Loveless Story
June 29, 2025...
[Sports]
upset laban kay Alex Eala..
madami siyang nasayang na kalamangan simula regular Set 3..
may mga hindi siya na-maximize na error at regalo ng kalaban..
bukod pa sa gumanda ang coverage ni Maya Joint noong extension na, hinahabol talaga ang bawat bola...
understandable kung bakit lubha siyang nasaktan sa katapusan nung match..
sobrang lapit na kasi niya..
pero mas determinado talaga yung kalaban..
sayang, considering na rin na hindi naman top rankers ang mga kasama niya sa tournament na ito, di tulad noong Miami Open..
but still, all-time high pa rin naman ito para sa kanya...
is 💔 feeling , madami na siyang napatunayan sa world stage.. kulang na lang ng isa...
---o0o---
June 30, 2025...
[Manga]
One Piece
so dahil sa kalokohan ni Estrid..
na kunwari ay kaalaman niya mula sa Geomancy..
eh sinisi ng buong Elbaf si Loki..
samantalang pagtanggap at pagmamahal lang naman ang hinahangad nung bata noon..
naging pasaway si Loki dahil sa mismong rejection ng kanyang ina...
kaya naman noong napatay si King Harald..
na mukhang dahil sa kakayahan ni Im, para i-secure ang inaakala nila noon na Devil Fruit ni Nika na nasa pangangalaga ng Elbaf..?
eh nagmukha nga tuloy na natupad yung gawa-gawa ni Estrid na prophecy..
na kesyo si Loki ang tatapos sa buhay ng sarili niyang ama..
pero hindi batid ng karamihan na na-control na noon ng kalaban ang kanilang hari..?
na ito ang may kagagawan kaya maraming napaslang noon sa loob ng Aurust Castle..
kaya naman umabot sa punto na kinailangan na itong tapusin, o baka hiniling nito na tapusin siya para mapigilan na siya..?
posibleng si Chief Jarul o si Loki ang gumawa..
o posible din naman na walang malay noon si Chief Jarul dahil may saksak na nga siya sa kanyang ulo..?
at inako na lang ni Loki lahat ng sisi para hindi masira ang pagtingin ng mga mamamayan ng Elbaf sa kanyang ama..?
considering na rin na hindi pa nila naiintindihan ang kakakayan noon ni Im na nag-control sa hari..
pinili ni Loki na magsakripisyo, tutal naman eh ayaw na talaga sa kanya ng lahat...?
hinayaan siya ni Gaban na tumulong sa labanan sa kasalukuyan, dahil nga batid nila ni Shanks ang mga naging kaganapan noon sa Aurust Castle...?
is
feeling , mukhang ganun ang nangyari.. t*ng ina, may Ancient Giant na lahi ang mismong sasapi sa Straw Hat Pirates..?? pero hindi siya kasya sa Sunny...?

---o0o---
July 1, 2025...
[Scams]
ruming-rumi talaga ako sa sinapit ng bubong namin..
around Php 50,000 na gastos..
ang kapal ng mukha nung karpintero na mag-request ng Php 25,000 na pakyaw for 4 to 5 days..
nasa Php 1,500 na overestimate para sa materyales..
at sobra-sobrang overestimate para sa labor..
lagpas Php 2,000 na arawan na sahod, pero wala namang nasolusyunan sa problema namin sa tulo ng bubong... 🙁
hindi in-evaluate yung problema..
hindi gumawa ng adjustments..
basta na lang nagkunwari na gumagawa nang mabilis para makuha yung schedule..
yung bubong ang problema, pero halos walang pinakialaman doon.. 🙁
to the point na 2 na lang yung nagtatrabaho para magbuhat at magkabit ng mga kisame sa matataas na lugar...
ngayon eh nadamay pa ang mismong kuwarto ko sa pagkakaroon ng tulo..
mga put*ng inang scammer... 🙁
is
feeling , lahat na lang sa buhay ko nakadisenyo para sa pagkawasak...

-----o0o-----
[V-League]
PVL on Tour 2025
July 1, 2025...
Creamline versus Cignal..
sa Metro Manila lang ang laban..
madami ang live audience kahit na weekday..
masusubukan na ang lakas ng bagong puwersa ng Cignal kumpara sa depleted lineup ng Creamline..
hirap sila dahil wala si Pons at Caloy para magkaroon sila ng mas maraming variation sa attacks...
ang ganda ng floor defense ng Cignal, lalo na dahil kay Duremdes..
tapos hirap pa ang Creamline na pigilan si Santos sa opposite..
activated pa ang blocking ng Cignal laban sa kanila...
3-0, panalo ang Cignal...
is 💔 feeling , sorry, Morado at Galanza.. malaking kawalan ang depensa ni Pons...
---o0o---
VTV Ferroli Cup 2025
June 29, 2025...
Philippines versus Vietnam..
host country kaagad ang kalaban nila..
makikita kung anong magagawa ng players ng bansa na galing sa ibang federation laban sa ibang international teams...
3-0, panalo pa rin ang Vietnam..
at wala ngang nagawa kahit ang mga taga-ibang federation laban sa kanila...
is 💔 feeling , sorry, Morado.. malaki pa rin talaga ang gap...
---o0o---
June 30, 2025...
Philippines versus China..
hindi national team though, club team lang mula sa bansa nila...
3-1, panalo ang Philippines..
pero hindi naman talaga mukhang malakas ang club team na iyon...
is
feeling , para kay Morado...

---o0o---
July 1, 2025...
Philippines versus Australia...
3-0, panalo ang Philippines..
wala pa din talagang threat mula sa mga taga-Oceania, kahit pa European naman ang origin nila...
is
feeling , para kay Morado...

---o0o---
VTV Ferroli Cup 2025 (Quarterfinals)
July 3, 2025...
Philippines versus Thailand..
pero hindi rin sila national team, club team lang nina Kuttika Kaewpin..
kaso hindi na rin siya makakalaro sa VTV dahil ipinatawag siya para sa VNL...
3-0, panalo ang Philippines...
is
feeling , para kay Morado.. Russian club team experience na ang susunod...

---o0o---
VTV Ferroli Cup 2025 (Semifinals)
July 4, 2025...
Philippines versus Russia..
hindi rin national team ang isang ito, club team lang..
pero Russian experience pa rin ito para kina Morado...
3-1, panalo ang Russia..
ang kulang sa Pilipinas..?
yung lakas at liksi ng matatangkad na players na kagaya ng mostly ay nasa West; Europe at South America..
sa Pilipinas yung matatangkad na players usually ginagawang Middle Blocker, at inaalis sa laro sa tuwing nasa back row sila..
samantalang sa mga Western team, kahit matatangkad na players ay pinadedepensa sa likod..
hindi naman sobrang liliksi, pero may coverage, at nakakaya nilang saluhin yung malalakas na palo ng mga kalaban...
is 💔 feeling , sorry, Morado.. kulang din ang puwersa ng mga hybrid laban sa mga Russian...
-----o0o-----
June 28, 2025...
[Trade]
day 564...
pump then dump na naman ng NEWT..
level 35.3 to 40.2..
USD 77 sana iyon para sa akin... 🙁
level 38 to 41 yung sumunod nilang akyat sa maghapon..
USD 43 sana iyon para sa akin..
kaso sobrang fragile talaga ng NEWT, kaya naman pinabagsak lang ulit sila pabalik sa level 38... 🙁
sa ngayon eh umaabot na sa USD 21,000 lahat-lahat ng mga napapakawalan kong potensyal na kita simula noong Imperial New Year ng 2024... 🙁
is
feeling , basurang buhay.. sobrang basura...

---o0o---
June 29, 2025...
[Trade]
day 565...
sinubukan ulit ng NEWT na mag-pump ngayong araw..
pero supot pa rin hanggang sa mga oras na ito..
level 38 to 42.4..
USD 64 sana iyon para sa akin..
kaso bumaba din kaagad sila hanggang level 40...
is
feeling , mag-100% pump na lang kaagad kayo...

---o0o---
June 30, 2025...
[Trade]
day 566...
sinubukan pa rin ng NEWT na mag-pump ngayong araw..
from level 40 to 44.8..
USD 66 sana iyon para sa akin..
pero mali na naman nga ang ginawa ko..
hindi ako nag-exit, samantalang iyon na pala ang peak nila..
at magre-retrace lang pala ulit sila..
katulad ng paulit-ulit din na ginawa laban sa akin sa HAEDAL... 🙁
sa mga oras na ito ay bumagsak na sila hanggang malapit sa level 38... 🙁
is
feeling , the most miserable...

---o0o---
July 1, 2025...
[Trade]
day 567...
umaga nang bumagsak pa ang NEWT pabalik sa bottom nila na level 36..
8 levels ang nalagas in less than 24 hours..
dahil sa pagmamanipula ng ibang tao, na baka mga sindikato pa..
naka-recover sana ako kahit papaano pabalik sa USD 368..
pero ngayon eh nasa USD 300 na naman ako, mula sa USD 444... 🙁
level 36 to 39 yung inakyat kanina ng NEWT..
USD 46 sana iyon para sa akin..
pero ganun ulit..
pump then dump lang..
at complete retrace pa... 🙁
is
feeling , wasak na wasak na ako...

---o0o---
July 2, 2025...
[Trade]
day 568...
at ganun-ganun na lang..
namamalagi na ulit ang NEWT sa critical level nila..
isang pagkakamali, at mas mawawasak pa ang lahat para sa akin... 🙁
at dahil nga nabanggit ko iyon..
eh nangyari na nga..
bumagsak na below level 35 ang NEWT para patuloy akong durugin..
umaabot na sila ngayon hanggang below level 34..
sa puntong iyon ay umaabot na sa USD 168 ang nalalagas sa pondo ko... 🙁
is
feeling , walang titigil sa pagpapalala ng depression.. hangga't hindi tinatapos ng target ang buhay niya...

---o0o---
July 3, 2025...
[Trade]
day 569...
tumaas na ulit ang Bitcoin..
pero wala namang hila para sa NEWT...
gusto ko na lang talagang makalaya mula sa kanila..
mga namimigay ng limpak-limpak na coins sa yappers..
tapos sell-off naman kaagad yung mga lintik... 🙁
is
feeling , USD 0.80.. kahit isang pump lang...

---o0o---
July 4, 2025...
[Trade]
day 570...
taas-baba ang NEWT nang 1 level lang ang ginagalawan... 🙁
is
feeling , kailangan ko lang talagang magising sa isang umaga na nasa level 80 na sila.. kahit 1 beses lang...

No comments:
Post a Comment