Friday, December 25, 2020

Legal Murderers & Triple Quake

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



daily black prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is πŸ’€ feeling , day 168...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 92 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
  • yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan
  • yung palusot na kesyo may sakit daw sa utak yung pulis na innocent-killer sa Tarlac
  • yung kailangan DAW ng modernization para sa mga armadong empleyado dahil sa pandemic at natural calamities, pero sino bang nagpapatulog nung pera sa PITC
  • yung gustong gawin nang libre ang swab test, pero ni hindi nga mabayaran ang lahat ng utang sa Philippine Red Cross
  • yung ilang araw ng topic yung tungkol sa bagong COVID-19 virus strain mula sa UK, pero late nang kikilos

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • sa Angeles City, yung pulis na nahuli sa buy-bust operation
  • sa Davao City, yung empleyado ng Davao City Treasurer's Office na nahuli sa buy-bust operation sa loob mismo ng gusali ng Sangguniang Panlungsod
  • sa Isabela, yung pulis na nahuli dahil sa robbery extortion laban sa isang babae na may kinakaharap na maraming kaso
  • sa Navotas City, yung naka-AWOL na pulis na naaresto dahil sa pangongotong
  • sa Ermita sa Manila, yung 2 tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau na hinuli dahil sa pangingikil
  • yung empleyado ng DOJ, na nahuli sa entrapment operation dahil sa pangingikil ng tinatawag daw na pasalubong mula sa isang customs broker
  • sa Mabalacat, Pampanga, yung dating pulis, na nag-AWOL, na hinuli dahil sa kasong murder
  • sa Paniqui, Tarlac, yung pulis na innocent-killer na pumatay ng walang kalaban-laban na mag-ina nang dahil lang sa away sa boga at righ of way

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
  • sa Baguio City, yung lalaking dinukot at pinatay, pinugutan pa yata ng ulo, kung saan 2 pulis ang mga suspek na miyembro raw ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera
  • sa Tarlac, yung natagpuang bangkay ng isang dating Court of Appeals justice, na pinutulan daw ng kamay at ng mga daliri
  • yung Mayor ng Los BaΓ±os, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall
  • yung pagkamatay ng Counter Terrorism Division Chief ng National Bureau of Investigation (NBI) sa loob mismo ng kanyang opisina
  • yung mag-asawang former peace consultants na napatay daw sa police operation na isinagawa nang madaling araw
  • sa Negros Oriental, yung nire-red tag na babaeng doktor at ang kanyang asawa na biktima ng tumbahan
  • yung maraming mga hinuhuli sa panahon ngayon dahil kesyo sa pagtatago ng mga armas
  • yung sinasabing Search Warrant Queen

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
  • yung pagbibigay ng executive branch ng mga kondisyon para ma-certify na urget yung anti-money laundering law amendments bill
  • sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
  • sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
  • yung bad example na senador na nagsasabi na magmalasakit daw at mahalin ang mga pulis, kahit na may mga kriminal sa hanay ng mga ito
  • yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
  • yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
  • yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
  • yung problema sa usapin sa face shield, dahil biglaan na naman ang pagpapatupad nang hindi naman pinag-aaralan lahat ng klase ng sitwasyon
  • yung pagpabor sa Imperial vaccine kahit na mahal pala iyon at wala pang Phase III trial
  • yung nasa 50% pa lang daw ang efficacy nung Imperial vaccine kahit na mas mahal iyon
  • yung pagpapakawala RAW sa Pfizer vaccine deal
  • yung mga pabayang barangay kung saan pinapabayaan lang ang mga nagpa-party at videoke sa panahon ng COVID-19
  • sa Davao City Hall, yung 14 daw na empleyado na nahuling nagpa-party, nag-iinuman pa raw habang naka-duty
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
  • yung kagustuhan ng SSS na ituloy pa rin yung pagtataas ng kontribusyon ng mga members sa 2021, sa kabila ng problema sa COVID-19
  • yung Workers' Investment and Savings Program (WISP) ng SSS, kung saan obligado raw na maghulog ang mga members na may higit sa Php 20,000 na monthly income, bukod pa sa tuloy nga yung increase sa basic na contribution sa 2021
  • yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
  • yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
  • yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
  • sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
  • sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
  • yung hindi raw pulido na RFID sensors sa NLEX
  • yung mga kuwestiyonableng kaltasan sa RFID load, para sa NLEX lang yata 'to
  • yung hindi raw tamang pagganap ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kanilang tungkulin, dahilan kung bakit may mga palpak na sistema hanggang sa ngayon
  • sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
  • yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
  • yung pag-iinitan na naman ang mga truck dahil sa problema sa traffic, samantalang sila nga ang nagde-deliver ng mga goods
  • yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
  • yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
  • yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
  • yung pagtatanggol ng mga opisyal sa mga investor ng tollway sa kabila ng mga obvious na pagkukulang
  • yung kapag nasisita eh hindi member, pero kapag tungkol sa utang o limos ang usapan eh automatic na member
  • yung opisyales na kumanta sa isang restaurant sa panahon ng COVID-19, pero palalagpasin na lang siya ng DILG
  • yung panibagong impeachment complaint, laban pa rin sa tao na hindi ang hanay nila ang nag-assign sa katungkulan
  • yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
  • yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
  • yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
  • yung opisyales nag-uutos na bawal daw ang mga party, pero sila mismo eh masamang ehemplo
  • sa Davao City, yung pulis na nahuling gumamit ng peke na swab test result
  • yung kailangan pa RAW ng anger management ng mga pulis
  • yung surprise inspection para sa Malate Police, na naging dahilan kung bakit sila inalisan ng Christmas at New Year break, at sinibak din ang kanilang hepe, kasi sobrang kulang yung bilang ng mga dinatnan na naka-duty kumpara sa dapat na bilang
  • yung sinibak na hepe ng mga pulis sa Bato, Catanduanes, na pabor sa pagpatay sa mga inosenteng tao kapag naubusan na ng pasensya ang mga pulis
  • yung may dati na palang mga kaso yung pulis na innocent-killer sa Tarlac, 6 na nasa record na may kasamang Homicide
  • yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment 

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung wala na ring UAAP Season 83 dahil sa hinayupak na pa-COVID-19 na yan ng mga Imperyalista
  • yung mga mamamayan na masyadong pinahahalagahan ang mga handa at materyal na bagay para sa holiday season
  • yung mga pabayang magulang na nagpakalat ng mga anak nila sa araw ng pamamalimos, na mga hindi naman nagsusuot ng face mask at face shield
  • yung pagsabog daw ng COVID-19 sa mga lock-in movie shoots
  • yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
  • sa Zamboanga City, yung nagbukas na mall sa panahon ng COVID-19 na dinagsa ng sangkatutak na mga pasaway na tao
  • sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
  • yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
  • sa San Juan, Batangas, yung nakunan ng video na medyo malaking beach party sa panahon ng COVID-19, kung saan binalewala na ang mga health protocol
  • sa Manila North Cemetery, yung pasaway na party kung saan may inuman at videoke, at balewala na ang health protocol
  • sa Quezon City, yung pagsabog ng COVID-19 sa isang compound dahil sa pagdadaos ng birthday party, kung saan isang government employee daw na may symptoms ng COVID-19 yung dumalo doon sa party
  • sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
  • sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
  • yung mga nahuli na turista na ginustong makapasok sa Boracay gamit ang mga pekeng COVID-19 test results
  • yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
  • sa Cavite, yung mga gamit na face mask na ginawang palaman sa ibinibentang unan
  • yung mga online users na nagsasabi na tama lang yung ginawang pagpatay nung pulis na innocent-killer sa Tarlac kahit na wala namang armas yung mga naging biktima
  • yung mga pasaway na nagbibisikleta sa EDSA na humahawi sa daan para makapag-shortcut, ganun din yung ang gamit ay iba pang klase ng mga sasakyan
  • sa Pampanga, yung mga kaawa-awang migratory birds na pinagbabaril ng mga tao
  • sa ParaΓ±aque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
  • sa Bamban, Tarlac yata iyon, yung mahigit sa 300 foreigners na nahuli na ilegal na nagtatrabaho dito sa bayan, kung saan karamihan eh mga Imperial citizens
  • yung pagpapabaya ng WHO laban sa bagong strain ng COVID-19 virus na mula sa UK
  • yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
  • yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
-----o0o-----


December 19, 2020...

sa Baguio City..
yung lalaking dinukot at pinatay, pinugutan pa yata ng ulo..
2 pulis ang mga suspek na miyembro raw ng drug enforcement unit ng Police Regional Office - Cordillera...

is feeling , among them...

---o0o---


December 20, 2020...

bakit ba tinatanong kaagad yung mga tao kung wala rin namang naging side effect sa kanila yung vaccine...??

dapat saka na lang pag-usapan..
kapag na-expose na talaga sila sa hinayupak na bioweapon na 'yon..
para magkaalaman kung effective nga ba yung vaccine o ano..
o kung magmu-mutate lang lalo yung virus ng dahil dun..
o kung magiging parang flu shots din ba na mahal at paulit-ulit ang paggamit para lang maka-survive...

is feeling , mga mamamayan talaga.. basta maka-detect ng ga-patak na dugo eh sini-sensationalize kaagad...

---o0o---


December 21, 2020...

sa Davao City..
yung pulis na nahuling gumamit ng peke na swab test result...

is feeling , among them...


>
yung mga mamamayan na active online..
ewan ko kung mga totoong tao ba sila, o mga bayarang online employees..
basta yung mga nagtatanggol pa dun sa pulis na pumatay nang malapitan nang dahil lang sa simpleng argumento...

so tama na pala ngayon na pumatay kung nasa imikan pa lang ang laban..?
pwede na silang pumatay kahit na walang threat sa kanilang mga buhay...?

is feeling , mga basura din kayo...


>
sa Paniqui, Tarlac..
yung nakunan pa ng video..
yung mag-ina na malapitang pinatay sa pamamaril ng isang basurang pulis..
nag-ugat lang DAW yung alitan dahil sa boga, at dahil dun eh naungkat na rin ang alitan tungkol sa right of way...

may precog yata yung pulis na 'yon eh..
nasa imikan pa lang ang problema..
meron din namang umaawat..
wala pang matinding struggle at gamitan ng mga armas..
pero nag-decide na siya na patayin na lang kaagad yung mga biktima...

wala talagang patutunguhan ang isinumpang bayan na 'to..
dahil sa mga tiwali at kriminal mismo napupunta ang gatas na pinag-aambagan ng marami... πŸ™

to serve and protect - their interests... πŸ™

is feeling , demonyo ng baril.. tukso ng gatilyo...


>
yung opisyales na kumanta sa isang restaurant...

pero palalagpasin na lang siya ng DILG... πŸ™

to think na ang hanay ng mga hinayupak na 'to ang nagpabaya at naging maluwag para makapasok ang COVID-19 sa loob ng bayan... πŸ™

is feeling , Dictator rules...


>
yung kailangan DAW ng modernization para sa mga armadong empleyado dahil sa pandemic at natural calamities...

is feeling , eh sino bang nagpapatulog nung pera sa PITC...??

---o0o---


December 22, 2020...

yung palusot na kesyo may sakit daw sa utak yung pulis na innocent-killer sa Tarlac...

seryoso..?
sakit sa utak ang pag-abuso sa katungkulan at kapangyarihan..?
edi panay may sakit pala kayo sa utak, mga tiwali kayo...??

so lahat din ng mga taga-tumba ninyo eh mga may sakit din sa utak...??

is ⚠ feeling , gusto ninyong pagaanin yung kaso sa pamamagitan nang pagdidikta na may mental condition yung basurang empleyado na iyon na nakinabang sa gatasan...


>
tungkol pa rin sa pulis na innocent-killer sa Tarlac...

yung may mga dati na pala siyang kaso..
6 ang nasa record (ewan ko lang yung wala)..
at may kasamang Homicide... πŸ™

is feeling , ang linis ng sistema, ano...??


>
kailangan pa RAW nila ng anger management...??

so walang kuwenta ang mga training nila..?
walang kuwenta yung mga turo na kesyo saka lang sila pwedeng mamaril kapag may threat mula sa kalaban..?
so hindi sapat yung general na turo sa karamihan na kesyo matuto namang matakot sa diyos...??

is feeling , magkano na naman kaya ang gagastusin para dun...??


>
yung hindi raw tamang pagganap ng Toll Regulatory Board (TRB) sa kanilang tungkulin..
dahilan kung bakit may mga palpak na sistema hanggang sa ngayon...

is feeling , mga pasuwelduhin lang...


>
yung basurang dating hepe ng mga pulis sa Bato, Catanduanes..
yung pabor sa pagpatay sa mga tao kapag nasa imikan pa lang ang labanan at wala pa namang matinding banta laban sa kanilang mga buhay... πŸ™

inalis naman na siya sa katungkulan dahil sa kanyang katangahan...

is feeling , madami-daming gatas ang nasayang sa isang iyon...


>
yung bad example na Jonin..
na nagsa-suggest na magmalasakit at mahalin naman ang mga armadong empleyado...

tanga ba siya..?
hindi pa ba sapat yung mga suweldo at benefits nila..?
at talagang kailangan pa nila ng espesyal na atensyon...??

hindi ba nanonood o nakikinig ng mga balita ang gunggong na 'yon..?
drug-related, rapist, killer, nagtatanim ng ebidensya, nangingikil..
paano ka magtitiwala sa isang sistema na sobrang dumi at puno ng mga kriminal...??

is feeling , kasing-tanga ng paghahamon niya ng laban sa hindi naman niya ka-level...

---o0o---


December 23, 2020...

ano bang ginagawa ng [Name of City]..?
bakit sila nagbaba ng quarantine protocol...??

samantalang sunud-sunod pa rin ang mga nagkakaroon ng COVID-19..
bukod pa yung isang angkan na nasabugan ng COVID-19 kamakailan lang...

is ⚠ feeling , naghahabol ba tayo ng vaccine supply na para sa mga lugar na may malalalang sitwasyon...??


>
nagpapabaya na naman ang WHO... πŸ™

minamaliit nila yung mutation nung COVID-19 virus..
kesyo huwag munang mabahala, at pag-aaralan muna..
gusto ba nilang maulit yung ginawa nila noong simula ng delubyo na 'to..??
may ideya sila na Coronavirus na naman yung kumakalat, pero pinag-relax lang nila ang buong mundo...

so ano ulit ang gusto nilang proof..?
kapag milyun-milyon na ulit ang infected..??
samantalang wala namang mawawala kung papayuhan na lang nila ang mga tao na mas maghigpit at mag-ingat...

tama-tama na ang pagkampi sa Imperyalismo..
mga terorista kayo... πŸ™

is ⚠ feeling , daig ng maingat ang kampante...


>
sa Davao City Hall..
yung 14 daw na empleyado na nahuling nagpa-party..
nag-iinuman pa raw habang naka-duty...

is feeling , ang saya...


>
yung kagustuhan ng SSS na ituloy pa rin yung pagtataas ng kontribusyon ng mga members next year, sa kabila ng pananalasa ng COVID-19... πŸ™

mabuti pa nga yung iba eh..
magkahati yung employer at employee..
eh yung mga self-employed, solid na sasaluhin ang increase...

tapos saan lang mapupunta yung pera..??
pambigay sa mga nabiyayaan ng increase sa pensyon kahit na hindi na sila naghuhulog..
pansalo sa mga loan na hindi binabayaran ng ibang members..
pansalo sa mga nawawalang kontribusyon dahil sa mga employer na hindi ginagawa ang mga obligasyon nila..
at pambayad sa mga nagmi-meeting... πŸ™

is feeling , hindi tayo papansinin, hangga't hindi nagsasalita ang mga OFW...

---o0o---


December 24, 2020...

yung paghingi ng pulis na innocent-killer sa Tarlac ng tulong para sa kanyang pamilya...

sana naisip niya 'yon bago siya pumaslang ng mga tao nang dahil lang sa imikan... πŸ™

is feeling , ang kapal ng mukha.. so kailangan pa ngayong bigyan yung pamilya niya ng pensyon...??


>
sa Tarlac..
yung natagpuang bangkay ng isang dating Court of Appeals justice..
na pinutulan daw ng kamay at ng mga daliri...

is feeling , ano kaya ang nagtumba sa kanya..? kakampi o kalaban...??

---o0o---


December 25, 2020...

yung mga pabayang magulang na nagpakalat ng mga anak nila sa araw ng pamamalimos..
na mga hindi naman nagsusuot ng face mask at face shield...

ganunan na lang..?
okay lang na mapahamak ang ibang mga tao kung sakaling maging carrier ang mga anak nila...??

is feeling , konsensya naman.. tigil-tigilan ninyo ang pamamalimos...


>
[Natural Calamities]

sa bandang itaas..
nasa Magnitude 6.3 na lindol..
sa area ng Calatagan, Batangas...

is feeling , simula 2017, masyado na akong nakakaranas ng mga lindol as compared noong mga panahon before that...


>
nakakaawa rin naman yung mga private companies..
para lang makabili sila ng vaccine para sa kanilang mga manggagawa..
eh kailangan pa nilang gumawa ng deal sa pamunuan..
kailangan nilang manglibre ng vaccine sa mga hindi naman nila saklaw..
samantalang matagal nang may claim ang pamunuan noon na may budget naman sila para sa kanilang mga napiling ilibre...

is feeling , kaya nga nakapagtataka kung bakit hanggang ngayon eh may pangungutang pa rin silang iniisip para makakuha ng vaccine...


>
yung panibagong kaso ng COVID-19 sa Boracay..
isang manggagawa ang carrier...

is ⚠ feeling , dahil daw pauli-uli siya...


>
[Natural Calamities]

sa ibaba naman..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may Davao Occidental area...

is feeling , sumala yata sa target.. umalis yata ulit...


>
ilang araw ng topic yung tungkol sa bagong COVID-19 virus strain mula sa UK..
pero ngayon lang kikilos...??

ulol..
dapat noon pa kayo nagpatupad ulit ng malawakang international travel ban..
ni hindi na nga kailangang mag-meeting pa eh, dahil prevention lang naman ang magagawa ng bayan sa ngayon...

is ⚠ feeling , kuhol...


>
yung nasa 50% pa lang daw ang efficacy ng Sinovac..
pero talagang botong-boto dun ang pamunuan...

to think na mas mahal pa nga daw yung vaccine na iyon kumpara sa iba...

is ⚠ feeling , sige, lokohin nyo pa kami para lang dyan sa put*ng inang utang na loob na yan sa mga Bestfriend...


>
mga mamamayan talaga o'..
desperado sa mga regalo..
desperado sa limos na pera...

is feeling , sana lang kapag nasabugan sila ng COVID-19, eh wala ng ayu-ayuda sa pagpapa-ospital.. mga pasaway eh...


>
yung Workers' Investment and Savings Program (WISP) ng SSS..
kung saan obligado raw na maghulog ang mga members na may higit sa Php 20,000 na monthly income...

bukod pa sa tuloy nga yung increase sa basic na contribution next year..
at wala ring mangyayari na increase naman para sa pensyon ng mga retirado na...

is ⚠ feeling , para sa mga qualified, mag-ingat kayo...


>
[Natural Calamities]

sa itaas ulit..
nasa Magnitude 5.2 na lindol..
sa may Quezon...

patatlo na 'tong significant earthquake ngayong araw... πŸ™

is feeling , ano bang nangyayari..? ito na ba talaga ang itinakdang araw ng pagkawasak ng lahat..? yun bang sinasabi na malaking bola ng apoy ay isang molten na Earth...??


No comments:

Post a Comment