NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...
simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...
record ng ekonomiya..
record ng palitan ng piso sa dolyar..
record ng mga inutang..
record ng mga kinamkam at pinagnakawan..
record ng mga inabuso..
record ng mga itinumba..
record ng mga nawawala..
record ng mga kaso...
mga wala kayong utak..
at lahat kayo ay masasama...
is 💀 feeling , from Php 3.91 to Php 20.46 na exchange rate.. from USD 599 Million to USD 26.7 Billion na utang.. sa kanila nagsimula ang pagkawasak...
---o0o---
daily prayer...
sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...
at sana maging maayos na ulit ang mundo...
is 💀 feeling , day 1981...
-----o0o-----
bagong impiyerno, bagong listahan..
lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
https://blogngpotassium.blogspot.com/2023/05/wasting-funds.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2023/05/wasting-funds.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2024/09/liars-invaders.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2025/05/excuse-for-criminals-political.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2025/05/excuse-for-criminals-political.html
update (512 + 501 + 205 + 208 + 63 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...
una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
una, ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
- yung ibinida ang bayan sa APEC para daw sa mga dayuhang investor, sa kabila ng mga nabubuking na katiwalian sa pamunuan
- yung nag-resign na Executive Secretary at Budget Secretary matapos na madawit ang mga kagawaran nila sa isyu sa flood control projects
- yung claim ng Malacañang na kusa DAW na nag-resign yung Executive Secretary dahil sa delikadesa, bagay na itinatanggi ngayon nung tao, dahil sinabihan daw siya na kailangan na niyang umalis
- yung nasaktan na naman ang mga government teachers at nurses, dahil mas nauna na naman kesa sa kanila ang umento sa sahod ng mga armadong empleyado ng gobyerno, na malamang ay dahil sa mga banta ng destabilization
- sa Northern Police District, yung sinibak na opisyales matapos daw na magpalabas ng isang detainee
- kaugnay sa nangyaring raid noong 2024 sa Bataan laban sa isang suspected na scam hub, yung nasa Php 13 Million daw na halaga ng ipinababalik na nakumpiska na pera noon, na lumalabas na pinaghati-hatian daw ng 6 na pulis at pinalitan na lang ng budol money
- sa Davao City, yung 3 nahuli dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga baril, kung saan kabilang ang 1 pulis
- sa Quezon City, yung 3 pulis na nanggulo sa isang KTV bar, nagkasa daw ng baril yung iba at nagbasag din ng mga bote
- sa Bulacan, yung pulis na napatay sa engkuwentro matapos daw na mang-holdap ng isang convenience store
- sa Porac, Pampanga, yung 5 pulis na nagnakaw daw ng nasa Php 14 Million laban sa isang private contractor
- sa Cavite, yung buy-bust operation daw ng nasa 14 na pulis, na nauwi daw sa panghahalay ng team leader nila sa 18 y/o na babae, bukod pa sa may kinuha daw sa kanila na mga gamit
- sa Dasmariñas, Cavite, yung Barangay Captain na namaril at nakapatay ng kanyang kapitbahay matapos daw siyang sitahin ng biktima nang dahil sa videoke at inuman
- sa Negros Occidental, yung pulis na nakabaril at nakapatay sa kanyang nobya
- sa Bangued, Abra, yung 2 pulis na namatay sa barilan ng magkakabaro sa loob ng mismong istasyon nila
are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
- yung umamin na yung nagbitiw na Party-list Representative, at idinamay na niya sa iskandalo ng budget insertion ang mismong Pangulo, nasa Php 100 Billion daw na halaga ng insertion ang iniutos
- yung ayon sa isang Senadora ay may mga testigo daw sa flood control scandal ang babaliktad
- sa rally ng isang religious group, yung claim ng isang Senadora na kesyo mga durugista daw ang kanyang kapatid na Pangulo, ang First Lady, at maging ang mga anak nila
- kung totoo ang mga claim nung Senadora, eh lumalabas na nag-endorse ang partido nila dati at yung religious group ng durugista noong nakaraang Presidential Election 2022, na batid niya iyon pero inilihim niya kapalit ng pagkamal nila ng mga kapangyarihan sa pamahalaan
- yung sunog sa Senate building
- yung mga ghost na super health center ng DOH na nagsimula pa sa nakaraang administrasyon
- sa DPWH, yung sa halip pala na mapamura nila ang presyo ng mga binibili nilang materyales, eh overpriced pa pala ang nangyayari
- yung 3 gusali daw ng LTO na ginawa ng contractor na related sa nag-resign na Party-list Representative, na overpriced na nga pero underutilized naman
- yung tax evasion case laban sa mga DPWH engineers na dawit sa mga katiwalian sa flood control projects
- yung may nagbitaw na nga kaagad na opisyal mula sa ICI, kahit na hindi pa nga nila nagagampanan nang husto ang kanilang purpose
- sa ICI, yung abunado na daw para sa operasyon nila yung iba nilang mga tauhan
- yung kaduda-duda nang nagkakasakit yung mga taong kailangang kausapin ng ICI
- sa Quezon City, yung nasunog na opisina ng DPWH
- yung may mga mambabatas DAW na nakitaan ng bank account na may bank transfer mula sa mga contractor
- yung mga contractor na demanding para maging state witness sila, samantalang kasabwat sila sa katiwalian at napatunayan nang may mga ghost project
- yung kaugnayan daw ng construction firm ng tatay ng isang Senador sa kompanya ng mga Discaya upang makakuha sila ng mga proyekto ng gobyerno sa Davao Region
- yung pinuno sa PAGCOR, na may dating kaugnayan sa kompanya ng contractor, kung saan bahagi pa rin ang kanyang mga kamag-anak, na ang dami ng nakukuhang government infrastructure projects
- yung Representative mula sa Surigao del Sur, na sinampahan ng kasong graft at plunder, dahil daw sa dating kaugnayan niya at sa kasalukuyan naman ay ng kanyang mga kamag-anak sa kompanya ng contractor na nakakakuha ng mga government infrastructure project
- yung mga kompanya ng contractor na una nang na-claim ng mga Discaya na sa kanila daw, pero lumalabas ngayon sa record sa SEC na hindi naman pala sa kanila nakapangalan ang mga iyon
- yung mga opisyales sa LGU na nagpuntahan sa iba't ibang bansa kahit pa may balita na tungkol sa mga paparating na bagyo
- sa La Loma, Quezon City, yung napeste ng African Swine Fever yung mga litsunan doon
- yung mga local water district na gusto nang kumalas sa deal nila sa PrimeWater, kasi nga daw ay palpak naman ang serbisyo
- yung driver ng isang Undersecretary ng DOTr na napaaway sa isang multicab driver, kung saan gumamit sila ng sasakyan na may Protocol Plate Number 10
- sa BIR, yung money-making scheme daw gamit yung LOA, kung saan nasa 70% daw ng nakokolekta ay hindi naman napupunta sa gobyerno
- yung umaabot na daw ngayon sa Php 8.8 Billion ang lugi ng kasalukuyang pamunuan ng GSIS
- yung nasilip ng COA sa SSS, yung binili daw ng mga ito na nasa Php 13 Million na halaga ng nasa lagpas 143,000 na tissue paper
- yung nasilip din ng COA sa SSS, yung gumastos sila ng nasa Php 333 Million sa prestige awards para sa cash incentives ng nasa 6,000 mahigit na tauhan ng SSS
- yung pinapadalhan na ng mga subpoena ang mga student leaders na nag-o-organize ng mga protesta laban sa katiwalian, sa halip na imbestigahan yung mga marahas na pekeng protesta ng mga kriminal na h-in-ire ng ibang kampo
- sa Marikina City, yung lalaki na nakulong na daw ng 15 taon, pero naging magnanakaw naman ng cellphone matapos na makalaya nitong April 2025
- yung pagpapalaya sa babaeng kinatawan ng POGO firm na Lucky South 99 mula sa Correctional Institution for Women, na Congress daw ang may kagagawan
- yung nakalabas na daw ng bansa yung babaeng bahagi ng Lucky South 99 at hindi na siya ma-trace ngayon ng gobyerno
- yung Senador na hindi na daw nakikita sa Senado simula noong lumabas yung balita na may arrest warrant na ang ICC laban sa kanya
- sa COMELEC, yung wala daw problema ang pagtanggap ng isang Senador ng milyung-milyong donasyon mula sa government contractor noong 2022 election
- yung nanalong Senador na hindi nagdeklara nang tama sa kanyang SOCE, matapos na mabuking na hindi tugma ang kanyang SALN at nakaraang SOCE
- yung Senador na dismissed na pala dapat noong 2016, pero binaliktad daw nung nakaraang Ombudsman yung desisyon
- yung kahit may nawalang pondo ng bayan, kahit wala namang output, eh gusto pa rin ng mga korte na may concrete na ebidensya na dumaan nga sa mga kamay ng mga suspek yung nawalang pera
- yung ang dami na ngang nawala sa school calendar dahil sa mga sakuna, tapos nakikain pa ng weekdays ang ilang araw na rally ng isang sekta na nag-e-endorse din naman sa mga kriminal
- noong nabuking ang Vice President nila, eh todo protekta sila at tutol sa impeachment, tapos ngayon eh nagkukunwari na naghahangad ng transparency
- yung pag-a-award ng chapter ng IBP sa Davao City sa maling tao na madaming ginawang kuwestiyonable laban sa bayan
- sa OVP, yung nasa Php 3.9 Million daw na halaga ng mga laptop, tapos ang paliwanag lang ay clerical error daw iyon
- yung Congressman mula sa Davao City na ayaw magpaimbestiga sa ICI
- yung Representative sa Davao City na ayaw na ayaw na nalalaman ng minamahal nilang Imperyo na may weapon system na kayang magdepensa sa bayan kahit na papaano
at may kaso na iba-iba ang kategorya:
- sa Quezon City, yung 13 y/o na estudyante na kinuyog matapos na mapagkamalan na kaaway ng mga suspek
- sa Sampaloc, Manila, yung riot ng mga kabataan na nag-ugat lang sa masamang tinginan
- sa General Trias, Cavite, yung 16 y/o na estudyante na napatay sa pananaksak ng kapwa nila menor de edad daw na estudyante na sinalag daw yung saksak para sa kanyang kasamahan
- sa Maynila, yung mga nasabat na smuggled na carrots mula sa Imperyo
- yung bangka ng mga Imperyalista na pumasok sa may malapit sa area ng BRP Sierra Madre, na itinaboy ng mga lokal na sundalo, at nadiskubre na gumagamit ng cyanide sa pangingisda
- sa may Bajo de Masinloc, yung mga bangka ng mangingisda na halos banggain na ng mga barko ng Imperyo, at tinapatan din daw sila ng LASER
- malapit sa may Pag-asa Island, yung 3 barko ng BFAR na nakaangkla lang na nilapitan ng mga barko ng Imperyo, tinira ng water cannon, at binangga din
-----o0o-----
December 9, 2025...
yung nasilip ng COA sa Social Security System (SSS)..
yung binili daw ng mga ito na nasa Php 13 Million na halaga ng nasa lagpas 143,000 na tissue paper..
bale pumapatak na around Php 90 ang per unit...
is
feeling , ano nang nangyayari sa pera ko sa SSS...??
>
yung nasilip din ng COA sa Social Security System (SSS)..
yung gumastos sila ng nasa Php 333 Million sa prestige awards para sa cash incentives ng nasa 6,000 mahigit na tauhan ng SSS...
is
feeling , ano nang nangyayari sa pera ko sa SSS...??
---o0o---
December 12, 2025...
ang totoong anti-dynasty bill..?
eh yung mapipigilan ang sabwatan at pang-iimpluwensiya ng isang angkan sa sistema ng pamumuno..
siguro yung tipo na 1 tao lang mula sa isang angkan, hanggang fourth degree ng pagiging magkadugo at first degree ng pagiging in-laws, ang pwedeng makakuha ng katungkulan sa 1 buong probinsya..
para maiwasan ang sabwatan sa pagitan ng mga barangay at city..
tapos ay 1 din lang sa national position, kung saan magka-level lang ang pagtingin sa pagtakbo sa Senado at sa Congress...
is
feeling , malamang kakalat ang mga magkakadugo sa iba't ibang probinsiya kapag nagkaganun.. pero siguro naman ay hindi na magiging madali ang pagtatayo ng mga sindikato ng magkakapamilya...
>
yung pinuno sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR)..
na may dating kaugnayan sa kompanya ng contractor, kung saan bahagi pa rin ang kanyang mga kamag-anak..
na ang dami ng nakukuhang government infrastructure projects...
is
feeling , walang delikadesa...
>
yung Representative mula sa Surigao del Sur..
na sinampahan ng kasong graft at plunder..
dahil daw sa dating kaugnayan niya at sa kasalukuyan naman ay ng kanyang mga kamag-anak sa kompanya ng contractor na nakakakuha ng mga government infrastructure project...
is
feeling , mga walang delikadesa.. simple lang naman eh.. kung gusto ng posisyon sa gobyerno, edi automatic dapat na banned sa pagkuha ng government projects.. kung gusto naman ng government project, edi dapat banned sa pagiging bahagi ng gobyerno...