Loveless Story
May 10, 2019...
[Emo]
Part 2:
may paparating na bagyo... :(
aalis na naman ang biological mother ko..
tatawid ng dagat para sa eleksyon..
then lilipat ulit ng isla para mag-alaga ng may Alzheimer's na kapatid, para makadalo ang buong pamilya nito sa isang kasalan..
after that eh babiyahe ulit para naman sa reunion ng angkan nila..
mga 8 days siyang sunud-sunod na mawawala...
ibig sabihin..
mawawalan ng yaya yung kapitbahay..
mawawalan ng cook..
mawawalan ng kasambahay..
at mawawalan rin ng alipin yung asawa niya...
ang bad news..?
mukhang walang balak bumukod muna yung pamilya nung mga bata...
is feeling , at nagsimula na kaagad ang digmaan bago pa makaalis yung tao...
>
Part 1:
na-trigger na naman ako..
automatic na siya..
nanginginig yung laman ko basta't narinig ko na sinisisi ako tungkol sa mga problema na hindi naman ako ang may gawa..
sobrang lakas na panginginig, na saka lang humuhupa kapag isinigaw ko na lahat ng poot ko...
earlier before that..
nandito sa bahay yung isang tita (sa mother side) nung mga bata..
konting sakripisyo mula sa pamilya nila para makapagpatingin naman sa doktor yung biological mother ko..
so pakitang tao yung matandang lalaki..
acting bilang mabait na lolo..
kesyo nahihiya siya na nahihirapan daw mag-alaga yung tita nung mga bata...
pero as expected, saka siya muling nagpakita ng kademonyohan niya noong nakaalis na yung mga bisita...
ang nangyari..?
nananahimik lang ako na nagtatrabaho sa kuwarto ko..
hanggang sa nakita ko na naglilikot yung Autistic..
kaya tinawag ko yung atensyon nung bata at sinaway..
"hey" yung ginamit ko na salita..
nang biglang mang-badya yung matandang demonyong lalaki..
hindi ko na lang siya pinansin noong una..
alam ko kasi na papaalis na bukas ang biological mother ko, at ayaw nun ng gulo..
inawat naman yung demonyo ng asawa niya..
pero patuloy na nagsalita yung matandang lalaki..
inulit nang inulit yung pagsasabi ng "hey"..
at sinabi na kesyo totoo naman daw na wala akong naitutulong, at panay sigaw lang ako...
sa punto na iyon eh nanginig na ang mga laman ko..
padalawang beses na niya akong sinisisi dahil sa kagagawan nung Autistic na bata na iyon..
nag-aayos ako noon ng graphics habang bayolenteng nanginginig yung kanan kong braso..
hindi ko na napigilan, kaya isinigaw ko na lahat ng galit ko...
muli kong ipinamukha sa basura na iyon na hindi ako ang magulang nung mga bata..
na hindi na siya dapat nakabalik pa sa bahay na ito noong nambabae siya..
na puros pakitang tao lang siya sa pag-aalaga ng mga bata para patuloy siyang makatanggap ng pera..
na wala siyang silbi sa buhay..
at na mas may pakinabang pa ang taong patay kumpara sa kanya...
at katulad rin ng nangyari na noon..
hindi na siya nakaimik..
dahil alam niyang totoo lahat ng mga sinabi ko...
is feeling , pangarap ko na mamatayan ng biological father...
>
Part 3:
bakit sobrang bigat ng kapalaran ko...?
gusto ko lang naman ng kapayapaan..
katahimikan habang ginagawa ko yung paraan ko sa paglaban sa buhay...
pero pagdating sa mga bata eh ako pa rin ang may kasalanan..?
bakit, ako ba ang kumantot at gumawa sa abnormal na yun..?
ako ba yung kumantot at nagdagdag ng isa pang anak..?
kasalanan ko ba ang Autism ng batang yun...??
alam ng mga diyos kong ilang beses ko nang pinagpapatay sa loob ng isip ko ang demonyong matanda na iyon..
kung paano ko hinahampas ng bat yung walang kuwenta niyang ulo sa tuwing natutulog na siya..
pero bakit patuloy siyang binubuhay ng mga tao sa paligid ko...??
mahina ako dahil tao ako..
hindi ako takot pumatay..
pero takot ako sa bulok na batas ng mga tao...
is feeling , paano pa ba ako makakalaya sa basurang buhay na 'to...??
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 81 Women's Volleyball - Semifinals (Final Four)
May 4, 2019...
ADMU versus FEU
naka-uniform si Ebon kahit nag-decide na siya na hindi na muna siya maglalaro...
rematch ng Ateneo at FEU from last year's Semifinals..
ang 14th 5-setter match para sa Season 81..
3rd pa lang para sa Ateneo..
7th na para sa FEU..
2nd 5-setter match naman sa pagitan nilang dalawa...
Set 1, 25-10, si Carandang muna para kay Domingo, overkill ng Ateneo, nanaig sila dahil sa kanilang 10 attacks and 5 service aces plus 8 opponent errors..
Set 2, 23-25, si Cayuna na ang nag-Setter para sa FEU, dikitan ang laban, nagkaroon din ng time sina Gandler at Maraguinot, inilamang ng FEU ang kanilang 3 blocks..
Set 3, 22-25, na-warning-an si Coach George dahil sa maling tawag ng referee, nakakalas ang FEU sa bandang dulo, nanaig sila dahil sa kanilang 5 service aces plus 10 opponent errors..
Set 4, 25-12, maaga na ulit nakalayo ang Ateneo, luminis na ulit ang laro nila, nakuha nila ang set sa kanilang 9 attacks and 7 service aces plus 7 opponent errors..
Set 5, 8-15, kanina pang target ng mga services ng Ateneo si Ronquillo, pero nakaagwat ng malaki ang FEU sa Ateneo...
3-2, panalo ang FEU..
sa wakas, nanalo na rin ang Pons-less na FEU laban sa Ateneo..
2 na sila ng La Salle na dumungis sa record ng current Lady Eagles...
lately, mas magaling si Cayuna sa pagdadala ng FEU laban sa mga malalakas na teams...
Player of the Game si Guino-o with 17 points from 8 attacks, 4 kill blocks, and 5 service aces...
Villareal na na-activate rin scored 10 points na may 8 attacks..
Malabanan with 8 points at Ronquillo with 7 points, bilang mga support..
para naman sa Ateneo..
Tolentino scored 21 points from 17 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
BDL with 16 points na may 5 service aces..
Madayag with 13 points...
---o0o---
May 5, 2019...
The End of a Dynasty
UST versus DLSU
nga pala..
nagawa nang talunin ng FEU ang lahat ng kalaban nilang teams sa UAAP this season..
at sila pa lang ang nakagagawa nun..
hindi na yun magagawa ng La Salle, dahil hindi na nila muling makakaharap ang hindi nila natalo na UP..
hindi na rin yun magagawa ng Ateneo, dahil inalis na ng UST ang La Salle sa equation..
so UST na lang ang aabangan kung magagawa pa ba nilang bumawi laban sa Ateneo...
ang 15th 5-setter match ng Season 81..
3rd for both teams...
Set 1, 25-19, nakaagwat ang UST makalagpas ng 1st technical time-out, nagkakalat sa services ang La Salle, nanaig ang UST dahil sa kanilang 4 blocks and 3 service aces plus 9 opponent errors..
Set 2, 25-19, si Alba na ang Setter ng La Salle, nakaagwat muli ang UST bago pa umabot sa 2nd technical time-out, lumamang sila sa kanilang 13 attacks plus 9 opponent errors..
Set 3, 20-25, naka-check na si Rondina, medyo na-injure si Laure, at nakatulong pa si Ipac sa La Salle, nakuha nila ang set dahil sa kanilang 5 blocks plus 13 opponent errors..
Set 4, 23-25, dikit nang dikit ang La Salle hanggang sa sila na ang nakadistansya sa UST, nagtapon ulit ng 13 errors ang UST..
Set 5, 15-10, may na-warning-an pa sa La Salle, ibinalik na si Cobb, pero madalas nang lamang ang UST..
pero sa Set 4 eh kita na rin naman kung sino talaga ang may momentum pagdating sa attacking...
3-2, panalo na ulit ang UST..
3 beses na nilang natalo ang La Salle in Season 81..
at 3 beses rin na sunud-sunod na natalo ang La Salle sa mga huling laban nila...
Player of the Game si Eya Laure with 25 points from 21 attacks, 2 kill blocks, and 2 service aces..
Rondina scored 17 points from 14 attacks, 1 kill block, and 2 service aces..
Galdones with 11 points, at Rookie rin pala siya..
Viray with 10 points..
Rivera with 21 digs and 21 excellent receptions..
para naman sa La Salle..
Dela Cruz scored 12 pure attack points, plus 16 excellent receptions..
Cheng and Ogunsanya with 10 points each...
wasak na wasak ang Dynasty this season..
again, that's 3 for UST..
2 for UP..
at 1 for FEU against the defending Champion..
hindi kasing challenging ng naging istorya ng Season 76..
pero magaling ang ginawa nung 3 teams..
salamat sa kanila sa pagbibigay ng kulay sa season na 'to..
anuman ang mangyari sa Finals sa bandang huli, ang mahalaga ay nasira na ulit ang 4-peat attempt ng La Salle...
is feeling , maraming salamat sa UST.. tapos na ang goal na pabagsakin ang Dynasty.. simula naman ng panibagong istorya ng tagumpay...
---o0o---
May 8, 2019...
ADMU versus FEU (Do-or-Die)
lagot..
masaya ang Ateneo na pinalaglag ng UST ang team na hindi nila magawang talunin...
Set 1, 25-20, sina Cayuna at Carandang ang nag-start para sa FEU, kaso ang dami nilang naging service error, nakaagwat ang Ateneo makalagpas ng 12th point nila, nakuha ng Ateneo ang set dahil sa kanilang 4 blocks plus some big 11 opponent errors..
Set 2, 21-25, si Domingo na ang Middle Blocker ng FEU, 2 beses silang nakaagwat sa Ateneo, nakuha ng FEU ang set dahil sa 9 errors ng Ateneo..
Set 3, 25-23, dikitan ang laban, pero mas nanaig ang Ateneo dahil sa kanilang 3 blocks plus 11 opponent errors ulit..
Set 4, 25-14, maaga nang nakalayo ang Ateneo, Tolentino-mode na ang opensa nila, nagkaroon pa ng bench time para sa kanila...
3-1, panalo ang Ateneo..
pasok na ulit sila sa Finals..
at nakabawi din sila sa ginawa sa kanila nina Pons last year...
Player of the Game si Tolentino with 19 points from 17 attacks and 2 kill blocks..
Madayag and Gaston with 12 points each..
para naman sa FEU..
Malabanan scored 18 points na may 16 attacks..
Guino-o with 12 pure attack points, plus 14 digs, pero medyo off yung laro niya ngayon in terms of services and attack percentage..
Villareal with 11 points..
kaso nagtapon ng 36 errors ang FEU within 4 sets...
great accomplishment para sa FEU..
considering na nawala pa sa kanila si Ebon..
again, sila ang kauna-unahang team for this season na nakatalo sa lahat ng kalaban nilang teams..
also one of the keys kaya napabagsak ng UST ang La Salle...
nakakalungkot lang isipin na isang team na hindi nagawang talunin ang Champion team ang makikiagaw sa korona..
hanggang ngayon hindi ko pa rin gusto yung mga angas nina BDL, Wong, at Madayag...
is feeling , but still, salamat sa magandang season, FEU.. at talagang ang team na hindi pa natatalo ng UST ang makakaharap nila sa Finals...
-----o0o-----
May 6, 2019...
nape-pressure akong lumikom ng pera para makaalis na ako sa bahay na 'to...
gusto kong bumalik sa dati ang lahat..
yung tahimik at payapa lang madalas ang buhay ko..
yung walang threat...
yung panahon na wala akong demonic biological father sa bahay..
lalo na yung panahon na walang Autism sa bahay...
nakaka-stress kapag ikaw parati yung mali..
kahit na proper guidance lang naman para sa behavior nung bata yung hinihiling mo..
yung araw-araw ipapakita sa'yo ng mga tao na dapat luho ang manaig, di bale nang may mga mawasak at masayang... :(
is feeling , tapos aasa sila na magiging malapit sa pagiging medyo normal yung bata...?
>
hindi pa rin ako nakabalik sa trabaho dahil nag-ayos na muna ng listahan ng mga iboboto...
para sa National level..
- kumpleto yung 12
- halo-halo
- walang magnanakaw (at least in terms of actual evidence)
- 3 lang ang isinali ko mula sa alyansa; isang negosyante, yung anak na walang bahid hoping na mapapalaglag nun yung may bahid, at isang supporter ng batas na hindi nagagamit nang tama pero marami pang nagawang batas
para sa Party List..
iniisip ko kung ibibigay ko ba sa iba yung 1 boto, considering na kilala naman ang Bayan Muna (dahil totoo ang maraming miyembro nila)..
pero nagdadalawang isip ako na isakripisyo ang Bayan Muna..
lalo na ngayon na nangangalap pa ng additional seats yung mga masasama...
para sa Local level..
kinopya ko na lang lahat ng nasa grupo na kontra sa kasalukuyang Mayor..
- hindi na ako naghahabol ng marami pang gusali para sa city, kung tutuusin eh mas gusto ko yung dati na presko pa ang panahon..
- for now, basta yung mga tao na hindi nag-aagawan sa pondo para sa garbage disposal..
- at yung hindi ibebenta ang Water District para naman hindi lumobo ang singil sa tubig...
is feeling , handa na...
---o0o---
May 7, 2019...
[TV Series]
Sino ang May Sala?: Mea Culpa
okay yung plot na namatay yung Ketchup na involved dun sa pinagtakpang aksidente at technical kidnapping..
tapos parang magiging kakampi naman ni Jodi yung kakambal nun na gagampanan rin ni Ketchup...
naalala ko tuloy noong naging doctor nina Jodi si Ketchup sa Be Careful with My Heart...
is feeling , masyado nga lang gabi na para masuportahan ko pa si Jodi...
---o0o---
May 9, 2019...
2 bilang ng suporta ang kontrolado ko..
baka nga 3 pa eh...
para sa Party List..
ako na ang bahala sa Bayan Muna..
ipapaubaya ko na lang sa iba yung ACT-Teachers..
kahit na malaki yung pisikal na grupo nila..
mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon, lalo't marami na ang nagpapalpakan na machines...
papalitan ko naman na yung 1 supporter ng bumubulusok na gatasan..
wala akong pakialam kung gatasan nang sobra-sobra ang mga bisyo; sigarilyo at alak..
okay nga lang sa akin na gawin na Php 100 ang kada stick ng sigarilyo eh..
kaso nabasa ko na ipinagtanggol pala nung taong yun ang panggagatas sa petrolyo sa kabila ng kahirapan..
mga promotor ng problema..
kaya ibibigay ko na lang sa babae na environment at women's advocate yung 1 suporta ko na iyon...
is feeling , buti nabasa ko yung article na yun...
No comments:
Post a Comment