Friday, February 28, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Week of February 2020 (UPS Down Too Soon)

Loveless Story


February 25, 2020...

dati, kapag depressed ako, gumaganti ako sa tadhana sa pamamagitan ng pagsabak sa adventure..
pero ewan ko ba..
simula 2018 parang nakaisip na rin ang mga nasa itaas kung paano lalamatan ang bawat adventure..
hindi naman totally wasak, pero sinisiguro nila na parating may magiging kulang...

is ðŸ’” feeling , ang sakit nun, Miss Racal...

---o0o---


February 27, 2020...

tried talking to Miss Racal again..
pero marunong siyang gumamit nung background sound trick..
ni hindi ko nga alam kung nasa kanya nga ba yung phone o ano...

napu-frustrate ako..
lalo na noong nakita ko yung heels niya na iyon..
sayang na sayang..
andun na eh, pero nawala pa talaga... :(

anyway..
nagpahiwatig naman siya na hindi siya basta-basta mawawala..
pero sana nga...

is ðŸ’” feeling , missing piece...

-----o0o-----


February 23, 2020...

may horror story na kaagad yung itinatayong apartment building sa lugar namin..
may construction worker na pinatay yung kasamahan niya...

okay na rin siguro 'to..
baka matakot yung mga rerenta sa mga unit na yun dahil sa history ng patayan doon..
that way, baka hindi rin manaig yung plano nilang buksan na grocery store...

is ðŸ’€ feeling , haunted house...


>
[Piracy]

isa na namang kasamahan sa industriya ang sumuko sa piracy..
nawalan ng motibasyon dahil panay ang panglilimos ng mga pirate supporters... :(

nakakatawa lang isipin na nagpapakita ng konsensya ang mga pirate supporters sa ganitong punto..
samantalang sila mismo ang sumisira sa industriya..
ni hindi makapaghintay ng dekada man lamang bago bastusin ang aming mga karapatan..
ang gusto eh meron kaagad silang libreng kopya pagka-release pa lang ng produkto...

totoong bastos ang mga pirata dahil sila ang tumatayong source..
pero ang mas bastos..?
yung mga followers na nagbibigay ng impormasyon sa mga pirata kung saan kukuha ng product..
yung mga kaagad nagre-request na mag-leak na ng libreng kopya, kapalit ng kita para sa mga pirata...

walang darating na milagro..
walang magpapasara sa lahat ng mga basurang kompanya na kakampi ng piracy..
kamatayan lang ang makapipigil sa bawat isa sa kanila...

is ⚠ feeling , mukhang ganun din yung naghihintay sa akin na future...

---o0o---


February 25, 2020...

[Gadget-Related]

so bumigay na rin yung APC na UPS ko..
ni hindi umabot ng 3 years..
daig pa nung Giant na halos 4 years ang itinagal... :(

sunud-sunod na kamalasan mula 2019:
- infection dahil sa cyst at gastos sa surgery
- simula ng paglobo ng mga obligasyon para sa support-buying ng pamunuan
- mas pinabilis na piracy
- pag-degrade ng mata
- filtered adventure at pagka-ban
- bait-and-switch sa adventure
- gastos sa mata
- 3 years na pagpalpak ng Globe sa SIM upgrade
- tapos sirang UPS

hindi 'to coincidence lang..
gustong iparating sa akin ng mga nasa itaas na hindi ako dapat lumaban sa buhay..
na dapat akong mamatay nang dahan-dahan lang - para mas mag-enjoy sila...

iniisip ko kung dapat pa ba akong bumili ng panibagong UPS..
pero nakakatakot ang dikta ng tadhana..
Php 2,000 plus for only less than 3 years..
o dahil ba Imperial brand iyon...?

is ðŸ’€ feeling , paano ako lalaban sa isang kapalaran na dalubhasa sa paggamit ng mga combo ng kamalasan...??


>
[Gadget-Related]

kahapon, mag-i-start na dapat ako sa project #15 ko..
madaming araw ang nagugol ko sa pag-design ng mga bagong characters at settings..
kaso may schedule ng power interruption...

so ngayong araw sana yung start..
kaso sinalubong naman ako ng panibagong pagkasira at problema... :(

hindi ko na alam ang gagawin ko..
lahat ng desisyon ko, siguradong dudurugin lang ng mga nasa itaas..
mas pabor pa ang mga put*ng inang 'yon sa existence ng mga pirata at mga tiwali sa pamunuan... :(

is ðŸ’€ feeling , ganito kasaya ang existence ko.. at kailangan ko pang tumagal ng 5 years ulit...


>
nag-decide ako na sumugal kay Oda..
about 5 years pa...

ibig sabihin, kailangan ko na ulit kalimutan yung tungkol sa Android phone..
bahala na..
kapag inabutan ako ng pagkasira nung Nokia at SIM, edi saka ko na lang haharapin ang problema sa mga verification at contact information ko...

nakakalungkot lang isipin..
sa lahat ng naging gastos ko simula nagkalat ng infection yung cyst ko..
lumalabas ngayon na wala na akong kinita simula 2019..
ganun ako nilamon ng piracy at ng mga gastusin...

matagal na akong hindi nagdadasal..
the last time i did, wala rin namang nangyari..
pero hahayaan ko na lang na mabasa nang mabasa ng mga nasa itaas kung anuman ang mga iniisip ko tungkol sa bulok na existence na 'to...

is feeling , konting tiis pa.. isa pang goal, bago marating ang final goal...


>
[Gadget-Related]

sobrang sakit..
3 to 5 years ang life span nung UPS na ganun..
pero para sa akin, 2 years and 11 months lang... :(

siguro ganun nga ang mangyayari kung sasalo ang UPS ng napakaraming issue:
- 83 power interruptions, mas marami ang unannounced
- 34 long duration switching dahil sa unstable electricity
- 3 continuous switching with beeping

nakaka-miss yung dati..
yung Php 1750 na Giant eh natagal ng almost 4 years..
Php 1495 na Chloride na tumatagal naman ng 2 years..
dati namamahalan na ako sa kanila..
pero noong may konting ipon na ako, mas nagmahal din naman ang lahat... :(

anyway..
Php 2450 yung dati kong APC, pero kasama yun sa computer package..
noong nagtanong ako dun sa kaparehong shop, eh Php 3200 daw, kaya nalula ako..
Php 2500 lang naman sa supplier nung ganung brand online..
tapos Php 2700 sa PC Chain kaya pinatos ko na...

nakakatakot dahil madami pa ring kino-construct dito sa amin, na usual cause ng unstable electricity yung welding tasks..
yun pa lang mga nadadaanan ko eh nasa 4 na malalaking bahay na..
pero hindi ko rin naman sila pwedeng hintaying makatapos bago ako bumalik sa trabaho...

is feeling , 5 years.. pero hindi ako pwedeng umasa...

---o0o---


February 26, 2020...

malinaw na yung mensahe..
no hope...

magiging mas brutal ang huling 5 taon..
kakampi ng mga nasa itaas ang kasamaan..
hahayaan lang nilang lumobo ang mga bayarin..
pababayaan ang paglala ng piracy..
zero karma for them...

walang choice kundi sabayan ang daloy ng panahon..
at harapin ang bawat kapalpakan na ipapadala ng mga nasa itaas..
walang paraan kundi tiisin lang ang mga darating pang kaparusahan...

is feeling , 5-year Oda Challenge...


>
dati, dahil sa konsepto ng balanse ng Yin and Yang, iniisip ko na baka ganun din pagdating sa karma..
na baka naman yung mga tinatamasa ko na kamalasan, eh baka eventually eh matumbasan naman ng mga swerte...

kaso..
sobrang dami na talaga eh..
tadtad na ako..
wala akong maisip na posibilidad kung paano pa ako makakabawi... :(

is feeling , 2019 pa yung streak ko...


>
officially started with project #15..
delayed ng 2 araw..
pero no choice naman eh...

mabilis naman, so far...

as usual, kapayapaan ang hatid nung mismong craft..
at pagkalibang..
yung mga external factor lang naman talaga ang pampabuwisit eh...

walang dapat asahan..
kailangan lang talagang magdire-diretso, kahit na wala ng direksyon...

is feeling , deep breath...


No comments:

Post a Comment