas yung isa pa..
nakumpleto ko na rin yung grupo nila...
though may nagawa yata akong pagkakamali nitong nakaraan..
sinubukan ko kasing c-um-onnect sa anak ng isa sa kanila..
at some time after that, bigla na lang nag-deactivate yung account at nag-delete na din..
natakot yata...
was feeling , pero talagang siya yung nag-iisa na hinding-hindi ko ma-track...
---o0o---
June 7, 2017...
mukhang tama nga na hindi BPI ang pinili kong maging bangko ah...
yun ngang institusyon na sa kanyang larangan eh pumapalya pa, yun pa kayang nagmamadali lang na hindi rin naman maaalam..?
baka manakaw lang ang data ng mga tao sa inyo...
was feeling , nakakatakot...
>
[TV Series]
natatawa talaga ako kapag nakikita ko yung Mulawin versus Ravena ngayon...
yung isa naging Lobo..
tapos yung isa naman, naging Bampira na...
was feeling , evolution...
---o0o---
June 8, 2017...
nagsimula na ulit mag-render..
medyo may problema lang doon sa 2 settings..
hindi maganda yung quality nung lighting with respect sa kakayahan ng computer ko..
kaya naman kailangan ko pang mag-experiment sa tamang timpla ng ilaw...
was feeling , 4 out of 50 plus...
>
[V-League]
PVL Semifinals - Creamline versus Bali Pure
end of campaign para kay #8 Galanza...
3-0..
hindi man lamang naka-20 points ang Creamline sa kahit na anong set..
si Kuttika lang ang lumaban nang todo..
mahina ang Western import nila, matangkad, pero bihira yung mga bayo at pasibat na palo, madalas kaya pang saluhin, thus hindi naging matalino ang pagpili sa kanya ng Rebisco..
si Baldo naman eh sa 3rd Set na lang nanlaban, pero mukhang may problema talaga siya sa kanang braso o armpit area niya..
mas nahalata naman ngayon kung gaano pa kalayo ang power ni Galanza kumpara doon sa 3 key players ng Creamline..
though posible rin na nasa Setter nila yung kakulangan kung bakit ganun ang kalidad ng mga atake nila...
ang masama nito..?
mas nahahasa tuloy at lumalakas ang kombinasyon nina Nabor at Sato sa gitna ng court, isang magandang paghahanda para sa Season 80 ng UAAP..
at pati si Malabanan eh natututo na rin ng mga variation sa opensa niya...
was feeling , himala na kapag nanalo ang Ateneo laban sa La Salle sa charity game nila...
---o0o---
June 9, 2017...
nagawan ko na rin ng paraan yung isang setting..
isa na lang ang problema ko, at swerteng 2 lang naman ang eksena doon..
nadadagdagan naman nang nadadagdagan ang mga teknik na natututunan ko...
was feeling , 8 out of 56 plus...
---o0o---
June 10, 2017...
[Emo]
ayun..
sira na naman ang salamin sa mata..
wala man lamang talagang makatagal ng isang taon...
tapos balak pang dayain ang scholarship..
gustong magpanggap na walang source of income yung pamilya, eh samantalang pensyonado nga yung ina niya (kulang nga lang para sa mga kapritso niya yung nasa Php 20,000 plus na pensyon)..
qualified pa yung ama niya dahil matagal naman na yung walang silbi..
pero paano kung ma-CI naman kami...?
at ako pa ang lolokohin..
pa-internet daw at may ire-research..
tang ina, tapos na ang klase, may research pa rin..?
anong ire-research niya, sagot sa removal exams niya..?
tapos ang makikita mo naman eh nag-i-stream lang pala ng porn videos sa smartphone o di kaya eh nag-ge-games lang sa mamahalin niyang laptop..
asa ka!
deactivate Wi-Fi lang ang katapat mong paboritong anak ka...
tapos pati nga paghahanap ng summer job eh doon iniuutos sa ina niya..
wow! ang galing!
at talagang nagsisira pa ng mga gamit kapag hindi maibigay ang gusto niyang summer job..
tae, ina-apply-an yun, hindi yung trabaho ang kusang nalapit..
tsaka paano ba naman siya matatanggap sa trabahong pang-umaga, eh ni hindi nga niya kayang gumising ng 5:00 AM..?
napapaghalata tuloy na yung pera lang yung habol niya...
is feeling , ganun yata talaga ang tao kapag alam niyang ibinibigay naman sa kanya lahat ng naisin niya - umaabuso...
>
ayun..
na-demote na ulit yung project ko..
nasa page 3 na lang ulit siya ng most popular items...
is feeling , pero mabuti naman at tuloy pa rin ang pagpasok ng pera...
>
[V-League]
Battle of the Rivals
quoted from Inquirer:
"Valdez and Lazaro will reunite with former Ateneo players Fille Cainglet, Ella de Jesus, Amy Ahomiro and team up with current Lady Eagles Jia Morado, Maddie Madayag and Jho Maraguinot."
"Joining Reyes are Aby MaraƱo, Kim Fajardo, Ara Galang, Cha Cruz, Michele Gumabao, Melissa Gohing and Cyd Demecillo."
8 versus 8..
anak ng..?
sinong nagluto ng charity game na 'to..!?
eh All-Star yung sa La Salle eh!
Cainglet..??
bakit hindi na lang Gervacio, eh nasa top shape yun ng laro niya sa ngayon..?
wala rin si BDL para sa quick plays (currently siya yung best sa ganitong department, lalo na dahil sa boosted attack dahil sa koneksyon nila ni Morado)..
Madayag..??
at ang madaling kabahan sa laro na si Maraguinot..??
anyway, pagkakataon pa rin 'to para muling makita na makipaglaban si #12 Morado..
okay na yung 3 sets para mapanood siyang muli...
kung isinali pa dun sina Kim Dy at Macandili (who is currently a better Libero) eh overkill na yun..
pero tuso pa rin nga ang La Salle..
mga non-UAAP players na lang yung palalaruin nila..
itatago pa rin nila ang laro ng current team nila...
is feeling , coming July 16 daw...
No comments:
Post a Comment