Thank You for the 30,000 Views :)
---o0o---
June 10, 2017...
[Sports]
haha, 3-1!
masaya na ako..
at least hindi naisakatuparan ng Super Powers yung pangarap nila na 4-0..
sorry, once in a season lang pwedeng i-attempt yun...
badtrip tuloy si DeoDurant..
isang game na lang, champion na sana, pero nakawala pa..
saka pa inalat ang mga kakampi...
solved na ako, kahit na ano pang kahinatnan ng Finals..
ang mahalaga eh natalo yung malalakas..
bonus na lang kung masisira rin yung pangarap ni DeoDurant na mag-champion...
was feeling , basag!
---o0o---
June 11, 2017...
nagulat ako kagabi..
nabuksan yung router, tapos na-activate pa yung Wi-Fi...
may nagturo kung paano gamitin yung WPS button..
kinailangan ko pa tuloy magpalit ng pre-shared key..
muling i-disable yung wireless function..
tapos d-in-isable ko na rin yung WPS...
sinabi nang bawal ipang-download ng games at videos eh..
lalo na kung malapit nang mag-reset yung speed sa hatinggabi...
was feeling , subukan nyo lang i-hard reset yang router...
>
sa tuwing nakikita ko yung maganda niyang mukha..
hindi ko maiwasan na pagsisihan kung bakit ko nasabi yung mga bagay na yun sa kanya noon..
noong panahon na nagalit ako sa kanya...
parang maamo naman siya..
na mabait gaya ng mga kaibigan niya..
pero hanggang ngayon gusto ko pa ring malaman yung sagot kung bakit ganun na lang yung naging pakikitungo niya sa akin...
kung bakit niya ako iniwasan sa ganung paraan...
was feeling , gusto ko pa ring ayusin ang bagay na yun...
---o0o---
June 12, 2017...
nakagawa na ako ng cover para sa 2nd project ko..
meron pa naman akong 4 na items na naka-ready for render...
bukod dun..
may nakopya akong model by mimicking..
mano-mano at tantsa-tantsa lang..
kaya naman may panibago na ulit akong character...
was feeling , 12 out of 56 plus...
---o0o---
June 13, 2017...
[Sports]
nakuha na sa wakas ni DeoDurant yung goal niya..
sa bagay, 10 years na pala siya, kaya hindi rin nga siguro masisisi kung nagsiguro na siya..
sayang nga naman yung galing niya kung wala siyang makukuha na championship sa buong career niya...
pero sana tulungan niya rin ulit ang OKC balang araw...
was feeling , achievement unlocked...
---o0o---
June 14, 2017...
[V-League]
PVL - Battle for Third Place
3rd place na sina Galanza..
hindi masyadong magandang pakinggan para sa liga na meron lamang 6 na teams..
pero an award is still an award..
okay na rin na pakunswelo yun para sa paghihirap ni Kuttika...
was feeling , kasalanan talaga ng PSL, hinati pa kasi yung liga eh...
>
[Lottery]
54-7-41-32-39-6
pangalawang jackpot ko pa lang yun for this year..
at nakaka-15 na first at second prize pa lang ako nitong 2017, hanggang early June...
was feeling , hindi pa makapanalo ng pangluwas eh...
>
problema..
beep naman nang beep ngayon yung UPS ko..
hindi ko masabi kung yun ba yung depektibo at kailangan ko nang papalitan..?
o kung yung supply ng kuryente na naman yung may problema...?
basta ang napansin ko eh sabay ang reaksyon nila ng ref..
kaya sana eh hindi naman yung UPS ang may deperensya...
sayang tuloy ang oras na para sana sa trabaho..
kaso hindi ko naman pwedeng i-risk yung desktop...
was feeling , 17 out of 56 plus...
---o0o---
June 15, 2017...
3 months na ang Unit 02 ko...
3 months pa lang siya, pero 8 unannounced na power interruptions na kaagad yung naranasan ng UPS niya...
was feeling , 9 months pa...
---o0o---
June 16, 2017...
bad news nga...
totoo nga..
hindi daw stable yung kuryente na dumadaloy sa subdivision namin..
noong isang araw nga eh ako yung naka-experience..
at kahapon naman eh yung isang tindahan sa may amin, dahil papatay-patay yung ilaw nila...
was feeling , hindi yun makabubuti para sa mga electronic device...
>
nakausap ko si Miss J kagabi...
problemado kasi siya lately..
dahil maganda siya, eh gusto siyang i-recruit ng mga nakatataas sa hanay nila, pero ayaw niya..
kaya yun siguro yung dahilan kung bakit ginigipit nila siya ngayon...
sa sobrang problemado niya eh basta na lang siya nagse-send sa akin ng message..
tinatawagan niya rin ako kagabi, kaso hindi ko naman pwedeng sagutin yung mga tawag niya noong mga oras na yun..
gustung-gusto niya siguro ng makakausap...
basta nag-suggest na lang ako ng mga pwede niyang gawin...
nakakalungkot lang na yung mga babaeng katulad niya eh parang ang pagbebenta lang ng laman ang kinakapitan sa tuwing nagkakaroon sila ng problema sa pera..
pero wala eh, kinasanayan na rin kasi nila...
was feeling , sana lang maayos niya yung problema niya soon...
No comments:
Post a Comment