Loveless Story
December 7, 2020...
nadagdagan na ulit ako ng 1 panibagong source..
nasa 53 na..
plus 3 verified mula sa background...
yung baguhan..
galing pala sa circle ni Miss B..
not very impressive, pero mukha namang natural...
is feeling , mas gusto ko pang mahanap yung nawala dahil sa COVID-19...
>
[Medical Condition]
6 years ago..
nagkaroon ako ng depekto na tuluyang bumago sa akin..
although hindi naman sa punto na iyon nagsimula yung idea, masasabi ko na sa turning point na 'yon ko na-realize na dapat lang talaga na gumanti ako sa buhay...
logically pure pa ako back then..
kaya naman sobrang nanlumo ako noong nagkaroon ako ng sakit na pang-impure..
bandang November noon nang una ko siyang maobserbahan, pero hindi ko lang masyadong pinansin hanggang sa nakakaramdam na ako ng sakit bandang December..
the pain started exactly during the date kung kailan ako nagsagawa ng inquiry..
na-realize ko na abnormal talaga ang ginagamit kong katawan..
narumi ako nang husto sa sarili ko, considering na rin na may iba pa akong mga depekto bago pa man ang sakit na iyon..
naisip ko na sobrang basura talaga ng buhay ko..
kasi naman, wala pa akong ginagawa pero itutumba na kaagad ako ng FATE sa pamamagitan ng sakit na usually eh pang-impure...
at kahapon parang ibinalik na naman ako doon ng FATE..
katatapos lang noon ng 3rd week..
at talagang sa panahon pa ng Imperial virus, kung kailan hindi madaling pumunta sa mga ospital..
ano ba talaga ang problema ng katawan ko..?
bago lang ba 'to..?
bakit ako na naman..?
o do i have something na malignant...??
sobrang nagulat ako..
nasa ibang level siya compared sa mga cases ko noong 2014..
pero wala akong nararamdamang symptoms, at least hanggang ngayon..
wala kumpara sa lahat ng ni-research ko..
basta karumal-dumal na masaksihan ko ang bagay na iyon..
at hindi ko maiwasang mag-alala para kina Miss Hn at Miss B dahil dun..
i need them both to be safe...
huwag ngayon..
since 2014, sobrang dalas ko nang bumibisita sa mga ospital..
hindi ito ang panahon para sa karagdagang mga gastos..
hindi ito ang panahon para dumaan sa kung anong medical procedure..
sa ngayon, wala akong pwedeng kapitan kundi ang Endorphins na ipinahiram sa akin ni Miss Hn...
is feeling , hindi pa ako pwedeng mamatay kung hindi rin lang sa 2020 magtatapos ang lahat...
---o0o---
December 8, 2020...
[Strange Dream]
sobrang ikli lang..
nagche-check daw ako ng mga bagong photos ni Miss Hn...
pero walang ganung update sa totoong buhay...
is feeling , madalas, napapanaginipan ko yung mga bago kong ginagawa na pinagbubuhusan ko talaga ng atensyon...
---o0o---
December 9, 2020...
umakyat na ulit kaagad ang bilang ng sources ko..
nasa 54 na..
plus 3 verified mula sa background...
pero hindi masyadong importante..
galing lang sa elder circle...
is feeling , lola...
>
umakyat na naman kaagad..
nasa 55 sources na..
and 3 mula sa background...
mula sa circle nung magkapatid..
actually, hindi ko na siya kinailangan pang hanapin..
kasi nadaanan na siya noon ng reconnaissance ko...
is feeling , mukhang patay nga talaga ang area nila sa ngayon...
>
hindi ko na napigilan ang sarili ko..
i asked her kung kaya ba niyang gawin yung natitirang 5% na gusto kong maranasan..
yung 5% na kailangan para maging 100% qualified siya para sa Dream Goal ko...
and she said yes..
na she used to, noong wala pang banta ng Imperial virus..
laking hinayang ko naman tuloy na hindi ko siya tinagpo noong February... 🙁
kaya ayun..
binigyan ko na rin siya ng idea kung ano ang plano kapag mas ligtas na ulit ang kapaligiran mula sa mga bioweapon...
nagbilin na rin ako sa kanya na huwag na munang magdagdag ng mga markings...
is 💌 feeling , sana nga...
-----o0o-----
December 9, 2020...
lecheng mga vote seller na squatters na 'to sa [Name of City]..
mga malulusog pa ang pangangatawan..
pero namamalimos na rin ngayon..
kesyo mga wala daw silang trabaho...
umuwi kayo sa mga probinsya ninyo..
lipat kayo nang lipat dito para lang magbenta ng boto at mamalimos ng 4Ps..
malalakas pa kayo pero umaasa na kaagad kayo sa iba... 🙁
nakakatakot..
pwede ng pang-holdaper ang mga pangangatawan eh... 🙁
is feeling , ano yan..? pakana ng kliyente ninyo...??
---o0o---
December 11, 2020...
okay..
done with photoshop para sa project #18..
took me 10 days..
although gaya ng dati, kailangan pa ng additional materials for promotion..
at nagbago ng format yung 2nd store, kaya panibagong adjustments iyon para sa akin...
inabot ako ng 71 days..
pero sobrang dami rin kasi ng mga araw na wala akong nagawa, bale 23 days..
so inabot ako ng 48 days lahat-lahat...
is feeling , meron na lang akong 20 days para sa December...
---o0o---
December 12, 2020...
[Gadget-Related]
pamura lang muna ng isa...
put*ng ina ninyo, [Electric Service Provider]..
ang sabi ninyo may schedule kami bukas ng power interruption..
may iba namang area na sadyang naka-schedule for today..
tapos biglang mag-a-unannounced power interruption kayo for 2 hours..??
kesyo may ibang pumalya...??
t*ng ina..
9:00 AM pa ako nakahandang magtrabaho dahil aalis ako ngayong araw..
pero winasak yung schedule ko ng pagiging mga inutil ninyo... 🙁
is feeling , 26 power interruptions na ang sinasalo ng bagong UPS ko...
No comments:
Post a Comment