Loveless Story
July 24, 2025...
ang creepy ng kakayahan ko..
kaya pala for more than 3 years eh hindi talaga ako nakalaya sa Binance..
sobrang dami ng assets na dumaan..
pero hinding-hindi sila kumikilos kapag nasa poder nila ako..
dahil ako nga talaga ang tagapagdala ng matinding kamalasan... 🙁
WCT..
HAEDAL..
NEWT..
pare-parehas na tinamaan ng Reverse Midas matapos akong mag-invest sa kanila..
hinding-hindi inabot ang mga target ko habang nasa kanila ako..
pero biglang nagpayaman ng mga investor matapos ang Curse Release ko... 🙁
hindi na nakakapagtaka..
kung bakit nawawasak ang mga gamit ko sa kakaibang paraan..
kung bakit nawawasak ang bahay namin sa kakaibang paraan, at wala ding kuwenta ang mga repair..
kung bakit hindi ako binabayaran ng nagkakautang sa akin..
kung bakit laging mababa ang palitan ng mga asset kapag kailangan kong magpapalit..
kung bakit laging mahal ang dolyar kapag kailangan ko ng dolyar..
dahil malas ako sa lahat ng bagay... 🙁
is
feeling , niloloko ko na lang ang sarili ko na kaya kong mag-survive.. sobrang mahalaga na malunod ako sa depression para lang masunod ang luho ng mga namamahala sa universe...

---o0o---
July 25, 2025...
[Game / Scam]
4 years na doon sa scam game... 🙁
matagal na dapat akong nakakuha ng ROI..
unfortunately..
nababalot ng lubos na kamalasan ang buo kong pagkatao.. 🙁
naipit sa palitan yung mga asset..
hanggang sa paulit-ulit na lang na nawalan ng value...
libu-libo na yung na-miss ko na kita..
ang dami kong napipili na tamang assets..
pero nagiging mali sila kapag nasa loob na nila ako.. 🙁
ang modus..?
bumagsak papunta sa Impiyerno, at saka paulit-ulit na mag-pump sa ilalim ng entry point ko..
ang pakainin ako ng trauma, at papaniwalain na sobrang layo ng current na palitan mula sa naging entry point ko..
at kapag sumuko na ako at nagpalugi, eh saka gaganda ang sitwasyon para sa naiwan kong traders..
paulit-ulit na lang, for the past 3 years...
is 💀 feeling , mabuhay ang depression...
-----o0o-----
[V-League]
PVL on Tour 2025
July 19, 2025...
Creamline versus Zus..
sa Iloilo ang digmaan this time..
maliit lang yung venue, kaya madali lang napuno ng live audience...
naagaw pa ng Creamline ang Set 1..
madalas talaga na lamang ang Zus at ang dami pa ring errors ng Creamline, kaya kinapos ang Nightmare Chase ng Creamline para sa Set 2..
hirap ang Creamline na pigilan yung Chinnie Arroyo, late Nightmare Chase ulit nila para sa Set 3, pero kinapos ulit..
hirap din ang Creamline na bantayan sa Middle yung AC Miner, Zus ang naghabol this time, pero mas nanaig naman ang Creamline..
maaga lang na nabura ang kalamangan ng Creamline sa Set 5, at hindi nga ulit umubra ang Nightmare Chase nila...
3-2, panalo ang Zus..
maging sila eh mas lamang na sa attackers kumpara sa Creamline..
at may anti-Creamline floor defense na rin..
nasulit naman ng Iloilo yung match...
is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. madami talaga ang kulang sa team sa ngayon...
---o0o---
July 20, 2025...
Creamline versus Tiggo..
Tiggo ang current #1 team sa Pool B..
at nagawa nilang talunin kagabi ang Cignal na tumalo noon sa Creamline within 3 sets..
madami pa ring live audience para sa Day 2...
pinagpalit ng Creamline sina de Jesus at Torres..
balik sa Libero si de Jesus, at si Torres naman ngayon ang service specialist with floor defense..
pero pangit pa ang services ni Torres..
maganda kaagad ang depensa ni Galanza sa simula, at maganda din ang opensa ni Gumabao, kaya naman nakuha nila ang Set 1..
nagkalat si Baldo sa Set 2, at pinuntirya na rin siya, nanaig tuloy ang Tiggo..
nakalamang ang Creamline sa Set 3 at naiwanan nila ang kalaban..
naka-check na ang mga Middle Blocker ng Creamline, pero nagawan naman ng paraan ng mga Wing Spiker nila...
3-1, panalo ang Creamline..
at tinalo na nga nila ang #1 seed dapat sa kanilang pool..
hindi nakatulong para makapasok sila kaagad sa Quarterfinals..
pero nagawa naman nilang maiwasan na makakuha ng 3 magkakasunod na talo...
is
feeling , salamat, team.. para kina Morado at Galanza...

-----o0o-----
July 19, 2025...
[Trade]
day 585...
level 30.6 to 33.5 yung huling naakyat ng HAEDAL..
USD 52 sana iyon para sa akin.. 🙁
pero nag-retrace na ulit sila dahil sa hila ng Bitcoin pababa...
is
feeling , 5 days yata bago ang first month nila sa Binance...

---o0o---
July 20, 2025...
[Trade]
day 586...
umaangat ang NEWT ngayong gabi..
pero hanggang saan kaya..?
4 days left yata bago ang first month nila sa Binance...
is
feeling , pabayaan nyo na akong makalaya...

---o0o---
July 21, 2025...
[Trade]
day 587...
level 30.8 to 33 yung unang naakyat ng NEWT..
USD 39 sana iyon para sa akin..
level 32.1 to 33.8 yung ikalawa..
USD 29 sana iyon para sa akin...
is
feeling , sige na.. abutin nyo na lang basta-basta yung level 80...

---o0o---
July 22, 2025...
[Trade]
day 588...
level 33 to 34 yung sumunod para sa NEWT..
USD 16 din sana iyon para sa akin..
level 33.3 to 35 yung sunod..
USD 28 sana para sa akin..
after that eh mali na naman nga ang naging desisyon ko sa NEWT..
dahil bumaba na naman sila...
is
feeling , 2 days left yata bago ang first month nila sa Binance...

---o0o---
July 23, 2025...
[Trade]
day 589...
palpak nga ako..
dahil medyo malaki ang iniangat ng NEWT matapos nilang magpabagsak hanggang level 32.2 kahapon... 🙁
level 32.2 to 34.3 na recovery kagabi..
USD 35 sana iyon para sa akin..
tapos pump mula level 33 hanggang 38.7..
USD 96 naman sana iyon para sa akin... 🙁
sa ngayon ay nasa lagpas 40 na ang level nila..
pero hindi ko pa masabi kung maaabot ba nila yung target ko na level 75..
o kung makakabalik man lamang ba sila sa entry point ko na level 53...
is
feeling , abutin nyo na lang basta-basta ang level 80, please...

---o0o---
July 24, 2025...
[Trade]
day 590...
as usual..
palpak na naman ako..
supot na naman ang NEWT, dahil hindi ako pwedeng makalaya mula sa pagkalugi... 🙁
hanggang 50% na pump lang ang kinaya nila..
kulang pa para makalagpas sa entry point ko..
level 35.6 to 43.9 yung sumunod kahapon..
USD 130 sana iyon para sa akin..
level 40 to 48.5 yung kasunod..
USD 118 naman sana iyon..
level 41 to 44.6 yung isa pa..
karagdagang USD 48 naman sana iyon... 🙁
matapos iyon ay umaabot na sa USD 22,000 lahat-lahat ng napapakawalan kong potensyal na kita simula noong Imperial New Year ng 2024... 🙁
nasaksihan ko kagabi na nakabalik sa USD 400 ang hawak kong pondo..
posible sanang maka-exit nang may USD 405 na nababawi..
pero hindi ko nagawa... 🙁
is
feeling , tama na, Reverse Midas...

>
[Trade]
yung ARDR nakagawa na ulit kaagad ng 78% pump kahapon... 🙁
level 37.7 to 41.7 ang inakyat ng NEWT ngayong umaga..
USD 58 sana iyon para sa akin..
level 38.1 to 54 yung sumunod..
iyon ang unang beses sa loob ng 1 buwan na nagawa ng NEWT na makalagpas sa entry point ko..
pero hindi ako nagbenta kaagad..
sa halip na kumita ng USD 7, eh nalugi pa ako ng USD 26 dahil napilitan akong magbenta sa mas mababang entry point..
USD 233 sana para sa akin yung pump na iyon, pero wala akong napakinabangan... 🙁
kung nag-exit sana ako kagabi at naka-recover ng USD 405..
edi naka-recover na sana ako ngayon hanggang USD 573... 🙁
at anong sumunod na nangyari..?
na-activate ang Curse Release ko matapos akong mawala sa poder ng NEWT..
pumalpak ako noon sa WCT..
pumalpak ako kamakailan sa HAEDAL..
at pumalpak pa din ako sa NEWT... 🙁
level 43.7 to 53.1 yung sumunod na pump..
USD 119 sana iyon para sa akin..
at sumunod nga doon yung Curse Release ko habang ako ay naliligo..
level 47.1 to 69.9..
so USD 270 sana para sa akin... 🙁
kung hindi sana ako nag-exit kanina..
at kung nag-set sana ako ng sell sa level 69.9..
edi nakatakas sana ako ngayong araw nang walang lugi, sa USD 584... 🙁
pwede silang sumabog na lang nang basta-basta habang nasa poder nila ako..
pero hinding-hindi nila ginagawa..
for more than 3 years na..
dahil mahalaga para sa kanila na ma-depress ako... 🙁
is 💀 feeling , ako ang tagapagdala ng kamalasan...
>
[Trade]
gabi..
tuluyan nang tinupad ng NEWT yung original target ko sa kanila..
level 75..
malaya na sila..
wala na ako sa poder nila..
kaya pwede na nilang abutin lahat ng gusto nilang abutin... 🙁
level 57.1 to 75.4..
USD 179 sana iyon para sa akin... 🙁
kung hindi sana ako nag-exit nang palugi kaninang umaga..
kung pinabayaan ko na lang sana yung hawak kong NEWT..
edi sana eh naka-exit ako nang may USD 627..
hindi kagaya ng kapalpakan ko na meron lang USD 418... 🙁
is 💀 feeling , kapag nawala ako.. magiging maayos na ulit ang mundo...
---o0o---
July 25, 2025...
[Trade]
noong time na nasa WCT ako..
nagawa kong makabili ng 1,200 na WCT..
kung natupad yung selling point ko noon na USD 1.00, edi sana umabot na ako USD 1,200...
USD 0.17 naman ako pumasok sa HAEDAL..
kung yung USD 1,200 ang naibili ko nun..
tapos eh natupad yung selling point ko na USD 0.30..
edi nasa USD 2,115 na sana ako...
tapos sa USD 0.53 naman ako nakapasok sa NEWT..
kung natupad yung exit ko sa USD 0.75..
edi sana nasa USD 2,990 na yung mailalabas ko na pera sa Binance...
is
feeling , 3 beses na akong tumatama sa pagpili ng asset.. buong pagkatao ko lang talaga yung totoong mali at ginagawang mali ang lahat...

>
[Trade]
day 591...
nagpatuloy sa pag-pump ang NEWT pero sa mababa na lang na level..
level 50.1 to 61.9 kaninang madaling araw..
USD 131 sana iyon para sa akin..
level 53 to 64.8 yung sumunod..
USD 124 naman sana iyon para sa akin... 🙁
at ganun-ganun na lang ulit..
lagpas na ngayon sa USD 23,000 ang mga napapakawalan kong kita sa Binance dahil sa perpektong kamalasan na taglay ko... 🙁
is 💀 feeling , perfected Curse Release...
No comments:
Post a Comment