Saturday, December 27, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of December 2025 (9 Sponsored Trees)

Loveless Story


December 21, 2025...

[Pets / Pests]

kaninang umaga lang namin nakita yung bangkay nung 1 ko pang nalason na daga..
pero wala na talagang bakas nung Capybara...

doon ko inililibing yung mga bangkay sa plant box sa tapat ng bahay namin..
tutal eh ginawa nang permanenteng tambakan ng mga demonyo naming kapitbahay..
kaya ni hindi na magamit na emergency parking space ng mga biological brother ko..
inabuso na ng ibang mga tao..
edi pare-parehas na silang mag-amoy daga doon...

is feeling , napapalibutan na kami ng mga demonyo...


>
[Gadget-Related]

ang lupit naman ng Coins PH..
mas malaki pa ang interest rate kumpara sa bangko..
at para lang 'yon sa pagkakaroon ng laman nung e-wallet..
walang locking na kailangan..
naka-Php 1.00 na kaagad yung Php 1,400 kong naka-ready na pambayad ng bills in just a few days...

is feeling , Lottery, kailangan na ng Php 1,000,000 na pondo doon sa Coins PH ko...

---o0o---


December 22, 2025...

nakakatuwa naman pala yung app ng insurance ko..
yung hinuhulugan ng biological brother ko dahil lang sa wala siyang mapaggamitan ng mga pera niya...

so nakaipon na pala ako ng 19,000 plus points dahil lang sa araw-araw na pag-open nung app..
ang dami na as compared sa halaga ng mga reward na pwedeng i-redeem..
pero sa halip na food and beverage..
eh may nakita ako na mas interesante..
so nag-sponsor na lang ako ng mga puno sa Asia, Africa, at America..
9 na puno din..
Indonesia..
Philippines..
Nepal..
Thailand..
Kenya..
Madagascar..
Ecuador..
Guatemala..
Haiti..
after that, eh may 15,000 plus points pa din ako na natira...

ang mga tao ang pinakawalang kuwentang mga nilalang sa mundo..
reklamo nang reklamo tungkol sa mga epekto ng Climate Change..
nagpapaawa kapag tinamaan na sila ng natural calamities..
pero hindi nila naiisip na ang pagwawaldas nila ng enerhiya at ang paghahangad ng teknolohiya ang patuloy na sumisira at nagpapalala sa kondisyon ng mundo..
kaya naman mas makabuluhan pa ang mga halaman kesa sa mga tao...

is feeling , alagaan ninyo yung mga puno ko.. gawin ninyo ang nakasaad doon sa app...


>
[Manga]

walanghiya ka, Eiichiro Oda..
sabi mo noong 2020, nasa 5 years na lang ang itatagal ng One Piece na Manga..
pero patapos na ang 2025 at malayo pa rin tayo sa wakas..
akala ko pa naman na makakapagphinga na ako pagkatapos ng 2025..
pero sa halip eh padami pa nang padami ang mga kademonyohan na nararanasan ko sa paligid..
pero wala na akong magagawa..
nandyan na 'yan eh..
mae-extend nang mae-extend ang lifespan ko base sa extension na ginagawa mo...

is feeling , gusto ko ng kakayahan na burahin lahat ng masasama sa mundo...

---o0o---


December 25, 2025...

magtatrabaho sana ako ngayong araw..
mas madami pa naman akong oras kapag Thursday..
kaso bigla namang sumakit ang ulo ko kaninang umaga, hanggang sa tuluyan nang sumama ang pakiramdam ko..
hindi din kaagad nakapag-request ng gamot, tapos hindi naman umubra ang tulog lang...

is feeling , sayang na naman ang araw...

-----o0o-----


December 20, 2025...

[Trade]

day 739...

bad news..
pataas na ang ARDR, maging ang TNSR...

is feeling , ang sakit ninyo sa ulo.. samantalang noong nasa loob ako ng trade, perpekto ang mga put*ng inang crash ninyo...

---o0o---


December 21, 2025...

[Trade]

day 740...

bumaba pa ang trading volume ng ARDR..
pero patuloy pa talaga sila sa pag-angat... 🙁

gabi..
bumababa ang TNSR..
pero malayo pa sa level 10 na kailangan ko...

is feeling , mawasak na kayong mga demonyong cryptocurrency kayo...

---o0o---


December 22, 2025...

[Trade]

day 741...

wala pa ring magandang balita..
stable ang ARDR..
at medyo umangat na ulit ang TNSR...

is feeling , hindi talaga nila hahayaan na mangyari yung mga bagay na kailangan ko na mangyari...

---o0o---


December 23, 2025...

[Trade]

day 742...

bumaba na ulit ang Bitcoin..
pero supot pa rin ang pagbagsak ng ARDR at TNSR... 🙁

kapag bumaba ang TNSR sa level 50, lilipat ako sa kanila..
at sila naman ang tatawaran ko hanggang level 10...

is feeling , bagsak na...

---o0o---


December 24, 2025...

[Trade]

day 743...

wala pa rin..
halos stable ang ARDR..
pero bumaba na below level 80 ang TNSR..
level 50 at magbi-bid na ako sa kanila sa level 10...

is feeling , kailangan ko lang na mawasak ang lahat...

---o0o---


December 25, 2025...

[Trade]

day 744...

wala pa rin talaga..
patapos na ang buwan..
pero kulang pa rin sa pagbagsak ang ARDR at TNSR... 🙁

is feeling , kahit 1 beses lang talaga...

---o0o---


December 26, 2025...

[Trade]

day 745...

below USD 1 Million na lang ang trading volume ng ARDR..
kaso umangat naman ang TNSR..
nag-retrace..
pero muli ding umakyat... 🙁

is feeling , tama na.. huwag kayong layo nang layo sa target ko...


No comments:

Post a Comment