Friday, December 25, 2020

Ang Alamat ng Most Undesirable Guy on Earth - Last Full Week of December 2020 (Can't Stop Me)

Loveless Story


December 19, 2020...

mukhang tapos na..
hindi nakapasok yung taong iyon sa bahay ng mga celebrities...

mabuti na rin siguro 'yon..
makakagulo lang sa mga plano ko kung magiging maingat sila para sa kanilang pangalan...

is feeling , next time siguro.. kapag nakuha ko na yung dream date na kailangan kong maranasan...


>
last 6 o last 12 days...??

sana may palugit pa..
masyadong winasak ng bioweapon ng Imperyo ang natural na daloy ng panahon..
konting araw pa..
gusto ko sana siyang mabati sa espesyal na araw niya..
gusto kong maiparating sa kanya yung mensahe kahit na from someone na anonymous lang...

is feeling , yung kabayaran sa pagiging shinobi ko...

---o0o---


December 20, 2020...

[Medical Condition]

i still have it..
after 2 weeks..
may allowance na 19 days mula sa probable origin...

hindi tama na tawagin ko 'tong karma..
na nilalapitan ako ng matinding kamalasan every time na nagagawa kong maging masaya..
dahil noon pa man, bago pa ako nag-decide na maranasan kung paano ang mabuhay nang normal..
bago pa man ang lahat ng ito - eh depektibo na talaga ang ginagamit kong vessel..
regardless kung may gawin man ako o wala, nakasaad na sa FATE ko na kailangan kong magkasakit...

sa ngayon, wala pa rin naman akong physical symptoms..
hanggang visuals pa rin lang..
hindi ko masabi kung may mild symptoms ba ako, since yung mga nararamdaman ko naman eh matagal na rin talagang nararamdaman ng katawan ko from time to time...

hindi ko alam kung aabot pa ba ako sa 2021..
o kung matutupad ko pa ba yung dream date na hinahangad ko..
kung magagawa ko mang makalagpas papunta sa 2021, malamang na makipag-agawan na naman sa akin ng budget ang ospital..
kagaya kung paano siya nakikisawsaw sa pagba-budget ko simula 2014...

basta wala akong pinagsisisihan..
alam kong papatayin din lang talaga ako ng tadhana..
na hindi niya ako hahayaan na maging masaya sa buhay..
kaya tama lang na dinaya ko siya..
tama lang na nakipagkarera ako laban sa sarili kong kamatayan...

is 💀 feeling , ima-maximize ko yung natitira kong panahon sa mundo, bago pa tuluyang mabulok ang vessel ko...


>
may Nicotine pala yung SnowPlus..
sabi ko pa naman okay lang na mag-vape siya sa kama..
habang magkatabi kami...

ang layo pa naman nung exhaust...

is ⚠ feeling , cigarette scams...


>
[Music Video / K-ture]

Twice - I Can't Stop Me


ito pala ang theme song ng mga plano ko eh...

kahawig ni Natsuki Kisaragi yung isa nilang member... XD

credit goes to the original creator(s) and uploader...

is 💘 feeling , i'm warning myself...

---o0o---


December 21, 2020...

marami nga pala akong mga panaginip na wala na sa physical notes ko..
kasi mas madalas na akong magsulat ng digital since 2014 siguro 'yon...

kaya naman gagawan ko muna ng backup yung mga espesyal kong panaginip...

is 💌 feeling , Miss Hn, dalas-dalasan mo naman ang pagbisita mo sa akin...

---o0o---


December 23, 2020...

milyun-milyon ang mga pababayaan..
tapos may tantsa pa sila na baka 3rd Quarter pa yung ibang vaccine... 🙁

hindi nakakatuwang pakinggan..
kung aabutin ng ganung katagal, eh baka 1 taon ang dumaan bago ko masubukang gawin yung dream date..
although okay siya in the sense na mas mahabang panahon 'yon para makapag-ipon..
at baka maka-recover din ako gamit ang panahon na iyon..
hindi naman maganda ang lagay ng industriya ngayon para masabi na makakaraos nga sila sa COVID-19..
kailangan niya ng distraction..
hindi makabubuti kung may mabubuo sila ni Arjo sa panahon na iyon..
mas okay kung patuloy na mag-i-struggle si Arjo sa mga negosyo niya, hanggang sa maghiwalay na lang sila...

hindi ko masyadong problema yung management nila..
hangga't may hawak akong contact nung magkapatid, o magkakapatid..
magagawa at magagawa kong maka-connect sa kanya pagdating ng tamang panahon...

is ⚠ feeling , ang banta ni Arjo...

---o0o---


December 24, 2020...

[Medical Condition]

hindi pa ulit 1 week yung nakalipas, pero nag-adjust ako ng testing date...

mas konti na lang yung foreign mass this time..
halos brown na..
noong 2014, brown na talaga yung na-discover ko..
nitong 2020 ko lang na-ecounter yung talagang kulay dugo...

wala pa rin namang physical symptoms...

is feeling , kailangan ko pa ulit ng pera para naman dun...


>
nasaan ba siya..?
ilang araw na rin siyang walang activity..
pero hindi sila magkasabay na magkapatid..
wala rin namang update mula sa mag-partner...

ano kayang nangyari dun..?
nakauwi ba siya sa probinsya, o stranded...??

kahit na ano, basta maging ligtas lang siya...

is 💌 feeling , dalawin mo naman ako sa panaginip ko.. nami-miss na kita...

---o0o---


December 25, 2020...

alam kong natupad na yung huli kong hiniling..
hindi ko nga lang nagawang mahalikan yung maganda niyang labi...

pero kung pwede pa..
kung may pagkakataon pa..
kailangan ko sana ng ilan pang araw..
mahigit 1 week..
gusto ko pa sana siyang mabati sa kanyang espesyal na araw...

is feeling , nami-miss ko na siyang yakapin.. konti pa sanang palugit para sa Earth...

-----o0o-----


December 19, 2020...

natapos din sa promotional materials...

next..
magsa-submit muna ng project para sa susunod na release, ang huling sugal para sa 2020..
then magre-reorganize ng mga files..
tapos backup...

kung may panahon pa..
maghahanda na rin para sa 2021...

is feeling , tuloy lang...

---o0o---


December 21, 2020...

[Manga]

One Piece

pinaiyak na naman ako ni Oda..
dahil sa effort ni Ace na iligtas ang Wano noon..
from brother to brother..
grabe yung tiwala ni Ace na magiging reliable na kakampi si Luffy...

mula kay Whitebeard (Whitebeard Pirates) na nagpahiram kay Oden (Kozuki Clan) para kina Gol D Roger..
at mula kay Ace (Whitebeard Pirates, at anak mismo ni Roger) na ipinagkakatiwala ang Wano kay Luffy (Monkey Clan, pero inspired by Gol D Roger, and Shanks na mula sa Roger Pirates) na tumutulong ngayon kina Momonosuke (Kozuki Clan)...

mukhang gagamitin na ni Tama ang kanyang kakayahan laban sa mga Gifters ng Beasts Pirates..
may nalalaman na rin si Yamato tungkol sa initial na D..
may possibility na maging susi si Pudding sa pag-a-unlock ng sikreto ng mga Poneglyph, pero kailangan pa na umabot ang kanyang kakayahan sa Awakened state..
panibagong banta naman laban kay Robin, dahil siya ang target nina Big Mom at Kaido para gawing gabay patungo sa One Piece..
Fish-Fish ang Devil Fruit ni Kaido, kaya may posibilidad na wala yung kahinaan laban sa tubig-dagat...

is  feeling , lucky chapter 999...

---o0o---


December 24, 2020...

saan kaya manggagaling yung malaking bola ng apoy na tatama raw sa mundo according sa mga manghuhula...??

may 2021 pa ba, o wala na...??

is feeling , mamayang gabi na...

---o0o---


December 25, 2020...

dahil tinatamad pa akong gumawa ng backup..
at marami pa akong panahon na natitira..
eh nag-prepare na lang muna sa pag-convert ng mga resources para sa 2021...

mahirap na..
baka madisgrasya pa sa SSS at sa supermart...

is feeling , gawin na ang mga kaya namang gawin...


No comments:

Post a Comment