bumilis lang yung rate ng pagiging productive ko..
yung tipong kaya ko nang tumapos ng isang kumpletong project sa loob ng nasa 2 buwan...
oo, nakakatuwa yung pakiramdam..
yung pakiramdam na nagagawa mo yung bagay kung saan ka nag-e-enjoy, at kumikita ka rin naman mula rito..
halos kagaya rin siya noong mga panahon na yung lapis ko pa lang yung ka-partner ko, wala nga lang usapan pa ng tungkol sa pera noon..
masarap yung ganung klase ng payapa at tahimik na buhay...
but life is a continuous battle..
araw-araw mararamdaman mo pa rin yung bagay na yun..
yung pagtatanong sa sarili mo kung para sa anong dahilan o para kanino ka ba nabubuhay..
darating at darating yung punto na hindi sapat yung masaya ka lang..
dahil kakailanganin at kakailanganin mo ng pera para mabuhay..
isang paulit-ulit na pakikipaglaban for survival...
at siyempre, andiyan at hindi naman nawawala yung mga demons mo..
yung inutil na matanda na kaligayahan na na pausukan ng kanyang sigarilyo ang ibang tao sa paligid niya, at walang ibang hinahabol kundi pera..
yung paboritong anak na sanay na nakukuha lahat ng gusto niya, na hindi naman naaasahan sa bahay, at parati pa ring galit at nagsisira na para bang rebeldeng anak siya ng isang OFW..
at nariyan rin yung bata, na ayoko mang ituring na isa sa mga pabigat sa buhay ko, pero wala eh, papasanin at papasanin mo pa rin talaga...
at yun nga ang isa ko pang kailangan na ingredient sa buhay..
ang makalaya na sa isinumpang bahay na 'to...
pero ganun talaga ang buhay..
hindi perpekto..
pwede mong gawin kung ano yung masaya at less o hindi stressful, kapalit ng kakayahan na kumita sana ng mas malaki..
o pwede mong gawin yung trabaho na medyo malaki nga ang kita, pero mapapagod naman ang katawan at isipan mo..
pinakamasusuwerte pa rin talaga yung mga tao na magkalinya yung hilig nilang gawin sa buhay at yung laki ng kinikita nilang pera...
---o0o---
June 17, 2017...
andami kong retake sa project na 'to..
lampas 5 na, samantalang hindi pa ako nakakakalahati..
eh nasa 2 oras pa naman ang pagre-render ng 1...
na-reach ko na rin yung target ko sa sales..
kaso yung gross pa lang..
eh 50-50 yung hatian... XD
was feeling , 20 done + 5 ready out of 56 plus...
---o0o---
June 18, 2017...
ano bang meron sa June...?
wala na naman siya..
ganitong time rin siya nawala last year, bago siya nagretiro..
halos 1 buwan na naka-break..
tapos biglang retire pagpasok ng anniversary month namin na July...
ano nga kayang pinagkakaabalahan niya tuwing June..?
nakakakaba lang na baka bigla na naman siyang mawala pagkatapos ng buwan na 'to...
was feeling , kumusta na kaya siya ngayon...?
>
[V-League]
hala, kakampi si #12 Morado sa Creamline..
eh kokonti lang ang mga attackers nung team eh...
magaling sana kung makakakuha pa ang Creamline ng iba pang mga offensive players maliban kay Baldo...
was feeling , hindi ba parang lason yun...?
---o0o---
June 20, 2017...
the usual case..
hindi lubos na makatutok sa trabaho dahil sa pagtingin-tingin sa bata..
gumugising ng 5:00 AM, natutulog na magte-10:00 PM na..
minsan mahigit 6 hours lang ang tulog..
pero bumabawi naman ng 1 o higit na oras ng tulog tuwing hapon habang naka-break yung computer...
tapos inilabas na yung Genesis 8 ngayong June..
nag-jump yata sa number na 8 para magtugma na yung version nung Genesis sa generation ng model..
at dahil dun - binigyan nila ako ng libreng Genesis 8 Starter Essentials... :D
was feeling , 25 + 5 out of 56 plus...
>
nakabakasyon siya..
sa kaparehong buwan kung kailan nanahimik rin siya noon..
pero ano nga kayang meron sa buwan ng June...?
was feeling , nakakakaba na tuloy ulit ang July...
---o0o---
June 23, 2017...
[Gadget Related]
nakakaasar na talaga 'tong Windows 10 na 'to...
noon eh yung update version 1607 yung nagsayang nang nagsayang ng consumable internet speed..
tapos isang araw eh bigla na lang siyang tumigil nang hindi ko naintindihan yung nangyari..
basta nawalan na lang ako ng nasa 10 GB...
tapos ngayon naman eh isang version 1507 naman yung pilit na dina-download..
1607 dati, kaya bakit bumalik sa 1507...?
from 510 GB, ngayon eh nasa 467 GB na lang ako... :(
ang masama pa dun..
more than 40 GB na yung nawawala sa akin..
pero noong nag-check ako ng mga temporary files na pwede kong burahin, eh ni hindi ko mailapit sa 40 GB yung size..
so ibig sabihin eh cummulative yung updates na napasok, at hindi kapalit ng mga nauna ng part ng system, at talagang GB pa ang size nila...?
may mga kailangan pa naman akong i-download na components... :(
PS: yung pakiramdam na inubos niya yung majority sa 1GB allowance mo, yung nasa 70% na siya, tapos biglang sasabihin na nagka-error at bumalik sa 0% yung pagda-download... :(
was feeling , aksaya sa hard disk space...
>
ayun..
may 37th retirement na..
pero hindi pa naman si Miss C...
regarding Miss J naman..
ayun, hindi ko siya matulungan..
as in parang pinapatay ng mga nasa itaas yung mga bigating pangalan na ayaw sumunod sa gusto nila..
unfortunately for her, hindi na rin siya welcome na bumalik sa dati niyang grupo kahit na gusto pa niya..
hindi gaya ng kuwento o pahiwatig niya sa akin, mukhang may bad record siya at naka-ban na sa grupong yun..
so i guess ipinapakita lang nun kung gaano katuso ang ibang babae pagdating sa pagkakaperahan..
sinubukan pa nga akong hingan ng pera eh.. :(
pero hindi ko siyempre kinunsinti..
hindi naman ako mayaman para mag-charity..
praktikal ako, kaya dun lang ako sa normal na exchange...
was feeling , ayaw na lang kasing maghanap ng mayaman na manliligaw, kahit yung tipong may taning na...
No comments:
Post a Comment