Saturday, July 12, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Second Week of July 2025 (Lost Communication & Traitor Assets)

Loveless Story


July 5, 2025...

nakatapos na sa postwork ng mga huli kong AI set..
ia-archive na lang in case ibebenta na...

sunod naman yung postwork para sa extra materials na ginawa ko sa 3D...

is feeling , bago bumalik sa project...


>
1st anniversary ng USD bank account ko..
at wala pa rin akong nare-recover magmula noon..
inipit ako noon ng pagkakataon para magpapalit ng dolyar sa almost Php 59.50 na halaga..
at hindi pa ulit humihina ang piso hanggang Php 61 na palitan... 🙁

is feeling , lagpas Php 2,300 na pagkatalo sa palitan...

---o0o---


July 6, 2025...

[Strange Dream]

short dream..
may nakita daw ako na resources ni Miss C..
online yata 'yon..
pictures niya daw habang short-haired na ulit siya..
parang may video din..
not sure kung ibig bang sabihin nun na bumalik siya sa service...

is feeling , maganda pero tuso...


>
tuluyan nang nawala yung last mode of communication namin ni Attendant Y.. 🙁
deleted na yung status ng account niya doon sa messaging app...

is 💔 feeling , iniwanan na niya ako...

---o0o---


July 8, 2025...

[Pets / Pests]

heto..
hindi na rin makapunta ngayon doon sa laundry shop..
lalo nang nagkalat yung mga aso doon..
at may nananahol na rin...

ayos..
salamat sa basurang animal welfare act..
wala na ngayong karapatan para sa safety ang mga non-pet owner..
wala ding karapatan na depensahan ang sarili..
ang mga aso ang may karapatan na manahol at manakot..
ang mga aso ang may karapatan na manghabol..
ang mga aso ang may karapatan na mangagat..
ang mga aso ang may karapatan na magpakalat ng rabies...

walang kalaban-laban ang mga non-pet owner sa mga demonyong pakawalang aso... 🙁

is feeling , mga demonyo kayong lahat...


>
nakatapos nang mag-check ng tiers ng platform ko kagabi..
gumawa na rin ng adjustment sa pricing..
bilang paghahanda kapag nakabalik na ako nang tuluyan sa pagri-release ng content...

is feeling , umpisa na ulit sa project...

---o0o---


July 9, 2025...

[Game]

di naglaro nang seryosohan ngayong Season 13..
meaning, di nag-uubos ng Energy sa bawat araw..
at umubra naman...

minimum of 3 matches per day para kumita ng in-game currency..
sapat din para hindi makatanggap ng penalty hanggang Dragon division..
minimum of 1 win per day para naman kumita ng AXS sa weekly quests..
consistently naman na pasok sa top 10,000 players para sa lahat nung 4 na era, na may bukod na AXS rewards..
at nagawa pa ngang makapasok sa Challenger division nang hindi nagtatapon ng maraming oras at hindi din nagpapaka-stress...

is feeling , para sa ROI.. paunti-unti...

-----o0o-----


[V-League]


VTV Ferroli Cup 2025 (Battle for Third)


July 5, 2025...

Philippines versus Chinese Taipei..
Morado versus Liao Yi-Jen na ulit..
mas bumilis pa this time ang Chinese Taipei, at consistently malalakas na ang kanilang mga palo..
at ang kulit pa rin ng baseline huddle nila, ang daming energy...

3-0, panalo ang Chinese Taipei..
walang nagawa ang mga hybrid kontra sa improvement nila..
halos parang pang-Vietnam na rin yung lakas nila..
at nanalo na nga si Liao Yi-Jen laban kay Morado...

is 💔 feeling , walang Bronze.. sorry, Morado.. yun ang patunay na posibleng lumakas ang mga team kahit sa native form nila...

-----o0o-----


July 5, 2025...

[Trade]

day 571...

umaga..
bagsak na naman ang NEWT malapit sa level 33.. 🙁
dahil sa sabotaheng panghihila ng Bitcoin...

is feeling , kailangan ko lang ng isang magandang gising kung saan pumalo na sa level 80 ang NEWT...

---o0o---


July 6, 2025...

[Trade]

day 572...

at kabaliktaran na naman sa hinahangad ko ang nangyari..
lalo pang bumagsak ang NEWT..
1 level na ulit ang nalagas..
at lumagpas pa nga sila sa level 32 kung tutuusin... 🙁

is feeling , isang magandang umaga ang kailangan ko.. hindi puros kabaliktaran ng mga kailangan kong mangyari...

---o0o---


July 7, 2025...

[Trade]

day 573...

tumaas ang trading volume ng NEWT mula kahapon..
umaabot na sa USD 100 Million yung nadadagdag..
pero wala namang naging pagbabago sa presyuhan nila... 🙁

is feeling , anomaly.. puwerket nasa loob ako ng NEWT...

---o0o---


July 8, 2025...

[Trade]

day 574...

at tuluyan na ngang mas bumaba pa ang level ng NEWT..
umaabot na sila ngayon sa halos level 30..
sa ganung kademonyo na punto ay umaabot na sa USD 193 ang nalalagas sa pondo ko... 🙁

dahil doon ay kinailangan ko ring magbaba ng selling price..
hanggang level 60 na lang ako..
since iyon ang 100% ng level 30..
at ni hindi ako makakabalik sa USD 527 sa ganung level ng bentahan... 🙁

is feeling , para 'tong yung tulo din sa bubong namin.. hindi maaayos, kahit na ipa-repair...

---o0o---


July 9, 2025...

[Trade]

day 575...

nandun pa rin sa masamang level ang NEWT..
at kabaliktaran ng nangyari noong huli..
eh sobrang laki naman ng drop ng trading volume nila..
lagpas USD 200 Million...

is feeling , sana naman ay may sumunod ng magandang pangyayari.. level 60 para man lamang makatakas na ako...

---o0o---


July 10, 2025...

[Trade]

day 576...

bumagsak na ang trading volume ng NEWT sa halos kalahati ng market cap nila..
kailangan ko lang talaga ng isang magandang pangyayari...

is feeling , sana magising na ako bukas na nasa level 60 na sila...

---o0o---


July 11, 2025...

[Trade]

June 25 noong nagpalugi ako para maka-exit na ako sa HAEDAL..
nasa USD 527 yung huli kong pondo sa kanila..
pero bigla nga silang bumaba..
tumakas ako at sumugal sa NEWT..
pero sa halip na maka-recover, eh hinila pa ako lalo ng NEWT patungo sa mas malalim na Impiyerno... 🙁

tapos heto..
muli na namang ipinamukha sa akin ng FATE na yung mga asset lang kung saan wala ako ang pwedeng umangat..
ibig sabihin na dapat nakatakas na ako sa HAEDAL ngayong araw..
nang may USD 31 man lang sana na kita..
kumpara sa bulok kong kalagayan ngayon sa NEWT kung saan nasa USD 200 plus na lang ang pondo ko... 🙁

is feeling , mga demonyo kayong lahat...


>
[Trade]

day 577...

mabuti pa ang HAEDAL at nakagawa na ng pump..
level 11.5 ang naging bottom nila simula noong nag-exit ako sa kanila..
tapos pump hanggang level 18..
so USD 316 sana iyon para sa akin... 🙁

umangat din naman ang NEWT kahit na papaano..
level 30.5 to 35.5..
USD 91 naman sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , nawawasak ko lahat ng nahahawakan ko...


No comments:

Post a Comment