Friday, June 2, 2017

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Days of May 2017 (Pursuing the Career)

May 27, 2017...

hala!
mas hirap pa ako sa ginagawa ko ngayon kesa noong mga nakaraang araw ah...

terms and conditions pa lang eh nagno-nosebleed na ako...

nakapag-submit na ako ng sample sa 2 websites..
inaayos na yung doon sa isa, sumang-ayon na rin ako sa agreement..
samantalang busy yata yung taga-kabilang website...

karibok naman ako sa PayPal..
hindi ko pa malaman kung anong bangko ang pwede kong i-link..
kaya pati paggawa ng bank account eh hindi ko pa maasikaso..
and dami ring error sa sistema ng PayPal ngayon, e-mail verification pa lang eh palpak na...

andami kong kahati sa kita kapag nagkataon..
malaking komisyon ng tindahan..
bayad sa pag-receive ng pera sa PayPal..
bayad sa conversion ng currency..
bayad sa withdrawal papunta sa bank account..
tapos may bayad rin yata ang aktwal na withdrawal...

was feeling , we'll see...

---o0o---


May 28, 2017...

approved na ako para doon sa isang website..
babasahin ko na lang yung guidelines nila bilang vendor..
yung isa namang website eh kanina lang nakasagot sa e-mail ko...

yung PayPal ay sira pa rin yung sistema ng pag-confirm sa e-mail..
at mali-mali ang sagot sa akin nung nasa customer support nila... :(

was feeling , tiyagain na...

---o0o---


May 29, 2017...

teka..
wait lang muna ulit yung bangko...

medyo okupado ulit yung oras ko..
kinailangan kong palitan yung format nung material ko..
at tsaka kailangan ko rin ng mga promotional images para doon sa website o online store...

salamat sa WinRar, nasalo niya yung isa kong problema..
tapos Photoshop naman ang bahala doon sa mga natitira...

as for PayPal..
may gusot pa rin yung account ko...

was feeling , kaya ko 'to.. kailangan kong kayanin 'to.. para sa pambayad utang...

>
tapos ayun..
kinabahan ako kahapon...

dinala kasi nung magaling na bata yung project niya dito sa bahay..
eh ayun, natakot ako noong hapon dahil paltok nang paltok yung UPS ko..
halos every second, bale continuous talaga kaya abnormal..
ibig sabihin eh nagpa-fluctuate yung kuryente sa bahay at pilit niyang inire-regulate...

kundangan naman kasi..
yun ngang mga substandard na mga mobile phone at electrical appliances eh nakakapagdulot ng disgrasya sa electrical supply..
yun pa kayang gawa-gawa lang na mga device...?

pero ayun..
ang sabi naman nung pamilya nung bata eh hayaan na at tatapusin lang yung mga projects..
wow!
at talagang sa panahon pa kung kailan nagsa-submit na ako ng mga projects ko online..?
talagang saka niyo pa dudurugin ang mga device ko...?

was feeling , bakit pa binayaran yung bahay kung hindi naman gagamitin.. ano yun, nagtapon lang ng pera...?

>
[Strange Dreams]

hindi ko na maalala kung paano nagsimula yung panaginip ko eh...

basta i was with a friend, famiglia..
i believe kasama rin niya yung girlfriend niya noon, at papasakay na sila ng motor niya..
may sariling lakad siguro sila...

ako naman eh papalayo na sa kanila..
mag-isa lang na naglalakad..
pero biglang may sumabay sa paglalakad ko..
siyempre nagulat ako kung saan siya galing at bakit bigla siyang sumulpot..
hindi ko naman kasi madalas makasama yung taong yun..
babae siya, and i assume na single pa rin siya hanggang ngayon..
isang espesyal na kaibigan...

ayun nga..
sinabayan niya ako..
kaya noong nakita siya nung kabarkada ko eh nabigyan na naman tuloy yun ng malisya at pasimple akong biniro, kaya napangiti na lang kami sa isa't isa nung kaibigan kong babae..
basta nagtataka lang ako kung bakit andun siya..
tapos bigla na lang niyang sinabi sa akin na "andito lang ako parati para sa'yo" habang nakatingin siya sa akin..
ewan..
sobrang biglaan nun..
at parang walang pinaghugutan..
pero pinagaan niya yung loob ko in a way..
tapos for some reason eh inabot at hinawakan ko yung kamay niya..
nasa left ako, at nasa right side ko naman siya..
at yun, naglakad nga kami nang magkahawak-kamay..
doon na yata natapos yung panaginip ko...

ewan..
parang ganun rin kasi yung nangyari noong minsan na nag-inuman kami ng famiglia ko eh..
kumbaga parang binigyan nila ng malisya yung pagiging sort of malapit ko doon sa babae...

was feeling , hala! nakakahiya naman sa taong yun...

>
nakapag-submit na ng official copy ng project ko doon sa unang website..
subject for approval muna ulit...

tapos ayun..
kung BDO ang pipiliin ko..
dadaan pa ako sa NSO at barangay..
tapos dadaan sa PHLPost for a few weeks, para sa 2nd ID..
tapos balik sa BDO, kailangan ko pang patunayan ang source of income ko...

sa BPI naman..
walang nasagot dun sa number kung saan pwedeng mag-inquire tungkol sa pagbubukas ng account...

kaso brownout pa bukas... :(

was feeling , ang dami kong dadaanan ah...

---o0o---


May 30, 2017...

yes!
approved na yung product ko for sale..
naka-release na sa store simula kagabi...

was feeling , goodluck!

>
hindi masyadong progresibong araw..
nadale kasi ng brownout eh...

hindi talaga matawagan ang BPI..
buti na lang at nakakausap naman sila sa e-mail..
ang requirements para sa kanila ay valid ID, 1x1 ID picture, utility bill, at yung initial deposit..
almost any type ng savings account nila eh pwede ring paglipatan ng pera mula sa PayPal..
kaso ATM yung sina-suggest nila, eh takot ako dun dahil sobrang dami na ng nanakawan sa BPI sa ganung paraan...

so baka subukan ko muna nga yung tsansa ko sa BDO..
kaya naman kailangan ko munang dumaan sa PHLPost...

nakakuha na ako ng Barangay Certificate of Residency for Php 30.00, mabilis lang naman pala..
tapos may blue version naman ako ng NSO Birth Certificate..
subukan lang nila akong hanapan nung yellow, eh wala namang expiration ang mga birth certificate by default at according na rin sa nilinaw ng PSA last year..
subukan niyo lang, at isusumbong ko kayo sa 8888 dahil sa kakurakutan ninyo..
20 working days ang palugit ng PHLPost bago ma-release yung ID...

at lastly, yung PayPal ulit..
ayun, wala talaga, hindi gumagana yung verification system nila..
kaya ako pa ngayon ang kailangang tumawag sa international hotline nila para mano-manong i-confirm yung data ko...

was feeling , may benta na ako...

---o0o---


May 31, 2017...

done!
okay na ako sa application for Postal ID..
hindi naman inabot ng 1 oras yung proseso..
tapat rin naman sila sa presyuhan, nagbayad na naman ako ng VAT para sa gobyerno..
maganda rin yung sistema nila, meron kaagad preview nung magiging ID, hindi katulad nung sa Voter's ID na mahina ang sistema...

kailangan ko ngayong maghintay ng 1 buwan o baka daw mahigit hanggang sa ma-deliver sa akin yung ID...

after that, dumaan at nag-inquire dun sa magmamami na nabili ng mga gamit na ink cartridges..
Php 20 daw para sa HP 680..
nag-reload sa GCash..
tapos namili ng mga pangbenta..
yun nga lang, hindi na naman si Emoji-Girl yung supervisor for today... :(

may isang buwan ako para ayusin na muna yung next chapter ko..
pero kailangan ko na ring ihanda yung PayPal ko para mapasukan naman ng pera..
1-402-935-2080..?
hala! magkano kaya ang tawag sa number na 'to...?

was feeling , may bago na naman akong buyers for today...

>
[V-League]

PVL - Creamline versus Pocari

nasayang yung ipinanalo ni #8 Galanza na 4th Set..
pero mabuti naman at nakikita na ng coaching staff nila yung worth niya..
defensive player siya at attacker rin..
dahil nagkasama sila ni Baldo at nung Thai import nila, kapansin-pansin nga na hindi pa ka-level ni Galanza yung mga palo nung 2..
pero siguro dahil rin yun sa koneksyon ng setter sa spiker, kaya hindi laging power-type yung napapakawalan ng prettiest player sa PVL...

bale kung isang round-robin nga lang ang Quarter-Finals..
ang pag-asa ng Creamline para makapasok sa 4th seed ay kung matatalo nila ang Air Force..
tapos kailangan rin ng Pocari na talunin ang Perlas..
sa ganung paraan makaka-3-0 ang Pocari at 2-1 naman ang Creamline...

was feeling , basta bigyan niyo lang nang mas matagal na exposure si Galanza, okay na yun...

>
hala!
bigla tuloy akong natakot sa PayPal...

according kasi sa reviews ng iba at maraming mga tao, eh hindi ganung ka-reliable ang call center ng PayPal..
kaya nagdalawang isip akong tumawag, kasi hindi naman yun TOLL FREE tapos nasa West pa...

aside from that..
hindi na pala bago yung problema ng sistema nila sa e-mail address confirmation..
may nakita akong mga ganung reklamo from 2012 at 2013..
ibig sabihin, hanggang ngayon eh hindi pa nila nasosolusyunan o sinosolusyunan yung error na yun sa sistema nila..
at nakakapagduda yun considering na malaking kompanya na sila...

bukod pa yung mga gusot nila sa withdrawals...

was feeling , lagot! that's my only option...

---o0o---


June 1, 2017...

sa wakas!
una, i was advised to close my PayPal account, and then try to register it again..
kaso same problem talaga, ayaw gumana nang tama nung confirmation process...

nagkaproblema din ako sa phone call..
kasi for some reason, ayaw payagan ng telepono namin yung mga outgoing calls to 1-402- o 1-888-..
yun ay kahit i-unlock ko na yung mga long distance call..
kaya inakala ko na checkmate na ako...

but then naalala ko naman yung tungkol sa Skype..
so nag-research ako sa Google..
at meron ngang mga TOLL FREE hotline ang PayPal na pwede kong tawagan...

ayaw gumana nung default Skype application sa computer ko..
pero mabuti na lang at gumagana naman yung sa browser mode...

pero bago yun eh napasabak rin ako sa pagse-setup ng luma kong headset..
una, sa audio..
sunod, sa mic naman..
at noong nakakarinig at naririnig na ako sa mic, eh tumawag na nga ako sa PayPal...

at totoo nga..
libre yung tawag sa number na yun via Skype..
machine operator yung una kong nakausap..
tapos customer support mula siguro sa main..
nagkamali pa siya ng transfer sa akin, at nakakausap pa ako ng babaeng Spanish, pero mabuti na lang at marunong rin siyang mag-English kaya na-transfer niya ako sa tamang local support team...

at yun nga, nakausap ko yung foreigner na customer support personnel na tumulong sa akin, babae ulit..
mabilis lang yung naging verification process eh..
at totoo nga na kaya nilang mano-mano na i-confirm yung PayPal account through phone call...

at dahil dun, pwede na akong tumanggap ng at most $10,000 para sa single transaction... ^_^

was feeling , thank you Skype at PayPal (for now), -1 +1 kasi sa akin ang PayPal...

---o0o---


June 2, 2017...

kanina ko lang napansin..
nasa listahan na pala ng Popular Items yung project ko..
haha!
masyado pang maaga para mag-celebrate..
pero nakakatuwa naman yun... ^_^

was feeling , nag-blush ako ih...


No comments:

Post a Comment