My Love From the Star
Korean Drama na may pagka-science fiction, na tungkol sa love story ng isang lalaking alien at isang babaeng superstar..
dahil sa isang aksidente, na-stranded yung alien sa Earth for 400 years..
sa lumang panahon nakilala niya ang isang dalagita, at na-develop yung feelings niya para dito..
unfortunately, namatay yung babaeng yun bago pa man nakita nung alien yung mismong mature form nito...
sa future, nang dahil sa isang aksidente, eh nakitang muli ng alien ang isang dalagitang kawangis na kawangis ng babaeng nagustuhan niya sa lumang panahon - at yun ay sa katauhan na ni Steffi Cheon..
subalit hindi naman talaga sila nabigyan ng pagkakataon para talagang magkakilala..
noon eh nagustuhan na ng dalagitang si Steffi ang mahiwagang binatang nagligtas sa kanya mula sa kapahamakan...
nagkatagpo na lang ulit ang landas ng mga bida sa panahon na isa ng superstar si Steffi..
Matteo Do naman noon ang gamit ng pangalan nung alien na lalaki...
---o0o---
bukod sa pagiging science fiction, may aspeto rin yung series na 'to ng mystery solving..
at yun ay tungkol sa mga lihim na bumabalot sa pagkatao ng may pagka-psycho na kalaban na si Jackson..
given na kasi na alien si Matteo at may powers, kaya mas na-concentrate yung mystery solving sa kung ano ba talaga ang mga sikreto sa pagkatao ni Jackson...
gumamit rin ang series na ito ng element of time, gaya nung iba ko pang pinapanood noon na Tale of Arang, Rooftop Prince, at My Girlfriend is a Gumiho..
nakakatulong kasi yun sa mabilis na development ng romantic relationship sa pagitan ng mga bidang character..
sa mga istorya na kagaya ng mga nabanggit ko, ang 'time' eh nagdadala ng problema sa at least isa sa mga bida..
isang madalas na problema ay ang pagdudulot ng takot sa puso - na kesyo ayaw na nila o kailangan nilang iwasang ma-inlove sa isa't isa dahil eventually eh magkakahiwalay rin naman sila o kakailanganing maiwan ng isa sa kanila..
pero siyempre, gagawa at gagawa ng paraan ang pag-ibig para sa mabalewala ang anumang hadlang...
nagpapakita rin ang istorya na ito ng katangian ng pagiging mapagparaya..
si Lucy pinakawalan na yung matagal na niyang gusto na si Winston, na kay Steffi naman may gusto..
si Winston eh nagawa na ring ipagkatiwala ang matagal na niyang gusto na si Steffi kay Matteo, although hindi pa naman talaga siya tuluyang sumuko sa punto na yun..
si Matteo Do eh ilang beses na pinigilan yung nararamdaman niya para kay Steffi para lang hindi na niya ito masaktan sa nakatakda niyang paglisan..
at si Steffi nang malaman niya ang tungkol sa posibleng pagkamatay ni Matteo, eh iminungkahi sa binata na bumalik na lang ito sa sarili nitong planeta para mailigtas ang buhay nito, sa halip na ipilit nila ang kanilang pagsasama...
---o0o---
isa sa mga nakakatuwang eksena doon sa series eh noong na-ospital si Steffi Cheon matapos yung sinadyang aksidente habang nasa shooting siya..
sa condominium, nag-iisip si Matteo Do ng mga posibleng i-text niya para dito..
type siya nang type sa cellphone niya, tapos buburahin rin naman niya kaagad..
hanggang sa naisip niyang i-text kay Steffi yung simpleng "Na-miss kita"..
aksidente niyang napindot yung SEND..
at dahil dito kinailangan niyang mag-effort talaga para mapigilan yung babae na mabasa at malaman yung totoo niyang nararamdaman para dito...
kaagad pinigil ni Matteo ang daloy ng oras gamit ang powers niya..
tapos nag-teleport na siya sa room ni Steffi sa ospital..
inagaw at pinakailaman na niya yung cellphone nung dalaga..
unfortunately, naka-lock pa pala yung phone nito..
sumubok ng kung anu-anong kombinasyon ang alien, kaso puros palpak yun, hanggang sa umabot na siya sa maximum number of tries..
dahil dito kinailangan niyang umisip ng ibang paraan...
hinayaan na ulit niyang tumakbo ang oras..
at nahuli siya ni Steffi dahil dun..
habang nagtatalo, inulit niya kay Steffi na i-check na yung message sa cellphone nito..
at saktong pagka-unlock ng babae sa phone niya, eh nag-time-freeze na ulit yung alien..
kaagad binura ni Matteo yung message niya na "Na-miss kita" kay Steffi - para patuloy na itago yung nararamdaman niya para sa dalaga..
at takang-taka naman si Steffi kung paanong biglang nawala yung message para sa kanya, dahil sigurado siyang may natanggap talaga siya...
---o0o---
isang mahalagang aspeto ng Korean Drama series na ito ay iyong paggamit nila ng interview setting at yung mga revelation scenes pagkatapos ng mga piling episodes...
doon sa mga interview eh parang nakikipagkuwentuhan lang talaga yung nagna-narrate nung series doon sa mga bidang character..
kumbaga ang dating eh parang yung pagpapalabas ng buhay ng mga artista sa local tv - ipinapalabas yung kuwento tapos meron ring mga interview portion..
sa istorya nga na ito eh nagkataong celebrity couple - na isang superstar at isang alien yung ini-interview..
well, hindi naman talaga espesyal yung pamamaraan na 'to..
pero nakakapag-provide talaga yun nung mismong insights at feelings nung mga bidang character tungkol sa sarili nilang istorya...
base sa pagka-ere nito sa bansa ko, hindi ito yung typical na tv series na nagpapalabas lang ng preview ng upcoming episode..
sa halip eh may mga pagkakataon na nagpapalabas ito ng mga 'Must Watch Scene'..
yung iba doon eh mga eksena mula sa lumang panahon..
pero yung talagang espesyal eh yung mga alternate scenes ng mga eksenang naipalabas o kapapalabas lang nila..
ang totoo, inakala ko noong una na simpleng alternate scenes lang yun na kinunan sa ibang anggulo..
pero mga revelation scenes pala talaga iyon, usually pinupunan nito yung 'gap' kung kailan pinatigil ni Matteo Do ang pagtakbo ng oras..
kasi sa pananaw nga naman ng mga ordinaryong tao eh hindi nila mape-perceive yung mga mismong pangyayari sa oras na nag-time-freeze yung bidang alien..
kaya naman nasa labas nung mismong narration nung istorya yung mga revelation scenes..
dito ipinapakita kung ano ba yung totoong nangyari (sa pananaw ni Matteo, since siya nga lang yung nakakakilos sa naka-time-freeze na gap), kabaliktaran sa kung ano yung ipinakita lang sa eksena at sa kung ano lang yung supposedly na-perceive ng ibang character (na tao)..
usually dito sa mga naka-time-freeze na moment na 'to ipinapakita ni Matteo yung inililihim niyang ka-sweet-an para kay Steffi...
---o0o---
ang ending..?
well, parang hindi na nasundo si Matteo Do ng mga kalahi niyang alien sa muling pagbabalik ng mga ito sa Earth..
sabi niya naglaho na lang daw siya at hinigop ng isang wormhole..
dito nakapag-develop siya ng panibago o mga mas napalakas na powers..
sa halip na piliin yung sarili niyang planeta kung saan mas tatagal sana yung pananatili niya, eh mas pinili niyang sa Earth na lang bumalik..
sa simula eh kaunting saglit lang ang itinagal niya sa mundo nang mag-teleport siya pabalik dito..
hanggang sa nagawa na niyang magsalita..
at hanggang sa papahaba na nang papahaba yung nagagawa niyang pananatili sa Earth..
isa pa sa napalakas niyang kakayahan eh yung nakaya na niyang hayaang makakilos si Steffi sa mundo na naka-time-freeze dahil sa powers niya..
mukhang naging mas tolerant na rin yung katawan nung alien mula sa epekto ng pagki-kiss ng lips to lips..
yung pagiging malusog naman ng mga halaman na itinanim niya sa loob ng kanyang condo eh marahil nangangahulugan ng patuloy na pagbuti ng kanyang sitwasyon...
sa isang interview bago yung ending, nabanggit ng dalawang bida na sa pagkakataon na iyon ay mahigit sa isang taon na yung nagawang pananatili ni Matteo Do sa mundo..
pero naglaho pa rin naman siya pagkatapos nun..
at sa mismong ending nung istorya, eh muli nang nakapiling ni Steffi si Matteo sa kanyang paggising..
hindi man ito nangangahulugan na tuluy-tuloy na talaga yung pananatili ng existence ng binatang alien sa Earth kasama ng babaeng pinakamamahal niya..
eh ang sigurado naman doon ay kahit na ano pa ang mangyari, ay paulit-ulit niyang susubukan na makabalik sa piling ni Steffi...
No comments:
Post a Comment