Loveless Story
May 12, 2019...
finally managed to talk to Miss D...
unfortunately, hindi na niya maalala yung pangalan ni Miss C..
so mukhang nalaman nga niya iyon noon..
pero nag-match naman yung alam niya na province ni Miss C, dun sa information na ibinigay nung babae na sinubukang magbenta sa akin ng data...
nakakatuwa lang na ambait pa rin niyang makitungo sa akin..
i mean, hindi niya ako kilala noong nag-message ako sa kanya..
pero she was still nice..
hindi paranoid..
hindi basta-basta nanghuhusga na kesyo paninira kaagad ng katauhan o pamilya yung motibo nung pakikipag-communicate...
is feeling , so tama lang yung province na ini-explore ko...
---o0o---
May 14, 2019...
[Strange Dream 18+]
short dream lang..
nagising daw ako, sa higaan ko..
parang bumungad sa akin yung website nila..
may nadiskubre daw akong bagong link..
at doon ko nakita ang isang bagong picture niya...
parang nagsa-sunbathing daw siya sa isang beach chair..
with her former sexy figure..
short, highlighted pa rin yung hair niya..
tapos parang naka-topless yata..
napalaki ko pa daw yung image na parang nasa malapit lang talaga siya...
is feeling , 1 suggestion lang ang kailangan ko.. o 2 or more...
---o0o---
May 18, 2019...
birthday ni YAM noong isang araw..
nakaka-miss na talaga ang isang 'yon... :(
si Miss H naman..
ayun at naka-graduate na sa college..
nakakatuwa lang makakilala ng mga babae na ginagamit yung ipon nila sa tama...
is feeling , kailan ba ulit...??
-----o0o-----
[V-League]
UAAP Season 81 Women's Volleyball - Finals
May 12, 2019...
na-declare na yung mga awards, pero sa huling update ko na lang isusulat, kasama ang Finals MVP...
UST versus ADMU (Game 1)
Set 1, 25-17, maagang nakalamang ang UST, nanaig sila dahil sa kanilang 13 attacks and 4 service aces..
Set 2, 25-16, nagkaroon ng oras sina Maraguinot at Gandler para sa Ateneo, maaga ulit lumamang ang UST, nanaig ulit sila dahil sa kanilang 17 attacks and 3 service aces..
Set 3, 25-20, nagkaroon na rin ng oras yung Raagas ng Ateneo, medyo nakaagwat ang UST makalagpas ng kanilang 11th point...
3-0, panalo ang UST..
nanalo na sila sa wakas laban sa Ateneo makaraan ang maraming UAAP season..
1-2 na ang record nila for Season 81...
Player of the Game si Rondina with 23 points from 20 attacks, 2 kill blocks, and 1 service ace..
may plus 12 digs pa siya within 3 sets..
Laure with 11 points..
bukod dun, nakagawa ang UST ng 10 service aces laban sa Ateneo..
para naman sa Ateneo..
si Tolentino lang ang umabot sa double figures with 12 points from 10 attacks and 2 kill blocks...
attack variation ng UST ang nakalito sa Ateneo..
nakatulong na activated ang opensa ng iba pang attackers nila...
is feeling , konti na lang.. makagagawa na ng sarili nilang bagong history ang UST...
---o0o---
May 15, 2019...
Wounded Tiger
mas maganda ang awarding ngayon..
nga pala, nagawa na rin ng UST na matalo ang lahat ng kalaban nilang teams for this season...
UST versus ADMU (Game 2)
Set 1, 24-26, si Rivera na ulit ang starting Libero ng UST, kinailangang tape-an ang ankle ni Laure, ipinasok pa si Pacres, pero naagaw ng Ateneo ang set dahil sa huge 13 errors ng UST..
Set 2, 25-14, si Ravena na ang nag-Libero para sa Ateneo, nagkaroon ng early lead ang UST, pinapalitan na ni Roldan si Laure kapag nasa back row ito, nagkaroon din ng time si Maraguinot, pero nanaig ang UST dahil sa kanilang 10 attacks, 3 blocks, 3 service aces, plus 9 opponent errors..
Set 3, 21-25, natuluyan na ngang ma-injure si Laure sa umpisa pa lang ng set, pumalit sa kanya si Pacres, dikitan ang laban, ibinalik pa si Laure sa bandang dulo, pero lumamang ang Ateneo sa kanilang 13 attacks and 4 service aces..
Set 4, 15-25, nakakuha ng early lead ang Ateneo, gumamit na ng 2-men substitution ang UST, hanggang sa pinalabas na ni Coach Kung Fu si Laure sa laro...
3-1, nakabawi pa ang Ateneo..
naging 1-3 pa nga ang record nila at ng UST..
magkakaroon pa tuloy ng Game 3...
Player of the Game si Ravena with 12 excellent receptions and 22 digs, plus 1 point..
Madayag with 17 points from 10 attacks, 4 kill blocks, and 3 service aces..
BDL with 13 points na may 10 attacks..
Tolentino with 11 points..
para naman sa UST..
Rondina scored 22 points from 18 attacks, 3 kill blocks, and 1 service ace..
may plus 16 digs and 8 excellent receptions din siya..
Laure still reached double figures, pero nalimitahan na lang sa 10 points..
Jimenez with 9 points na may 5 service aces..
kaso nagpakawala ng 30 errors ang UST within 4 sets, bukod sa nabawasan na nga ang opensa nila...
maganda ang naging simula nung match..
ganado ang UST, at sariling errors pa nga nila ang naging kalaban nila sa opening set..
hanggang Set 3 ay lumalaban sila kahit na nawala pa si Laure..
pero mukhang mas nakagulo na pinayagan nilang bumalik sa laro ang hindi na 100% na Super Rookie...
ang 5th major injury para sa Season 81..
at isa na namang Rookie ang nabiktima..
to think na may nararamdaman na si Laure sa ankle niya bago pa siya mas na-injure dahil kay Tolentino..
bad decision para kay Coach Kung Fu..
dapat hindi na niya pinalaro yung bata at pinagpahinga na lang in case na magka-Game 3..
pero sinagad pa nila yung sitwasyon..
sobrang naiyak yung bata noong ma-realize niya na wala na siyang magagawa for this match...
is feeling , tragic game.. at sa Finals pa talaga nangyari.. ang mahalagang tanong ay kung kakayanin ba ni Laure na makabalik sa Championship Match...?
-----o0o-----
May 13, 2019...
tapos nang bumoto kanina..
inabot ng more than 1:30 hour sa precinct...
ginawa palang marker yung ballpoint pen..
ang sakit tuloy sa kamay, makapag-shade lang nang maayos...
medyo mabagal ngayong tumanggap ng balota yung machine, compared to previous years..
nag-check ako ng resibo ko, at mukhang okay naman...
---o0o---
May 14, 2019...
panibagong problema..
sinamaan ng pakilasa ang biological mother ko dahil sa isyung politikal sa isla nila..
kaya naman dadalhin siya sa ospital pagkabalik niya...
yung pamilyang pinagsisilbihan niya eh itutuloy lang ang bakasyon nila...
ako naman..?
kailangan ko nang makatapos sa project #11 ko..
ang dami ng kulang sa mga pangbenta ko..
siyempre kailangan ko ring tauhan ang nano-store ko..
at may UAAP game pa bukas...
---o0o---
May 16, 2019...
[Lottery]
3 game yung napanalunan a few days bago yung araw ng pilian...
is feeling , luck..? return of investment ba..? o additional investment pa...??
>
nailigtas na namin ang [Name of City]..
at least for now..
at least kung pagbabasehan ang mga pangako...
8 lang ang nakapasok sa mga Konsehal ng nanalong panig..
marami sa mga mamamayan ang piniling sumuporta sa mga kabataan at kababaihan..
so sana nga na manaig ang mga konsensya nila..
also, siguradong susuportahan pa rin ang lungsod ng mga artista sa mga susunod na taon, LOL...
hindi masasabi na hindi na magkakaproblema pang muli sa landfill (space problem)..
pero sana nga eh kahit yung pagnanakaw man lang ng budget para sa pagha-handle ng mga basura eh mawala na..
sana rin ay totoong ligtas ang Water District sa kamay ng bagong pamunuan..
sana ay ibalik na lang sa tamang schedule ang pagbubuwis, at hindi iyong advance ang pagbabayad ng malalaking kompanya..
para naman sa mga mamahaling infrastructure na halos hindi naman talaga mapakinabangan, eh sana ay magawan pa ng paraan para mabawi yung investment...
we'll see...
is feeling , abangan na lang yung mangyayaring hiwalayan.. mahirap din yung 3 years na walang mapagnanakawan...
---o0o---
May 17, 2019...
untikan ko na palang mapatay ang biological mother ko...
may nararamdan na siya sa puso bago pa siya bumiyahe para sa pulitika sa isla nila..
tapos sumabog nga ako noong sumbatan ako ng magaling kong demonic biological father..
eh maramdamin pa naman yung ina na iyon..
hindi sobrang religious, pero naniniwala sa commandments..
okay lang para sa kanya na magtalo ang mag-asawa..
pero hindi niya kayang tanggapin na lumalaban ang anak sa mapang-abuso nitong magulang..
basta para sa kanya, eh kimkimin na lang ang lahat ng galit...
kaso hindi ko na kaya yung ganun..
lalo na ngayon na nanginginig na yung laman ko sa tuwing ako ang sinisisi sa pagiging pabigat ng ibang tao...
kaya ayun..
nadagdagan pa nang nadagdagan ng stress yung matandang babae..
at untikan na pala siyang ma-stroke..
posible daw na umabot pa sa punto na paralyzed ang kalahati ng katawan...
kaya nga gusto ko nang makaalis sa bahay na 'to..
bawal sa amin ang magalit..
bawal ang ipaglaban ang tama..
siyempre, bawal ang pumatay..
kaya mas makabubuti kung yung mga source ng poot ko ang mawawala sa buhay ko...
is feeling , kaso.. nakakain na nga ng iba yung oras ko.. tapos nasa below 5 digits na ulit ako per month...
>
done building all the scenes para sa project #11..
pwede na ulit mag-autopilot simula bukas...
after that, magbubuo na ulit ng panibagong setting..
yung pang-relaxation na script...
is feeling , 33 days na construction...
No comments:
Post a Comment