Saturday, December 13, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of December 2025 (Password Reset Attack)

Loveless Story


December 8, 2025...

[Manga]

ang lupit ng sakripisyo ni Loki..
itinakwil ng sarili niyang ina na si Estrid..
samantalang nilason ang kinilala niyang ina na si Ida, ang isa sa iilang Giant na totoong nagmahal sa kanya, ng mga kababayan din nila ni Estrid..
tapos tinapos niya ang buhay ng kanyang amang hari na si King Harald, dahil sa banta ng pagiging Holy Knight nito laban sa Elbaf..
pero dahil sa legacy ng kanyang ama, kaya pinili niyang akuin yung bintang tungkol sa massacre sa Aurust Castle..
inirerespeto at hinahangaan si King Harald sa Elbaf, kaya pinili ni Loki na hindi na mabahiran ang alaala ng kanyang ama..
pinili niyang panatilihin na lang ang magandang legacy nito..
inako na lang niya ang lahat ng mga kasalanan, tutal naman eh ayaw sa kanya ng lahat ng mga Giant...

is feeling , magkakaroon na ng anak ni Kaido sa Straw Hat Crew.. at mukhang ang susunod naman ay isang follower ni Rocks D Xebec...


>
[Manga Theory]

One Piece Theory #24

kung Devil Fruit user si Im o Imu..?
posibleng Mythical Zoan ang gamit niya..
nilalang na related sa demon at witchcraft..
so either Lilith o Astaroth figure..
pero since may mga Adam at Eve sa One Piece, then mas mataas ang chance na Lilith ang figure para sa Devil Fruit ni Im...

is feeling , ano nga kaya...??

---o0o---


December 9, 2025...

[Natural Calamities]

Oda..
Aika Yumeno, Asuna Kawai, Hikari Azusa, Hinano Kuno, Rei Kamiki, Kaho Imai..
sana manatili lang kayong ligtas palagi...

is feeling , hindi nararapat ang Japan sa mga pagkawasak.. ilipat nyo na lahat ng rasyon ng lindol sa Eastern Empire...


>
[Gadget-Related]

hmmm..
may sumubok mag-reset ng password ng drone account ko sa Facebook last month..
humingi ng code para sa reset..
sino kaya yung hacker na 'yon...??

bukod pa sa matagal nang may naka-connect sa Yahoo mail ko na Gmail account na kaparehas na kaparehas ng pangalan ng Yahoo ko...

is feeling , 2021 pa yata noong huli kong binuksan ang account na iyon...

---o0o---


December 11, 2025...

had a busy day..
kaya hindi na muna ako nagtrabaho..
kailangan sanang pumunta sa bangko..
sasamantalahin ang bagsak na ekonomiya ng bansa..
pero talagang 4 na beses pang napadumi sa umaga, kahit na mukhang hindi naman sira ang tiyan ko...

pumunta sa bangko nang maaga..
unfortunately, hindi pala sila pwedeng magpalit ng USD habang wala pang guiding rate for the day, kasama na yung para sa buying at selling.. 🙁
hindi pwedeng gamitin ang guiding rate mula sa sinundang araw..
kaya bale beyond 10:00 AM to 3:00 PM lang yung window sa kanila para magpapalit ng foreign currency..
base sa record, Php 0.05 lang naman ang difference ng buying rate ng PSBank kumpara sa BDO, kaya pinatos ko na rin nga...

hapon..
inilabas ko na yung USD 200 na labis mula sa account ko, yung mga kita galing sa advertisements..
Php 58.80 na buying rate, so hindi na masama..
yung kita ko eh inilagay ko na lang sa Php 56 na palitan, since base sa records ko eh malaki-laki na rin yung ganun..
kaya naman Php 504 yung naibawas ko mula sa dati kong investment para sa USD..
para mailayo ko naman siya sa nasakyan kong bayolenteng palitan noon na Php 59.44 per dollar..
target kong ma-adjust pababa yung value nun hanggang Php 28,600, para sa Php 55 per dollar na palitan lamang...

is feeling , Php 1,804 pa ang kailangan kong maipon na putal sa palitan...

-----o0o-----


December 6, 2025...

[Trade]

day 725...

umaga..
bumagsak pa ulit ng ilang libo ang Bitcoin..
pero nananatili namang stable ang ARDR..
kung hindi sana sila nanlaban kahapon..
edi nasa mas mababang level na sana sila ngayon... 🙁

lagpas 100% recovery naman para sa LUNC..
kaso, sobrang layo ko na sa entry point ko sa kanila..
lagpas 100,000% pump na ang kailangan ko kung gusto kong mabawi lahat ng nalugi kong pera sa pamamagitan ng LUNC... 🙁

is feeling , bumagsak lang kayo nang bumagsak...

---o0o---


December 7, 2025...

[Trade]

day 726...

ayaw pa rin nilang bumitaw... 🙁

is feeling , mag-crash na kayong lahat.. pabagsakin ninyo ang Solana hanggang USD 10 lang...

---o0o---


December 8, 2025...

[Trade]

day 727...

malapit na ang sunod na FOMC meeting..
pero talagang nagre-resist pa rin ang Bitcoin at ang iba pang assets... 🙁

is feeling , bumigay na kayo.. mawasak na kayong lahat...

---o0o---


December 9, 2025...

[Trade]

day 728...

kapos pa rin ang pagbagsak..
bukas na ang FOMC meeting...

is feeling , bumagsak na kayong lahat.. mawasak na kayong lahat...

---o0o---


December 10, 2025...

[Trade]

day 729...

umaga..
nanlaban na naman at umangat ang Bitcoin bago ang FOMC meeting... 🙁

gabi..
ilang oras na lang bago ang FOMC meeting..
kailangan lang talagang mawasak na ang lahat...

is feeling , bumagsak na kayong lahat...

---o0o---


December 11, 2025...

[Trade]

day 730...

dumaan na ang FOMC meeting..
pero wala pa ring epekto..
ayaw pa ring bumagsak ng Bitcoin sa USD 70,000 man lamang...

is feeling , mawasak na kayo...

---o0o---


December 12, 2025...

[Trade]

day 731...

walanghiya..
nag-recover ang Bitcoin... 🙁

sayang din yung naging 300% pump ng LUNA..
kaso hindi ko naman alam... 🙁

is feeling , bumagsak naman kayo.. malugi naman kayong lahat...


No comments:

Post a Comment