Year of the Rookies
una..
bilang review tungkol sa mga nangyaring major injuries..
there were 5 for Season 81..
4 na teams ang tinamaan..
3 incidents involving Rookies..
2 ang nakabalik din naman sa mga laro, though hindi 100%; sina Laure at Molde..
1 ang hindi na kinailangan ng surgery, pero ipinahinga na for the rest of the season; si Ebon..
at 2 maagang injury at exit sa Season 81; sina Cagande at Alessandrini..
pero ayun nga, hindi nakita ang full potential ng season dahil sa mga injuries na iyon...
#KamiNaman versus #KamiUlit..
mukhang maglalaro si Laure...
UST versus ADMU (Game 3)
Set 1, 17-25, sina Delerio at Ravena ang nag-start bilang mga Libero, si Balcorta na muna for Galdones at nakatulong nga siya, bukod pa yung ibang UST substitutions, naka-activate kaagad ang blocking ng Ateneo at nakakuha din sila ng early lead, worst start naman para sa UST sa Finals, naka-check din si Laure, lumamang ang Ateneo dahil sa kanilang 5 blocks plus the huge 13 opponent errors..
Set 2, 22-25, madalas na lamang ang UST pero naagaw pa ng Ateneo ang set, muli silang lumamang sa kanilang 4 blocks plus 8 opponent errors kahit na lamang naman sa attacks ang UST..
Set 3, 22-25, mukhang na-trigger ulit ang injury ni Laure, nakakuha ng early lead ang Ateneo, saka pa nag-init nang husto si Laure, nabigyan din ng oras si Gandler, kaso ay nahuli na ang UST...
3-0, panalo ang Ateneo..
Champion na ulit sila..
ang mayabang na generation ng Lady Eagles..
natapos ang record nila ng UST sa 1-3..
ewan ko lang kung may magawa na sila laban sa La Salle sa next season...
Player of the Game si Tolentino with 15 points na may 11 attacks..
Madayag with 10 points from 6 attacks and 4 kill blocks..
para naman sa UST..
Rondina scored 18 points with 17 attacks, plus 11 digs and 7 excellent receptions..
si Laure eh umabot ulit sa double figures kahit na na-check siya, with 10 points..
kaso 29 errors ang itinapon ng UST in just 3 sets, at sa championship match pa talaga...
sayang si Rondina..
at hindi basta-basta makakahanap ang kahit na anong team ng small player na kasing lakas niya..
almost there..
kaso sa Finals pa talaga nangyari yung additional injuries para sa team nila..
pero kahit papaano eh mananatiling malakas ang team ng UST for next season, lalo na dahil sa mga current Rookies nila...
- Season's MVP: Rondina (UST)
- Finals' MVP: BDL (ADMU)
- Rookie of the Year: Eya Laure (UST)
- 1st Best Outside Spiker: Eya Laure (UST)
- 2nd Best Outside Spiker: Rondina (UST)
- 1st Best Middle Blocker: Doria (NU)
- 2nd Best Middle Blocker: Madayag (ADMU)
- Best Opposite Spiker: Tolentino (ADMU)
- Best Setter: Bendong (UE)
- Best Libero: Arado (UE)
- Best Server: Robles (NU)
- Best Scorer: Rondina (UST)
anyway..
tapos na ang Season 81..
nakakalungkot na parang leeching lang yung nangyari sa ending..
pero kahit papaano ay na-accomplish naman yung objective na muling masira ang 4-peat attempt ng La Salle..
thank you ulit sa UST, UP, at FEU para sa pagbibigay ng challenge sa La Salle this season..
ganun din sa UST at FEU para sa pagpapatunay sa Ateneo na hindi lang La Salle ang kayang tumalo sa kanila...
is feeling , disappointed.. not satisfied.. hindi deserving.. parang tinulungan lang tuloy ng UST ang Ateneo na makuha ang korona.. tapos saka sila umasa sa injuries ng UST...
No comments:
Post a Comment