Friday, July 4, 2014

A Laptop Sideline - First Week of July 2014 (Still Dreaming)

June 30, 2014...

wala naman..
gabi na noon..
tapos bumili sa amin yung Ilongga na pumapasok sa PKI..
alam kong may kasama siyang estudiyante noon, na taga-malapit lang na public high school..
pero saka ko lang na-realize kung sino yun nung nilapitan ko na sila...

pagkaabot kasi nung taga-PKI ng bayad eh sadyang nilabisan ko yung sukli ko sa kanya..
Php 5.00 yung ibinayad niya, tapos Php 2.50 naman yung isinukli ko..
sinabi ko na may sukli pa kasi sila nung asawa niya yata yun noong huling beses, na medyo matagal na nilang hindi nagagamit..
ayun, natawa tuloy silang dalawa sa akin nung kasama niyang estudiyante..
tapos saka ko nga napansin na yung naka-uniform pala ng pang-high school eh yung taga-kanila na may nunal sa mukha..
3 kasi silang babae na magkakahawig eh, at puros customer ko sila...

wala lang..
nasorpresa lang akong malaman na nasa high school pa lang pala yung isang yun..
at na parang bumalik na siya ng pag-aaral..
cute din yun..
kaso kagaya nung Iglesia sa may tindahan (na hindi na dito nakatira sa ngayon), eh medyo malalaman yung mga hita at binti nung mga Ilongga na yun...

---o0o---


July 1, 2014...

mga bandang 5:00 PM na..
halos kaaalis lang noon nung mga kliyente ko sa charity business na mina-manage ko..
dalawang dalagita yun na taga-public college..
tapos habang pinagmamasdan ko yung mga kliyente ko na makalabas nang ayos sa gate namin..
eh saktong labas naman nung Babaeng Peke Ang Kilay..
edi ayun - nakita ko tuloy siya.. T,T
pumunta yata sa tindahan eh..
ewan ko ba dun sa isang yun..
tinitiktikan siguro yung mga kadalagahan na nagpupunta dito sa bahay...

---o0o---


July 2, 2014...

hanggang ngayon naniniwala pa rin akong walang kuwentang gumawa ng mga bagay na hindi mo naman nae-enjoy gawin para lang manatili kang buhay...

in fact, hindi nga ako naniniwala na kailangan talaga ng lahat na manatili pang buhay sa mundong 'to, kesyo masama daw mag-shortcut...

pero minsan, dahil na rin sa pananatili mong buhay nga - eh napapaisip ka na rin nga ng mga paraan para lang takasan yung impiyernong kinaroroonan mo...
 
— feeling , napapalibutan ng mga kaaway...

---o0o---


July 2, 2014 (Dream)...

ewan!
by the time na naalimpungatan ako sa panaginip na 'to, eh sinubukan ko ng balikan kung ano ba yung mga nangyari..
kaso antok na antok pa rin ako noong mga oras na iyon..
bilang resulta..
hindi ko na ma-retrieve yung mga detalye nung panaginip na yun kinaumagahan...

basta yung main idea eh nakaupo ako sa isang parang arm chair, na may katabi pang isang bakanteng arm chair..
may mga kasama at kausap rin yata ako noon..
tapos biglang may tumabi sa akin na babae, doon sa bakanteng arm chair..
nasorpresa daw ako sa kanya..
medyo matagal rin siyang nanatili sa tabi ko..
pero hindi naman kami nag-usap o nagbatian man lamang..
at umalis rin siya bago pa matapos yung panaginip na yun...

pero sino nga kaya yun..?
siya ba yung dati kong girlfriend, o yung Babaeng Peke Ang Kilay..?
antanga..
hindi ko na matandaan eh...

---o0o---


July 3, 2014...

jesus ganito, explain ko ulit yung plano sa'yo ha!

80M Php yun..
maliit na halaga lang yun para sa matataas na ang ihi..
pero para sa akin - susi yun para masimulan ko yung sarili kong buhay...

nung pinabayaan mo akong manakawan noon, hinayaan mong mawala yung sense of security ko..
at sa totoo lang, i doubt na maibabalik ko pa yun dahil sa sobrang sasama na ng mga tao dito sa mundo..
poverty naman eh bahagi na ng buhay ko simula't sapul..
pero mabigat sa akin noong kinuha mo pa sa akin yung time at space na kailangan ko sa pagtatrabaho..
hinayaan mo na ngang araw-araw na sirain nung demonyong yun ang baga ko..
tapos kailangan ko pang humalili sa pag-aalaga ng baby - for how long!!? - hanggang sa pumapasok na yung bata sa school???

hindi ko naman hinahangad na yumaman eh..
pero gusto kong mabawi yung time at space na kailangan ko...

kapag nakuha ko yung ganung klase ng pera..
hahatiin ko kaagad yung 24M siguro sa mga tagapagmana ko, para naman magamit din yung pera sa kabutihan..
yung 10M ibibili ko ng ligtas na bahay, yung tipong kusa na niyang papatayin yung mga trespassers..
tapos sa space na yun, tutuparin ko na yung pangarap kong maging hentai manga artist..
bibili rin ako ng super high tech computer para makapag-aral ako ng 3D manipulation..
yung matitirang pera eh ii-invest ko, ipambibili ng Star Wars, ipangre-renta ng kepyas, at ipangtu-tustos ko sa nalalabi kong life span habang hindi pa natatapos ang One Piece...

alam kong parang naka-align ako sa kadiliman..
pero yun talaga yung gusto at alam kong gawin eh..
ayokong maging alipin lang ng kung sino..
kaya please naman o'..
tanggapin mo na 'tong proposal ko...

 — feeling , sana nga eh nakikinig ang mga diyos kung nasaan man sila...

---o0o---


July 4, 2014...

may New Shaider Movie daw..

bad news - 2001 pa patay yung original Shaider kaya imposible na ang appearance niya.. RIP

good news - ire-reprise nung original Annie yung role niya..
ang bad news - wala ng may gustong makakita pa ng panty niya.. T,T

better news - si Mayu Kawamoto ang gaganap na Tamy daw, ang New Generation Annie..
ang bad news for her - G-String na yung usong underwear sa kapanahunan niya, kaya lagot siya sa mga panty-shots during fight scenes... XD
 

ang solusyon ni Mayu - magko-commando na lang daw siya para wala ng problems sa underwear... XD

— feeling , time-space warp.. ngayon din!

---o0o---


June 5, 2014 (Dream)...

under renovation daw yung bahay nung pamilya nung Babaeng Peke Ang Kilay..
ewan ko ba..
basta parang naka-set na sa utak ko doon sa panaginip na yun na dati na akong nakapasok sa poder nila..
karga-karga ko noong mga oras na yun yung baby..
at naisip ko na silipin namin yung pinapagawang bahay ng pamilya ng babaeng nanakit sa akin...

pumasok na kami sa bakuran nila..
at ilang beses itong mas malaki kumpara sa kung ano ang nasa realidad..
iyong daanan ng mga sasakyan nila eh pabilog na na may parang marker na fountain sa gitna, para siguro mas madali na ang paglabas-masok ng mga auto nila..
at bukod pa doon yung parang parking space..
hindi ko nakita yung mismong bahay nila..
pero meron doong ilang malalaking concrete na kubo, kumbaga kubo yung estilo pero yari sa mga konkretong materyales lahat maging ang bubong...

habang naglilibot kami sa loob ng poder ng sinungaling na babae..
eh dahan-dahan daw akong nakakaramdam ng kaba sa loob-loob ko..
na baka biglang may makakita sa amin doon..
at nangyari nga yun..
una naming nakita ang isang matanda at medyo payatin na lalaki na puti na ang buhok at naka-cap..
naisip ko na baka isa siya sa mga manggagawa doon..
hindi naman kami sinita nito, pero nagbalak na rin nga ako na lumabas na mula sa lugar na yun..
pero habang hinahanap yung tamang daan palabas, eh napunta naman kami malapit sa isang konkretong kubo na de-hagdan pa..
at doon nakita kong nakaupo lang yung Babaeng Peke Ang Kilay at yung Half-Sister niya..
parang wala namang reaksyon ang mga ito nang makita kami...

after that, narinig na namin yung tawag nung biological demon sperm-donor ko..
sinundan ko yun para ma-guide kami papalabas ng bakuran ng mga kalaban..
at nang malapit na kami sa may labasan, eh saka ko naman nakita yung Tatay nung Babaeng Peke Ang Kilay..
naka-white sando at shorts siya as usual..
mabuti na lang at naroon na rin sa may labas ng supposedly gate yung tumatawag sa amin..
naisip ko na magandang alibi yun..
na kesyo magkakilala naman yung dalawang matandang lalaki - edi kunwari na yun yung ticket namin para i-explore ang bakuran ng isang kakilalang kalapit bahay...


bakit ko napanaginipan yun..?
siguro dahil napadaan kami nung baby sa tapat ng bahay nila the afternoon before nitong panaginip na 'to..
pina-practice ko kasi siya ng paglalakad at doon niya naisip na dumaan eh..
tapos habang nasa tapat kami ng bahay nina Sir..
eh naramdaman kong parang may gumagalaw sa loob ng poder nila..
sigurado ako sa bagay na yun, kasi yung baby eh tingin nang tingin doon sa taong yun..
hindi ko na lang nga ito nilingon sa takot ko na baka yung Babaeng Peke Ang Kilay iyon...
— feeling , umalis ka na rin sa panaginip ko...


No comments:

Post a Comment