Saturday, December 6, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - First Week of December 2025 (Free Shopping)

Loveless Story


November 30, 2025...

bad news na naman..
so hindi ma-handle nung biological brother ko ang nanganak niyang asawa at yung baby nila..
kaya pinaluwas nila doon ang biological mother ko..
meaning..?
patay na naman ang light blog ko..
iyon na nga lang ang isa sa pinagkukunan ko ng kita sa ngayon..
pero heto at wala na naman akong ibang data at IP address na magagamit... 🙁

okay lang sana kung araw-araw silang nagbubukas ng mga commercial doon eh..
kaso hindi naman..
wala naman silang pakialam... 🙁

anyway..
nagsimula na rin nga ako sa pagbubuo ng mga eksena para sa project #27 ngayong araw...

is feeling , problema na naman...

---o0o---


December 1, 2025...

[Manga]

put*ng ina mo, Oda..
pinaiyak mo na naman ako..
napamahal pala talaga si Loki kay Ida, na kinilala na niyang ina..
pero sinira ng mismong mga kalahi nila ng ina niyang si Estrid ang pagbabago na iyon ni Loki...

so si Princess Shirahoshi pala ang katawagan ni Prince Loki sa Den Den Mushi na si Shaggy..
may kinalaman pala si Shanks sa pagtatagumpay noon ni Fisher Tiger laban sa Sacred Land ng Marijoa..
at ang pagkaputol ng braso ni Shanks para kay Luffy ang dahilan ng pagkawala ng kanyang marka o bond bilang Devoted Blade of God..
put*ng ina ka talaga, Oda, nagdudugsung-dugsong na naman ang mga istorya mong henyo ka...

is feeling , natatawa lang ako sa ibang readers.. hindi mas astig ang itsura ni Shanks noong earlier years niya, nagkataon lang na nag-e-evolve talaga ang art style ng ibang mga artist sa paglipas ng panahon kaya mas simple ang itsura ni Shanks at ng iba pa noong una silang na-introduce.. mali din na i-compare si Roger sa panahon lang na buhay pa si Rocks, dahil na-develop din ang Roger Pirates bago nila tuluyang narating ang Laugh Tale...

---o0o---


December 2, 2025...

ano ba talagang klase ng mundo at kapalaran ito..?
ang daming iskandalo ngayon dito sa bansa..
puros kahihiyan na lang..
pero yung palitan ng USD at PHP eh bumababa na..
ni hindi nakaabot sa Php 61 plus... 🙁

is feeling , kapag demonyo ang kaparalan, eh demonyo talaga ang kapalaran...

---o0o---


December 3, 2025...

hindi 'to maganda..
3 araw na akong walang alternate data na nagagamit para sa Google..
ibig sabihin na 3 araw na din na walang sure view yung mga commercial doon sa light blog ko... 🙁

kung tuluyan nang gagawing yaya yung biological mother ko para dun sa bagong apo niya..
sa Cavite..
siguro for at least 7 years..
edi lalong katapusan ko na... 🙁

nakakatawa lang talaga na sinasabi nila na kaya na nila..
na handa na sila..
bago sila bumuo ng bata..
tapos ganito naman pala..
walang umaalalay sa side nung babae..
ang mga pagkain nila puros order, so mas mahal tuloy..
walang hina-hire na yaya..
kaya naman nagre-recruit pa ng aalalay sa kanila mula dito sa [Name of City]... 🙁

is feeling , buhay nga naman ng malas.. lubos...

---o0o---


December 5, 2025...

Php 3,623.11 para sa lahat-lahat ng nagastos ko na..
at nasa Php 733.97 naman noong isang araw ang reserba ko pang LazRewards..
bale lagpas Php 4,357.08 na...

nakakatuwa lang isipin na ganung kalaking pera na pala ang nakukuha ko mula sa minor gaming..
nagawa ko na sanang mabili yung pangarap kong Scarif Stormtrooper army builder ng Star Wars nang sobrang laki ang natitipid ko...

kaso..
mas kailangan kong bumili ng Almonds para sa katawan ko..
Hazel Nuts sana, kaso doble naman kasi ang mahal nung ganung kasustansiya na nuts...

is feeling , sayang.. napababa ko na sana sa Php 500 per unit yung mga Scarif Stormtrooper...

-----o0o-----


November 29, 2025...

[Trade]

day 718...

umaga..
wala pa ring magandang crash na nangyayari sa market... 🙁

hapon..
pang-asar talaga..
pababa ang Bitcoin..
pero umaangat naman ang ARDR... 🙁

is feeling , tama na ang gaguhan.. bumagsak na kayong lahat, mga put*ng ina ninyo...

---o0o---


November 30, 2025...

[Trade]

day 719...

umaga..
wala pa ring pagbagsak ng market na nagaganap... 🙁

hapon naman eh dumidiskarte pa nang pataas ang demonyong Bitcoin... 🙁

is feeling , palagi talaga kayong kokontra sa mga plano ko ano...??

---o0o---


December 1, 2025...

[Trade]

day 720...

umaga..
nagsimula nang bumaba ang market..
pero kulang pa..
kailangan pa silang magpatuloy sa pagbagsak..
katulad ng nangyari noong 2021 to 2022..
kailangan ko ng mas mababang mapapasukan...

is feeling , USD 30,000 para sa Bitcoin.. USD 10 para sa Solana...

---o0o---


December 2, 2025...

[Trade]

day 721...

sudden dip para sa ARDR..
kaso hindi ako nakapag-bid sa mas mababa pang halaga dahil sa sobrang bilis ng mga pangyayari...

is feeling , kulang pa rin.. kailangan ko pa ng mas malagim na crash...

---o0o---


December 3, 2025...

[Trade]

day 722...

bad news..
nag-recover ang market..
kahit na hindi pa naman nila naaabot ang target kong pagbaba... 🙁

is feeling , mga demonyo kayo.. tumigil na kayo sa pagkontra sa akin.. bumagsak kayo.. malugi na kayong lahat...

---o0o---


December 4, 2025...

[Trade]

day 723...

mataas pa rin ang Bitcoin..
although halos stable lang naman ang iba pang assets sa bahagya nilang naging pagtaas... 🙁

is feeling , bumagsak na kayong lahat...

---o0o---


December 5, 2025...

[Trade]

day 724...

biglang nag-pump ang ARDR ngayong hapon..
kontra sa pagbaba ng Bitcoin..
tumaas na naman tuloy ang level nila..
level 54.4 to 68..
USD 27 sana iyon para sa akin..
pero mabilis din nga ang kanilang pagbaba, siguro ay dahil sa hila ng Bitcoin...

pero mas mababa na nga ulit ngayon ng ilang libo ang Bitcoin...

is feeling , bumulusok na kasi kayo.. USD 10 para sa SOL...


No comments:

Post a Comment