Friday, December 4, 2020

Auto-Tagging

NOTE: this is not news..
i am not a reporter/journalist nor an influential person..
also, i'm not related to the government in any way..
but there are summary of news featured in this post..
it will require research in order to get the whole story regarding each particular news that is featured in here...

simple lang yan..
kapag nagpaapekto at nag-react ka sa opinyon ng ibang tao - eh BAKA nga may totoo sa mga sinasabi nila...



[Music Video]

ABS-CBN Christmas ID 2020 - Ikaw Ang Liwanag At Ligaya



sorry, mga bata..
bawal mag-caroling this year... XD

credit goes to the original creator(s) and uploader...

let's see kung anong mangyayari sa 25th...

is  feeling , nice...

---o0o---


daily black prayer...

sa kung sino man ang nakikinig sa kawalan..
sana mai-serve na kaagad ang totoo at ganap na hustisya laban sa lahat ng miyembro ng alyansa para matigil na ang kasamaan nila...

sana magtagumpay na sa paggawa ng vaccine ang AstraZeneca..
at sana maging maayos na ulit ang mundo...

is 💀 feeling , day 147...

-----o0o-----


lumampas na naman sa 500 ang bilang, kaya mag-i-start na ulit ako ng panibagong listahan ng mga kalokohan..
basta heto yung kadugtong nito:
http://blogngpotassium.blogspot.com/2018/08/just-clan-war.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2019/08/war-against-schools-victims.html
http://blogngpotassium.blogspot.com/2020/05/the-greater-citizens.html
https://blogngpotassium.blogspot.com/2020/11/lies-embracing-demolition.html

update ulit (503 + 501 + 516 + 507 + 34 na)..
medyo in-organize ko rin yung mga kaso..
pero paki-note na hindi na ganung ka-accurate yung bilang, at posibleng may redundancy na rin dahil sa sobrang dami ng mga nakalista...

una (untikan ko nang makalimutan 'to), ang pagtataksil sa interes ng bansa at ng mga (ibang) mamamayan (lalo na yung mga naging biktima), at pagbalewala sa kasaysayan at dangal ng bansa:
  • yung madali lang para sa kanya na isapubliko ang pangalan ng ibang mga tao, pero hindi yung sa iba pa
  • yung may mga Representative na kayang pangalanan kaagad at meron ding mga pinipiling hindi pangalanan

are yung ang involved o semi-involved eh mga identified talaga bilang awtoridad o tauhan ng pamunuan, mga dati nang naging bahagi ng pamunuan, o kahit mga nagsasanay pa lang upang makakuha ng awtoridad:
  • .....

are naman yung mga hindi pa malinaw kung anong klase nga ng mga tao ang involved o hindi tiyak o nabanggit kung sino ang nakatama o hindi masabi kung ano nga ang totoong nangyari:
  • yung pulis na isa sa mga suspek sa nangyaring pananambang at pagtumba sa isang lawyer sa Palawan
  • yung Mayor ng Los Baños, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall

heto naman yung mga may kinalaman sa kahinaan ng kasalukuyang penal system at pagpapatupad ng iba pang mga batas, patakaran, at sistema sa bansa:
  • yung opisyales na sakitin na noong may mga kaso siya, pero ngayon ay may panibago na namang hawak na katungkulan
  • sa Cebu, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang opisyales, na dinumog ng mga tao
  • sa Batangas, yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Senator, na dinumog ng mga tao
  • yung update ng DOH tungkol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Tarlac na hindi tumugma sa record ng Tarlac government, 211 kumpara sa 19 lang
  • yung mabilis at nasa Php 1,900 lang pala yung swab test sa UP-PGH pero hindi naman kayang ipatupad sa buong bansa
  • yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang
  • yung pagsabog ng COVID-19 sa iba't ibang mga kulungan
  • yung bilyon-bilyung nakatengga na pondo sa Philippine International Trading Corporation (PITC)
  • yung may 1% pala na komisyon ang PITC para sa mga pamimili na idinadaan sa kanila
  • yung pati construction ng mga fire station ng Bureau of Fire Protection (BFP) eh idinaan din sa PITC
  • sa SLEX, yung kalituhan na idinulot tungkol sa kung may limit nga ba o wala ang sistema ngayon sa pagpapakabit ng RFID
  • sa NLEX, yung cashless na dapat ang sistema ayon sa kanila pero napilitang tumanggap pa rin ng cash
  • sa Muntinlupa City, yung bumagsak na steel girder mula sa ginagawang Skyway Project, kung saan 1 ang namatay at 4 naman ang sugatan
  • yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway, dahil sa mga pasaway at sa kawalan ng mga nagre-regulate
  • yung logging at quarrying ang itinuturong dahilan sa naging matinding pagbaha sa Cagayan
  • yung may reclamation pala na ginagawa sa isang bahagi ng Marikina River
  • yung nagsasabi na nakamit na raw yung hustisya sa nangyaring massacre samantalang imposible naman na iilang tao lang ang may kagagawan sa ganung kalaking krimen
  • yung overgeneralization na automatic DAW na supporters ng mga rebelde ang mga kamag-anak nila
  • yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Representative na automatic na pinagbibintangang supporters ng mga rebelde
  • yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army
  • yung biglang isiningit na panukala, yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment 

at may kaso na iba-iba ang kategorya:
  • yung binalewala na ng mga tao ang safety protocols sa isang murang pamilihan dahil lang sa pamimili nila para sa nalalapit na holiday season
  • sa Zambales, yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party sa 2 super-spreader na event
  • yung Halloween party sa Boracay sa panahon ng COVID-19, kung saan nilabag nang husto ang mga health protocol
  • sa Manila, yung rambulan ng nasa 100 daw na kabataan na nakunan ng CCTV camera
  • sa Ilocos Norte yata 'yon, yung mga nahuli na nameke ng antigen test result
  • yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth
  • sa Parañaque City, yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo
  • yung kaso ng Zombie Minks sa Denmark
  • yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus, inililipat na nila ang origin sa ibang bansa
-----o0o-----


November 29, 2020...

yung mga sinkhole na sumusulpot lately sa area ng Batangas...

is feeling , butas...


>
sa Batangas..
yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ng isang Jonin, na dinumog ng mga tao...

huwag nang gumawa ng mga rules..
masasamang ehemplo naman eh... 🙁

is feeling , anong silbi ng pagbabawal, kung sila naman eh mga promotor...??


>
sa Cebu..
yung event sa panahon ng COVID-19 na dinaluhan ni MRT Man, na dinumog ng mga tao...

huwag nang gumawa ng mga rules..
masasamang ehemplo naman eh... 🙁

is feeling , naturukan na siguro yun ng Sinovac-la...??

---o0o---


November 30, 2020...

yung supply ng shabu na nakumpiska sa loob mismo ng headquarters ng Philippine Army... 🙁

is feeling , butas...


>
yung sinusubukan na ng Imperyo na baguhin ang history ng Imperial virus..
inililipat na nila ang origin sa ibang bansa... 🙁

kagaya kung paano nila patuloy na inililipat ang mga hangganan ng kanilang teritoryo...

is ⚠ feeling , parang Dictator Clan din lang.. mga editor...


>
yung bumibigat din pala ang traffic sa EDSA Busway... 🙁

nagulat lang ako..
noong last time na nasa ganun ako, weekend noon, eh may mga awtoridad naman..
kaya nakapagtataka kung bakit nangyayari pa yung ganun sa mga bus stop...

is feeling , mga pasaway.. at mga hindi nagbabantay...


>
dahil DAW may napatay na rebelde na anak ng Representative, eh automatic na supporters na daw ng mga rebelde yung piling hanay ng mga Representative...

teka..
linawin lang natin ha...

sa history ng isinumpang bayan na 'to..
gaano na kadaming beses na may nahuli na mga pulis at sundalo na sangkot sa ibat' ibang klase ng mga krimen..?
so ibig bang sabihin nun na mga kriminal at protektor ng mga kriminal din talaga yung buong hanay nila..??
as in 100% na mga tiwali sila...??

is ⚠ feeling , overgeneralization...

---o0o---


December 1, 2020...

yung biglang isiningit na panukala..
yung planong payagan ang COMELEC na i-waive ang testing ng automated poll equipment... 🙁

is ⚠ feeling , panalo na ang kasamaan ng alyansa...


>
yung plano nang payagan na makasama ang mga bata sa mga mall sa GCQ areas, basta't kasama ang kanilang mga magulang...

is ⚠ feeling , ayaw na lang maghigpit kung maghihigpit...


>
ang swerte lang nung ibang mga Chunin..
yung mga nagnanakaw ng pera ng mga mamamayan..
kasi mismong Hokage ang nagtatakip sa kanila..
magnakaw ka ng gatas, at idadaan ka sa kung anong due process kuno...

pero kapag hindi nila kakampi..
eh automatic ang bintangan...

is feeling , sa ngayon, mas concern ako sa kaliwa't kanang pagtatapon ng gatas at sa pagre-revise sa history...


>
sa NLEX..
yung cashless na dapat ang sistema..
pero tumanggap na lang muna ulit sila ng cash dahil hindi talaga nila kayang i-handle yung sitwasyon...

is feeling , minaliit talaga nila ang COVID-19 simula January.. kung March pa lang eh ginawa na nila yung plano, eh baka hindi nila naperwisyo nang ganito ang mga motorista sa ngayon...

---o0o---


December 2, 2020...

sa Ilocos Norte yata 'yon..
yung mga nahuli na nameke ng antigen test result...

is feeling , mahal pa rin nga yung rapit test.. pero bad pa din yun...


>
yung mura lang pala yung swab test sa UP-PGH..
nasa Php 1,900 lang daw, na gusto pa ngang tawaran ng hanggang 50% eh..
bukod pa sa mabilis lang silang maglabas ng result...

pero bakit hindi nila kayang ipatupad sa buong bayan...??

is feeling , tapos sinasabi pa nung iba na kulang pa yung putal sa at least Php 3,500 para sa gastos nila sa PPE...??


>
yung mga metal monolith na sumusulpot at naglalaho RAW sa kung saan-saang panig ng mundo...

is feeling , sino naman kaya ang gumagawa nun..? ano na bang nangyayari sa Earth...??


>
yung planong patalsikin sa katungkulan ang mga kritiko na Chunin...

gusto nilang bawasan pa ang mga kalaban ng Dictator Clan.. 🙁
at gusto rin nilang bawasan pa ang mga nagbabantay sa gatas...

is feeling , kalimutan na ang mga problema sa nakaw na gatas...??

---o0o---


December 3, 2020...

sa Manila..
yung rambulan na nakunan ng CCTV camera..
nasa halos 100 kabataan daw yung involved..
mga dumadayo lang daw ang mga yun sa kung saang tambayan...

anong ginagawa nila in public..? 🙁
mga mukhang naka-bihis naman ng panggala...

is feeling , hulihin na lang silang lahat at bitayin na rin...


>
yung mga medical professionals at mga ospital na nakipagsabwatan sa kalokohan ng PhilHealth...

is feeling , bitayin na lahat.. huwag magtitira ng mga tiwali...

---o0o---


December 4, 2020...

sa Zambales..
yung mga BPO workers na nag-positive sa COVID-19 matapos na mag-party...

2 super-spreader na event yung sinasabi eh..
isang beach at isang pool party...

is feeling , worth it...??


>
ang kulang doon sa payo na ilabas ang mga bata for outdoor activities...?

dapat ikondisyon ang utak ng mga magulang na hindi rin pwedeng basta palapitan sa ibang tao o bata yung mga anak nila..
na kailangan na bukud-bukod pa rin ang bawat household kapag nasa outdoor...

kailangang tandaan ng mga tao na ang most common error na nagagawa nila ay ang automatic na ituring na negative ang kanilang mga kakilala, kaya naman nagiging pabaya o maluwag sila sa pakikisalamuha sa mga ito... 🙁

is ⚠ feeling , dapat ituring ang bawat isa na carrier, kung gusto talaga ng mga tao na umiwas dun sa Imperial virus...


>
sa Parañaque City..
yung nasabat na misdeclared na frozen galunggong mula sa Imperyo...

frozen squid daw...

is feeling , i-check ninyo.. baka may pabaon na Imperial virus or worse...


>
yung Mayor ng Los Baños, sa Laguna, na itinumba sa loob mismo ng municipal hall...

is feeling , kanino na naman kayang patrabaho iyon...??

---o0o---


December 5, 2020...

yung paglaban sa taas-singil sa kontribusyon para sa SSS at PhilHealth sa panahon ng hinayupak na Imperial virus...

is feeling , hindi lahat eh mga OFW.. pero sana pakinggan din naman nila ang ibang mga totoo at responsableng members...


No comments:

Post a Comment