Saturday, July 19, 2025

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Third Week of July 2025 (End of Artisan Age)

Loveless Story


July 14, 2025...

[Manga]

so nalinlang nga ako ng full name ni Marshall D Teach..
malay ko bang gagamitin ni Oda yung technique niya kay Portgas D Ace ng 2 beses..
pero sa bagay, tama lang nga pala iyon dahil parehas na delikadong bitbitin yung mga pangalan nila..
at lalong mas delikado yung kay Xebec, dahil threat siya para sa lahat...

kaya pala laging tago yung mukha..
kamukha pala ni Teach..
medyo malinaw na ngayon kung bakit espesyal si Teach...

is feeling , manloloko ka, Oda...

---o0o---


July 15, 2025...

dahil wala namang kuryente halos buong araw..
eh nag-decide ako na i-repair itong bubong namin na hindi na-repair sa halagang Php 50,000..
mabuti na lang at dumating kahapon yung waterproof tape na in-order namin..
nag-install na muna ng 1, out of 3..
itse-check muna kung aling tapal ang makakapigil sa mga tulo..
umulan ngayong araw, pero wala naman kaming na-detect na tulo..
pero siguro kailangan pang mag-obserba ng mas malalakas na ulan in the future...

is feeling , Php 25,000 na pakyaw na labor, pero wala namang na-repair..? ang nagre-repair, yung ini-evaluate nang husto ang problema, hindi yung paspas na lugi ang kliyente...

---o0o---


July 17, 2025...

araw na naman ng paniningil..
51 months na.. 🙁
33 months na walang ibinabayad..
at 19 months nang sadyang pinutol na communication...

yung mismong account ng babaeng kapatid niya eh hindi naman ma-send-an ng message..
tapos wala na akong mahanap sa mga kamag-anak niya lately...

di ko pa rin magawang idamay sa singilan yung stepmother niya..
nakakatakot kasi na baka mam-block lang if ever...

paano ko ba talaga mababawi yung pera ko...?? 🙁

is feeling , maagnas sana 'yang peke mong ilong...

---o0o---


July 18, 2025...

ilang araw na rin ngang umuulan..
at wala naman nang tumutulo sa kisame namin..
so mukhang tama nga yung padalawa kong nilagyan nung tape..?
yung may puwang sa pagitan ng pinagpatong na yero...

still can't believe na Php 25,000 ang ibinayad sa mga walang silbi na karpintero na iyon..
samantalang nasa lagpas Php 200 lang pala na waterproof tape ang kailangan namin na solusyon...

is feeling , wala na bang totoong manggagawa sa panahon ngayon..? lahat na lang ba eh scammer..? para may trabaho ulit sila kapag bumigay na yung ginawa nila...??

-----o0o-----


July 12, 2025...

[Trade]

day 578...

wala na..
nasa dip na ulit kaagad ang NEWT..
USD 77 Million na pagtaas sa trading volume..
lagpas sa market cap nila..
pero wala namang naging malaking pagbabago sa palitan..
nababalutan ng anomaly dahil sa presence ko sa poder nila... 🙁

samantala..
nakapagdagdag pa ng pump ang HAEDAL kahapon..
from level 16 to 17.5..
karagdagang USD 51 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , palpak sa WCT.. palpak sa HAEDAL...

---o0o---


July 13, 2025...

[Trade]

day 579...

nagawa na pala ulit ng ARDR yung usual recovery nila..
below level 80 to 120 na pump..
50%..
so USD 279 sana iyon para sa akin... 🙁

may additional pump din para sa HAEDAL..
level 16 to 18..
so USD 69 sana iyon para sa akin.. 🙁
bago sila muling bumalik sa level 16...

samantalang ang NEWT..?
nananatili sa Impiyerno nang dahil lang sa akin... 🙁

is feeling , 12 days left bago ang first month nila sa Binance...

---o0o---


July 14, 2025...

[Trade]

day 580...

may additional na ulit para sa HAEDAL..
level 16 to 17..
USD 34 sana iyon para sa akin... 🙁

umangat naman ang NEWT ngayong araw..
dahil na rin sa hila ng Bitcoin, na nasa mas mataas ng level sa ngayon..
pero supot pa rin..
level 30.2 to 33.1..
USD 53 sana iyon para sa akin... 🙁

is feeling , yung kamalasan ko lang talaga ang tanging paliwanag kung bakit wala akong nararanasan na massive pump sa ilang taon ko sa Binance...

---o0o---


July 15, 2025...

[Trade]

day 581...

karagdagan na naman para sa HAEDAL..
level 16.7 to 21.5..
USD 160 sana iyon para sa akin... 🙁

samantalang ang NEWT ay walang kakuwenta-kuwenta ang level... 🙁

is 💀 feeling , kasumpa-sumpa ang buo kong pagkatao...

---o0o---


July 16, 2025...

[Trade]

day 582...

additional pump na naman para sa HAEDAL kaninang madaling araw..
level 19 to 24..
USD 146 sana iyon para sa akin.. 🙁
ang lakas na dala-dala ng Curse Release ko..
ang kalayaan para maging masuwerte...

samantala..
supot na pump pa rin lang ang nagawa ng NEWT..
level 30 to 32..
so USD 36 sana para sa akin... 🙁

is feeling , basta nasa loob ako ng trade.. lagi na lang supot ang pump kumpara sa kailangan ko upang makalaya...

---o0o---


July 17, 2025...

[Trade]

day 583...

at tuluy-tuloy pa rin nga sa pag-angat ang HAEDAL dahil sa paglaya nila mula sa malagim kong sumpa..
from level 20.3 to 26.3..
USD 165 sana iyon para sa akin... 🙁

level 23.6 to 30.5 pa yung sumunod nila..
USD 163 naman sana iyon para sa akin... 🙁

at ganun-ganun na lang..
kumita na ang HAEDAL nang lagpas USD 1,000 simula noong nawala ako sa poder nila... 🙁

is feeling , ako ang tagapagdala ng kamalasan.. at nasa NEWT ngayon ang maysa-demonyong sumpa na iyon...

---o0o---


July 18, 2025...

[Trade]

day 584...

umaabot na ngayon sa level 33 ang NEWT..
pero kulang pa rin para sa akin..
hanggang saan kaya ang mararating nila habang natutulog ako...??

is feeling , isang umaga na malaya na mula sa depression.. iyon ang kailangan ko...


No comments:

Post a Comment