o', 'Artista ng Bayan' ka na ha..
tama na yun..
sapat na..
pwede na yun dahil wala ka namang ginawang talagang nakakamangha...
kayo talagang mga Filipino o'..
kung gagawing National Artist ang isang iyon, edi kailangan na ring
gawing National Artist lahat ng mga artistang may malakihang fan base..
puros kasi hindi nag-iisip nang ayos eh..
yung pagiging 'National' artist means na dapat iconic ka..
may unique sa pagiging artist mo, at influential na din yung art mo..
pero sa tingin ko hindi pa naman masasabing iconic yung pagtuturo pataas habang nagda-drama...
para sa mga artista na mahirap talagang i-determine yung pagiging
unique nila kumpara sa ibang kagaya nila - eh dapat kahit man lang kagaya ni Dolphy na
comedy ang forte, na tipong siya madalas yung lead ng mga kapwa niya
komediyante, na yung tipo na nagawang manghampas ng diyaryo sa iba pang
kilalang komediyante, kumbaga siya na yung pinakakilala sa field niya
noon eh bukod sa mas batang si Vic Sotto..
o di kaya naman eh gaya ni FPJ para sa
action films, siya yung tipo na nagagalit yung mga fans kapag pinatay siya sa
ending ng pelikula niya, iconic yung paraan ng panggugulpi niya sa mga
kalaban (kahit na corny na), at nakalaban na niya lahat ng popular na
kontrabida na mula sa kapanahunan niya, bukod pa yung dedicated talaga siya sa
pagpapabuti noon ng film industry lalo na sa field nga niya ng action noong panahon na nagsimula nang manamlay ang action film dito sa bansa...
sa tingin ko kulang pa yung pagkakaroon ng kakaibang punto at pagtuturo
pataas para masabing angat na angat na siya mula sa iba pang drama
actress..
sabihin na nating magaling nga siyang artista, na multi-awarded..
kaso marami siyang ka-level para masabing sobrang iconic na nga niya eh...
kaya ayun..
huwag nang palabasin na pati naman yung isyu na yun eh dinaya na rin ng presidente..
para ano..? para masapawan ang problema nila ngayon patungkol sa DAP..??
parang wala naman kasi siyang mapapala kung imamanipula pa niya pati yung paggagawad nung ganung award eh..
sa tingin ko kulang pa lang talaga yung ambag sa sining nung isang yun para mapabilang siya sa hanay na yun..
at dahil na rin nga may bad record siya, na hindi magiging maganda ang epekto para doon sa ganung kataas na klase ng award..
depende rin siyempre yun sa mga taong nag-i-evaluate.. bawat tao kasi eh kanya-kanya ng panlasa at opinyon.. kumbaga hintayin na lang niyang maupo sa katungkulan yung mga taong papabor sa kanya balang araw.. di ga..?
abalahin nyo na lang ang presidente sa mas may kabuluhan na mga issue ng lipunan..
pausap na please...
— feeling , wala eh...
No comments:
Post a Comment