NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...
mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...
is π feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...
---o0o---
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is π feeling , day 1834...
-----o0o-----
bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
https://blogngpotassium.blogspot.com/2023/05/wasting-funds.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2023/05/wasting-funds.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2024/09/liars-invaders.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2025/05/excuse-for-criminals-political.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2025/05/excuse-for-criminals-political.html
update (512 + 501 + 205 + 74 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- (no entry yet)
- yung sinibak na 5 airport police sa NAIA dahil nangingikil daw ng 40% sa mga taxi driver doon
- sa General Santos City, yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista
- sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, yung 2 opisyales ng BuCor na nabisto sa tangkang pagpapapasok ng kahon-kahong alak at sigarilyo
- yung 2 junior officer na nag-file ng rape case laban sa isang high-ranking Philippine Air Force official, through sexual assault daw
- sa Ilocos Sur, yung pulis na nahuli sa entrapment operation dahil sa tangkang sextortion
- sa isang hotel sa Tuguegarao City, yung nakunan ng video na 2 opisyales ng LTO, na nakitang nananakit ng 2 daw na binatilyo doon sa event
- sa Argao, Cebu, yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos
- sa DasmariΓ±as, Cavite, yung Barangay Captain at 2 Kagawad na napatay sa pamamaril ng isang Barangay Tanod habang nasa flag ceremony sila
- sa Davao City, yung babaeng negosyante na napatay sa pamamaril ng karelasyon daw nito na pulis
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- yung dating Spokesperson na nasa 3 daw ang passport ayon sa DOJ
- yung napasok na rin ng Monkeypox ang probinsiya ng Iloilo
- yung napapasok na rin ng Monkeypox ang iba pang rehiyon sa bayan
- yung 500% na pagtaas ng naitala na kaso ng HIV para daw sa age group na 15 to 25 y/o
- yung ginulpi dati na PWD na lumalabas na may violent tendencies talaga, na malaya pa ring nakakaperwisyo doon sa EDSA Bus Carousel
- yung pambabarat ng mga trader sa palay ng mga magsasaka, kasi kesyo daw ay may Php 20 ng bigas
- sa Benguet daw, yung itinatapon na yung ibang carrots dahil sa oversupply
- sa bagong pamunuan ng DOTr, yung higit daw sa kalahati ng mga napautang na para sa jeepney modernization ang hirap namang makabayad
- yung 2 traffic enforcer na lumabag sa batas gamit ang kanilang mga sasakyan, na t-in-icket-an ng MMDA
- sa Baguio City, yung hepe ka sa LTO, pero nahuli ka dahil sa drunk driving
- yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT, bagay na hindi ginawan ng paraan ng nakaraang administrasyon
- yung lumalabas na palpak yung safety bollards sa NAIA na kasama sa projects para doon sa airport noong 2019, Php 8 Million daw yung budget para dun kaso nabuking na iyon yung mababaw lang ang pagkakabaon
- sa OWWA, yung hindi aprubadong pagbili ng nasa Php 1.4 Billion daw na halaga ng lupain ng dating administrator last year
- yung namigay nang namigay ng lisensya ang PAGCOR sa mga online gambling company, pero ngayon ay target na silang i-ban ng ilang mga Senador
- yung Senador na gustong i-regulate ang mga online streaming platform, samantalang regulated na yung age ng mga user ng kanilang payment processor, at yung may-ari na lang ng account ang dapat gumabay sa minors na pagagamitin nila nung account
- kay Senator Hontiveros, yung laging tinataniman ang panig niya ng mga testigo na bigla na lang binabaliktad ang mga nauna nilang testimonya
- yung naganap daw na pagbabawas ng boto ng ilang transparency server para sa eleksyon, kesyo may mga nagdoble daw kasi ng transmission kaya itinama
- sa Dumaguete at Zamboanga, ayon sa PPCRV, yung hindi nagtugma ang actual na bilang ng mga bumoto kumpara sa mga balota na nabilang, di hamak na lamang yung nabilang na balota kumpara sa naging botante
- yung mga reklamo na mali daw ang nabilang na kandidato sa resibo, kumpara sa totoong mga ibinoto nila
- sa social media, yung pagkalat ng mga pekeng election survey gaya nung para sa Davao City
- yung mga Senator judge na nag-aabogado para sa mismong nasasakdal
- yung manipulasyon ng maraming Senator judge sa impeachment case, sa pamamagitan ng pagbabalik nung articles of impeachment sa Lower House
- yung Senador na itinuturing kaagad na witch hunt lang ang impeachment laban sa Vice President
- yung Senador na kakampi ni Tanggol sa paglaban sa katiwalian, pero ayun at takot palang lumaban sa katiwalian sa totoong buhay
- yung Senador na matapang lang sa pakikipaglaban sa kasamaan sa mga programa nila sa TV, pero takot din palang bumangga sa alyansa ng mga tiwali
- yung Senador na nakipag-argue pa, may party-list pa sila na lumalaban kuno sa kuropsiyon, pero kasama din naman pala siya sa mga magmamanipula sa konstitusyon
- sa Senado, yung video na nagpapakita na talagang kaalyado ng mga tutol sa impeachment trial ang 1 akala mo eh partial na Senador, para guluhin sa pagsasalita ang 1 Senadora na pabor na bigyan ng katarungan ang bayan
- yung Senador na nag-endorse ng AI-generated video, kung saan gumamit ng parang estudyante na pinapalabas na pamumulitika lang ang impeachment laban sa Vice President
- yung walang pakialam yung isang Senador kung FAKE AI news ang ipinapakalat niya
- yung Senador na gumawa ng Senate resolution para ibasura na kaagad ang impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
- yung FAKE news ng isang Senador, na kesyo guided siya ng holy spirit
- yung Senador na gumawa naman ng Senate resolution para i-dismiss na kaagad ang kaso ng impeachment laban sa kaalyado nilang Vice President
- yung Senador na gustong magpasunog, na patunay na ang katapatan niya ay hindi para sa bayan, kundi para sa kaalyado niyang angkan lamang
- yung Senador na naninindak ng kapwa niya Senador, dahil lang sa hindi kaagad masunod ang kagustuhan ng alyansa nila na maibasura na kaagad ang impeachment case laban sa kaalyado nilang Vice President
- yung kasalukuyang Mayor ng Davao City na binatikos ang pagtalaga sa latest na PNP Chief, samantalang ang tatay niya mismo ay nagtalaga kaagad ng 1-Star General lamang bilang PNP Chief noong panahon nito
- yung Mayor ng Davao City na nag-endorse din nung AI-generated video na nagpapakalat ng FAKE na opinyon ng kabataan
- yung Representative mula sa Davao City na kinasuhan ng physical injuries at grave threats
- yung pagpabor ng Vice President sa pagpapakalat ng AI-generated content na nagpapakalat ng FAKE news
- yung FAKE news ng Vice President na kesyo ang mga Senador na sumusunod sa konstitusyon at lumalaban sa katiwalian DAW ang mga bias
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- yung lumalabas na majority ng mga botante sa kabuuan ng Mindanao at sa Cebu Province eh supporters at protektor ng katiwalian
- sa Abra, yung nakunan ng video na 2 poll watcher na nagse-shade ng mga balota para sa mga botante
- yung walang kuwentang survey na nagpapakita na pabor ang maraming botante sa mga kriminal
- yung panibagong walang kuwentang survey tungkol sa impeachment, kesyo 42% daw ng 1,200 ang gustong protektahan ang katiwalian
- yung mga mamamayan na naloko ng FAKE news tungkol sa CMEPA at mga savings account sa banko
- yung ang seselan ng mga lokal na mamamayan, siguro 2021 to early 2022 pa pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero, pero ngayon pa sila nandidiri sa mga isda mula sa Taal Lake
- yung nasa 9 na aso na namatay matapos na kumain ng kanin na may lason dahil pinabayaan lang silang nakakawala ng kanilang mga amo sa kabila ng abiso
- yung rider na aksidenteng nabundol ng SUV dahil sa biglang pagtawid ng isang walang kuwentang aso, na ikinamatay ng kanyang angkas
- sa Boracay, yung anak at pamangkin ng isang Senador na basta na lang ginulpi ng mga kalalakihan
- sa Santiago City, Isabela, yung solo rider na basta na lang binugbog at pinalibutan ng isang grupo na may mga naka-motor din
- sa Isabela City sa Basilan, yung estudyante na binugbog ng 2 kapwa niya estudyante matapos daw tumanggi nung biktima na gumamit ng sigarilyo
- sa Bambang, Nueva Vizcaya, yung babaeng estudyante na binugbog ng mismong mga kaibigan niya sa labas ng paaralan, na nagsimula lang daw dahil sa negatibong komento
- sa Makati City, yung French daw na tinurukan ng pampatulog ng mga lokal na mamamayan habang nakasakay sila taxi upang mapagnakawan
- ang patuloy na paghahasik ng lagim ng Houthi sa Red Sea sa pamamagitan ng pagpapalubog ng mga cargo ship
- yung pagsisimula naman ng Israel ng giyera laban sa Iran
- yung paglaganap daw ng iba't ibang klase ng sakit sa hanay ng mga nahuling illegal POGO workers
- sa Sual, Pangasinan, yung nasa 9 daw na menor de edad, na mga lokal na mamamayan, na sinamantala ng mga Imperial citizen nilang amo, kesyo hindi daw pinapasahod nang tama para sa trabaho nila doon sa fish pen
- sa Bunawan, Agusan del Sur, yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining
- sa ParaΓ±aque City, yung 2 Imperial citizen na pinapatubos ang passport ng kapwa nila Imperial citizen, kung saan nanuntok pa ng mga awtoridad ang isa sa mga suspek noong hinuhuli na sila
- sa Mariveles, Bataan, yung 10 nahuli na Imperial citizen na nagpapatakbo ng love at cryptocurrency scam hub
- sa isang condominium unit sa ParaΓ±aque City, yung nabisto na scam hub kung saan nagsisira na yung mga Imperial citizen ng ebidensya sa pamamagitan ng paghahagis ng mga gadget palabas ng kanilang bintana
- sa Cavite, yung naaresto na 2 Imperial citizen na sinubukang tumakas sa checkpoint, na mukhang sangkot daw sa kidnapping
- sa Makati City, yung babaeng Vietnamese na dinukot at ginahasa ng 3 Imperial citizen, na sinubukan pang manghingi ng ransom sa asawa nung biktima
- sa Pulilan, Bulacan, yung 2 Imperial citizen na nahulihan ng IMSI catcher
- malapit sa may Pag-asa Island, yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia
- yung barko ng BFAR na binomba ng water cannon ng Imperial coast guard
-----o0o-----
July 12, 2025...
sa Argao, Cebu..
yung lalaking pinatay sa pamamaril ng SK Federation President nang dahil lang daw sa selos...
is
feeling , buwagin na kasi.. wala naman kuwentang mga pasuwelduhin...

---o0o---
July 13, 2025...
2021 to early 2022 pinagpapaslang yung mga nawawalang sabungero..
tapos ngayon pa mandidiri ang mga tao sa Tilapia at Tawilis..?
huli na ang lahat..
dahil 4 years na ang nakaraan... π
dapat magbayad yung nakaraang administrasyon sa mga mamamayan..
dahil tinulugan nila yung kaso..
at hinayaan ang mga tao na makakain ng mga isda na nakakain naman ng mga labi nung mga sabungero... π
is
feeling , hanay na nga ng mga kurakot.. tapos tinulugan pa yung kaso noon...

---o0o---
July 14, 2025...
[Natural Calamities]
sa bandang ibaba pa rin..
nasa Magnitude 5.1 na lindol..
sa may area ng Davao Oriental...
is
feeling , kabayaran...

>
malapit sa may Pag-asa Island..
yung umaabot sa 464 square meters ng coral reef na nasira ng parachute anchor ng isang Imperial fishing militia...
is
feeling , basura ang tingin nila sa lahat.. maging sa yamang dagat na pinagkukunan nila ng resources...

>
sa Bunawan, Agusan del Sur..
yung 13 katao, kabilang ang 4 na Imperial citizen, na nahuli dahil sa illegal mining...
is
feeling , ilegal lahat para sa mga Imperyalista...

>
sa General Santos City..
yung 5 pulis na inireklamo dahil sa pangingikil sa isang motorista...
is
feeling , puros katiwalian nga naman sa itaas, so bakit hindi pwedeng gawin sa bandang ibaba..?

---o0o---
July 15, 2025...
naaawa ako sa mga online betting company na may lisensya..
so pinayagan sila ng PAGCOR..
kaya nag-endorse tuloy yung mga artista..
at bagong sali pa lang nga yung megaFUNalo..
tapos ngayon ay biglang gustong magpapogi ng maraming pulitiko..
wala silang magawa para sa bayan patungkol sa impeachment laban sa Vice President..
kaya naman magpapakitang gilas sila sa pamamagitan ng total ban laban sa mga lisensyadong online betting companies...
is
feeling , mga technique ninyo, bulok...

---o0o---
July 16, 2025...
[Natural Calamities]
kahapon..
sa bandang itaas na..
nasa Magnitude 5.5 na lindol..
sa may area ng Ilocos Norte...
is
feeling , para wakasan ang pagsasayang ng pondo sa mga ayuda...

---o0o---
July 17, 2025...
yung nagagamit na ngayon yung mga Dalian train para sa MRT..
ibig sabihin..?
may magagawa naman talagang paraan..
pero pinili ng nakaraang administrasyon na walang gawin..
para lang talaga magamit iyon na panira sa sinundan nilang administrasyon noon...
is
feeling , alam na ngayon kung sino ang totoong nagsayang at nagpaluma doon sa investment...

---o0o---
July 18, 2025...
nakakaawa na talaga ang mga lokal na mamamayan..
yung mga naloko ng FAKE news tungkol sa Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA)...
di ba nila naisip na imposible yung 20% tax sa mismong savings..?
dahil makakain nun yung pera..
1/5 nung pondo every month eh sobrang bilis para i-deplete iyon..
lantarang pagnanakaw kung ganun...
is
feeling , kalidad ng mga lokal na mamamayan.. kaya ganito ang bayan na ito sa panahon ngayon...
