Loveless Story
February 15, 2020...
may nakita na naman akong bagong source..
isa dun sa mga pasaway...
naka-hide lang sila, pero not necessarily undiscoverable..
mabuti na lang at may friendliest sa kanila...
so umakyat pa sa 47 yung mga nahanap ko..
at 3 naman ang verified staff..
bale nasa 50 na rin pala...
pero hindi ko talaga mahanap yung lumang account na iyon..
maging ang sa mga kapatid niya...
is feeling , sino ba talaga ang tamang path...??
---o0o---
February 17, 2020...
grabe..
na-impress ako dun..
kahit na ilag na ako sa kanya...
so totoo nga pala..
she's an artist..
music..
visual arts..
pati course niya sa college eh pang-matalino...
so lumalabas na likas lang siyang adventurer...
is feeling , would have been very interesting...
---o0o---
February 21, 2020...
nanggigigil ako kay Miss Racal..
nagsuot ba naman ng weakness ko na high heels sandals...
hanggang kailan ba ipapamukha sa akin ng mundo lahat ng mga bagay na dapat kong panghinayangan...??
is 💔 feeling , 3rd Canceller ko na siya...
-----o0o-----
February 15, 2020...
naputukan ng ugat sa ulo yung isang biological uncle ko..
matandang binata siya na sobrang malas pagdating sa pag-ibig..
may learning difficulty simula pagkabata..
so hindi rin siya umangat sa buhay...
ngayon problemado yung angkan..
naghahanapan kung sino ang pwedeng mag-alaga dun sa tao..
although madami-dami na rin ang milyonaryo sa kanila, hindi pa rin madali na basta na lang maglaan ng pera...
kaso kagaya sila ng maraming mga tao..
na pakiramdam nila na hindi sila pwedeng basta sumuko dahil sa kanilang guilt...
nakakatakot..
ayokong malagay sa isang sitwasyon kung saan ultimo mobility ko eh mawawasak na lang..
na pati yung mumunti kong kakayahan na manlaban pa sa buhay eh kukuhanin na rin sa akin, habang may natitira pa rin naman na sign of life..
na magiging pabigat ako sa mga taong nakapaligid sa akin...
pero mas nakakatakot na dahil mga religious kuno sila, eh baka nga mas piliin pa nila na mas maghirap pa ako, sa halip na tapusin ang paghihirap ko..
gaya ng ilang beses na nilang ginawa sa kanilang mga kaanak...
is feeling , brutal...
---o0o---
February 18, 2020...
[Gadget-Related]
nagba-back up na ng mga data mula sa Nokia ko..
provided na gagana pa ulit yung phone after ng shutdown, eh hindi ko na sana kailangang dumaan sa backup dahil may sarili namang memory yung phone..
kaso, dahil more than a decade na yung SIM, at almost a decade na rin yung Nokia..
eh nakakatakot isipin na baka hindi na gumana parehas after ng first step sa upgrade process...
so para lang makasigurado..
nag-back up na ako ng calendar, notes, special conversations, at mga contact numbers..
yung notes at conversations eh ililipat ko na lang bilang computer files, para maiwasan na ang paglilipat-lipat sa susunod...
is feeling , mahabang proseso pala 'to...
---o0o---
February 19, 2020...
[Online Marketing]
total failure yung sale ko..
2 store parehas na nag-sale..
pero wala talagang pumasok na suporta...
is 💀 feeling , okay.. i'm doomed...
>
[Gadget-Related]
5:00 PM na nakatapos sa 2nd day ng pagba-back up ng lumang phone..
pero kuha naman sana ng 1 day kung wala lang akong daily routine...
is feeling , ready na.. SIM na lang talaga ang kulang.. at Android phone pala...
---o0o---
February 20, 2020...
[Gadget-Related]
malas talaga..
unang subok ko sa branch ng Globe sa [SM branch]..
10:00 AM pa lang nandun na ako..
bumalik daw ako ng 11:30 AM dahil mga 10:30 AM daw ang delivery sa kanila ng mga upgrade SIM..
pagbalik ko ng lagpas 11:00, ang sabi sa akin eh kesyo after lunch na daw...
put*ng ina..
same routine pa rin kagaya ng dati...
hindi ko lang mapaniwalaan na sa lahat ng punta ko sa kanila noong 2017 eh kesyo wala parati ang sagot nila..
sa lahat din ng pagdaan dun ng mga kasama ko sa bahay noong 2018, panay wala din ang sagot nila..
pero pati ba naman ngayong 2020 eh ganun pa rin ang kalakaran..??
ano yun, pang-postpaid na lang ang serbisyo nila..??
ganun ba talaga kalaki ang balat ko sa katawan na sa lahat ng punta ko sa put*ng inang branch na yun sa loob ng 3 taon eh panay kamalasan lang ang inaabot ko...??
nagdududa na tuloy ako sa branch na yun..
baka nagbebenta na ang mga yun ng upgrade SIM sa mga sindikato..
yung nagte-text sa mga number ng upgrade instructions..
tapos kapag nakuha na yung code, eh sasabihin na kesyo pakipatay nung phone na may original SIM for 5 to 10 minutes...
kung alam ko lang na ida-downgrade yung GCash ko sa walang kwentang level nitong nagdaang 2019, noon pa lang sanang 2017 eh nagpalit na ako ng SIM..
kaso ayun at nai-register ko pa sa pamunuan at sa lahat ng account ko na dinadaanan ng pera... :(
wala akong maramdaman kundi panay kamalasan... :(
is feeling , trapped...
>
wala na talaga akong makitang pag-asa sa buhay na 'to..
lahat na lang ng gawin ko may katapat na kapalpakan... :(
makuntento sa kung ano lang ang meron..?
paano ako makukuntento sa piling ng mga kamalasan na 'to..?
sa pababa na lahat ng resources ko..
samantalang sa papataas naman lahat ng obligasyon ko... :(
is ⚠ feeling , bawal daw sa akin ang progress sabi ng mga nasa itaas eh...
---o0o---
February 21, 2020...
[Gadget-Related]
sunud-sunod na kamalasan... :(
ngayong gabi naman, hindi ko na rin mabuhay yung tira-tirahan at kaisa-isang beyond Jelly Bean Android phone na ginagamit ko sa communication...
ano bang klaseng buhay 'to..?
ano pa ba ang mawawala sa akin...??
is 💀 feeling , sobrang wala...
No comments:
Post a Comment