Loveless Story
December 14, 2025...
[Pets / Pests]
nagsimula na ulit kagabi na manglason..
this time, laban sa Capybara..
ang kakaiba sa batch na ito..?
hindi pa namin sila namamataan, di tulad nung mga dati na naming nalason..
at tanging malalaking tae lang nila ang ebidensya ng existence nila..
malaki din yung mga dumi kumpara sa mga nakalaban na namin dati, kaya naman binansagan ko silang Capybara...
although may possibility din naman na basurang pakawalang pusa ang kumain dun sa lason..
pero sana nga ay yung Capybara na lang..
para hindi naman masayang yung Php 180 na natawaran ko na Racumin ng Envu...
is
feeling , malason na kayong mga demonyo kayo...
---o0o---
December 16, 2025...
[Lottery]
ngayon na lang ulit ako nanalo sa sugal na ito..
kaso 3 numero lang, na naman..
nagpataya ako ng 1 Lucky Pick..
kaso ang engot naman nung system dahil 2 sa numero ko ang kinopya lang..
pero may sukli din naman ako kasi Php 60 na pala ang 3rd prize para sa sinalihan ko...
is
feeling , well, sana naman maging lucky ka nga.. ipanalo mo naman ako ng mga milyon para may maipamana naman ako sa mga tao...
>
[Online Marketing]
nadali ako nung platform ko.. 🙁
medyo matagal nang activated yung autopilot sa promotions nun..
kaso hindi ko naman natse-check, bagay na pwede palang magawa..
at hindi ko naman naisip na ganun pala kalaki 'yon...
natuwa ako kanina na may pumasok akong bagong supporter..
tapos nasa USD 32 tier pa pala siya..
kaso nung nakita ko yung audit..
t*ng ina, binigyan pala ng system ng 60% na discount.. 🙁
eh ang daming exclusive content dun sa second to the highest tier ko..
isang tirahan lang ng pirata na may 60% at tapos lahat ng pinaghirapan ko... 🙁
is
feeling , grabe naman kayo.. pwede namang mag-discount, pero huwag namang abuso.. ang daming exclusive dun eh...
---o0o---
December 17, 2025...
naaawa ako sa mga kabataan sa panahon ngayon..
sobrang hihina na talaga ng mga utak nila...
so may 2 grupo ako na naawat dati sa caroling..
early December pa noon..
sabi ko masyado pang maaga, saka na lang kapag nagsimula na ang Simbang Gabi..
after that, naging untouchable na ang bahay namin..
well, walang problema para sa amin...
is
feeling , ang hirap sa inyo, tinuruan ninyo ang mga kabataan na ang Pasko ay tungkol lang sa pera at sa pamamalimos...
>
araw na naman ng paniningil ng utang..
56 months ng mga utang..
38 months na wala man lamang ibinabayad..
at 24 months o 2 years na nang pagpapanggap na wala siyang phone para makipag-communicate...
so nakita ng kapatid niyang lalaki yung reminder ko sa Facebook account nun bilang isang medyo celebrity..
since hindi na nga siya nagre-reply sa e-mail..
ganun din yung kaibigan niya..
pero yung kapatid niyang babae eh makapal talaga ang mukha at ni ayaw i-seen yung messages ko..
kaso wala din nga akong nakuha man lamang na reply... 🙁
is
feeling , next year, schedule na para idamay na rin ang step family niya sa tatay niya...
---o0o---
December 18, 2025...
[Pets / Pests]
may 1 na akong nakitang bangkay ngayong araw..
gabing-gabi na ang paglilibing ko..
nasa 2 yung sabay na nakita kong kumakain noong nakaraan..
pero hindi ko pa alam kung ilan talaga ang mga kalaban namin this time...
is
feeling , mawala na kayong lahat sa mundo...
---o0o---
December 19, 2025...
[Tech Guide]
yung nakagawa ako ng pulidong softcore clip..
gamit ang free, pero reusable na AI platform..
nagulat ako sa resulta..
taong-tao, babaeng-babae..
libre, pero walang palpak na bakas ng AI generation...
is
feeling , aray ko.. ang technology na pumapatay sa amin...
>
[Online Marketing]
heto pa ang mga quota na kailangan kong maabot para makasahod sana ako this year end.. 🙁
kulang pa ako ng USD 37 sa 1st store..
USD 52 para sa 2nd store..
USD 7 at least para sa 3rd store..
at USD 55 naman doon sa subscription platform...
is
feeling , palagi na lang akong kulang-kulang...
-----o0o-----
[V-League]
SEA Games 2025
December 15, 2025...
wala..
pumalpak ang national team sa indoor volleyball..
kapansin-pansin na lumaki ang agwat nila sa Thailand at Vietnam..
kung dati ay nakakadikit pa sila o nakakakuha ng ibang set..
this time eh tambakan ang labanan..
pagdating naman sa Indonesia na tinatalo nila sa mga nakaraang ibang liga..
ngayon eh hindi na sila makaagwat..
3 extended sets in 4 sets, at lahat iyon ay naipanalo ng Indonesia... 🙁
nawalan lang ng saysay ang pag-sacrifice ni Morado sa Creamline..
inakala ng mga tao na kakayanin na nila ang SEA Games sa pagkakataon na ito..
pero humina lang sila... 🙁
is 💔 feeling , sina Pons na lang ang pag-asa ng women's volleyball sa SEA Games...
---o0o---
December 19, 2025...
ito ang first ever Finals appearance ng bayan sa Women's Beach Volleyball sa SEA Games...
at put*ng ina..
naiyak kaagad ako noong nabasa ko yung balita sa Google..
nagawa nila..
nagawa ng SiPons..
sina Rondina at Pons..
for the very first time sa SEA Games, naiuwi ng bayan ang mga gintong medalya..
winasak nila ang 22 years na paghahari ng Thailand..
the same goes para sa pares nina Dij Rodriguez and Sunny Villapando...
salamat..
ipinakita ninyo sa Rebisco na sulit na ipinahiram nila kayo sa Beach Volleyball..
na hindi nasayang ang mga ginawa nilang sacrifices sa PVL...
is
feeling , alam nyo na, Creamline.. nasa sand talaga ang isa sa mga sagot para maging malakas sa Volleyball...
---o0o---
[Sports]
December 16, 2025...
pagkatapos nina Pons at Rondina para sa beach volleyball..
eh pasok na rin si Alex Eala para sa Finals ng singles ng tennis..
nalaglag naman ang hindi pa niya matalo sa WTA na si Janice Tjen ng Indonesia..
nahihirapan daw kasing huminga..
hala, may kakaiba kayang ginawa ang Thailand...??
bukod sa singles ay may iba pa siyang laro para sa tennis...
is
feeling , sana kayanin.. Gold para sa beach volleyball.. at Gold din para sa Tennis...
---o0o---
December 18, 2025...
salamat, Alex Eala..
Gold sa Singles ng Women's Tennis..
the same year kung kailan sobrang ganda nang naging record niya sa WTA..
at isa pa siya sa flag bearer para dito sa SEA Games..
ngayon na lang ulit nakakuha ng ginto ang bayan sa women's tennis simula noong 1999..
at ang ikatlo ng bayan base sa record...
hindi nakaka-proud na mapasailalim sa sistema sa bayan ng mga kurakot..
tapos may lokal na mamamayan pa na nag-e-endorse ng p*rn niya sa SEA Games on live TV..
pero may mga mamamayan pa rin na worth celebrating...
is
feeling , bukas naman.. sina Pons at Rondina.. sana...
-----o0o-----
December 13, 2025...
[Trade]
day 732...
bumaba ulit kagabi ang Bitcoin..
kaso ito namang ARDR ang nanlalaban ulit ngayong araw..
pati TNSR eh nag-pump din...
is
feeling , mga demonyo talaga kayo.. lahat na lang gagawin ninyong mali para sa akin.. mawasak na sana kayong lahat...
---o0o---
December 14, 2025...
[Trade]
day 733...
mababa pa rin naman ang Bitcoin..
pero talagang nanlalaban ang ARDR, puwerket alam nila na hindi ako makapasok sa kanila..
level 57 to 68..
USD 20 sana iyon para sa akin... 🙁
mas bumaba pa ulit ang Bitcoin ngayong gabi..
kailangan ko lang talaga na wasakin nila ang iba pang mga asset..
level 10 sa ARDR..
level 10 sa TNSR..
o USD 10 para sa SOL...
is
feeling , mawasak na kayong lahat...
---o0o---
December 15, 2025...
[Trade]
day 734...
mas bumaba pa ulit ang Bitcoin..
pero nag-quick short pump na naman ang ARDR ngayong umaga..
mataas-taas pa rin tuloy ang level nila... 🙁
is
feeling , mga demonyo talaga kayong lahat.. alam na alam ninyo kung paano kokontrahin lahat ng plano ko...
---o0o---
December 16, 2025...
[Trade]
day 735...
bumagsak pa ang Bitcoin ng nasa USD 4,000..
kaso parehas na nag-resist ang ARDR at TNSR..
nakakapagduda din na konti lang ang naging crash nila, di tulad dati na bagsak kung bagsak.. 🙁
parehas silang gumawa ng quick pump para mapigilan ang masyadong pagbaba..
pero kahit papaano eh nakapagbaba ulit ako ng bid para sa ARDR...
is
feeling , tama na, ARDR at TNSR.. magpalugi na kayo...
---o0o---
December 17, 2025...
[Trade]
day 736...
medyo umangat ang Bitcoin ngayong araw..
pero mas bumaba naman ang ARDR..
nagawa ko namang magpababa din ng bid ng 3 beses...
is
feeling , sana magising na ako bukas na nakapasok na ako sa mababang level ng ARDR, at na ready na rin ako para magbenta nang may 10x na patubo...
---o0o---
December 18, 2025...
[Trade]
day 737...
bumaba naman ang ARDR nang kaunti..
kaso kulang pa rin talaga.. 🙁
at halos stable ang galaw nila ngayong araw...
is
feeling , bukas.. sana nakapasok na ako sa level 10, at ready na para magbenta sa level 100...
---o0o---
December 19, 2025...
[Trade]
day 738...
medyo bumaba na ulit ang Bitcoin..
pero nagre-resist kasi ang ARDR around level 54..
ayaw nilang pumayag na mas bababa pa ang palitan mula doon... 🙁
is
feeling , bagsak pa.. hanggang level 10, ARDR...
No comments:
Post a Comment