June 21, 2014..
ang egg #6..
at dito na natapos nga yung first clutch ni Yellow-Brown with 6 eggs (ang average clutch size)...
---o0o---
by morning of June 21, 2014..
si Yellow-Albino na may mala-bulate at sticky na pupu sa mga balahibo sa kanyang puwitan..
mali yung una kong hinala na gusto lang niyang mag-breed..
mukhang nabiktima siya ng 'pasting of the vent'..
either diarrhea o dehydration..
basta nanlalamig pala noon si Yellow-Albino..
pero wala man lamang akong nagawa..
nitong araw na rin lang nga na ito ako nakapag-research eh...
sa bagay..
kahit na mas maaga ko pang nalaman yung tungkol dun..
eh wala na rin naman akong magagawa talaga dahil kinapitan na siya nung sakit niyang yun..
natututo ako ng tungkol sa mga sakit nila base sa mga experience, pero ang totoo hindi ko rin naman sila maipagagamot sa avian vet kapag nagkataon...
June 21, 2014 - Death of Yellow-Albino..
wala na..
hindi na niya kinaya eh..
kasasabi ko pa lang naman nung umaga noong araw na iyon (noong nag-post ako dito sa blog ko) na kayanin pa niya sana..
at sa mismong araw pa na lumabas yung egg #6 nung couple..
nakakalungkot na naman..
na nakakapanlambot..
mula siya sa 3rd batch, at mahigit 2 months pa lang siya sa poder ko..
may kung ano sigurong mala-malignong nilalang doon sa likod-bahay namin na pumapatay sa mga ibon ko eh...
ano ba talaga 'tong nangyayari sa akin..?
natatakot akong isipin na baka pakagat lang yung pangingitlog ngayon ni Yellow-Brown..
na kunyari medyo okay na ang lahat..
tapos may mangyayari na namang masasama..
baka maging ulila na naman iyong mga itlog mula sa paglilimlim ng isang ina..
o baka mamatay yung tatay nila..
o baka mamatay yung parehas na parents..
o di kaya puros bugok lang pala yung mga itlog at eventually maubos na silang lahat nang tuluyan..
hindi ko na alam kung ano pang iisipin ko tungkol sa buhay ko..
ang bad karma level ko eh talagang higit pa kesa sa good karma na natatanggap ko...
---o0o---
July 11, 2014..
20 days 'to after mailabas yung egg #6..
after lumagpas nung eggs 1 to 5 sa kanilang estimated incubation period (17-23 days, may palugit na yun)..
eh inalis ko na sa nestbox lahat nung mga itlog, para mabigyan sina Yellow-Girl at Yellow-Brown ng chance na makapagsimula ulit..
base sa candling test na ginawa ko matapos kong mailabas at mahugasan yung mga itlog, eh wala naman pala talagang laman na sisiw lahat nung mga naging itlog, kaya tama lang ang naging desisyon ko...
ang storage unit para sa mga hindi napisang budgie eggs..
kasama ng mga pinagbalatan ng bird seeds...
ang medyo good news..
at least nalaman kong kaya naman ni Yellow-Brown na mangitlog hanggang 6 na itlog..
na healthy naman yung vent niya..
na dedicated siya sa paglilimlim sa mga itlog niya..
at na responsable rin namang partner si Yellow-Girl...
halos 4 years ko na 'tong ginagawa pero wala talagang nangyayaring maganda.. T,T
sana naman sa susunod eh maramdaman ko na talaga ang swerte..
gusto ko na talagang makapag-breed ng mga budgies...
No comments:
Post a Comment